You are on page 1of 14

Kahulugan ng Behaviorism

Kapag pinag-uusapan ang katagang Behaviorism o di kayay neo-

behaviorism kadalasang iniuugnay ito sa isang sikat na psychologist at behaviourist

na si B.F. Skinner, gayunpaman, ang behaviourism ay nagsimula noong 1900 at

binigyang paliwanag noong 1920 ng isang sikat na Amerikanong sikolohistang si

John Watson at Ivan Pavlov. Ang mga behaviorist ay naka depende lamang sa

kapansin-pansin na kaugalian para matuto. Hindi nila binibigyang diin ang mental na

aspeto ng mag-aaral, dahil para sa kanila ang pagkatuto ay nagaganap kapag ang

tiyak na saligan ay naabot (Ebert & Culyer, 2011)..

Para sa mga behaviorist, ang pagkatuto ay nagmumula sa obserbasyon ng kultura

ay nagmumula sa ating kapaligiran. Nakita sa pag-aaral na ang paraan ng mga

behaviorist napaka epektibo sa paggawa ng positibong kaugalian halos sa lahat ng

kapaligiran ng pagkatuto. Ang praang ito ay positibong naka aapekto sa performans

ng mag-aaral (Watrin & Darwich, 2012).

Ayon sa behaviorism , ang psychology ay isang agham at ito ay agham ng

kaugalian wala itong kinalaman sa agham ng kaisipan. Sa madaling salita, sinasaad

sa behaviorism na ang ating isipan ay hindi tumutulong sa isang tao na matanmo

ang kaalaman.

Ang behaviorism ay malawak na ginagamit bilang basehan sa philosophy of a

science of behavior. Lalo na, sa larangan ng sikolohiya, ipinaliwanag ng behaviorism

na ang responses ng tao ay katulad lamang sa stimuli sa kapaligiran at

maoobserbahan o masusukat na responses sa stimuli. May ibat ibang anyo ng


behaviorism: structuralism; behaviorism na gumagamit ng cognition; social learning

theory, dagdag sa methodological behaviorism; at radical behaviorism.

Sa behaviourism, nalalaman kung paanong ang mga resulta ng mga tugong

ibibigay ay makakapaghubog ng pag uugali. Sa pamamagitan ng ganitong

perspective, ang pagkatuto ng mga mag aaral ay nagaganap sa pamamagitan ng

mga reaksyon sa mga kondisyon nasa kapaligiran at nahuhubog sa pamamagitan

ng pagpapatibay at pagtatama. Ang mga nagpapatibay ay nagpapaganyak sa mga

mag aaral na magbigay ng tugon kapag nakatagpo ng stimulus (Horton, 2014).

Naniniwala ang mga behaviourists na tanging ang nakikita, nasusukat at

panlabas na pag uugali ang karapatdapat ng pang-agham na pagtatanong. Kaya,

ang kanilang pokus ay sa pagkatuto na apektado ang pagbabago ng ugali.

Pinalagay nila na ang mabuting impluwensya mula sa kapaligiran ng mga mag

aaral ay magreresulta ng pagtamo ng magkakatulad na pagkatuto at ang lahat ng

mga mag aaral ay matututo. Naniniwala ang mga kasulukuyang behaviourist na

ang mga mag aaral ay natututo sa pagsasaulo ng tipak na impormasyon bago ang

mataas na antas at pagkatutong batay sa problema (Horton, 2014).

Ang teoryang ito ay batayan na ang pagkatuto ay walang kinalaman sa ating

pag-iisip (McDonald, Yanhar 2005) dahil ang pagkatuto ay nagaganap kasabay ng

pagtatamo ng bagong ugal isa si B.F Skinner na nagsabi na ang resulta ng

pagkatuto ay maaari lamang masukat kung babaguhin natin ang ugali ng mga mag-

aaral. Ang mga behaviorist ay naka depende lamang sa kapansin-pansin na

kaugalian para matuto. Hindi nila binibigyang diin ang mental na aspeto ng mag-

aaral, dahil para sa kanila ang pagkatuto ay nagaganap kapag ang tiyak na saligan

ay naabot.
Sa katotohanan hindi maitatangi ng isang tao ng lubos na nakaka epekto ang

kapaligiran sa kaugalian ng tao. Bagaman ang ideya ng pagtanggap ng

behaviorismo bilang isang teoryang komprehensibo ay dapat na pagtuonan ng

pansin, ang mga ideya at pananaliksik ay dapat bigyan ng konsiderasyon. ( Piedad,

Field, Rachlin, 2006).

