You are on page 1of 5

Anna Mae Fernandez August 29, 2017

Grade 12/Persues

Ang Pag-ibig ng Isinumpang Prinsesa

Sa isang malayong lugar, na kung saan tago sa sibilisasyon ng mga tao ay puno ng mga mahihiwagang
nilalang. Ang lugar na ito ay tinatawag na Fantasia. Ito ay binabalot ng mahika, mahikang nagbubuklod sa
bawat nilalang. Ang mga nilalang na ito ay parang mga tao lang din kung pagmamasdan ngunit may
angking galing, lakas at abilidad na hindi kayang gawin ng ordinaryong tao.

Ang mundong ito ay pinamumunuan ng mga elemental. Sila ay may kakayahang kontrolin ang lahat ng
elementong nasa paligid nito. Sila ang pinakamalakas na uri ng nilalang sa buong Fantasia. Kaya naman
ang angkan nila ang napili para pamunuan ang kanilang mundo.

Si Haring Eros at Reyna Eloiva ang kasalukuyang namumuno sa mundong ito. Sila'y hindi pa binibiyayaan
ng anak kaya naman lubos ang kanilang kagalakan nang magdalang tao si Reyna Eloiva.

Buong Fantasia ay nagbunyi, nagkaroon ng mga handaan at sayawan sa buong Fantasia. Ngunit isang
gabi, si Reyna Eloiva ay nagkaroon ng pangitain na ang kaniyang dinadalang tao ay merong sumpang
hatid sa buong Fantasia. Lubos na nabahala ang reyna sa kanyang nasaksihang pangitain. Nais niyang
isiping paniginip lamang iyon, ngunit hindi pa rin mawala-wala ang kanyang pangamba. Hindi niya sinabi
sa Hari ang tungkol sa pangitaing ito dahil ayaw niyang magngamba ang asawa.

Dumating ang araw na manganganak na ang reyna. Hindi mapakali ang Hari sapagkat ito na ang araw na
kanilang pinakahihintay, ang araw na isisilang na ang susunod na mamumuno sa buong Fantasia.
Lumipas ang ilang sandali at narinig ang iyak ng isang bata. Isang batang babae ang isinilang ng reyna,
ang Prinsesa ng Fantasia, Si Prinsesa Eluna.

Sa kabila ng kagalakan sa pagsilang sa Prinsesa, nalaman ng Hari at Reyna mula sa Orakulo na ang
prinsesa ay nagtataglay ng sumpa. Sumpang maghahatid ng kapahamakan sa Prinsesa. Hindi siya
pwedeng umibig dahil ito ang magdudulot ng kamatayan sa kanya. Sinubukan nilang hanapin ang
pinagmulan ng sumpang ito at doon nila napag-alamn na ang sumpang ito ay matagal na pa lang
nakatadhana para sa Prinsesa. Gumawa sila ng paraan para mapawalang bisa ang sumpang ito, ngunit
nabigo lamang sila. Dahil sa pangamba ng Hari ay napagdesisyunan niyang hindi na kailan man
palalabasin ang Prinsesa sa kaniyang silid at walang lalaki ang maaaring lumapit o makita lamang ito.
Hindi rin nila pinaalam sa mga nasasakupan ang tungkol sa sumpa at minabuti na lamang na manahimik
tungkol rito. Simula noon, hindi na nakita pa ng mga taga-Fantasia ang kanilang Prinsesa.

Lumipas ang maraming taon at lumaking ubod ng ganda ang prinsesa. Kahit sino ay talagang
mapapahanga sa aking ganda nito, mapababae man o lalaki. Sa mga taong nakalipas siya ay hinasa ng
Hari sa pakikipaglaban kahit na nakakulong ito sa kanyang silid, dahil alam ng hari na darating ang
panahong kailanman ay hindi niya hahangaring mangyari. Hindi rin sinekreto sa Prinsesa ang tungkol sa
sumpa. Sa una ay nahirapan siyang tanggapin ang tungkol dito, ngunit kalaunan ay unti-unti na rin niyang
natatanggap sa sarili niya na siya ay isang sinumpang Prinsesa.

Gustong lumabas ng prinsesa sa kanyang silid at maranasan ang iba't ibang bagay na nararanasan ng
ibang kabataang katulad niya. Ngunit hindi pwede, ito ang palaging paalala ng kanyang ama at ina. Dahil
sa sumpa, limitado lamang ang kanyang nagagawa at nararanasan sa buong araw. Palaging nasa silid
niya lamang ito at nagbabasa ng libro. Gusto niyang makisalamuha sa ibang tao, magkaroon ng kaibigan
at higit sa lahat maranasang magmahal. Ngunit alam niyang imposibleng mangyari ito, kaya
nakukuntento na lamang siya sa pagdungaw sa kanyang bintana.

Sa pagdungaw niya sa bintana ay may napansin siyang lalaki. Tumatakbo ito ng napakabilis at tila may
humahabol rito. Hindi nga siya nagkamali sapagkat hinahabol nga ito ng isang mabangis na hayop.
Nabahala siya sa kanyang nasasaksihan at walang pagdadalawang isip na kinuha niya ang kanyang
espada at tumalon sa isang malaking puno malapit sa kanyang bintana para makababa sa lupa. Sinundan
niya ang lalaki at nakitang sasakmalin na sana ito ng mabangis na hayop, kaya mabilis siyang tumakbo
papunta dito at sinaksak sa likod ang mabangis na hayop.

