You are on page 1of 5

Wika at Gramatika, Filipino - Grade 7

Mga Salita at Pangungusap na may Kaisahan at Pagkakaugnay-ugnay sa Pagbuo ng Iskrip

Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay nakapagpapaliwanag ng mga salita at pangungusap na may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa pagbuo ng iskrip.

Paano bumuo ng mahusay sa iskrip?

Mga Salita at Pangungusap na may Kaisahan at Pagkakaugnay sa Pagbuo ng Iskrip

Ang iskrip o script ay nakasulat na teksto na maaaring gawing pelikula, palabas sa telebisyon, programa sa radyo, o dula.
Nagbabalangkas ito ng kuwento, naglalarawan ng mga detalye, at nagsasaad ng mga kilos at sasabihin ng mga tauhan.

Bago magsimula sa pagsusulat ng iskrip, mayroong ilang mahalagang tanong na dapat munang masagot ng manunulat:

1. Para sa anong medium ang iskrip na ito?

Bago magsimula sa pagsusulat, kailangan malinaw kung para saang medium gagamitin ang iskrip.

Ang medium ay partikular na porma o sistema ng komunikasyon. Ilang halimbawa ng medium ay radyo, telebisyon, internet, at iba
pa. Ang pangmaramihan na tawag sa medium ay media.

Ang bawat medium ay mayroong magkakaiba at partikular na katangian. Dahil dito, kailangan pamilyar ang manunulat sa
katangian ng medium bago siya makapagsulat ng iskrip.

Ang iskrip sa radyo ay iba sa iskrip sa telebisyon at pelikula, at lalong iba rin sa iskrip sa dula. May sariling mga porma at
kumbensyon o tradisyon ang iskrip sa bawat medium na ito.

Ang radyo ay medium na nakasalalay sa audio o sa mga bagay na naririnig.

Dahil dito, kailangan isaalang-alang ng manunulat na walang makikita ang audience. Kailangan magaling ang manunulat
magpabatid ng mga ideya sa pamamagitan ng dialogue o usapan ng mga tauhan, at ambient sounds o mga tunog na
nagpapahiwatig tungkol sa nangyayari sa mga tauhan.

Ang telebisyon at pelikula naman ay mga media na may malakas na katangiang biswal. Dahil natutunghayan ng manonood ang
mga pangyayari sa screen, maraming hindi na kailangan sabihin ang mga tauhan sa dialogue. Sa halip, kailangan gamay ng
manunulat kung paano maglarawan ng mga pangyayari sa biswal na paraan.
Ang dula naman ay sumasalalay sa mga katangiang biswal at audio. Hindi katulad ng pelikula at TV, hindi makakapaglipat-lipat ng
set ang dula. Kadalasan, iisa lamang ang entablado, at kailangan ng manunulat makumbinsi ang imahinasyon ng manonood na ang
entablado ay maaaring maging kwarto, o karnabal, o tiyan ng pating.

Gayunpaman, dahil hindi pwedeng mag-zoom in ng mga manonood sa ginagawa ng mga aktor sa entablado, kailangan pa rin ng
iskrip ng dula na maging detalyado sa diyalogo upang lubos na maunawaan ng manonood ang nangyayari.

2. Sino ang audience?

Kailangan magbago at umangkop ang wika at diyalogo ng iskrip depende sa audience na makikinig o makakapanood nito.

Gayundin, kung ang audience ay puro banyaga, hindi siguro mabuti na isulat ang iskrip sa wikang Filipino.

Ang pangunahing tungkulin ng sinumang manunulat ay maunawaan siya ng ng audience na nais niyang abutin.

3. Ano ang gusto kong sabihin sa iskrip?

Bago makapagsulat ng iskrip, kailangan malinaw na sa manunulat kung ano ang obhektibo ng kanyang isusulat. Bakit ka ba
magsusulat ng iskrip? Ano ang gusto mong sabihin?

Maaaring simple lamang ang obhektibo ng iskrip-- kunwari nais lang natin magpakita ng ekspresyon ng pag-ibig-- o kaya meron
tayong mahalagang tunguhin sa pagsusulat-- ang hikayatin ang lahat ng Pilipino na magsama-sama. Ang mahalaga ay malinaw sa
atin kung ano ang gusto nating sabihin.

