Professional Documents
Culture Documents
Wikang Filipino
Mga Babasahn sa Kasaysayan ng Filipino
Isang Sariling Wikang Filipino
Mga Babasahn sa Kasaysayan ng Filipino
Pambansang Komisyon
Komisyon sa Wikang Filipino
para sa Kultura at mga Sining
Aklat ng Bayan
Metro Manila
2016
Isang Sariling Wikang Filipino
Mga Babasahn sa Kasaysayan ng Filipino
Karapatang-sipi 2016 ng introduksiyon ni Kriscell Lrgo Labr, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S.
Almario at Dr. Purificacion G. Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lrgo Labr.
RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin
o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.
ISBN 978-971-0197-91-0
Inilathala ng
The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policymaking
government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The
NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nations historical and cultural
heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the
country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as dynamic part of the national
cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA
administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).
v
Isang Introduksiyon
PAGPAPLANONG WIKA SA
PANAHON NG SIGWA
Sa Filipinas, panahon din ito ng mga sigwa para sa wikang pambansa. Sa proseso
ng pagbuo ng tadhanang pangwika ng 1935 Konstitusyon ay nagsagawa ng mga pagdinig
sa publiko at mga pag-aaral ang lupong pangwika ng 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal.
Iminungkahi ng lupon na pagtibayin ng Kumbensiyon ang probisyong pangwika na
magdedeklarang ang wikang pambansa ay ibabatay sa isang katutubong wika. Binuo naman
ang isang National Language Institute (NLI) noong 13 Disyembre 1936 sa pamamagitan
ng Batas Komonwelt Blg. 184. Nagsumite ito pagkaraan ng rekomendasyong ibatay ang
wikang pambansa sa wikang Tagalog. Pinagtibay ni dting Pangulong Manuel Quezon
ang nabanggit na rekomendasyon sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 134
noong 30 Disyembre 1937. Naging masigla ang pagslong ng isang Wikang Pambansa
batay sa Tagalog noong 1940s hanggang 1950snailathala ang ortograpiya, gramatika, at
diksiyonaryo para sa wikang ito. Sa bis ng atas pangkagawaran noong 13 Agosto 1959 ni
Kalihim Jose E. Romero ay tinawag na Pilipino ang wikang pambansa.
2. The National Assembly shall take steps towards the development and formal
adoption of a common national language to be known as Filipino.
3. Until otherwise provided by law, English and Pilipino shall be the official languages.
Gayong lagom din ang mga inihain nina Santiago, Gatal, at Santos sa kani-kanilng
artikulo. Dahil may impit ang karamihan sa mga katutubong wika ng Filipinas, iminungkahi
ni Santiago na maituro ang katangiang ito sa wikang pambansa at maiugnay sa mga
katutubong wika upang mabisng matutuhan ang wikang pambansa blang pangalawang
wika. Para din kina Santiago at Gatal, mahalagang maging sensitibo ang guro sa katutubong
wika ng pook (Lalong magiging mabis ang pagtuturo ng Plipino kung isaalang-alang ng
guro ng unang wika o wikang kinagisnan ng mga mag-aaral, kung ang kaniyang gagawing
pagtuturo ay batay sa kinalabasan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wikawika ng
pook at ng Pilipino).
Sa Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas, hindi binago ang pagbaybay
ni Lopez, na tinawag niyang transkripsiyong ponemika upang mapanatli ang diwa ng
eksperimentong ortograpiko na isinagawa ng isa sa mga tagapagtatag ng lingguwistika
sa bansa. Ang transkripsiyong ponetiko ay isang biswal na representasyon ng tunog ng
pagsasalit. Karaniwang uri ng transkripsiyong ponetiko ay gumagmit ng alpabetong
ponetiko gaya sa International Phonetic Alphabet (IPA). Sinasabing ang transkripsiyong
ponetiko ay tumutugon sa pagkakaib-ib ng mga ortograpiya sa mundo at isang paraan ng
estandardisadong pagdulog sa pagrerekord ng bigkas ng mga salit sa buong mundo.
Ernesto Constantino
Ang Universal Approach at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas 14
Virgilio S. Almario, National Artist
Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino 27
II
Cecilio Lopez
Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas 82
Alfonso O. Santiago
Ang Tunog Glottal sa Pilipino (At sa Ibng Pangunahing 91
Wika sa Filipinas)
Alfonso O. Santiago
Ang Paghahambing sa Dalawang Wika 96
Fermina G. Gatal
Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental 102
ng Pilipino at Ibanag
Vito C. Santos
Pagpapakilla sa Ilang Gitlaping Patay sa Tagalog 111
Purificacion G. Delima
Ang Gramatikang Filipino 119
1
Dapat isipin ngayon ang kultibasyon
(cultivation) ng Filipino blang kambal
at magkaagapay na gampanin ng
nasyonalisasyon at ng modernisasyon/
intelektuwalisasyon
Jose Villa Panganiban
DAHIL SA NOONG tang 1967 ang mga bansang Asiano ay nagkatipon sa Kuala
Lumpur upang ipagdiwang ang Tan ng Wikang Pambansang Melayu, at sa pagtitipong
ito, ang pinag-usapan ay ang suliranin ng modernisasyon ng mga wikang pambansa sa
Silangang Asia, ang pag-aaral-suring ito ay ginanap upang maiambag sa kalipunan ng mga
kuro-kuro hinggil sa paksa. Iyan ang unang layunin ng papel na ito.
Kailangang Kaalaman
Kung ang modernisasyon ay ilalapat sa sarili, itoy pagpapakamakabago. Kung ilalapat
naman sa mga bagay, gaya sa kasangkapan o wika, itoy pagsasaanyong makabagohindi
pagbabago. Ang ibig sabihiy mayroon tyong alam sa anyong luma o makaluma at may
alam din tyong anyong bago o makabago. Itong hul ay siyng ipapalit sa una. Ngunit
alaming anyo ang palitan, hindi wika.
Ang susunod na nabalitang tula ay ang petsang 1708, isinulat ni Felipe Miguel
Bulakan:
Noon namang 1860, sa Vocabulario de la lengua tagala nina Noceda at Sanlucar, isang
bugtong ang aming napansin sa ilalim ng kahulugan ng bitoin (ngayoy bituin):
Sa Claus (1871, tomo iv), aklat ng mga sermon sa Tagalog ni P. Benito Rivas OP, ay
may mga ganitong pahayag:
4 Ang Modernisasyon ng Isang Wika
Sa liham ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos noong 1889 ay ginmit na niya ang K
at W at maraming ibang pagsasaayos sa dting panulatang Tagalog. Samakatwid, si Rizal
at mga kasma ay nagdala sa Tagalog ng maaari nating masabing modernisasyon noong
kanilng panahon. Ang ilang halimbawa ay:
Subalit may mga baybay siyng inib naman ngayon sa ating panahon (1968):
zarzuela
buan ng Julio-
comusta ka
Subalit may mga baybay na hindi pa rin kaayon ng kasalukuyan gaya ng makikta sa
sumusunod na halimbawa:
Pansinng ang wikang Tagalog ay unang naktang may tula sa sulat-Romano noong
1697 sa sinulat ni Suarez Ossorio, ngunit ang pamamaraan ng pagsulat at ang pananagalog
ay di-halata sa anumang pagbabago kay Felipe de Jesus noong 1708, kahit halos isang
dantaon ang pagitan.
Makabagong Pananagalog
Ang tunay na maikli, ngunit malinaw na katuturan ng pagkamakabago o modernismo ay
kung ano ang naabot na katangian ng kasalukuyan, at ang kasalukuyang ito ay laging bunga
6 Ang Modernisasyon ng Isang Wika
Makabagong Pilipino
Kung tunay na ang kasalukuyan ay siyng modernisadong anyo ng isang bagay, lalo na ng
isang wika, ang larawan ng makabagong Pilipino ay hindi mapapagkamalan.
