You are on page 1of 5

Apolinar B.

Macias Memorial High School


Casile, Dauin Negros Oriental

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA Grade-VII
Guro: Ludivert V Solomon

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa isa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.
b. Nakakatulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong
sitwasyon.
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/ nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma
sa kanilang edad.
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ang isang
nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan.
2. Ang mga sumusunod ay iilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa _____________.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad.
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan.
3. Ano ang mahuhubog kung ipagpatuloy ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba?
Hindi natakot si Kris na harapin ang anomang hamon upang ipakita ang
kanyang talent.
Hinahasa ni Jessa ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang
sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
a. Tapang c. tiwala sa sarili
b. Talent at kakayahan d. positibong pagtingin sa sarili
4. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap
na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Upang masisiguro niya na mayroog tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at
kahinaan.
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad.
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang nakipag-ugnayan
nang maayis sa kanyang kasing-edad.
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa
isang pangkat na labas sa kanyang pamilya.
5. Sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng
tindeyer ng kasintahan (girlfriend/boyfried). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng
relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang
relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga at nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang
tinedyer.
6. Si Ana ay iskolar sa isang pamantasang mattas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga
mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi namans

Page 1 of 5
siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatwirang gawin ni
Ana?
a. Makikipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at dait na
haos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa
niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.
7. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa
kapwa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
8-9. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 8-9.

Pagtungtong ng isang bata sa ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na


pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa
paglalaro, ngayon ay naakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae;
nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae.
Sa panig ng kalalakihan, magiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at pag-uugali: laging tila
humaharap sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwaring hindi
nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang
kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang
kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay walang
napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad,
laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan,
ang isang nagdadalaga ay nagsisimula ng iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat
na kumilos nang magaslaw o tila bata.

8. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?


a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan a pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nabibinata sa mga pagbabagong kanilang
pinagdaraanan.
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata.
9. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdan ng
kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro
ng manika at iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga
ay nagsisimulang maging pino ang kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay
nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.
10. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talent?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talent.
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talent.
d. Dahil hindi nila kinikilal ang kanilang mga kakayahan na talent dahil hindi naman ito
makaagaw atensyon.

Page 2 of 5
11. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil sa hirap sa asignaturang ito. Palaging mababa
ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya agkarron ng lakas ag loob na magrecite
sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng Ingles. Ano ang maaring maging solusyon sa
suliranin ni Leo?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang
kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles.
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura.
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin.
d. Lahat ng nabanggit.
12. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa isa:
a. Ito ay hindi namamana.
b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon.
c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili.
d. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan.
13. Sa murang edad ay dapat matuklasan ang talent at kakayahan upang mahaba ang panahon
ng pagpapa-unlad nito. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talent at
kakayahan ng tao
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talent
katulad ng pagsaligsahan at mga pagtatanghal.
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabago at pagkasawa.
14. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayan maliban sa:
a. Ang talento say isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan
ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samatalang
ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao
dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan
ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

Maliit pa lang si Joana nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa
pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang
kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay nagging mahiyain si Joanna at
hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng
kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya magpapakita nito kahit sa
mga Gawain sa klase o paaralan.
Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanila lamang bahay kasabay ang kanyang
nakatatandang kapatid.

15. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan.
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at
magtanghal.
16. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-
awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan
siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.

Page 3 of 5
c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang
anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan.
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento
at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.
17. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan.
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan.
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan.
d. Lahat ng nabanggit.
18. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang
mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking
puntos sa kanilang team. Makakitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa
basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya
nakapagsasanay nang mabuti. An ang maaaring magng kahihinatnan ng ganitong gawi ni
Cleo?
a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos
perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
c. Makaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay
mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng
laro kasama ang mga ito.
d. Hindi ito makaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga
kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa
kanya sa laro.
19. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay nagging kapansin-pansin ang kanyang pagiging
matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase at inalok na sumali sa volleyball
team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang
kinahihiligan na sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nakikipaglaro ng volleyball
minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga
agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya
ni Angeline?
a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanayang interes at
kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya
makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay.
c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal
na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.
d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa
paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.
20. Nangangailangan ang mga teenagers na mararamdamang may halaga sa mundo at may
pinaniniwalaan. Anong aspeto ng pagdadalaga o pagbibinata ito nabibilang?
a. Pangkaisipan c. Panlipunan
b. Pandamdamin d. Moral
II. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap kung tama lagyan ng titik E at kung mali titik S
bago ang bilang.
_______21. Bago dumating ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, ang isang bata ay madalas na
mas nakikipag-ugnayan sa kapwa batang katulad niya ang kasarian.
_______22. Huwang ipakita ang tunay na ikaw.
_______23. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang anumang itinatago sa bawat
isa.
_______24. Hindi mahalagang tanggapin ang isang tao bilang tunay na siya.
_______25. Iwasang maging masyadong pamilyar sa isat isa dahl hindi lahat ng sensitibong bagay
ay dapat mong ibahagi.

Page 4 of 5
_______26 . Hindi dapat na maglaro ang isang bata.
_______27. Kung hindi mo natutuhang mahalin ang iyaong sarili, hindi mo matutuhan ang
magpahalaga sa ibang tao.
_______28. Ang lalaki ay malakas, matapang at ang babae naman ay mahina at palaasa.
_______29. Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, mabilis ang mga pisikal na pagbabago sa
katawan kung ihahalintulad sa ibang yugto ng buhay.
_______30. Sa tahanan nagmumula ang paglawak ng iyong kaisipan habang nararagdagan ang
iyong edad.

III. Paglalahad: ibigay ang ibat ibang uri ng Multiple Intelligencies ayon kay Dr. Howard Gardner.

31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.

IV. Pagpapaliwanag : Limang puntos bawat isa.

1. Anu-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa iyo bilang nagdadalaga o nagbibinata?


2. Paano mo malalampasan ang mga pagsubok na ito sa iyong buhay?

Page 5 of 5

You might also like