Ayon sa mga datos na nalikom ni Lynn Munoz (2010), ang mga pangunahing

opinion patungkol sa Behaviorist learning theory ay nakapukos sa stimuli at

response na sinasabing ang pagkatuto ay napag-aralan ng may katotohanan

kumpara sa damdamin. Sa pagkatutoo ay palaging magkakaroon ng pagbabago sa

pag-uugali. Masasabi ring nakaapekto ang mga panyayari sa kapaligiran sa

pagkatuto. Ayon kay Thorndike sa balangkas na inilad ni Watson the theory of

learning na mas kilala bilang connectionism. Sa itinala ni Thorndike ay pinatatag at

pinahina ang responses sa mga maaring mangyari. Sinasabi rin na ang patuloy na

pagbibigay ng positibong gantimpala ay nagpapatatag ng pag-uugali at nangunguna

bilang isang malakas na paniniwala behaviorism, ngunit ayon kay Ormsod (2008)

may mga pangungutya sa teorya ni Thorndike na kung alin sa gantimpala

(positibo/negatibo) ay may malakas na epekto ng pag-uugali.

Sa mahabang panahon, ang sikolohiya ay isang disiplina na tapat sa pag-aaral ng

isip. Ang Behaviorism ay kumakatawan sa ganoong tradisyon, dahil dito, binigyang

ng behaviourism ng bagong mukha ang sikolohiya bilang isang larangang nag-

aaral sa ugali ng tao. Noong nagsimula ang rebolusyon ng cognitive, ang pag-aaral

sa larangan ng cognitive ay muling nabuhay. Simula noon, karanasang sinasabing

ang rebolusyong cognitive ay napalitan ng behaviourism (Watrin & Darwich,

2012).
Natututo tayo mula sa ating interaksyon sa ating kapaligiran o di kaya sa mga

nakapalibot sa atin. Nagaganap ang proseso ng pagkatututo dahil ang ating

pagkatututo ay nakaugnay sa kondisyon at ang kundisyong iyan ay an gating

kapaligiran. ( Crow & Tian 2006). Tayo ay natututo dahil sinusunod natin ang mga

tiyak na batas tungkol sa kaugalian at disiplina ng daigdig. ( Wegner, 2005).

Binibigyan ng emphasis ni Hartleyang apat(4) na key principles ng

behaviorism na kung saan ang pagkatuto ay mabuti at importante kapag ang mga-

aaral ay active kaysa sa passive.

Sinasabing ang teoryang behaviorism ay ang pinakamaimpluwensya

pagdating sa pagkatuto. Kabilang sa aspeto ay ang pagkakaiba ng mga pananaw

ngunit may isang parehong dulog sa pagkatuto sa pagdevelop sa koneksyon sa

pagitan ng stimuli received at response na pinapakita ng mga mag-aaral. Sa

ginawang pag-aaral ng mga behaviorist napag-alaman na ang pagkatuto ay isang

proseso na kung saan ang stimulus at response ay naisagawa na kung saan ang

stimulus ay nakasunod sa response. Inakala noon na ang mga tao ay nagmula sa

katulad ng makina. Kadalasan sa mga behavioral research ay isinagawa sa mga

hayop at naiuugnay ito sa malawak na katangian ng pag-uugali ng tao. Dito, maaring

ibuod ang mga teorya nina Thorndike, Pavlov at Skinner.

Ang pag-aaral sa human behavior ay ibat iba at mayroong ding ibat ibang

pag-aaral na naghahanap pa kung ano ito. Maraming mananaliksik na kasama sa

human behavior na kung saan ito ay isang mahirap at paminsan minsan ay mahirap

hulaan. Sinasabing ang kapaligiran ang pangunahing salik ng pagdebelop ng isang

human behavior. Pinapakita sa human behavior ang pagkahirap hulaan na ang

isang tao ay kakaiba sa lahat at ginagamitan ng ibat ibang ideya at karanasan.


Dagdag pa rito ang pag-aaral ng human behavior ay nangangailangan ng malalim at

masinsinang pananaliksik sa ibat ibang tao sa ibat ibang lugar at kapaligiran

(Ukessays, 2015).

Behaviorism sa Pag aaral

Ang sikolohiyang pang-ugali ay minsany naging pangunahing pag-aaral lalo

ng mga Amerikanong sikolohiya. Pinalalalim nito ang pagkakaintindi natin sa

pagbibigay ng parusa o di kayay gantimpala lalo na sa mga hayop. Nakatulong ito

sa mayamang pag-unlad ng larang pang-edukasyon at panlipunang patakaran.