Bagamat nang unang itinuro ang Wikang Pambansang Pilipino noong 1940 ay
hindi pa ito tinawag na Pilipino, kung hindi batay lmang sa Tagalog, ang makabagong
Pilipino ngayong 1968 ay masasabing bunga ng disiplina at kabihasnang inalagaan ng mga
pamamaraan ng pagtuturo ng Wikang Pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralan ng
bansa. Ang disiplina ay humantong muna sa pamamagitan ng maraming pagsasanay sa
pagpapahayag at pagsulat sa buong bansa, na saklaw ang lahat ng mga mag-aaral. Tagalog
man o di-Tagalog. Sabihan pa, sa mga unang salpok ng pagtuturo, ang mga mag-aaral at
guro ay nagdanas ng maraming balakid. Ngunit sa pamamagitan ng tiyaga at aral, ang mga
balakid ay unti-unting nahawi, kung hindi man lahat.
Kung may mga repormista mang lumitaw, ang kanilng panukalang reporma
ay maaring makaimpluho o di-makaimpluho ayon sa lohika ng kaurian ng reporma na
kaagos ng pag-unlad ng wika sa simplipikasyon at pagkamabis, sa linaw, bigat, at ganda ng
pagpapahayag. Ang kauri at kayari ay madalng tangayin ng agos. Ang hindi kauri ni kayari
ay parang mga batong nililigiran ng agos na patuloy din, kung nabalam man nang kaunti sa
pag-agos.
Impluho ng Aghamwika
Napasok ang aghamwikang gling sa America dito sa atin upang matuklasan ang mabisng
pagtuturo ng Ingles blang pangalawang wika ng mga Pilipino. Ang mga aklat sa
aghamwika ay pawang ukol, hinggil, at tumutumbok sa pagtututro ng Ingles. Dahil dito,
inisip ng mga nagmamalasakit sa Pilipino na gamtin din ang mga simulain at tuntunin ng
pagtuturo ng pangalawang wika sa pagtuturo ng Pilipino sa mga di- Tagalog.
Ang ibig sabihin nity nangyayari ang modernisasyon ng alinmang wika, gustuhin
man o hindi at hindi ginagawa, bagamat ang gawaing pagmomodernisa ay maaaring
makatulong na makapagpabilis sa panahon ng pagsapit ng modernisasyon. Maaaring
gumanap ang isang presentadong modernisador, ngunit ang katutubong hakbang ding
bagay sa katangian ng bansa ang masusunod, sa anumang pangyayari.
TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Jose Villa Panganiban sa Ang Supling, blg 1, 1970.
Ernesto Constantino
TALA: Lumabas ang artikulong ito kasma ng artikulong Ang Pilipino bilang Wikang Panturo ni Dr.
Ernesto Constantino sa Linggwistikang Pilipino, blg 3, 1971.
Ernesto Constantino
Simula sa pasukang ito, ang lahat ng mag-aaral na nasa unang taon sa Unibersidad
ng Pilipinas ay kinakailangan nang kumuha ng tatlong saligang kurso sa Pilipino. Ang mga
kursong ito ay naglalayong paunlarin ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa
Unibersidad alinsunod sa bagong Programa sa Pangkalahatang Edukasyon ng Unibersidad
na ang unang layunin ay: Ang pagbubuo, paglilinang, at papapaunlad sa mga mag-aaral ng
kakayahan sa pagsulat, pagsasalita, at pag-iisip sa Pilipino nang mabisa.
TALA: Lumabas ang artikulong ito kasma ng artikulong Ang Hinaharap ng Wikang Pilipino ni Dr. Ernesto
Constantino sa Linggwistikang Pilipino, blg 3, 1971.
Ernesto Constantino
The National Assembly shall take steps towards the development and formal
adoption of a common national language to be known as Filipino (Art. XV, Sek.
3, Par. (2) )
Base sa probisyong ito, masasabing hindi na Pilipino ang wikang pambansa ng Pilipinas
pagkatapos ng ratipikasyon ng bagong Konstitusyonmagiging Filipino na ang wikang
pambansa ng Pilipinas.
ang bagong wikang pambansa. Gaya ng aming prediksiyon, ang paraang ito ay masiglang
tinatanggap ng marami at mahigpit namang tinututulan ng iba. Katunayan, itoy naging
kontrobersiyal, kung minsay proberbiyal, lalo na sa mga hindi nakakaalam kung ano ito.
Layunin ng papel na ito na ipaliwanag ang ilang misteryo ng paraang ito. Pagkaraan
ng mahigit na isang taon mula nang iharap ito sa Konkon, ipinasiya namin na ipaliwanag dito
sa komperensiyang ito na isang malaking obligasyon para sa amin na iharap ang paraang ito
sa publiko, lalo na sa komperensiyang ito ng mga eksperto sa wika mula sa ibat ibang bansa
sa Asia, mga lingguwist, mga titser sa wika, at iba pang iskolar sa wika, dahil sa pangyayaring
ang paraang ito ang inindors o sadyang pinili ng Komite ng Wikang Pambansa ng Konkon
na gagamitin sa pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas.
Oposisyon sa Pilipino
Sa isang multilingguwal at naging kolonyang bansa na paris ng Pilipinas na dayuhang
wika ang dominanteng wika kahit na mayroon ditong ilang estabilisadong katutubong wika
na bawat isay may maraming ispiker kayat posibleng kandidato sa posisyon ng wikang
pambansa, maaaring mangyari na ang paggamit o pagpili sa alinman sa mga katutubong
wika bilang wikang pambansa o batayan nito ay lumikha ng malakas na oposisyon sa mga
ispiker o suporter ng ibang wika, pati na ng dayuhang wika. Nangyari ito sa Pilipinas. Ang
pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay lumikha ng malakas at patuloy
na oposisyon mula sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles. Madalas naipapahiwatig ang
oposisyong ito sa mga sulat sa mga editor ng mga peryodikal at sa mga paulit-ulit na
habla at salita laban sa Pilipino. Ang pagtawag ng Konkon noong 1971 ang nagbigay ng
pinakahihintay na pagkakataon sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles na baguhin o
patayin ang wikang pambansang batay sa isang wika.
Sa mga una pa lamang sesyon ng Konkon malinaw nang lumabas ang malakas na
pagkontra o pagtanggi ng karamihan sa mga delegado sa Konkon (na mga di-Tagalog) sa
patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang palagay namin
sa UP ay milagro na lamang ang makapipigil sa pagkontrang iyon.1 Kayat sa amin sa UP,
1
Isang milagrong sinubok naming gawin ay ang pagpapatanggap sa bago o ibng depinisyon ng (at
pagtingin o atityud sa) wikang Pilipino. Kung tinanggap ng Konkon at ng Surian ng Wikang Pambansa
ang aming depinisyon ng Pilipinoang depinisyon ng Pilipino ng UP (Constantino 19701971)wala na
sanang malakas na dahilan para baguhin ang wikang Pambansa ng Pilipinas.
Constantino 17
ang problema ay hindi na kung paano mapapanatili ang wikang Pilipino bilang wikang
pambansa kundi ito: Paano magpapatuloy na may wikang pambansa ang Pilipinas na mula sa
sariling wika o mga wika nito? Sa madaling sabi, nang ipropos namin ang paraang unibersal,
ang nangunguna naming layunin ay siguruhin na ang Pilipinas ay patuloy na magkakaroon
ng wikang pambansa na tubo o tunay na sa bansang ito, kahit na ang wikang itoy hindi
ang wikang Pilipino. Ang totoo, natatakot kami na kung hindi epektibong masagot ang
opinyong ipinipilit ng isang patnugot at ng presidente ng isang samahan sa lingguwistiks
at ng mga kakampi nila na hindi maaaring bumuo ng isang wikang pambansang batay sa
higit sa isang wika at dito sa Pilipinas ang wikang Tagalog lang ang puwedeng batayan
ng wikang pambansa, ang wikang Ingles ang tuluyang magsilbing wikang pambansa ng
Pilipinas. Ganitong opinyon ang gusto ng mga pro-Pilipino (at ganoon din ng ilang pro-
Ingles na tumutulong sa kanila) na paniwalaan ng mga delegado sa Konkon para huwag na
nilang baguhin ang status quo.