Napakahirap magsulat nang walang plano. Kapag nagsimula tayong magsulat tungkol sa pag-ibig, at sa gitna ng iskrip ay
nanghihikayat ang mga tauhan na manunog ng pera, marahil hindi napagplanuhan ng manunulat ang kaniyang proyekto.
Siguradong pati ang mga makakapanood ay maguguluhan din.

Mga Paalala

Bago magsimula sa pagsusulat, kailangan malinaw kung para saang medium gagamitin ang iskrip.

Bago makapagsulat ng iskrip, kailangan malinaw na sa manunulat kung ano ang obhektibo ng kaniyang isusulat.

Mahahalagang Kaalaman

Ang iskrip o script ay nakasulat na teksto na maaaring gawing pelikula, palabas sa telebisyon, programa sa radyo, o dula.

Nagbabalangkas ito ng kuwento, naglalarawan ng mga detalye, at nagsasaad ng mga kilos at sasabihin ng mga tauhan.
Pangalan:________________________________________Petsa:__________________Marka:___________

Piliin ang pinakawastong sagot.

1. Ito ang pagbubuo ng pagkatao ng mga tauhan. Dito manggagaling ang kaisahan ng ideya ng diyalogo at lohika ng kilos ng
tauhan.

a. Iskrip c. Audience

b. Medium d. Pelikula

e.

2. Piliin ang pinakawastong sagot.

Ano-ano ang mga tagpuan o setting ng iskrip?

a. Entablado c. Tv

b. Radyo d. diyaryo

3. Piliin ang pinakawastong sagot.

Ito ang nakasulat na teksto na maaaring gawing pelikula, dula, o programa sa radyo o telebisyon.

a. Iskrip c. Pelikula

b. Medium d. Dula

4. Piliin ang pinakawastong sagot.

Sila ang nagbibigay-buhay sa iskrip.

a. Manunulat c. Tauhan

b. Audience d. Dialogue

5. Piliin ang pinakawastong sagot.

Ang radyo ay ang medium na ___________ang katangian.

a. Audio c. Dialogue

b. Biswal d. Panulat

6. Piliin ang pinakawastong sagot.

Bakit mahalagang malaman kung sino ang audience ng gagawing iskrip?

a. Kailangan magbago at umangkop ang wika at diyalogo ng iskrip

b. Dahil sila ang nagbabayad


c. maunawaan siya ng ng audience na nais niyang abutin

d. hindi mabuti na isulat ang iskrip sa wikang Filipino

7. Piliin ang pinakawastong sagot.

Ano ang silbi ng balakid sa iskrip?

a. malinaw kung para saang medium gagamitin ang iskrip.

b. malinaw na sa manunulat kung ano ang obhektibo ng kanyang isusulat

c. Kailangan magbago at umangkop ang wika at diyalogo ng iskrip depende sa audience na makikinig o makakapanood

d. ailangan gamay ng manunulat kung paano maglarawan ng mga pangyayari

8. Piliin ang pinakawastong sagot.

Ito ay ang usapan ng mga tauhan.

a. Dialogue

b. Iskrip

c. Medium

d. Audience

9. Piliin ang pinakawastong sagot.

Bakit kailangang malinaw sa manunulat kung ano ang gustong sabihin ng iskrip?

a. maunawaan siya ng ng audience na nais niyang abutin

b. hindi makakapaglipat-lipat ng set

c. kailangan isaalang-alang ng manunulat na walang makikita ang audience

d. kailangan malinaw kung para saang medium gagamitin ang iskrip.

10. Piliin ang pinakawastong sagot.

Bakit kailangan malaman kung para saang media ang isinusulat na iskrip?

a. Dahil mayroong magkakaiba at partikular na katangian.

b. Kailangan magbago at umangkop ang wika at diyalogo ng iskrip depende sa audience

c. kailangan isaalang-alang ng manunulat na walang makikita ang audience

d. hindi makakapaglipat-lipat ng set

You might also like