Bilang isang proyektong may sariling pagkakakilanlan, ito ang mas gamiting teorya

ngunit inihihiwalay ito sa iba pang larangan. Ngunit kung titignang mabuti, ang

pangunahing ideya ng teoryang ito ay nasubukan na sa larangan ng experimental

psychology.

Ang Teoryang Behaviorism ang dominanteng teorya para sa teknolohiyang

pang-instruksyon. Binigyang kahulugan ni John Watson ang behaviourism sa

kanyang akdang Psychology as the Behaviorist Views It, isang obhetibong sangay

ng agham na nakatuon sa paghula ng mga tugon sa stimuli sa kapaligiran (Horton,

2014).

Ang behaviourist classroom ay lugar kung saang ang pamantayan at

panuntunan ay may malaking epekto sa paghubog ng karanasan ng mag-aaral sa

pagkatuto. Ang presensya ng kurikulum ay naroroon ngunit ang saloobin,pag-uugali

at paraan ng pag-iisip ng mag-aaral na maaring humubog pa sa ugnayan ng

kurikulum at ng mag-aaral ang dapat na pinapahalagan. Ang pagkakaroon ng sapat

na oportunidad upang mahasa at madebelop pa ang pagkakaunawa sa kanyang


sarili at a kanyang kapwa upang maging matagumpay ang pagkatutong kanilang

magagawa (Cassie, 2016).

Ang mga gurong gumagamit ng dulog behaviourist ay iniiwasan magparusa

ng mga bata o mag-aaral sa kahit anumang kadahilan. Sa halip, ang mga

mabubuting pag-uugali ng mag-aaral ay pinpalakas at itinataguyod habang ang mga

hindi mabuting mga pag-uugali ay nililimitahan. Ang pagpapalakas o pagtataguyod

ng mga mabuting ugali ng bata o mag-aaral ay maaring mapalakas pa sa

pamamagitan ng extrinsic motivation katulad ng mga printa ng star, mga papuri,

kaunting regalo o di kayay mga gamit mula sa treasure box. Ang ganitong layunin

ay unti-unting nagiging intrinsic reward . Ang intrinsic rewards ay yung

pakiramdam ng pananagumpay sa isang gawain o trabahong nagampanan mi ng

maayos na nangangahulugang ang isang mag-aaral ay nakakatuto. Sa kasamaang

palad, ang extrinsic reward na aspeto ay isa sa mga pinanaligan ng mga guro. Ang

resulta, ang mga mag-aaral na umaasa na lamang sa reward (Wiseman & Hunt,

2014) .

Sa ganitong kadahilanan, Ang behaviorism ay tumatahak na sa mga

student-centered practices . Mayroong balance sa pagitan ng bigat na diin ng

pagtuturo at pagkatuto. Ang guro ay obligadong gumawa ng schema na kung saan

ang epektibong pagmomodelo ay nagaganap. Bukod dito, ang guro ay inaasahang

magpabuya, panatilihin at magparusa kung kinakailangan upang mapanatili ang

tamang direksyon ng pagkatuto. Itoy iminumungkahi na ang behaviourist

classroom, kung hindi naisagawa ng tama ng guro ay magiging hindi kanais-nais na

lugar upang matuto (Cassie, 2016).

Behaviorism ni John Watson


Ang behaviourism ay kadalasang nangangahulugang stimulus-response na

sikolohiya na may kaugnayan sa reductionist at mechanistic na mga

presuposisyon patungkol sa kalikasan ng paksat gawain ng sikolohiya. Dapat

iabandona ng sikolohiya ang behaviourism sapagkat ang presensiya nito ay

masyado ng makaluma dahil na rin sa kadahilanang ito ang paksang kadalasang

gamitin ng mga mananaliksik (Lee, 2016).

Ipinaliwanag ni Watson ang behaviourism bilang isang prediksyon at control

ng pag-uugali. Kanyang sinagot ang dominanteng teorya ng pagkatuto sa kanyang

kapanahunan na base sa biologyat sa teoryang ang abilidad ng mga mag-aaral ay

limitado sa kanilang pinanggalingan at sa dugong kanilang kinabibilangan ngunit

kabaliktaran naman ang kay Watson, sabi niya na ang abilidad, kaugalian atbp. ng

tao ay natatamo at hindi nakukuha noong silay isinilang na. Tayo ay naka kundisyon

ayon sa kapaligirang ating ginagalawan at pati na rin ng stimuli at sistema ng

parusa at pabuya, Ayon ito sa pananaw ni Watson. Sa pamamagitan ng pauli=ulit na

paggamit ng pagpaparusa at pagpapabuya, maari tayong gumalaw na nakoundisyon

sa tiyak na oras o kayay panahon (Ebert & Culyer, 2011).