Ilan sa mga nagpalakas ng loob naming mga lingguwist sa UP para ipropos ang
paraang unibersal ay ang mga bagong debelopment sa lingguwistiks, sa edukasyon, at sa
mas media na lalong nagpapalaki sa posibilidad ng paggamit hindi ng isang wika lang
kundi ng isang grupo ng mga wika bilang batayan ng isang wikang pambansa kung
18 Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas
Kung gagamitin ang Metod B, ang mga salita sa wikang pinili bilang simula o
nukleus ng wikang pambansa ang bubuo sa inisyal na diksyunaryo ng wikang
pambansa. Para maging unibersal na diksyunaryo ang diksyunaryong ito,
payayamanin o daragdagan ito sa susunod na limang taon ng mga salitang
mula sa ibang wika at dayalek, katutubo at banyaga, na laging gagamitin ang
mga tuntunin sa sumusunod na hakbang.
Bibigkasin ang mga salita sa unibersal na diksyunaryo sa paraang binibigkas ang mga
ito sa mga wikang pinagmulan. Sa isang grupo ng mga sinonim na nagkakaiba nang kaunti
sa ispeling (kahit na pareho sa bigkas), isa sa mga ispeling ang bibigyan ng preperensiya at
ang ibang ispeling ay kokonsiderahing baryant ng ispeling na ito. Ang ispeling na bibigyan
ng preperensiya ay iyong ispeling na ginagamit sa mas maraming wika o kayay iyong
ispeling na sumusunod sa mga tuntunin sa ispeling na kasama ng unibersal na alpabet.
mahirap o imposible. Sa katunayan, kung mayroon lang mga kailangang pondo, tauhan, at
kagamitan, madedebelop ang wikang ito sa loob ng dalawang taon. Ang madedebelop na
wika ay masasalita, maisusulat, at mababasa ng kahit anong wika. Maituturo ito at mapag-
aaralan paris ng anumang wika at nang mas madali kaysa Ingles, Kastila, o anumang
banyagang wika. Sa madaling sabi, paris ng alinmang buhay na wika, magagamit ito sa
pagkokomunika mula sa henerasyong ito hanggang sa mga darating pang henerasyon. At
ipinipredik namin na ang wikang ito ay mas tatanggapin ng mga Pilipino bilang wikang
pambansa nila sapagkat hindi lang ito nagmumula sa kanilang ibat ibang wika at dayalek
kundi itoy konkreto at buhay na simbolo rin ng kanilang pagkakapare-pareho at pagkakaisa
at ng kanilang matagal nang pinakahahanap na pambansang identidad o nasyonal aydentiti.
May mga magtatanong siguro kung alin sa tatlong metod ng paraang unibersal na
katatapos na diskasin ang pinipili o pinapaboran ng UP. Pinipili namin sa Departamento
ng Pilipino at Literatura ng Pilipinas [ngayoy Departamento ng Filipino at mga Wika ng
Pilipinas] ng UP ang Metod B. Ngayon pay inuumpisahan na namin ang pagdebelop sa
UP ng wikang pambansa simula sa isang wika. Ang simulang wika ay hindi ang wikang
Tagalog kundi ang tinatawag naming Pilipino ng UP. Iba ang Pilipino ng UP sa Pilipinong
pinalalaganap at gustong palaganapin ng Surian ng Wikang Pambansa at itinuturo sa mga
public school sa Pilipinas. Ang Pilipino ng UP ay ang uri ng Pilipino na ginagamit sa
buong bansa, hindi lamang ng mga Tagalog o sa mga lugar na Tagalog ang katutubo o
dominanteng wika kundi pati ng mga di-Tagalog o sa mga lugar na mga ibang wika ang
katutubo o dominante.2
Para makita ang aktuwal na anyo at gamit at halimbawa ng Pilipino ng UP, inisip
at hinarap namin agad ang magsalin sa wikang ito ng mga obrang nakasulat sa ibang wika,
lalo na ng mga obra sa ibat ibang literatura ng Pilipinas. Nakita namin na ang katipunan ng
mga obra sa ibat ibang wika ng Pilipinas na naisalin at maisasalin sa wikang pambansang
aming dinedebelop ay maaari at dapat na maging simula ng pambansang literatura ng
Pilipinas. Ang aktuwal na pagbuo ng pambansang literatura ng Pilipinas sa ganitong paraan
ay aming ihaharap sa ibang papel. Masasabi lang namin dito na naniniwala kami (at ganoon
din ang ibang nakarinig sa proposal naming ito) na ang pagdebelop ng wikang pambansa
at ng pambansang literatura ng Pilipinas ay mas mabuti at mas madaling magawa kung
mapagsasabay batay sa mga prinsipyo ng paraang unibersal. Masasabi rin namin dito nang
walang pag-aalinlangan na ang wikang pambansang madedebelop sa paraang unibersal ay
siyang pinakamabisa at pinakaangkop na wika ng pambansang literatura ng Pilipinas, hindi
ang wikang Ingles o Tagalog at hindi rin ang puro o puristang Pilipino.3
2
Ang Pilipino ng UP ay tinatawag nang Filipino (o Filipino ng UP para huwag mapagkamalang
kapareho nit ang Filipino ni Lacuesta). Tingnan Constantino at Sikat (1974). Ang apat na kurso sa
Pilipino sa Programa sa Masaklaw na Edukasyon (General Education Program) ng UP ay ginawa
nang Filipino. Ang pangalan ng Departamento ng Pilipino at Literatura ng Pilipinas ay pinalitan ng
Departamento ng Filipino at mga wika ng Pilipinas noong 28 Pebrero 1974.
3
Tingnan Constantino at Sikat (1974) at ang ib pang artikulo sa unang labas ng jornal na LITERATURA
ng Filipinas; Jornal para sa mga Literatura ng Filipinas (Enero 1974).
Constantino 23
Nakikita namin ngayon na ang mga argumentong ito na matagal nang inuulit-
ulit ng mga pro-Pilipino ay hindi naging sapat para magtagumpay ang Pilipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas. Sa kabilang dako, ang mga argumentong ito mismo at
ang puristang palisi (policy) na sinusunod sa pagdebelop, pagpapaunlad, at pagtuturo sa
Pilipino ang mga aktuwal na dahilan ng pagkabigo ng Pilipino bilang wikang pambansa
ng Pilipinas. Pero itoy hindi na saklaw ng papel na ito. Masasabi lang dito na marami sa
mga sumusuporta sa Pilipino ang nagtaka nang atakihin nang matindi at pagkatapos ay
tuluyang itakwil ng Konkon ang Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Hindi nila
nakita na ang pagkalat ng Pilipino sa buong bansa at ang pagtuturo ng puristang anyo nito
sa lahat ng eskuwelahan ay ilan sa mga nagpalakas sa etnikong kamalayan ng mga grupo
sa Pilipinas at ang kamalayang ito sa parte ng mga di-Tagalog na grupo ay tumanggi sa
Pilipino (na ipinalagay nilang Tagalog) bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
But to expect that 87 separate branches make a language tree is absurd because
there have to be roots and a trunk where diverse branches can be grafted.
Bibliyograpi
Constantino, Ernesto. The deep structures of the Philippine languages. The Archive,
tomo 1, blg 2, mp. 65-79, 1970.
__________________. Ang hinaharap ng Pilipino. General Education Journal, tomo
26 Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas
TALA: Lumabas ang artikulong ito ni Dr. Ernesto Constantino sa aklat na Filipino o Pilipino? Mga Babasahin
sa Pambansang Wika at Literatura (1974) at may talng ganito:
NASYONALISASYON AT MODERNISASYON
NG FILIPINO
Blg. 7104. Hindi nakawala ang KWF sa nakagawiang trabaho ng Surian. Kapag nilimi ang
mga pahayag ng ating mga tagapangasiwa ng Wikang Pambansa sa nakaraang panahon,
wari ngang hindi nil matalakay nang sabyan ang nasyonalisasyon at modernisasyon. O
kay, malimit na ipanukala nilng kailangang itutok muna ang pansin sa isamalimit ding
sa nasyonalisasyonupang balingan ang ikalawa pagkatapos. Hindi naharap nang epektibo
ang problema sa nakalipas na panahon sapagkat hindi napatnubayan ng isang malinaw na
planong wika ang naging pagkilos ng mga alagad at kapisanang pangwika.
Ano ba ang mga problema at hindi nagaganap ang naturang mga gampanin?
Maaaring may lumabas nang mga pagsusuri hinggil sa isa o sa dalawang gampanin.
