You are on page 1of 2

1077 Leonor Subdivision

Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat


Agosto 7, 2014

Dr. Rima D. Magdayao


Punong Guro III
Kalawag Central School
Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat

Mahal na Ginang Magdayao:

Narinig ko po ang inyong anunsiyo sa radio na may petsang Abril 30, 2014 na
ang paaralang Kalawag Central School ay nangangailangan ng guro sabjek na
Matimatika ninanais ko pong mapabilang sa mga aplikante na inyong
nabangit.

Ako nga po pala si Ma. Angelie Cadampog Pacatang dalawamput isang taong
gulang. Nagtapos po ako ng apat na taon sa kolehiyo sa kursong Edukasyon
medyor sa Matimatika sa Unibersidad ng Sultan Kudarat noong Marso 30,
2014. Bilang isang mag-aaral sa aming paaralan ay naging aktibo po ako sa
lahat ng mga gawaing pampaaralan dahilan upang malimit akong maging
pangulo ng aming klase.

Naging student assistant po ako sa computer laboratory ng aming paaralan.


Bilang student assistant, nalinang po ang aking kasanayan sa ibat ibang
gawain at nang mahusay na pakikitungo sa tao. Nais ko po sanang mag apply
na maging guro sa inyong paaralan upang magturo sa inyong mga istudyante.

Bunga ng aking mga karanasan at kwalipikasyon, naniniwala po akong malaki


ang aking maibabahagi sa lalong ikauunlad
ng inyong paaralan.

Ikinagagalak ko pong pumunta sa inyong tanggapan anumang oras o araw na


inyong mamarapatin para sa pakikipanayam.

Lubos na gumagalang,

Ma. Angelie C. Pacatang


Aplikante

You might also like