You are on page 1of 9

Lakandiwa:

Magandang umaga mga Binibini at Ginoo,


Ako poy nagaagalak makaharap kayo.
Isang makabuluhang pagtatalo ating matutunghayan.,
Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa ating bayan.
Noong umupo bilang bagong pinuno,
bilang isang pangulo.
Ang napasikat at napakadilaw na Noynoy Aquino.
Sari-saring batikos binato sa kanya,
Batikos na sadyang minulat ang ating isip at mga mata.
Ang K+12 Policy ating paksa,
Paksang ukol sa edukasyon ng ating bansa.
Ang high school raw ay dagdagan ng dalawang taon,
Ang K naman ay para sa kinder institutionalization.

Ngayon ating dinggin ang babaeng malakas ang dating,


Ang babaeng galing Korea na kinasal sa isang Pilipino,
Ang babaeng nangangalan ay Nesa,
Na tutupad sa repormang edukasyon.
Palakpakan natin siya,
Pakinggan at intindihin si Binibing Vanesa.

Vanesa:

Akoy kinikilala bilang boss ng DepEd,


Pilipinong buong buo sa dugo, pusot isipan.
Ang pangalan ko ay Vanesa Lee Roque,
Narito ako para bigyang tamang pag-unawa ang proyekto ng gobyerno.

Isa munang paglilinaw bago po magkagulo ang lahat,


Sanay makinig kayo.
Ang K+12 project ay platapormang tungo sa pagbabago,
Pagbabago para sa ating bansang nangangailangan.
Upang ang edukasyon ng Pilipinas ay malinang.
The fruit of this change will benefit the next generation,
On behalf of the government, I speak to erase the misconceptions.

Yjuv:

Salamat sa unang pananalita, Binibining Roque.


Ngunit sayoy may kokontra,
Ang lalaking to,
Ay si Yjuv Toquero.
Ginoong galing probinsya, ginoong akibista.

Ako po si Yjuv Toquero,


Sa usapin ng K+12, tutol ako.
Sapagkat ang programang sadyang ay hindi
Ang tanging solusyon twina sa edukasyon
Problema ng ating bansa.
Vanesa:

Ang edukasyon ay para sa lahat,


Itoy aming tutuparin na tapat
Bibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata,
Para sa kinabukasang walang problema
Tulad ng Europe, East Asia, Amerika at iba pa,
Ang total number of years ng primary education ay dapat labindalawa
Oras na ng pagbabago,
Pilipinas nalang ang inaantay ng mundo

Yjuv:

Ako poy lumaki sa probinsya,


Probinsyang dukha.
Nanay ko, tatay ko, magsasaka.
Sapat na kita nila,
Upang kamiy makatuka.
Pagdadagdagan pa ng dalawang taon,
Naku! Tuition fee ko!
Paghihirap nila madagdagan pa.
Isipin mo, ang dalawang taon na iyon,
Pwede nang dalawang tao sa kolehiyo ngayon.
Ang K+12 ay magastos sa parte ng gobyerno,
At lalong mas magastos sa parte ng pamilya ko.

Vanesa:

Ang edukasyon ay isang investment.


Investment sa mga anak nating magiging doctor, abogado, teacher, nars, pati
seargent,
Kung ikaw nasasayangan para sa magiging produkto na ang mga magulang din ang
makikinabangan,
Hwag ka nalang mag-aral!
Ang proyektong toy para sa kabubuti ng bansa.
Batay sa pag-aaral, lagpak ang Pinas sa Math at Science
Dahil kulang sa pagsasanay at aplikasyon mga guro
Kailangan i-angat ang Pilipinas! Oo, i-angat natin to!

Yjuv:

Mga kaibigan, hwag kayong magpabulag sa kaibigan kong duwag!