Maaaring may nakapagdulot na ng mga mungkahi upang dibdibang harapin ang mga
problema sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Wikang Pambansa. Subalit hindi iyon
natipon ng KWF, nabigyan ng kaukulang analisis, at naisalin sa mga kongkretong hakbang
at proyekto sa loob ng isang takdang panahon at sa kabil ng maaaring limitadong pondo
at tauhan.
Almario 29
Bahagi ng mapa ang nangyari nang paglaganap ng Filipino sa ibt ibng pook
at rehiyon. Tiyak na may ibt ibng uri ito, may ibt ibng antas ng pagtanggap, kay
makapagmumungkahi ng kailangang interbensiyon, sa pamamagitan man ng karaniwang
midyumang paaralan at ang ugnayang madla (mass media)bukod sa maaaring tukuyin
kung alin sa paaralan, brodkast, o espesyal na seminar ang higit na epektibo at matipid na
pamamaraan upang mabago ang isang sitwasyong pangwika sa isang pook, probinsiya, o
rehiyon. Maaari ding makatulong ang mapa sa pagtukoy sa mga partikular at sensitibong
problema na nangangailangan ng mga tiyak na hakbangin sa panig ng mga tagaplanong
wika.
Almario 31
makagaganyak sa mga di-Tagalog upang higit na gamtin ang Filipino sa kanilng pabigkas
o pasulat mang komunikasyon.
Pasisiglahin din nit ang pagpasok ng mga salit mula sa mga katutubong wika
at magpapayaman sa bokabularyong Filipino. Totoo namang bukod sa singkahulugan
ay may mga salit ukol sa mga danas at dalumat ang mga katutubong wika na wala sa
kasalukuyang talasalitaan ng Filipino. Ib ang bwot ng Kalinga sa karaniwang dag
at kahit na sa ilag ng mga Ilonggo. Kamakailan, lumilitaw na may espesyal na gmit
pangmilitar ang mga Magindanaw sa pintakas at naiib sa alam ng mga Kristiyanong
Tagalog. Ang jambngan sa Tausug at vakul sa Ivatan ay simpleng patunay na may mga
tunog sa naturang mga wika na wala sa Tagalog, Bisaya, Ilokano, at ibng malaking wika
ng Filipinas. Ang pangt sa Legazpi ay ib sa pangt sa Metro Manila. At bakit hindi
naidadagdag ang panlaping gi o gin at on ng Bisaya at Bikol samantalang naririnig
na itong malimit sa Cubao at Navotas?
Isa rin itong patuloy na trabaho. Ang ibig sabihin, kailangang isipin na magbabago
ang kompleksidad ng wikang Filipino hbang patuloy itong lumaganap at higit na tumitiim
sa mga pook na di-Tagalog. Ang gramatika o diksiyonaryong mabubuo ngayon ay tiyakang
mangangailangan ng rebisyon pagkatapos ng lima o sampung tan. Kaugnay nit, dapat
ding pagbutihin ang pagbuo ng mga gramatika at bokabularyo sa ibt ibng wikang
katutubo. Bahagi ito ng higit na sistematikong pangangalaga sa mga wikang katutubo, ng
pagsuslong sa mga ito blang wika ng panitikan, at ng higit na malinaw na paggmit sa
mga ito blang bukal ng pagpapalusog sa Wikang Pambansa. Malaki ang papel ng SWK
ng KWF hinggil sa pagsasagawa ng ganitong mithiin bukod sa maaari itong gumanyak sa
mga lokalisadong inisyatiba.
Filipino: Wika ng Karunungan
Paano isasagawa ang modernisasyong akademiko? Nangangailangan ito unang-una ng
pagbabago ng pananaw sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersiyarya. Ang ibig sabihin,
kailangan ang paradigm shift sa hanay mismo ng mga alagad ng wika sa mga kolehiyo
at unibersidad. Ang mga programa sa mga kagawaran ng Filipino ay pawang biktima ng
patakarang bilingguwal sa edukasyon at kay limitado sa paghahandog ng kaalaman at
kasanayn sa wika, panitikan, at agham panlipunan. Kailangan, sa gayon, ang ribyu ng mga
direksiyon ng programa at nilalamang kurikular upang makapagbuks ng malaking espasyo
sa pagtuturo ng ibng disiplina gmit ang Filipino. At nangangahulugan ito ng re-bisyon
ng layunin ng edukasyon sa Filipino, ng dagdag na kasanayn at kaalaman para sa mga
propesor sa Filipino, at ng rebalidasyon ng Filipino sa buong gawaing akademiko.
36 Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino
Ang sabi ng Konstitusyon, isa sa dalawang wikang opisyal ang Filipino. Kasma ng
Filipino ang Ingles blang wikang opisyal, at may pasubali pa, na mangyayari lmang ito
hanggang sa panahong ipasiya ng Kongreso na alisin ang Ingles. Ngunit ano ang umiiral?
Almario 37
Bakit?
Ano ang halaga ng Wikang Pambansa na hindi naman Wikang Opisyal? Ang
praktikang pangwika sa dominyo ng kapangyarihan ay tahasang sumusuway sa atas
ng Konstitusyon. Ito ang malaking hadlang sa pagpapatupad ng EO No. 335. Kung
susundin ang 1987 Konstitusyon, kailangang bilingguwal kahit paano ang bawat opisyal
na dokumento: nsa Filipino at nsa Ingles, magkapantay na mga orihinal, at kapuwa
mapagbabatayan ng legal na interpretasyon at desisyon. Ngunit uulitin ko, malinaw na
sinusuway ng dominyo ng kapangyarihan ang tadhana ng Konstitusyon. At bunga ito
ng mapangmaliit nilng impresyon sa Wikang Pambansa. Ang tinalakay na panukalang
planong wika, sa gayon, ay may lunggating nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino
upang iglang ito ng dominyo ng kapangyarihan blang wika ng karunungan at kaunlaran
at, sa wakas, upang gamtin itong Wikang Opisyal sa gobyerno, sa hukuman, sa batasan,
sa negosyot pagbabangko, sa mga eksameng propesyonal, at sa mataas na edukasyon. Bak
nga ipasiya pa nilng mariwasat makapangyarihan, sa ngalan ng pagtitipid, na iwaksi na
ang Ingles blang wikang opisyal at isa-Ingles lmang ang opisyal na dokumento sa Filipino
kung kailangan ang salin para sa mga dayuhan.
Kung kay, lumilitaw ang sumusunod na tanong: Gaano, at kailan, hahanguin ang
mga bahagi ng pananalit ng isang wika? Dapat bang isma ang lahat ng pekulyaridad ng
mga tunog, diin, at intonasyon ng bawat wika? O kailangang isakripisyo ang ib para sa
40 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika
Ang gayong uri ng wika ay walang ugat; walang masasabing tagapagsalit. Walang
retorika ni idiyoma; walang panitikan. Ang Filipino, na umusbong sa gayong sistema ng
inhenyeriyang pangwika ay walang kultura. Nakatakda itong mabigo gaya ng Esperanto,
Volapuk, at ib pang wikang artipisyal.
Mainam na pagpunyagian ang wikang Pilipino blang nukleo. Ito ang aming
matagal nang sinasabi. Praktikal ito, isang realistikong pagdulog sa Filipino (i.e. kung ang
prinsipyo ng kultibasyon ng SWP ang susundin). Ang handog na ito ang susubok sa
sinseridad ng mga nagpanukala. Nais ba talaga nating magkaroon ng isang katutubong
wikang pambansa? Kung gayon, magkaroon tyo ng mabuting pagtitimbang ng politika,
siyensiya, at praktikalidad. Kailangan tyong humango ng inspirasyon mula sa mga tagumpay
sa kasaysayan sa wika sa halip na mula sa gilalas ng malinaw na kabiguan sa eksperimento
sa unibersal na wikang sintetiko, wala tyong mararating sa mga mitolohiya at kakatwang
paniniwala. Magiging mabunga kung isasaalang-alang nating ang wika ay isang dinamikot
buhy na organismo na may sariling pamamaraan.
