You are on page 1of 10

Himagsikang 1896

Ang Himagsikang 1896 ang pambansang paghihimagsik ng mga Filipino laban sa kolonyalismong
Espanyol at sumiklab noong Agosto 1896 sa pangunguna ng Katipunan. Itinatag ang Katipunan o
Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong gabi ng 7 Hulyo 1892
pagkatapos mapabalita ang pagdakip at pagdestiyero kay Jose Rizal. Inisip ng mga tagapagtatag na sina
Andres Bonifacio, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at dalawa pa na walang
saysay ang kilusang repormista. Ang Katipunan ay isang lihim na samahan para ibagsak ang gobyernong
dayuhan. Unti-unti itong kumalat sa mga bayan sa paligid ng Maynila at nagkaroon ng mga sanga
hanggang Ilokos sa hilaga, Kabikulan, Aklan, Cebu, Palawan, at hanggang Mindanao bago natuklasan
noong Agosto 1896.

May ulat na si Padre Mariano Gil ng Tondo ang nagsuplong sa Katipunan. Nalaman niya ito mula
sa isang Katipunero, si Teodoro Patio, na hinimok ng kapatid na relihiyosang ipagtapat sa pari ang lihim
na kilusan. Noon ding gabi ng 19 Agosto 1896 ay dinakip ng pulisya ang maraming Filipino na
pinaghihinalaang kasapi ng Katipunan. Nsa Kalookan noon si Bonifacio at dagliang nag-atas na
magtipon ang mga Katipunero sa Balintawak. Sa naganap na pagtitipon, ipinasiya nilng lumaban para sa
kalayaan. Noong Agosto 28, nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumaganyak sa sambayanan na
lumahok sa himagsikan. Ang unang malaking labanan ay naganap noong Agosto 30 sa San Juan del
Monte. Samantala, nagsipagalsa din ang mga Katipunero sa mga karatig lalawigan.

Sa gayon, noon ding Agosto 30 ay nagdeklara ng batas militar si GobernadorHeneral Ramon


Blanco sa unang walong probinsiyang naghimagsikang Cavite, Maynila, Laguna, Batangas, Bulacan,
Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija. Nagpatuloy ang maramihang pagdakip sa mga Filipino. Malimit na
pinaparusahan ng kamatayan ang mga bilanggo nang walang paglilitis. Noong 4 Setyembre, apat na
Katipunero ang binaril sa Bagumbayan. Walong araw matapos iyon, binitay sa Cavite ang 13 bilanggong
tinatawag ngayong Trece Martires. Noong Enero 1897, 12 patriyotang Bikolano ang binitay at 19 pa
ang binitay sa Kalibo. Binitay din si Rizal noong 30 Disyembre 1896 sa hinalang tagapagsulong ng
rebolusyon. Ngunit sa halip matakot ay sumapi ang marami sa himagsikan.

Isang masaklap na pangyayari sa Himagsikang 1896 ang pagpaslang kay Bonifacio sa Cavite
noong 10 Mayo 1897. Napunta kay Heneral Emilio Aguinaldo ang liderato. Dumanas ng mga pagkatalo
ang mga manghihimagsik sa ibat ibang pook.
1. Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang


Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang
mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at
Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang
naging unang guro niya, maaga siyang
nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer
sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23,
1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad
Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885.
Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat
ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo
18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga
Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at
ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat
din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta
siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa
Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si
Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon
laban sa mga Kastila.
2. APOLINARIO MABINI

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang


Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay
pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at
Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan,
Batangas. Isang napakatalinong tao at may
napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit
paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil
sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa
bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya
ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng
Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng
Himagsikan. Isa sa mga pinakamahalagang
rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng
Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan.
Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng
Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa
Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng
Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat
upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino. Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga
Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa
Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900.
Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng
pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang
muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam,
naisulat niya ang La Revolucion Filipina. Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang.
3. EMILIO AGUINALDO

