You are on page 1of 4

Ever heard of haynayan (biology), karumalan (menstrual period), or panghibayo (amplifier)?

If you
havent heard of these words, then welcome to the club! Indeed, we can be strangers even to our own
language.

Filipino word: Pook-sapot

English translation: Website

Filipino word: Sulatroniko

English translation: E-mail

Filipino word: Yakis

English translation: To sharpen

Filipino word: Pang-ulong hatinig

English translation: Headset

Filipino word: Panginain

English translation: Browser

Filipino word: Pantablay

English translation: Charger

Filipino word: Miktinig

English translation: Microphone

Filipino word: Kawingan

English translation: Hyperlink

Filipino word: Initsigan

English translation: Thermodynamics

Filipino word: Duyog

English translation: Eclipse

Filipino word: Dagibalniing liboy


English translation: Electromagnetic wave

Filipino word: Bilnuran

English translation: Arithmetic

Filipino word: Asoge

English translation: Mercury

Filipino word: Anluwage

English translation: Carpenter

concept dalumat
imagination haraya

salipawpaw airplane

Buwan ng Wika
Posted on August 20, 2012

Ang buwan ng Agosto ay ang tinaguriang Buwan ng Wika ng Pilipinas. Naaalala nyo pa ba
kung bakit? At saka, naaalala nyo pa bang hindi Buwan ng Wika ang ating ipinagdiriwang
kundi Linggo ng Wika lamang? Kung hindi na, sabay-sabay nating balikan ang kasaysayan ng isa
sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa buong bansa dito sa blog post kong ito.

Ayon sa Wikipilipinas, ilan sa mahahalagang pangyayari sa pagsisimula ng selebrasyon natin ng


Buwan ng Wika ay ang mga sumusunod:

Marso 26, 1946 Ipinalabas ni Pangulong Sergio Osmena ang Proklamasyon Blg. 35 na
nagtatalaga ng petsa Marso 27 hanggang Abril 2 bilang Linggo ng Wika.

Setyembre 23, 1955- Iniutos ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kanyang Proklamasyon Blg.
186 na ilipat ang selebrasyon ng Linggo ng Wika papuntang Agosto 13- 19. Bilang paggunita
umano ito sa kaarawan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.

Agosto 12, 1988- Inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 upang
pagtibayin ang pagdideklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19
kada taon.
Enero 15, 1997- Ipinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng Proklamasyon
Blg. 1041 na tataguriang buwan ng wika ang buong buwan ng Agosto bilang pagpapalawig pa ng
selebrasyong Linggo ng Wika.

Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?

Upang sagutin yan, mahalagang malaman ang kahalagahan ng wika. Ang wika, o language sa
Ingles, ay isang sistematikong pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga
tunog, senyas o simbolo sa kapwa taong gumagamit at nakaiintindi rin ng pamamaraang ito.
Ayon naman sa blog ni Romano Redublo na isang guro, ang wika raw ay kalipunan ng mga
simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat. Ang wika rin ay likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng
tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga
tao.

Sa madaling salita, mahalagang ipagdiwang ang wika sapagkat isa ito sa mga pinakimportanteng
bahagi ng ating pagka-Pilipino at pagkatao. Sa totoo lang, di tayo magkakaintindihan kung wala
tayong wika o kahit anong uri ng lengwaheng ginagamit.

Para sa akin, pinakamasaya sa buwan ng Agosto ang pagdiriwang sa mga eskwelahan at


pamantasan ng Buwan ng Wika. Sa aking pagkakaalala, kadalasang ikatlo o ikaapat na linggo ng
buwang ito isinasagawa ang mga aktibidad na may kaugnayan sa pagsasanay at pagtataguyod ng
ating pambansang wika. Malamang ay naaalala nyo pa ang mga sumusunod:
Sabayang pagbigkas

Balagtasan

Isahang awit

Dalawahang awit

Paggawa ng poster

Paggawa ng slogan

Paggawa ng tula

Paggawa ng sanaysay

Pagbigkas ng tula, at marami pang iba

Sumali ako kasama ng ilang kaibigan/ kaklase sa balagtasan pero di pinalad na manalo. Buti na
lang mabait ang Panginoon dahil nakasungkit naman ako noon ng medalya sa paggawa ng tula.
Hehe. Gayunpaman, ang mahalaga naman sa mga paligsahang ito ay di lamang pagtatagisan ng
galing kundi pagpapayabong pa ng wika natin sa ibat-ibang pamamaraan.

Bilang pangwakas, nais kong ibahagi ang sinabi ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal
tungkol sa kahalagahan ng wika.

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.

You might also like