Ang kailangan sa puntong ito ay hindi ang pagbasura sa Pilipino blang midyum
ng instruksiyon, sa halip ay ang ganap, wasto, at hustong pagpapatupad ng patakaran sa
edukasyong bilingguwal, na halos nanatling isang patakaran sa papel lmang pagkaraan
ng 11 tang pagpapatupad nit.
ang mga inhenyero ng Filipino, pagkaraan ang maraming tan ng pagsusumikap, ay hindi
gagamtin ang wikang kanilng pinagsma-sma. Tulad ng naipaliwanag na sa naunang
bahagi, kailangang balangkasin ang bagong gramatika, kailangang idisenyo ang masinsing
diksiyonaryo, kailangang idevelop ang kakatwang idiyoma at retorika.
May isa pang mahalagang puntong isasaalang-alang. Ang isang wikang pambansa
na idedevelop blang nasyonal o supra-etnikong wika, tawagin man itong Filipino o anuman
sa isang lehislatibong atas, ay kailangang magagmit sa antas pambansa, isang mapauunlad
na wika, at mapayayaman sa linguistic progression. Ang wikang karapat-dapat sa posisyong
ito ay ang yumayabong na Pilipino.
Ipinapalagay nitng ang mga mag-aaral ay napakahusay sa wikang Ingles bago ang
pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong bilingguwal. Walang sapat na saliksik na
sumusuporta dito.
Una, paano itinuturo ang Ingles sa mga paaralan? Anong metodolohiya ang gmit
sa pagtuturo ng Ingles? Marahil dapat na muling suriin at rebisahin ang metodolohiya
upang umangkop sa pangangailangan ng mga kasalukuyang mag-aaral na Filipino. Kung
depektibo ang metodolohiya, hindi maaaring asahang matututo ang mga mag-aaral sa
banyagang wika.
Pineda 43
Ikalawa, banyagang wika ang Ingles. Ngunit inaaral ito blang unang wika, ibig
sabihin, inaaral ito sa Filipinas na may ibng kaligirang sosyo-kultural kompara sa lugar na
katutubong sinasalit ang Ingles. Ang pakikihalubilo o pakikipag-usap sa mga gumagmit
ng target na lengguwahe blang unang wika ay isa ring salik sa pagtatamo ng kompetensing
komunikatibo sa wikang inaaral, i.e., Ingles para sa mga Filipino. Nahahadlangan ang
kahusayang komunikatibo sa Ingles ng nakararaming Filipino dahil hindi pinahihintulutan
ng sitwasyon.
Sa kabilng band, madalng matutuhan ang Pilipino hindi lmang sa mga paaralan
kundi maging sa labas nit. Wika ito ng midyang pangmadla at ng entertainment. Wika
itong ginagmit sa mahigit 5,000,000 magasing komiks na kinokonsumo linggo-linggo
ng taumbayan. Pilipino din ang wika ng pelikula na pinanonood ng mga tao sa buong
Filipinas.
Kung humina sa Ingles ang mga estudyante, gaya ng sinasabi, hindi dahil mahusay
na ngayon sa Pilipino ang mga kabataan. At kung magkagayon nga, tanging ang mga utak-
kolonyal na edukador ang desmayado sa sitwasyong ito.
Bakit ipinipilit ng ilang tao na manatli ang Ingles blang tanging midyum ng
instruksiyon, gaya noong panahong kolonyal? Dahil ba napagtanto nilng nakapagpapalaya
ang wika, at kasangkapan din sa pang-aalipin? Ano na nga ba ang nalikha ng ating
edukasyong maka-Ingles? Murang paggawa para sa eksport? Propesyonal o empleadong
teknisyan para sa mga kompanyang banyaga at multinasyonal?
Usapin Blg. 5 Ib pa
TALA: Ang Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika ay salin sa Filipino ng artikulong Ingles na
SWP Direktor Ponciano BP Pinedas Analysis of Certain Issues on Language Development and Language
Education Raised By Then MECS Minister Jaime C. Laya na may petsang 13 Nobyembre 1985. Lumabas
ang artikulo blang Apendiks C sa Limampung taon ng Surian ng Wikang Pambansa: Hulng Isat Kalahating
Dekada (1970 1987) at inilathala ng SWP.
Ponciano B. P. Pineda
The three factors in the formation of the Greek national language are present
in our actual case: firstly, the necessity of a national language; secondly, official
support; and thirdly, the possibility of finding a native dialect which is sufficiently
developed and which will satisfy the exigencies of a national language.
The execution of the plan is placed mainly in the hands of the Institute created
by law as the technical body.
The work of the institute comprises three steps: preparation, development, and
supervision as outlined in the National Language Act No. 184. (Note: Emphasis
mine)
Pineda 47
Initiation Implementation
4. Acceptance by intended
Linguistic function 3. Elaboration of function population
Tagalog has been elected (it has been taken) as the language-type, the
language-nucleus, the language-axis, the language-soul.
Bagong Pananaw
Ang kalagayang itoy naligalig nang maratipikahan ang Saligang Batas (SB) ng 1972. At sa
layunin ng bahaging ito ng pagtalakay, sisipiin ko ang mga pertinenteng probisyon ng SB:
Sek. 3 (3) Hanggat walang ibng itinatadhana ang batas, English at Pilipino ang
dapat na mga wikang opisyal. (NB: Amin ang empasis.)
alinlangang opisyal na wika ang PIL. Bukod dito, ang SB mismo ay sinulat at ipinahayag sa
PIL at Ingles.
Makatwiran ngayong itanong: Ano bang talaga ang suliraning dapat isaalang-alang
sa pagpaplano ng wika sa yugtong ito ng ating kasaysayan?
Ang punong problema ay ito: Anong modelo ng Wikang Pilipino (PILM) ang
kanais-nais sa lahat ng modelo sa persepsiyon ng mga respondent mula sa ibt ibng
larangan ng bhay sa Filipinas nang tang-aralan 19781979? Ang mga sub-problema ay
gaya ng sumusunod:
(Sa ilalim nity ang ib pang mga kaugnay na katanungan sa ibt ibng pangkat ng mga
tong tinanong, at gayundin ang mga baryabol).
Kung ano ang ginawa sa datos. Para sa balidong interpretasyon ng datos, ginmit
ang sumusunod na mga istatistikal teknik at metod: 1) frequency and percentage distribution,
2) ranking, 3) Friedmans analysis of variance, at 4) Chi-square test.
PILM1:
1
Ang mga paglalarawang ito ng ibt ibng modelo ng Pilipino, na umiiral nang isagawa ang pananaliksik,
ay batay sa isang maikling balita sa Ingles. Sarili ng sumulat ang naritong mga bersiyon na isinalig naman
sa katularing mga uri ng pagpapahayag na makikita sa literatura ng mga isyung pangwika.
Pineda 51
PILM2:
PILM3:
PILM4:
PILM5:
Ang Kinalabasan
Ipinamamalas ng pag-aaral ang mga sumusunod:
Kongklusyon
Sa liwanag ng mga natuklasan, narito ang aming pangwakas na kuro:
Leksikon
Halimbawa:
1. transliterasyon
1.1 tradisyong Castilla
1.2 tradisyong Ingles
2. traduksiyon
2.1 ng salit
2.2 ng kahulugan
3. ganap na pagtutumbas
3.1 ng salit
3.2 ng diwa
Pagpapatupad at Pagpapahalaga
Ang mekanismo ng implementasyon ay built-in. Itoy ang sistema ng edukasyong
pambansa. At sapagkat ang wikang pinabubulas ng estado ay gmit sa mga gawaing
pagpapaunlad sa ibt ibng larangan, ang mga tanggapan ng pamahalaan na rin ang mga
implementor sa subaybay ng awtoridad ng wika: ang SWP.