Emilio F. Aguinaldo - (1869 - 1964) Siya ang


Pangulo ng unang Republika ng Pilipinas. Isinilang siya
noong March 22, 1869 sa Kawit, Cavite. Siya ay ika-pito
sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad
Famy. Nag-aral ito sa mga pribadong paaralan sa
kanilang lugar at pinagpatuloy sa Colegei de San Juan
de Letran sa Maynila. Naging Gobernadorcillo ng
Kawit,Cavite ang kanyang ama at ang kanyang mas
nakakatandang kapatid na si Crispulo. Cabesa de
Barangay ng Binakayan, Cavite naman siya sa loob ng
walong taon at nagging Capitan Municipal din siya ng
Kawit. 1896 ikinasal siya kay Niaria del Rosario may
limang anak, tatlong babae at dalawang lalaki. Nang
siya'y mabiyudo, napangasawa niya si Maria Agoncillo noong 1921. 1894 sumapi si Aguinaldo at si
Santiago Alvarez sa Noveleta, Cavita kasama din ang pinsang si Baldomero Aguinaldo sa KKK, lihim
silang nagpapalaganap ng kilusan sa Cavite. Nagtayo sila ng Chapter sa Cavite ito ay ang grupong
Magdalo. August 31, 1896 nagrebolusyon ang grupo ni Aguinaldo sa kawit, Cavite pagkatapos ng
"Unang Sigaw sa Pugadlawin". Rebolusyonaryong Gobyerno ang itinatag ng mga Pilipino noong March
22,1897 at si Aguinaldo ang Presidente. Nakasentro sa Cavite ang pamahalaan ni Aguinaldo ngunit
napilitang ilipat ito sa Biak na Bato, Bulubundukin ng Bulacan dahil sa bakbakan ng puwersa ni
Aguinaldo at ng mga sundalong kastila. December 14, 1897 nagkaron ng kasunduan sa Biak na Bato.
Ang kasunduan na ito ng kastila at ng Pilipinas ay matigil na ang labanan(tigil-putukan), nangako ang
mga dayuhan na magkaron ng pagbabago sa gobyerno, papaalisin ang mga prayle at mapang-abusong
mga opisyales. Si Aguinaldo at ang ilang piling tauhan sa Hong Kong ang kapalit. Ngunit hindi nasunod
ang kasunduang ito dahil sa paglabag ng magkabilang panig(hindi isinuko ng mga Pilipino ang lahat ng
kanilang mga armas, sa halip ay ipinambili pa ang perang nakuha ng maraming armas. Hinuli naman
ng mga kastila ang mga Pilipinong nagsuko ng kanilang mga baril.) Muling nagbalik si Aguinaldo sa
Pilipinas kasama ang mga Amerikano, sila ang ang tumolong sa pag laban sa mga kastila.

4. ANDRES BONIFACIO

Andres Bonifacio - (1863 - 1897) Siya ang Ama ng


Himagsikan at ng katipunan, Dakilang Maralitan.
Isinilang siya noong November 30, 1863 sa Tondo,
Maynila. Siya ang panganay sa limang anak nina
Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nag-aral
siya sa Don Guillermo Osmena ngunit siya'y
maagang nahinto ng pag-aaral dahil sa kahirapan,
pero hindi hadlang ang kahirapan upang siya ay
matutu, marunong siyang magsulat at bumasa,
magaling din siya sa pagsasalita ng wikang kastila,
dahilan na din sa sariling pagsisikap. Mahilig ito sa
pagbabasa, ilan sa mga nabasa niyang libro ay ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal,
Les Miserables ni Victor Hugo, at The Wandering
Jew ni Eugene Sue. Naging inspirasyon niya ang mga nabasang libro upang itatag niya ang katipunan o
KKK (Kataas-taasan, Kagalang-galangan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Ang layunin ng kapisanang
ito ay mag-kaisa ang mga Pilipino at mag-alsa laban sa mga kastila upang makamit ang kalayaan, Si
Emilio Jacinto ang naging katulong niya sa katipunan. Si Gregoria de Jesus ay kasapi ng KKK na
napangasawa niya, ito ay taga-Caloocan. August 23, 1896 pinagunahan niya ang pag punit ng sedula at
ang pagwagayway ng pulang bandila, hudyat sa pagsisimula ng himagsikan laban sa kastila. Dahil dito
tinawag itong "Unang Sigaw sa Pugad-lawin". Ang katipunang itinatag ni Bonifacio ay nahati sa
dalawang grupo, ito ay ang Magdalo na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo at ang Magdiwang na
pinamumunuan niya. Dumating ang araw na hindi naging maganda ang relasyon ng dalawang grupo,
kaya Noong March 22, 1897 nag tatag sila ng Rebolusyonaryong Gobyerno(Revolutionary Government)
at nagging Pangulo si Emilio Aguinaldo. May 10, 1897 pinatay si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si
Procopio sa Bundok Buntis(nasasakupan ng lalawigan ng Cavite).