Akoy paniwalaan, na K+12 ay hindi lamang ang solusyon sa edukasyon ng ating
bayan.
Gobyernoy sanay mas paigtingin,
Ang problema sa kaledad ng mga guro natin.
Isipin mo to Madame Koreana,
Sige mag-aral ka nga mahabang panahon.
Ngunit guro mo ay hindi trained at incompetitive,
Hahaang K+12 ay di napapanahon!

Vanesa:
Ano ba silbi ng high school diploma?
Bumabata ang ating workforce, nakakahiya naman.
Ang bansa ay nangangailangan ng skilled workers! Hindi mga batang nagtratrabaho.
They belong to the classrooms studying and exploring the world,
At hindi sinasayang ang talino.
Maawa naman po tayo sakanila.
Ganap na propesyonal, silay hindi pa.

Yjuv:

Papabulaanan ko yang mga binaggit mo.


Akoy babalik sa konsepto ng kalidad ng edukasyon rito.
Di mo ba alam na tataas ang drop out rates kapag tinupad ang K+12?
Tignan mo, gumawa pa ng mas malaking problema ang policy!
Isa pa, alam mo bang kulang ang mga silid, upuan, at eskwelahan?
Ang K+12 mo rin ba ay kayang resolbahin ang problema sa kakulangan ng libro
O K+12 lang ba ang talaga ay kabaliwan ng gobyerno?
At alam mo binibini, hwag mo na ipagpilitan,
K+12, walang silbi yan.
Isipin mo, ano nga ba ang problema,
Kung bakit sistema ng edukasyon natin sabog sabog na,
Korupsyon ang dahilan, wala ng iba!
Korupsyon dahil sa kasakiman,
At katakawan sa kapangyarihan!

Vanesa:

Bakit kayay lumalayo ang aking kausap sa pinag-uusapan?


Edukasyon ang pinag-uusapan natin dito
Hindi ang korupsyon na pinagsasabi mo
Ang dami mong alam
Maghugas ka na lang ng pinggan!
Heto na lang, ipapakita ko sayo kung bakit natin kailangan itupad ang K+12.
Di na tumatanggap ng mga Pilipino ang European nation,
Dahil sa kababahan ng sistema ng ating edukasyon.
Nahihirapan ang mga nanay at tatay kumayod sa ibang bansa.
Ang mga Pinoy na matatalino,
Nagpapakababat minsay binobobo.
Ang mga doktor dito ay nagiging nars lamang,
Maging midwife kulang nalang
Ang mga guro ay nawawalan ng dignidad
At buhay nilay may pait,
Sapagkat silay nagpupunas lamang ng mga pwet ng mga batang singkit!
Ang mundo ay nagbabago na,
Globalisasyon nasa harap na ng lahat,
Makibagay, makiuso, sumunod iyon ang dapat

Mahirap ang daan tungo sa pagbabago


Ngunit magiging maganda din ang bunga nito.
Hwag nating isara ang ating kaisipan at tayoy magpakatino,
Gumawa tayo ng paraan upang making din sa sinasabi ng gobyerno.
Ang edukasyon ay dapat para sa lahat.
Baguhin ang sistema, maging internationally competitive,
Ito ang dapat.

Yjuv:

Mga kaibigan ko inyong natunghayan,


Ang debate namin ni binibining Koreana.
Ang sakin lang po,
Huwag magpapabulag sa mga programang di naman totoong kailangan.
K+12 andaming loopholes, andaming problema.
Sa K+12 uunlad ba talaga edukasyon sa ating bansa?
Pag-isipan natin ng mabuti, kabayan.

Lakandiwa:

Mga kaibigan, K+12 nga ba ay solusyon


Sa problema ng edukasyon?
Mga kaibigan, ating isasara ang balagtasan na makabuluhan,
Ang balagtasang kailangan.

BALAGTASAN: K TO 12; LANGIT O PASAKIT?


Ni: Sir Angel A. Yasis, jr.

LAKANDIWA:
Mapayapang pagbati po/ ang nais kong ipaabot,
Sa lahat ng nariritong /nakikinig, nanunuod,
Lalong higit sa ming gurong/ parang hindi napapagod,
Sa pagtupad sa tungkulin/ at dibosyong nag-uutos.