Sa kasalukuyan, mula noong Agosto 1979, ang SWP ay may dalawang pangkat
ng mga kasangguni. Itoy ang Sanggunian ng Wika sa Pambansang Pagpapaunlad
(SANGGUNIN sa maikling tawag), na binubuo ng mga pinuno ng Lupon sa Pilipino ng
mga Ministri at mga tanggapang konstitusyonal, na may pagkilla ng kinauukulang Minister,
Tagapangulo/Tagapangasiwa, atbp. At ang Lupon sa Estandardisasyon ng Pilipino sa Mass
Media, na binubuo ng mga editor (sa panig ng print midya) at mga manedyer (sa panig
naman ng electroniks midya) o ng kanilng kinatawan. Sa pamamagtan ng mga impormal
na organisasyong ito na binuo ng SWP ay napag-uusapan ang mga pangangailangang
pangwika na ginagmit sa mga aktibidad ng pambansang development ng bawat ministri
at kawanihan, tanggapan, o ahensiyang nsa ilalim ng mga ito. Sily tinutulungan ng SWP
58 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagslong
Pagsubaybay
Ang pidbak ay ginagawa sa patuluyang pakikipagtalastasan sa mga superbisor ng
wika, sa panig ng paaralan; at sa mga kinauukulang pinun ng pamahalaan, sa bahagi ng
lingkurang bayan; at sa mga superbisor ng pagbobrodkast, sa bahagi ng elektroniks midya;
at sa editor, sa panig ng print midya. Katulad ng nabanggit na sa unang dako ng panukalang
ito, ang pidbak ay isang landas tngo sa pagtatya o ebalwasyon ng mga mungkahi o
panukalang anyuin at ib pang hakbanging lingguwistiko ng SWP. Ang sistemay makikta
sa sumusunod na ilustrasyon.
Pineda 59
Ang SWP ay may paraang ginagmit sa pagtya ng init at/o lamig ng pagtanggap
sa iminumungkahi nitng mga terminolohiya sa mga boletin at publikasyong inilalabas sa
pana-panahon. Noong 1980 ay may isinagawa ang SWP na isang pambansang pag-aaral sa
degree of survival ng mga katawagang inihanda nit.
Rekapitulasyon
Katulad ng nasabi na, ang elaborasyon ng talasalitaan ang nararapat harapin una sa lahat
sa pagpaplano ng korpus, gaya ng ginagawa ng SWP. Ang mapilng paglalakip at/o pag-
aangkin ng gamitn at krusyal na talasalitaan mula sa mga katutubo at dayuhang batis
ay kinakailangang mabigyan ng sistematikong inspirasyon. Kailangang isaayos ang ilang
feature ng balarila para sa layunin ng episyensi, presisyon, at pagkapraktikal sa diwa ng
akomodasyon. Tungkol sa ortograpiya, ang anino sa reporma sa ispeling, at sa abakada
na rin, na ibinunsod ng SWP noong 1971 ay sinisikap na mapawi sa pamamagitan ng
Repormang Ortograpiko (1984) na isinasagawa ng SWP.
Ang isa pang kritikal na hakbang sa kultibasyon ay ang palawak nang palawak na
alokasyon ng gmit ng wika, na nakahahambing ng edukasyong bilingguwal ng pamahalaan,
at gayundin sa mga pagpupunyaging developmental ng estado. Maglilimang tan na
ngayon, ang dting Pangulo ay bumigkas ng pahayag na nakahapay sa gmit ng WP sa mga
gawaing pambatasan. Sabi niya: Kung may mga kagawad na hindi nakauunawa sa Wikang
Pilipino, panahon na upang sil ay mag-aralAng Pilipino, sang-ayon sa batas, ay isa sa
mga opisyal na wika ng ating bansa.
60 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagslong
Pangwakas na Kuro
Ang PIL ay kailangang igitna sa maraming aktibidad sa larangan ng pangangasiwang
pambayan, pagbabatas, katarungan, politika, lipunan, midyang pangmadla, sa agham, at sa
maraming disiplina ng karunungang pantao.
Mga Sanggunian
A. MGA AKLAT
Rubin, Joan and Roger Shuy, mga ed. Language Planning: Current Issues and
Research. Washington D.C.: Georgetown University Press, 1973.
The National Board of Education. General Policies on Education 1973 and 1974.
Manila: National Board of Education, mp. 2-5; 67-69; 88-99, 1975.
B. MGA PERYODIKAL
D. TESIS
TALA: Ang Pagpaplano ng Wika ukol sa Pambansang Pagsulong ni Ponciano BP Pineda ay lumabas
blang Apendiks F sa Limampung taon ng Surian ng Wikang Pambansa: Hulng Isat Kalahating Dekada
(1970-1987) at inilathala ng SWP. May ganitong tal ang naturang artikulo:
Ang unang bersiyon ng artikulong itoy isang panayam na binigkas noong 5 Hunyo
1980 sa Ikalawang Kongreso ng Lingguwistiks sa Filipinas (26 Hunyo 1980) na may
paksang-diwang Language Planning, na itinataguyod ng Kagawaran ng Lingguwistiks
at mga Wika sa Asia, Kolehiyo ng Agham at Sining, Pamantasan ng Filipinas, Diliman,
Lungsod Quezon. Ginanap sa Bulwagang Pulungan ng Faculty Center.
Bonifacio P. Sibayan
NOONG HILINGIN NI Dr. Fe A. Yap na magsalit ako sa harap ninyo, sabi niya, maaari
daw akong magsalit tungkol sa alinmang paksang nais kong talakayin. Pero iminungkahi
ko noon (sa pag-uusap namin sa telepono) na magsasalit ako tungkol sa mga mungkahing
proyekto para sa pagpapaunlad ng wikang pambansa na siyng pamagat na nakasaad sa
iskedyul. Sapagkat mas inisip ko ang tungkol sa paksa at pagkatapos makta ang mga
paksa ng mga tagapagsalit, waring nagbago ang isip ko at sa halip ay pinil kong magsalit
tungkol sa Pagpaplanong Wika at Pag-unlad ng Wikang Pambansa (pansinin na sinadya
kong gamtin ang wikang pambansa sapagkat ang Pilipino at Filipino ay waring
nagdudulot ng dalahing emosyonal sa panig ng mga responsable at iginagalang na pangkat
ng mga Filipino). Samakatwid, pinil kong magsalit tungkol sa Pagpaplanong Wika (PW)
ngayon sapagkat ito ang larang ko, marami na akong naisulat tungkol dito at dahil dito kay
ako naimbitahang magtngo sa Honolulu sa Agosto sa kagandahang-loob ng East West
Center upang magbigay ng serye ng panayam. Higit pa rito, sa palagay ko, ang larang ng
pag-aaral na tinatawag na PW ay mahalaga sa Surian ng Wikang Pambansa, isang larang
na hinihimok kong paglaanan ninyo ng interes.
Ang Pagpaplanong Wika (PW) blang gawain ay hindi na bago ngunit ang
katawagang Pagpaplanong Wika ay bago pa lmang. Sa katunayan sa mga tomong Current
Trends in Linguistics, inedit ni Thomas Sebeok, tinukoy itong inhenyeriya sa wika. Ang
katawagang Pagpaplanong Wika ay utang sa kilalng iskolar, si Einar Haugen (Tingnan
ang Haugen, Einar, 1966 Linguistics and Language Planning sa Bright, William, ed.
Sociolinguistics, The Hague: Mouton, mp.50-71, 1966).
Makapaglilista tyo ng maraming halimbawa dito ng PW ngunit sa halip na gawin
natin ang gayon, sisikapin nating sundin ang balangkas na iminungkahi ni Haugen sa
kaniyang 1966 na papel na binanggit sa itaas. Gagmit tyo ng mga halimbawang mula sa
Filipinas at mula sa ibng bansa kung kailangan. Sa paraang ito umaasa akong mabibigyang-
diin ko kung paano natin matutugunan ang ilan sa lalong mahahalagang suliranin ng wika
at kung ano ang dapat gawin sa mga iyon.
Kung ilalapat sa isang sitwasyon sa Filipinas, ang sumusunod ay isang elaborasyon
ng modelong Haugen:
Sibayan 65
Halimbawang ilapat natin ang mga hakbang na nsa itaas sa mga aktuwal na
problema sa wika sa Filipinas na nangangailangan ng PW.
Gusto kong pansinin ninyo ang katotohanang sinabi ko na mula sa antas tersiyarya
hanggang Baitang 1, at hindi ang kabaligtaran nitBaitang 1 hanggang lalong mataas
na edukasyon. Isa ako sa mga unang sumuporta dito sa Filipinas na sabay na gamtin
ang Pilipino blang wika ng pagtuturo sa kolehiyo at mataas na paaralan at dapat na
66 Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino
bigyang-diin doon upang (1) maging prestihiyosong wika ang Pilipino, (2) ang iskolarsip
sa ibt ibng disiplina ay isusulat at tatalakayin sa wikang itosinuportahan ko ito sa
pamamagitan ng pagiging tagapayo sa unang tesis sa Philippine Normal College (PNC)
na isinulat sa Pilipino, at (3) ang mga kinakailangang aklat, lalo na yaong mga tungkol sa
ibt ibng disiplina ay dapat isulat sa Pilipino, kung di man ang orihinal, kahit sa salin man
lmang. Ipagmamayabang ko ngayon na bago ang 1974 patakarang bilingguwal, sinimulan
na namin sa PNC ang isang maliit na programa sa pagsasalin ng mga aklat sa agham at
matematika na sinulat sa Ingles ng UP Science Education Center. Isinalin sa Pilipino ang
mga ito ng isang pangkat sa LSC (direktor ako noon ng aming LSC, iyon ay bago ako
naging Pangulo). Natapos namin ang Baitang 3 ngunit kinailangan naming ihinto iyon
dahil sa patakaran.