Tinulangan niyang makatayo ang lalaki ngunit na imbis na maitayo ito ay siya pa ang nahila at napahiga
sa ibabaw nito. Saglit na napatitig ito sa mukha ng lalaki at namangha sa aking kagwapuhan nito. Merong
kulay kahel na mga mata, matangos na ilong at mapula-pulang labi. Ngayon lamang siya nakakita ng
lalaki bukod sa kanyang ama. Kaya lubos ang kanyang pagkamangha rito. Kung wala lang siguro siyang
sumpa ay marami pa siguro siyang makikilalang katulad nito.
Nabalik lamang siya sa katinuan ng maalala ang sumpa. Kaya dali-dali siyang napatayo. Tatakbo na sana si
Prinsesa Eluna ngunit nahawakan ng lalaki ang kanyang braso. Hindi siya makatingin dito at tila nahihiya
siya sa nangyari kanina.

"Sandali lamang binibini. Nais ko sanang malaman ang iyong pangalan. " sambit ng lalaki.

Tila nagdadalawang isip pa si Eluna kung sasabihin ba niya ang pangalan niya dito. Ngunit naisip-isip
niyang hindi na rin naman sila magkikita pa.

"Eluna. Eluna ang aking pangalan. " sambit niya at aalisin na sana ang pagkakahawak nito ngunit
hinigpitan pa lalo ng lalaki ang pagkakahawak dito.

"Ako naman si Angelo. Salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin." Sabi ni angelo.

"Walang ano man. Pasensiya na ngunit kailangan ko ng umalis." Sabi ni Eluna na aalis na sana ngunit ito'y
napatigil sa sinambit ng binata.

"Maari ba tayong magkita muli dito bukas? " sabi ni Angelo. Ipinagsawalang bahala na lang ito ni Eluna
at naglakad na palayo sa binata. "Hihintayin kita! " pahabol ng binata.

Kinabukasan, hindi nakatiis si Eluna at pumunta siya sa lugar kung saan una silang nagkita ni Angelo.
Nababahala nanaman kasi ito at baka may mabangis nanaman na hayop ang sumugod dito.

Ang pagkikitang ito ay nasundan pa ng ilang beses. Inamin din ni Eluna na isa siyang Prinsesa. Noong una
ay ayaw pa maniwala ni Angelo ngunit kalaunan ay naniwala na rin ito dahil sa suot na kwentas ni Eluna
na sumisimbolo sa Fantasia.

Sa paglipas ng araw, lubos silang nagkalapit sa isa't isa. Patagong pumupuslit sa kaharian si Eluna para
makipagkita kay Angelo sapagkat alam ni Eluna na kapag nalaman ito ng kanyang ama ay baka paglayuin
sila sa isa't isa. Isinantabi rin muna ni Eluna ang kanyang sumpa sapagkat iniisip niyang hinding hindi niya
hahayaang mahulog sa binata.

Kung noon ay limitado lang ang nagagawa ni Eluna ngayon ay nararanasan na niyang makasalamuha sa
ibang tao at marami na siyang natutuklasan sa labas ng palasyo.

Habang tumatagal hindi namamalayan ni Eluna na unti-unting nahuhulog na pala siya sa binata. Ngunit
mas pinili na lamang ni Eluna na ilihim ito. Kuntento na siya na kasama niya ito, nakaka-usap,
nahahawakan, at napapangiti. Natatakot siyang baka hindi naman ito ang iniibig ng binata.

Unti-unti na ring umiipekto ang sumpa kay Eluna. Palagi nang nakakaramdam ng kirot sa bandang dibdib
si Eluna na nagiging sanhi ng panghihina ng kanyang katawan. Napansin iyon ng Hari at Reyna ngunit
sinasabihan lang sila ng dalaga na pagod lamang ito sa pag-iinsayo.

Isang dapit-hapon, merong kasunduan si Eluna at Angelo na magkikita sila sa tabing-dagat. Sa mga oras
na iyon, pinaplano ng magtapat ni Angelo kay Eluna tungkol sa kanyang nararamdaman para sa Prinsesa.

Ngunit ang Prinsesa ay hinang-hina na pero pilit paring tumatayo sa kanyang higaan para puntahan ang
binata. Kahit paika-ika at hilong-hilo na ang Prinsesa ay nagawa parin nitong makasakay ng kabayo para
puntahan ang binata. Ngunit hindi alam ng Prinsesa na nakita pala ito ng Reyna na sumakay ng kabayo at
umalis.

Nakapunta nga ang Prinsesa sa tagpuan nila ng binata. Ngunit hindi pa ito na kikita ng binata dahil ito'y
nakatalikod sa kinarurunan niya. Lumapit siya dito kahit na muntik na itong madapa. Niyakap niya ito
mula sa likod.

Napangiti naman si Angelo dahil alam niyang ang taong yumayakap sa kanya ngayon ay ang
pinakamamahal niya. Ngunit naalis ang kanyang ngiti ng makitang namumutla at nakikita na rin ang mga
ugat nito. Hindi na nakayanan ng Prinsesa at ito'y napahiga na sa buhanginan na dinaluhan naman ng
binata na tumutulo na ang luha.
Dumating ang Hari at Reyna ngunit sila'y napatigil ng makita nilang nakahandusay na sa buhanginan ang
Prinsesa kasama ang isang binatang umiiyak. Dali-dali silang lumapit dito at hindi nila mapigilang
mapahagulgol. Alam naman nilang darating ang araw na ito ngunit hindi man lang nila inakalang
nangyayari na pala ang ito. Hindi sila galit sa binata dahil alam nilang ang pag-ibig ay hindi kayang
hadlangan ng kahit ano pa man, kahit ng isang sumpang walang lunas.

"Mahal kita. " iyan ang huling salitang namutawi kay Eluna para sa kanyang pinakamamahal na si Angelo
bago unti-unti naglalaho at sumasama sa hangin ang katawan ni Eluna.

You might also like