Sa ilaw po ng tahanan,/ mga inang maalaga,


Sa haliging anong tibay, /mga amang mapagpala,
Pag ang ilaw ay nawala /ang haligi ay uuga!
Edukasyon ang tutugon /sa tahanat buong bansa.

Pasensya na kayong lahat/ kung kami may makialam


Sa usaping apektado/ ang maraming mamamayan.
Edukasyon ang syang susi/ sa marangyang kabuhayan.
Kamangmangan ang salarin/ sa dagok ng kahirapan!

Ito po ay balagtasang/ merong tugmat merong sukat;


Na sabayang pagbigkas pang/ kami lang ang nakatuklas,
Patula na pagtatalong/ masining at mabulaklak
Katutubong kayamanan,/ tradisyon ng Pilipinas!
Sir Balane kayo na po/ ang bahalang magpatawad,
Kung sakaling magkukulang/ ang katwirang ilalahad.
Sa naritong taong madlay/ ganon din ang pakiusap
Palinawin ang malabo/, yon ang aming tanging hangad.

Ang K to 12 Kurikulum/ dapat ba raw tangkilikin,


Dahil ito ang syang tugon /sa maraming suliranin?
O dapat bang ibasura/ ang K to 12 ay ilibing,
At baka raw lalong itoy/ pasakit ang dulot sa tin?

Ang dalawang maglalaban/ ay atin nang bigyang-pansin,


Na sana ay makatulong/ sa problemang lulutasin.
Una muna ang PASAKIT/ kanina pa nanggigigil,
Tutol silang ang K to 12/ Kurikulum ay gamitin!
1

PASAKIT (1 Tindig):
Kami po ay makatang /sa tulaay sadyang hinog,
Sa labanan/ ang katulad /ay kidlat at saka kulog,
Sa pagtula nalilibang,/ sa pagtula nabubusog.
Kayat handang ipagtanggol/ panig namin kahit tulog!

Matuwid daw/ na landasin/ ang nais na/ taluntunin


Ng magaling/ na pangulong /nagnanais /na pawiin.
Kauhawan sa edukasyong/ minimithi/ lahat natin
Ang K to 12/ mas malamang /PASAKIT ang dulot sa tin?

Kami pong mga magulang/ hanggang ngayoy/ litung-lito.


Di malaman ang gagawin /sa maraming/ pagbabago.
Ayaw man naming tanggapin/ K to 12 na inihahain,
Parang walang magagawa/ kahit anong aming gawin.

Ang panig po/ ng PASAKIT/ hanggang ngayoy/ naghihirap,


Kumakayod/ araw-gabi/ at pagod ay dumaragdag.
Parang walang/ pakialam/ ang gobyerno /sa mahirap,
Habang kamiy/ nagugutom/ sila namay/ nabubundat!

LAKANDIWA:
Atin ngayong mapapansin /sa kanilang unang tindig
Buo nilang kalooban/ ay talagang nag-iinit,
Ngunit bago magpatuloy/ sa kanilang pagsusungit,
Akin munang tatawagin /manananggol ng K to 12!

Manananggol ng K to 12/tindig kayot bumandila.


At ang inyong katuwiran,/dito ninyo ipakita!
Gamitin nyong panghambalos/ at pansalag ay ang dila
Sa pagtulang maindayog/maalindog at mabisa!

LANGIT (1 Tindig):
Kami pong nariritoy /mga gurong /matulain.
Nagtutula/ raw si tatay/ noong kami/ ay gawain,
Habang yaong/ aming inay/ sumasagot/ ng awitin,
Kayat kami /nang umuha,/ may indayog /at may lambing.
2

Hindi kami/ nagtataka/ kungbakit ba umaayaw


Sa K to 12/ itong aming/ katunggaling/ matungayaw.
Likas naman/ sa ugali /ng tao ang /umaangal
Sa twing mayrong /pagbabagong /minimithi /ang sinoman.