Pahapyaw nating ibuod kung ano ang nangyari. At dito, maaaring mabakas natin
ang mga proseso ng PW mula 1935.
Ngunit balikan natin ang ating orihinal na planong pag-aralan ang PW at gamtin
ang balangkas ni Haugen upang himayin ang problema.
3. Pagpapatupad
a. Planong aksiyon
Ang mga kailangan nilng (mga guro at superbisor) teksto at sanggunian ay maaaring
ihanda ng SWP sa pakikipagtulungan sa mga kolehiyo at unibersidad at maaaring maging
ng mga imprenta.
Para sa natitir pang oras, iminumungkahi kong talakayin natin ang ilang problema.
Pagkatapos ay talakayin ang proseso ng PW gaya nang ginawa natin sa halimbawang
ibinigay ko.
Ngayon, kay mismo ang magbigay ng ib pa. Mula sa mga ito, pipil tyo ng isa na
hihimayin natin gmit ang modelo ni Haugen.
Ano ang itinuturing ninyong gampanin sa PW, ibig sabihin, ano ang dapat ninyong
gawin? Maaaring nabago na ang patutunguhan sa ngayon. Nabago nga ba? Maaaring
kailangan ang pagtunton mula sa orihinal tngo sa kasalukuyang mithiin.
TALA: Ang Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino ay salin sa Filipino ng artikulong Ingles na
Language Planning and the Development of Pilipino ni Bonifacio P. Sibayan na nalathala sa kaniyang
aklat na The Intellectualization of Filipino and other essays on education and sociolinguistics (1999).
Andrew B. Gonzalez, FSC
PARA SA ISANG hindi miyembro ng tanggapan, ang magsalit sa harap ng pilng grupo
ng mga espesyalista sa wika ngayong umaga tungkol sa SWP, na dito ay tutukuyin blang
Surian, tungkol sa pag-unlad ng wikang pambansa sa Filipinas ay waring isang pag-uulit
lmang.
Higit sa lahat, hindi bat ang pangunahing dahilan ng pag-iral ng Surian ay upang
gumanap ito blang isang ahensiya para sa pagpapaunlad ng wikang pambansa? Kung
gayon, bakit kailangang pag-usapan ang tungkulin nit na malinaw naman at simple.
Gayunman, hindi ako tiyak kung gayon talaga kasimple at kalinaw iyon, sapagkat
may mga pangyayari nitng nakaraan na bumabatikos sa estadong legl ng Surian at kung
gayoy sa layunin ng patuloy nitng pag-iral.
Kung gayon, kung tungkol sa inyong gawain blang Surian, ang tanging kongklusyong
mabubuo ko ay ito, na blang isang kapulungang interim, kailangang suriin ninyong
muli ang mga gawain ninyo mula 1936 hanggang 1973, at batay sa 1973 Konstitusyon,
maghanda para sa pagsasagawa ng mga kailangang hakbang tngo sa pagbuo ng isang
wikang pambansang tatawaging Filipino.
Bagamat ako mismo ay may mga negatibong pananaw sa probisyong legl na ito ng
konstitusyon, realista ako. Wala akong maktang dahilan upang salungatin ang itinadhana
ng batas. Waring ang 37 tan ng pagtatrabaho na nagbigay-daan sa pagkapil sa Tagalog,
ang estandardisasyon nit sa pamamagitan ng gramatika ni Lopez at ng balarila ni Santos
at ng maraming talaan ng bokabularyo na ginawa ng inyong mga tauhan (lalo na ang
diksiyonaryo at tesawro ni Panganiban), ang diseminasyon nit sa pamamagitan ng sistema
ng edukasyon at sa pamamagitan ng midyang pangmadla, at ang panimulang eleborasyon
nit blang wika ng diskursong iskolarli sa mga unibersidad na gaya ng Unibersidad ng
Pilipinas, ng Ateneo de Manila University, at ng Araneta University, ay bigo kung ang
pag-uusapan ay ang pagpapaunlad ng wikang pambansa. Pansinin ninyo, hindi pa
nawawala ang Pilipinong batay sa Tagalog. Napalitan lmang ang kalagayan nit mula sa
pagpapaunlad ng wikang pambansa tngo sa pagiging wikang opisyal (isa sa tatlo, ang
dalawa pa ay ang Ingles at ang Espaol). Bukod dito, ang isang buhy na wikang sinasalit
ng isang komunidad ay may sariling bhay, anuman ang kalagayang legl o tawag dito.
Hindi talaga maaaring isabatas ang pagbabawal sa wika nang hindi pinupuksa ang buong
lingguwistikong komunidad na nagsasalit nit. Kay, nagpapatuloy ang Pilipino na batay
sa Tagalog; tanging ang kalagayang legl lmang nit blang wikang pambansa ang hindi.
Ngunit ito ang problema: Kailangang simulan muli ng Surian, na ngayoy isang
kapulungang interim bago pa ang pagtatatag ng isang mas permanenteng akademya ng
wika, ang gawaing pagpapaunlad ng isang wikang pambansa.
Ang mga gawaing may kaugnayan sa Filipino ay dapat isagawa ng Surian mula sa
umpisa sa atas ng 1973 Konstitusyon.
Binanggit ko ang lahat ng pangyayaring ito sapagkat ang mga ganitong konsiderasyon
ang naging daan ng unang grupo ng Surian, nooy tinatawag na Surian ng Wikang
Pambansa, sa ilalim ng pamumuno ni Don Jaime de Veyra, isang Waray, at ng kalihim
nitng si Cecilio Lopez, isang Tagalog, upang piliin ang Tagalog simula pa noong 1937,
na bagaman hindi Tagalog ang katutubong wika ng nakararaming minorya (pinagsmang
Bisayang Sebwano at Hiligaynon ang nakararaming minorya), ang Tagalog ang wika ng
sentro ng bansa noon at ngayon, Maynila, at sentro ng ekonomiya. Higit sa lahat, ito ang
wikang may pinakamalawak na pag-aaral ng mga gramaryang Castilla, at nang lumaoy
mga Filipino at Americano; mayroon itong malawak at maraming diksiyonaryo, maraming
sining, at kahit na walang monopolyo sa panitikan ay may nakasulat at pasalitng panitikan
na tanyag at nababsa ng marami. Bukod dito, sa wikang ito nagsusulat ang mga ilustrado
Gonzalez 73
Ang inyong pangunahing gawain para sa susunod na mga tan, na nakikinita ko, ay
hindi ang ipatupad ang patakarang Bilingguwal na Edukasyon (hayaang ang Kagawaran
ng Edukasyon at Kultura sa pamamagitan ng mga panrehiyong direktor, superintendent,
at superbisor ng Ingles at Pilipino ang gumawa noon) kundi ang magsagawa ng mga
kinakailangang saliksik panlingguwistika upang mabuo ang Filipino, na kung batay sa
umiiral na mga wika sa Filipinas (na umaabot sa hindi kukulangin sa 70-100 at hindi hihigit
sa 300, sang-ayon sa ilang pagtatya) ay dapat na sistematikong mailarawan sa kanilng
ponolohiya, leksikon, at sintaksis at maaaring sistematikong maikompara gmit ang
pamantayang ginagmit sa lingguwistika: ang komparatibong paraan ng rekonstruksiyong
historiko, internal na rekonstruksiyon, leksiko-istatistiks, at komparatibong sintaksis gmit
ang isang modelo ng proseso (naglalatag ng mga patakaran ng pormasyon at transpormasyon
ng mga pangungusap). Mangyari pa, karamihan ng gawaing ito ay makikta sa ibt ibng
disertasyong teoretiko at deskriptibo (masteral at doktorado) dito at sa ibng bansa, sa
Filipinas sa mga sentrong tulad ng Philippine Normal College, Ateneo de Manila University,
Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng San Carlos, Central Philippine University,
Divine Word University, at Saint Louis University, gayundin sa mga sentro ng saliksik sa
mga wikang Austronesian gaya ng makikta sa University of Hawaii, Cornell University, at
maaaring sa Chicago University.