Ang pagkatuto ay naakatuon sa abilidad na maisagawa ang bagong

nakuhang pag-uugali na ginawa bilang layunin.magkakaroon ng mga kondisyon sa

pagbuo ng mga ito. Ayon kay Edward L. Thorndike binigyan niyang empasis ang

tatlong pangunahing batas sa pagkatuto.; law of effect, the law of readiness and the

law of exercise. Malaki ang epekto ng talong sapagkat nagkakaroon ng stimuli at

response.

Ayon kay Thorndike sa balangkas na inilad ni Watson the theory of learning

na mas kilala bilang connectionism. Sa itinala ni Thorndike ay pinatatag at pinahina


ang responses sa mga maaring mangyari. Sinasabi rin na ang patuloy na pagbibigay

ng positibong gantimpala ay nagpapatatag ng pag-uugali at nangunguna bilang

isang malakas na paniniwala behaviorism, ngunit may mga pangungutya sa teorya

ni Thorndike na kung alin sa gantimpala (positibo/negatibo) ay may malakas na

epekto ng pag-uugali.

Behaviorism ni Burrhus Federic Skinner

Ang kilalang mananaliksik na si B. F Skinner ay isa sa mga nag-aral sa

human behavior at sinabing ang ilang teoryang kanyang nasagi ay makakatulong

maintindihan kung ano talaga ang human behavior at matukoy ang kanilang paraan

ng pag-iisip at ang kanilang kilos (Ukessays, 2015). Si B.F Skinner ay isa sa mga

prominenteng psychologist ng teoryang behaviourism. Siya ay kilala sa kanyang

katangi-tangi gawa gaya ng eksperimento niya sa mga hayop na tinawag niyang

Skinner Box. naniniwala siyang na kung kaya nating baguhin ang ugali ng daga na

isang hayop. Kung gayon ay maari rin na mabago ang ugali ng isang tao.

Ayon kay Skinner , kailangan isantabi natin ang modernong konsepto ng

pagkabatid ay hindi tama at dadalhintayo nito sa lumang panahon , sa gayon

nagpapakita lamang ito ng kamang-mangan .Para sa mga behaviorist, ang kilos ng

tao ay dapat na kontrolado ( Mathew 2005). Katulad ng pagkontrol ng siyentipiko at

pag-impluwensya ng iba pang natural na phenomena.

Inilarawan ni Skinner ang positibo at negatibong pampatibay. Ang mga

positibong pampatibay ay nagdaragdag ng stimuli na magagamit sa paghubog ng

pag uugali habang ang mga negatibong pampatibay ay nagbabawas ng hindi


kanais- nais na stimuli. Ang paggamit ng prosesong pagkondisyon ay nagreresulta

ng sunod- sunod na pagtantya samantalang ang pampatibay at pagpaparusa ay

nagagamit sa pagpapaunlad ng banayad na pagpapabuti ng pag uugali ng mga

mag aaral (Horton, 2014).

Tinuring na ama ng Operant Conditioning si Skinner pero ang kanyang gawa

ay nakabatay sa Law of Effect ni Thorndike. Ipinakilala ni Skinner ang bagong

katawagan ng Law of Effect ang pampatibay (reinforcement). Ang ugaling

pinatibay ay gagawin ulit at ang ugaling hindi pinatibay ay mawawala. Pinag

aralan ni Skinner ang operant conditioning sa pamamagitan ng pagpanukala ng mga

eksperimento gamit ang mga hayop na inalagay niya sa Skinner Box na katulad ng

Puzzle Box ni Thorndike (McLeod, 2015).

Tinukoy ni Skinner ang tatlong uri ng tugon para sa pagpapabuti ng ugali. Una

ay neutral operants na mga tugon mula sa kapaligiran na magpapataas o

magpapababa ng pagkakataong maulit ang ugali. Pangalawa ay Reinforcers at itoy

mga tugon mula sa kapaligiran na nagpapataas ng pagkakataong maulit ang ugali.