Kayat kamiy /napilitan /na dito ay pumagitna,


Upang aming /bigyang-linaw/ ang malabo /sa akala.
Kulang lang sa/ impormasyon/ang katalong/ ngumangawa,
Kayat silay/ nag-iini/t ignorante /palibhasa.

Kayat ngayoy/ humanda kayo/ katagisang/ mapagbintang


Yamang kayoy/ kasangkapang /sa pag-unlad/ humaharang.
Ang akin lang /pakiusap /buong pusong /kahilingan
Palawakin/ nyo rin san/a ang puso nyo/ at isipan!

PASAKIT (Ika-2 Tindig)


Paano nga ba tutugon/ ang K to 12/ kurikulum?
Ito ba ay pampataas /sa antas ng /edukasyon?
Mapabubuti ba nito /mga batang/ kunsumisyon?
At sa mga/ hanapbuhay/ ay ito ba /ang solusyon?

Ito ngayon/ ang hamon ko/ dito sa king/ katunggali


Patunayan /ninyo ngayong/ mabuti ang/ inyong mithi!
Baka naman/ pandagdag lang/ sa gusto nyong/ maiuwi,
Sa pondo na/ nakalaan, /pipingas at /babahagi!

Kayat kamiy /naririto/ umiiyak, /nanggigigil.


Saan pa kaya/ susungkitin/ ang salaping /gugugulin,
Na sukat na/ gagastusin/ sa pagdagdag/ ng year level?
Yaong aming/ pagtitiis /san pa kaya /huhugutin?

LANGIT (Ika-2 Tindig):


Kundi nyo pa /nalalaman /makinig kayot imumulat.
Kurikulum /na K to 12/ sa ting bansay /pampaangat.
Itoy hakbang /ng gobyerno/, para sa ting /apot anak,
Upang silay/ magkaroon/ ng bukas na/ maliwanag.
3

Sa K to 12 /tutuklasin/ kung ano ang/ nararapat


Kakayahang/ lilinangin/ sa anak mong /nangangarap.
Doon sila/ sasanayin/ upang yaong/ abilidad,
Sa trabahong/ papasukay/ maging sanay,/ maging ganap.

Ito rin ay/ nakatutok /sa ting mga /mag-aaral,


Upang yaong/ paghihirap /ay magkarong /kabuluhan.
Yaong dagdag /na panahon/ ay dagdag ring kakayahan
Karagdagang/ kaalamat/ sa kita ay/ karagdagan.

PASAKIT (Ika-3 Tindig):


Nakaluhod /na nga kamiy /nais nyo pang/ pataubin,
Sa dagdag na/ paghihirap /dagdag libag/ ang kakamtin!
Hindi kaya/ mauwi lang/ sa pagiging/ kulangutin
Noong aming /mga anak/ ang panahong /gugugulin?

Paano pa /magagawang/ mga anak /patapusin?


Gayong akoy/ pasmado nat /malapit nang/ mag-ulyanin
Akoy simpleng/ mamamayan/ at simple rin/ ang hangarin;
Mapatapos /ang anak ko/ bago ako/ mapalibing!

Kayat akoy /nagtataka/ sa K to 12 /ninyong alay;


Pinahaba/ ang panahon/ kagastusay /nadagdagan
Samantalang/ bakit noon /ang panahoy/ maikli lang?
Mga batay /matalinot/ masunurin/ sa magulang!

LANGIT(Ika-3 Tindig):
K to 12 ang/ kasagutan /upang ikay /makatipid,
Sa gastusit/ sa panahon,/ makinig kat/ isusulit.
Senyor hayskul gradweyt pa lang /ay meron nang sertifikeyt,
At meron nang / kasanayang/ sa trabahoy /magagamit.

