You are on page 1of 1

Wika sa Kasalukuyang Panahon

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap.Iniingantan din nito ang ating
kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod
pang mga henerasyon ay natututo o maaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayoy maiiwasan ang muling pagkakamali. Masasabi
kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal at kultural. (Ang Akademikong
Filipino sa Komunikasyon nina Angelina L. Santos, Nerisa L. Hufana, Emma B. Magracia, Reynaldo B. Tiosen)

Corazon Aquino bilang unang babaeng Pangulo ng Pilipinas


- 1987 konstitusyon. Naganap sa Pilipinas ang isang pagbabagong historikal na result ng rebolusyong EDSA noong
Pebrero 1986. Napatalsik si Ferdinand E. Marcos bilang presidente ng Pilipinas at pumalit si Corazon C. Aquino.
Pinawalangbisa niya ang 1973 konstitusyon. (Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon nina Angelina L. Santos,
Nerisa L. Hufana, Emma B. Magracia, Reynaldo B. Tiosen)
Saligang Batas 1987
- Isang plebisito ang ginanap noong Pebrero 2, 1987 upang pagtibayin ang nasabing saligang batas. Mula sa 25 milyong
rehistradong botante, 87% nito ang bumoto. Nanalo ang botong oo ng 76.37% (17,059,495) kumpara sa hindi na
22.65% (5,058,714) at 202,630 na abstentions.Noong Pebrero 11, 1987 pormal na idineklara ni Pang. Aquino ang
pagpapatibay sa Saligang Batas ng 1987. Ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng pamahalaang rebolusyonaryo at ang
panunumbalik ng demokrasya sa bansa.Mga Natatanging Probisyon. Pinakamahaba ang Saligang Batas ng 1987 sa lahat
ng naging konstitusyon ng Pilipinas. Ang dahilan nito ay ang pagsama ng mga probisyong tulad ng impeachment at
presidential succession, pagkakaroon ng party-list representatives, pagbabawal sa di-makataong pagparusa sa mga
bilanggo, tungkol sa pagdedeklara ng batas militar, pagsususpinde ng karapatang habeas corpus, at ang pagtatatag ng
Komisyong Pantao at ARMM. (https://scribblingblues.wordpress.com/2011/02/01/ang-saligang-batas-ng-1987/)
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon Aquino
- Nilagdaan ng Pangulong Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP
at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.
(https://prezi.com/wrvtbo14cenu/ang-mga-batas-pangwika-1987-2009/)
Ang SWP (Surian ng Wikang Pambansa) ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag
naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas.
- Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng
Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang
katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
(http://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan)
1987 Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-
uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakaran ng edukasyong bilinggwal. (https://www.slideshare.net/RainierAmparado/ang-pambansang-wika-sa-
kasalukuyang-panahon)
Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.
- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon. (http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm)
Wikang Opisyal - Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
- Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. (https://www.slideshare.net/RainierAmparado/ang-pambansang-wika-sa-kasalukuyang-panahon)
Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7).
- Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
(http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm)
Wikang Panturo - Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa pangkalahatan ay FILIPINO
at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
- Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan:
A)Bilang hiwalay na asignatura
B) Bilang wikang panturo
- Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo- kultural
- Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa
mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo.
(https://www.slideshare.net/RainierAmparado/ang-pambansang-wika-sa-kasalukuyang-panahon)

You might also like