Ito ay maaring positibo o negatibo. Pangatlo ay ang Punishers at itoy mga tugon

mula sa kapaligiran na nagpapababa ng pagkakataong maulit ang ugali (McLeod,

2015).

Ang operant conditioning ay nagpapaliwanag ng maraming pag uugali mula

sa proseso ng pagkatuto hanggang sa pagtamo ng wika. Mayroon din itong

aplikasyon sa loob ng klasrum, prisinto at mga saykayatrikong ospital. Gayunpaman,

nabigo ang operant conditioning sa pagpapahalaga sa papel ng minanang salik ng

kognitib sa pagkatuto kaya hindi kompleto ang pagpapaliwanag sa proseso ng

pagkatuto ng mga tao at mga hayop. Halimbawa, nakita ni Kohler na ang unggoy ay
nakakahanap ng solusyon sa problema sa isang kislap ng kaalaman kaysa sa trial at

error na pagkatuto. Sa teoryang social learning naman ni Bandura, nagmumungkahi

ito na ang mga tao ay agarang natututo sa pamamagitan ng pagmamasid kaysa sa

sariling karanasan. Ang paggamit ng hayop sa operant conditioning na pag aaral

ay nagtataas ng isyu sa extrapolation. Ilan sa mga sikologo ang nangatwiran na

hindi maaaring gawing pangkalahatan ang pag aaral mula sa mga hayop tungo sa

mga tao dahil ang kanilang anatomy at pisyolohiya ay kaiba sa mga tao at hindi sila

nakakapag isip tungkol sa kanilang sariling karanasan at nakakapagpangatwiran,

pasensya, memorya at kaginhawaan sa sarili (McLeod, 2015).

Sinipi ni Toates ang pagpapaliwanag ni Carpenter (1974) na hindi kayang

ipaliwanag ng "operant conditioning" ang ibang uri ng pagkatuto kabilang ang

"incidental learning" na mangyayari sa isang pagtugon katulad ng pagkatuto ng ilang

katotohanan o anumang sinabi sa partikulaar na pangyayari. Ipinaliwanag na ito ay

nauukol sa mga teorya at ang pagpapatibay ay maaaring kailangan sa lahat ng

pagkakataon (Schlinger, 2011).

Iginiit rin ni Schlinger (2011) na tayo ay biktima ng indibidwal at sosyal na

pagsubok kung saan ang maikling panahong pakinabang sa pag-uugali ay

mangyayari sa mas mahabang panahong paggugol ng masasamang dulot.

Binanggit niya na mas kapakipakinabang na ipaliwanag ang gayon sa pangyayaring

ang "maladaptive reinforcement" ay umusbong sa mga grupo sa halip sa sama-

samang responsibilidad o kasamaan sa lipunan dahil ang nauna ay maaaring

subokin. Ipinagpapalagay na ang pananaw ni Skinner sa paglutas ng ganitong

problema sa pamamagitan ng pagpapahayag ng, "Ang pagsisikap sa pananaliksik


ay kailangang ipokus ang kung paano makakakuha ng "reversal of reinforcers", para

kaaya-ayang mga kilos ay kaagad na mapagtibay sa bawat antas (Schlinger, 2011).

Naniniwala si Toates na ang pananaw ni Skinner ay maaaring patunayan na

kapakipakinabang lalong lalo na sa tamang pag-uugali at pagkakaroon ng mabuting

kapaligiran. Humanga din siya sa kahalagahan ng konsepto ng positibong

pampatibay na nagpapaliwanag sa pag-uugali at pagbabago nito. Sa katunayan, isa

sa mga layunin ng aklat niya ay ipakita ang katibayan ng sentralidad ng simulain ng

pampatibay, habang ipinaglalaban na ang pagpapatibay ay ang natatanging proseso

sa pagtukoy ng ugali (Schlinger, 2011).

Napag-alaman ni B. F Skinner na kapwa ang behaviorism at behavior

analysis ay radical. Nakapaloob dito ang preperasyon sa pag-aaral ng behavior, ang

likas na stimulus at pagtugon, ang pagpapakahulugan ng behavioral units, pagtugon

ng behavioral units, konsepto ng berbal na behavior at pagpapaliwanag sa

kapangyarihan ng maaring mangyari (Baum, 2011).