Kung ikaw ay amat ina /na wala ngang/ pampaaral


Senyor Hayskul na anak moy/ pwede ka nang/ matulungan.
Hindi ka na /gagastos pa/ kung talagang /kinukulang
Lalo pa at/ ang yong anak, /kakayahay/ bokasyonal.

At di mo ba/ nalalamang/ isa itong/ bansa natin


Na may basic/ education /na maikli /at putlain?
Kayat ngayoy /panahon na/ sa tulungang /pagtatanim,
Upang yaong/ mga anak,/ natin bukas,/ may anihin!

PASAKIT (Ika-4 Na Tindig):


Aani ng /mga bungang/ hindi hinog/ sa panahon,
Dahil parang/ kinalburo,/ hindi handay/ isinulong!

LANGIT (Ika-4 Na Tindig):


Isinulong/ dahil ito/ ang syang tiyak/ na tutulong,
Natatanging /programa at/ natatanging/ kurikulum!

PASAKIT (Ika-5 Tindig):


Kurikulum/ Ano ba yon? /Makakain/ pag nagutom!?

LANGIT (Ika-5 Tindig):


Magugutom /ka talaga/ pag hindi ka /sumang-ayon!

PASAKIT (Ika-6 Na Tindig):


Sasang-ayon /lamang kami,/ pag nawala/ ang korupsyon!

LANGIT (Ika-6 Na Tindig):


Ang korupsyoy/ mawawala/ sa mabuting /edukasyon!

LAKANDIWA (Ang Hatol):


Sandali lang! Hintay muna!/ Baka kayoy magsakitan!
Baka kayo ay mahighblood/bumaba ang inyong sugar.
Ang hangarin natin ditoy /ang malaboy mapalinaw
Mawawalang silbi ito/ kung laging magsisigawan.

Sa pagkakataong ito/ ay akin nang puputulin,


Itong ating balagtasan/ kahit tayoy medyo bitin.
Bilang ditoy lakandiwa /ay ako na ang pipigil,
Bago pa may magkawalk-out/bago pa may himatayin.

Hindi natin masisisi /kung mag-alab ang damdamin


Nitong panig ng PASAKIT/ na ngayon ay nanggigigil.
Kung ang hangad nila ngayoy/ pandugtong lang sa pagkain
Hangad naman nitong LANGIT/ ay buhay ng bansa natin.

Sino ang di magagalit, /sino ang di mayayamot?


Pag hindi mo malalaman/ang totoong niloloob.
Ng K to 12 Kurikulum/mamamatay ka sa himutok!
Lalot ang yong hanapbuhay/paglalako ng tinumok!
Hindi natin makakamtan / pangarap na kaunlaran,
Kung ang ating iisipiy/ pansariling kapakanan.
Ang mabigat na desisyon/ pag di natin sinimulan
Kundi tulog sa pansitan, /pupulutiy sa kangkongan!

Ang anumang layo t agwat / kaylan may di mararating,


Kung titingnat uupo lang/ at di natin lalakarin.
Kundi ngayon sisimulan / ang malawak na lakbayin,
Sa lugar mong nadapaay/ doon ka na ililibing!

At sa tinipak-tipak nga/ ng yong mumunting palakol,


Ay sukat nang makatibag/ ng malaking punongkahoy!
Kapag ikaw ay nasanay / sa maghapong kasisipol
Kakabagin ang tiyan mot/ utot lang ang maiipon!

At ang isang batong buhay/ na malakit sakdal-tigas


Sa tikatik na pag-ulan /ay sadya ring naaagnas.
Yaong tubong padaluyan/pag baradot walang butas
Ang tubig at saka katas/ di lalabas, di tatagas!

Kayat yaong aking hatol / patuloy na pagbabago


Dahil ito ang totoo,/at sigaw ng buong mundo
Magtulungan tayong lahat / mga kapwa Pilipino
Kailan pa ? Kundi ngayon! At sino pa? Kundi tayo!

TANGKILIKIN ANG K t0 12, PARA SATING MGA APO!

You might also like