You are on page 1of 1

PAGLALAKBAY

Simula ng isang paglalakbay


Bagamat may takot at lumbay
Alam mong sa iyoy may tumatawag
Hinihintay niya ang iyong pagpayag
Kilalanin mo ang iyong sarili
Pagkat iyon ang kanyang pinili
Silipin ang iyong puso at diwa
At doon ay iyong makikita

Naglalakbay kahit na may takot


Pag-ibig niya ang sa iyoy babalot
Ikay tinatawag, ikay hinahanap
Ikay hinihintay

Simula ng iyong paglalakbay


Baon ang pag-ibig niyang bigay
Alam mong siya ang sayoy tumatawag
Naghihintay ng iyong pagpayag

Maglalakbay nang di natatakot


Pag-ibig niya ang sa iyoy babalot
Ikay tinatawag, ikay hinahanap
Ikay hinihintay

Maglalakbay nang di natatakot


Pag-ibig niya ang sa iyoy babalot
Ikay tinatawag, ikay hinahanap
Ikay sasamahan sa iyong paglalakbay

You might also like