Naniniwala si Skinner na sa kalikasan lamang ng ating mga nakukuha kung

bakit tayo umaakto ayon na rin dito. Mararanasan lang natin ang isang isang

reinforcement kapag ang ating mga ipinapakita na pag-uugali ay positibo. Sa mga

nakasaasd ay sinabbi ni Skinner na umaayon ang ating pag-uugali base sa anong

klase ng reinfrocement ang ating makukuha at ang makukuha natin dito ay maaring

maghulma sa ating pag-uugali at pagkontrol ng lipunan. Dagdag pa rito ay sinabi ni

Skinner na kung gusto nating baguhin ang ating negatibong pag-uugali ay kailangan

muna nating baguhin ang ating kapaligiran. Sinasabing kailangan na muna nating

maniwala sa ating sarili bago natin baguhin ang gusto nating baguhin.

Paghahambing ng Behaviorism ni Skinner at Watson


Noong 1920, umalis si John B. Watson sa akademiko ng sikolohiya at ang

ibang mga behaviourist ay naging dominantet nagpanukala ng iba pang paraan ng

pagkatuto maliban sa klasikong pagkondisyon (classical conditioning). Marahil ang

pinakaimportante sa kanila ay si Burrhus Frederic Skinner. Ang pananaw ni Skinner

ay hindi gaanong matindi kung ikokompara kay Watson. Naniniwala si Skinner na

mayroon tayong talino ngunit mas uunlad ang pag aaral ng nakikitang pag uugali

kaysa mga mental na pangyayari. Ayon kay Skinner, ang mabuting paraan sa pag

unawa ng ugali ay ang pagtutok sa mga sanhi ng aksyon at ang mga kahihinatnan

nito. Tinawag niya itong operant conditioning. Ibinatay ni Skinner ang kanyang

teoryang operant conditioning sa pag aaral ni Thorndike. Sa operant conditioning,

ang mga sinadyang kilos ay may epekto sa kapaligirang nakapalibot (McLeod,

2015).

Kapintasan ng Behaviorism

Dagdag pa, ang behaviourism ay naging controbersyal at pinipintasan. Ang

pagtatalong nakapokus sa behavioural na pagdulog ay ang mechanistic na

kalikasan at ang mala-robot kalidad na pinapakita ng pag-uugali at pati na rin ang

kawalan ng pag-aaruga, suporta at emosyon sa teknikal na lengwahe ng

behavioural analysis. Ang nangungunang pigura ng kontemporaryong CM na

kilusan ay hindi pabor sa teoryang ito. Sinipi ni Babad (2009) ang isinulat ni Brophy

(1999-2006) ang pagtakwil niya sa teoryang ito; habang sina Everston at Weinstein

(2006) ay nagpalabas ng isang libro at kabilang sa ilang pahina nito ang teoryang ito

ngunit nagkulang ito ng tamang diin a behavioural analysis ; at sina Landrum at

Kauffman (2006), ang mga may-akda sa mga pahinang may patungkol sa

behaviourism. Isiniwalat nila doon na ang mga gurong nagkaroon ng kaalaman


patungkol sa teoryang behaviourism ay puro negatibo at hindi naging epektibong

mga guro ng pagkatuto (Babad, 2009).

Iba pang pananaliksik tungkol sa Behaviorism

Sinipi ni Sincero (2013) ang sinabi ni Rotter na ang ang personalidad at pag-

uugali ay maaring baguhin. Ayon sa kanya na ang pagbabago ng kapaligiran ng

isang tao at pagbabago ng pag-iisip ng isang tao ay maaring magdala sa pagbabago

ng isang pag-uugali. At dahil dito ay maaring magbago ang pag-uugali ng isang tao

depende na rin sa kanyang sitwasyon. Dagdag niya pa na ang tao ay hindi lamang

umaakto base pag-iwas sa parusa sa halip ay nagaganyak tayo base sa ating

pangarap sa buhay at ang pananaw natin sa buhay upang makuha natin ang ating

tinatamasa.

Ang pagkatao at ang pag-uugali ng isang tao walang duda na nakakonekta sa

isat isa. Ang ating pag-uugali ay nagbibigay sa atin ng pahiwatig kung sino talaga

tayo at ang ating pagkato ay nagbibigay ng kahulugan kung bakit tayo umaakto ayon

sa ating ugali (Sincero, 2013).

Sa paaralan ng kaisipan, ang pag-uugali ay maaring pag-aralan sa isang

sistematiko at obserbasyon sa kapaligiran. Ang mga Strict behaviorists ay

naniniwala na ang ibang mga tao ay maaring sanayin para gawin ang mga tungkulin,

karanasan, personalidad at kaisipan. Nangangailangan lamang ito ng conditioning

(Cherry, 2016).

You might also like