5. MELCHORA AQUINO Ina Ng Katipunan

ALING Sora ang tawag sa kanya nuong bata-bata


pa, mula sa Chora nuong siya ay musmos pa, at
naging Tandang Sora nuong matanda na, nang
siya ay naging isa sa mga dakilang bayani ng
Pilipinas. Hindi nakapag-aral si Chora, mula nang
isilang nuong Enero 6, 1812, karaniwan sa mga
babae nuong panahon ng Espaol, subalit natuto
siyang bumasa. Ang kanyang mga magulang ay
mga mahirap na magsasaka, sina Juan at
Valentina Aquino, sa Banilad, Caloocan (dating
bahagi ng lalawigan ng Rizal, ngayon ay isa nang
lungsod). Nabantog si Chora sa kanilang puok, sa
husay sa pag-awit sa simbahan at mga
pagdiriwang sa paligid. Naging kabiyak niya si
Fulgencio Ramos na pumanaw nuong ang
pinaka-bunso, at ika-7 nilang anak, ay 7 taon gulang pa lamang. Matanda na si Melchora Aquino nang
sumiklab ang himagsikan laban sa mga Espaol noong 1896. Sa kanyang tindahang sari-sari nagpulong
nang lihim ang mga kasapi sa Katipunan at, pagsabog ng himagsikan, duon niya itinago, ginamot at
inalagaan ang mga katipunerong nasugatan laban sa mga Espaol. Dahil dito, tinatawag siya ngayong
Ina ng Katipunan. Nang malaman ng mga Espaol ang gawain ni Tandang Sora, na siya ay tumutulong
sa mga revolucionariong Pilipino, dinakip siya at, utos ni Governador General Camilo Polavieja,
ipinatapon sa Marianas Islands (sa gitna ng Pacific Ocean, at daanan ng mga Espaol papuntang Pilipinas
simula pa kay Ferdinand Magellan nuong 1521. Kilala ito sa Pilipinas bilang Guam, isa sa mga pulo duon
na tahanan ngayon ng maraming Pilipino). Nang nasakop ng mga Amerkano ang Pilipinas nuong 1898,
nakauwi si Tandang Sora at iba pang Pilipino na ipinatapon ng mga Espaol. Namatay si Tandang Sora
nuong Marso 2, 1919, nang 107 taon gulang na. Inilibing siya sa bakuran ng kanyang sariling tahanan, na
ngayon ay isa nang libingang pambayan, at tinatawag na Himlayang Filipino.

6. EMILIO JACINTO

Emilio Aguinaldo (Disyembre 15, 1875 - Abril


16, 1899), ay isang rebolusyonaryong Filipino na kilala
bilang ang Utak ng Katipunan. Ipinanganak sa Trozo,
Manila, Jacinto ay ang anak ni Mariano Jacinto at Josefa
Dizon. Ang kanyang ama ay namatay sa ilang sandali
lamang matapos Jacinto ay ipinanganak, pilitin ang
kanyang ina na magpadala sa kanya sa kanyang tiyuhin,
Don Jos Dizon, upang siya ay magkaroon ng isang mas
mahusay na pamantayan ng pamumuhay. Jacinto ay
matatas sa parehong Kastila at Tagalog, ngunit ginustong
na magsalita sa mga Espanyol. Siya pumasok San Juan de
Letran College, at mamaya inilipat sa Unibersidad ng
Santo Tomas upang pag-aaral ng batas. Hindi niya tapusin ang kolehiyo at, sa edad na 20, sumali sa mga
lihim na lipunan na tinatawag na Katipunan. Siya ang naging tagapayo sa piskal na usapin at sa
sekretarya sa Andr s Bonifacio. Jacinto din wrote para sa Katipunan pahayagan na tinatawag na
Kalayaan, na isasalin sa Freedom sa Filipino. Siya wrote sa pahayagan sa ilalim ng panulat pangalan
Dimasilaw, at ginagamit ang alias Pingkian sa Katipunan. Emilio Jacinto ay ang mga may-akda ng Kartilya
ng Katipunan rin. Pagkatapos Bonifacio's kamatayan, Jacinto patuloy labanan sa mga Kastila. Like
General Mariano lvarez isang, siya tumanggi na sumali sa mga pwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo.
7. Juan Luna

Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong


larawan Spolarium. Siya ay nakilala sa buong
mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng
pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa
pamamagitan ng pluma at espada. Siya ay
ipinanganak noong Oktubre
23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at
Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte. Nag-aaral
siya sa Ateneo Municipal de Manila. Ang pangarap
niyang maging isang mandaragat ay natupad
matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa brako sa
murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang
magandang lugar at ibat ibang tao ang kanyang
nakasama. Bagamat napagtala siya bilang
mandaragat huminto para lamang maipagpatuloy
niya ang pag-aaral sa pagpinta.Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo
saEuropa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay inatake sa puso at
namatay noong Disyembre 7, 1899 sa Hong Kong
8. Gregorio del Pilar

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na


lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay
isinilang sa Bulakan, Bulakan noongNobyembre
14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio. Si
del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san
jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng
mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral
siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at
tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato
Arellano kung saan sinasabing itinatag
ang Katipunan.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging


pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa
ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang
bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay
niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya.
Napahanga niya siAguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito.
Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang
tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan
ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

You might also like