74 Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa
Matagal nang may tagasuporta ang Esperantomga apatnapung tan na. May
mga samahn, organisasyon, nasyonal at internasyonal; dinalaw ko ang punng-himpilan
sa Vienna. Mayroon pa ngang mga taunang pulong at pagtatangkang turuan ang mga
bat ng sinasabing unibersal na wikang ito. Ngunit hanggang sa ngayon, mayroon lmang
mga 100,000 panatikong tagasuporta pagkaraan ng apatnapung tanat ang itinatanong
ko, ilan sa 100,000 na ito ang tunay na natuto ng Esperanto. Sapagkat akoy suskritor at
miyembro ng Esperanto Society, tiyak na nakalista ako blang isa sa 100,000 ngunit ni hindi
ako makapagsalit ng isang pangungusap sa Esperanto. Natatakot akong kung mabuo ang
Filipino, ay bak danasin nit ang nangyari sa Esperanto.
May mga pag-aaral na may wikang hindi gaanong alam, na natutuhan ng mga
tong nagsasalit ng kanilng unang wika, at naging wikang pambansa nil; ang klasikong
halimbawa ng isang matagumpay na pagkilos para sa diseminasyon ay yaong pinangunahan
ni Yehosue Ben-Yehuda para sa Biblical Hebrew, na naging batayan ng Makabagong
Hebrew. Gayunman, ang Biblical Hebrew ang wika ng pagsamba ng mga nagtatag nit at
mga unang miyembro ng Estadong Jewish; may tradisyon ng pag-aaral sa dting isang buhy
na wika; ang mga miyembro ng Estadong Jewish ay mula sa ibt ibng bansa na may kani-
kaniyang katutubong wika at may pangangailangan para sa iisang kodigo upang manatling
buhy, sapagkat ang estadong Jewish ay nanganganib sa lahat ng dako. Kinailangan nil ang
Hebrew upang likhain ang kanilng identidad na kailangan nil upang mabhay. Hindi
ko tiyak kung ang mga ganitong kalagayang panlipunan ay mauulit sa Filipinas, kay nag-
aalinlangan ako sa kainamang sosyolingguwistiko ng Filipino.
Gonzalez 75
Bahagi ng inyong problema blang akademya ay ang patunayan kung mali o tama
ako ngunit alinman doon, kailangang suriin ang dimensiyong sosyolingguwistiko ng inyong
gawaing bumuo ng isang wika at pumil ng mga elemento at katangian ng mga wika sa
Filipinas.
TALA: Salin sa Filipino ng artikulong The Surian ng Wikang Pambansa in National Language Development
ni Dr. Andrew Gonzalez na nalathala sa Institute of National Language, tomo 1, blg 1, 1977.
Virgilio S. Almario
Mula naman sa isang serye ng mga forum at konsultasyon ay nabuo ang Ortograpiyang
Pambansa, na hindi nagluwat ay nadugtungan ng Manwal sa Masinop na Pagsulat. Natapos
Almario 77
Pambansang Kaisahan
Ang mga aklat at manwal ang naging kasangkapan sa kampanyang Filipino: Wika ng
Pagkakaisa para sa tang 2014. Adhika ng KWF na maging sagisag ang wikang Filipino
ng diwang maugnayin (inclusive) hinggil sa pangangalaga ng mga wika at kulturang
katutubo samantalang pinauunlad ang Wikang Pambansa blang modelo ng pagpapaunlad
at pagkakaisa. Sa loob ng kampanyang ito isinagawa ang malawakang seminar hinggil sa
Ortograpiyang Pambansa at Manwal sa Masinop na Pagsulat para sa mga guro at hinggil sa
Patnubay sa Korespondensiya Opisyal para sa mga pinun at empleado ng mga ahensiya ng
pamahalaan. Naging pangunahing layunin sa mga seminar at workshop ang estandardisasyon
o pagkakaisa sa anyo ng Filipino sa pagsulat. Ang layuning ito ay naging armonisasyon
nang tumulong ang KWF sa pagsasaayos ng mga ortograpiya ng 19 sariling wika (mother
tongues) sa programang MTB-MLE ng DepEd.
Inilunsad din ng KWF ang proyektong Atlas Filipinas na may dalawang sanga.
Ang unang sanga ay nauukol sa pagbuo ng isang bagong mapa ng bansa na nagtataglay
ng kaukulang pagbabago sa ispeling ng mga pook na katutubo ang pangalan alinsunod sa
palabaybayang Filipino. Ikalawang sanga ang pagmamapa sa mga wika ng Filipinas, na
isang saliksik hinggil sa tunay na blang ng mga katutubong wika at sa sitwasyon ng mga
komunidad na nagsasalit ng mga ito. Mahigpit na katulong ng KWF sa proyektong ito
ang DILG at ang NCIP.
kilos din ang KWF upang palusugin pa ang imahen ng pambansang panitikan. Isa rito ang
Timpalak Salin (Na) na kontest sa pagsasalin at paglilimbag ng mga makasaysayang akda
at dokumento.
Pambansang Kaunlaran
Nagpapatuloy ang kampanyang binuksan noong 2013 at 2014. Ngunit itinuon ng KWF
ang kampanya sa Filipino: Wika ng Kaunlaran nitng 2015. Kaugnay ng bagong diin,
binago ang islogang Slong: Dangal ng Filipino tngo sa Uswag: Dangal ng Filipino.
Nangangahulugan ito ng pagpangitain sa isang pinalawak na saklaw ng paggmit sa
wikang Filipino at ang pananalig na ang pag-unlad ng wikang Filipino ay kaagapay kung
hindi man salamin ng pag-unlad ng Filipinas sa ekonomiya at ibng larangan. Binigyan
ng bagong tuon ngayon ang saliksik pangkultura at pagsasalin, lalo na kaugnay ng higit
na matalik na pakikiisa sa K12 at sa implementasyon ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013
hinggil sa paglikha ng walong bagong core courses sa kolehiyo.
Katulong ang WIKA, Inc., nagsagawa ang KWF ng isang konsultasyon hinggil sa
kurikulum sa Filipino ng K12. Ang resulta ng pagsusuri at mga rekomendasyon ay ipinadal
sa DepEd para sa kaukulang pagsasaalang-alang. Sinundan pa ito ng seminar-workshop
hinggil sa reoryentasyong pampanitikan na isinagawa sa Luzon, Visayas, at Mindanao
upang makabuo ng isang listahan ng mga akdang mairerekomendang gamtin para sa mga
teksbuk sa panitikan ng mga paaralang elementarya at sekundarya. Isang workshop na rin
ang naidaos sa Bacolod para sa mga guro at artist ng rehiyon upang matulungan silng
sumulat at gumuhit ng mga kuwentong pambat.
din ang proyektong Pagtuturo ng Filipino blang Ikalawang Wika upang higit na maging
epektibo ang pagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog.
Wika ng Karunungan
Ang lahat ng mga nabanggit na gawain at proyekto ng KWF ay hindi lmang para sa
pambansang kaisahan at kaunlaran. Higit pa. Sapagkat ang tugatog ng pagpapalaganap
at pag-aangat sa Dangal ng Filipino ay ang pagkilla at pagglang dito blang Wika ng
Karunungan. Na maaari itong gamtin sa anumang uri ng edukasyon ng sinumang Filipino;
na maaari itong kasangkapan ng bayan sa anumang uri ng diskurso at anumang uri ng
usapin sa lahat ng dako ng bansa. Kailangang patunayan para sa lahat na: Hindi Ingles
lang ang wika ng karunungan bukod pa sa pagtatanghal na Hindi wika lang ng mangmang
ang Filipino.
Sa loob ng nakaraang dalawang tan, sinikap itaguyod ng KWF ang isang organisado
at planadong pagkilos, at dahil organisado at planado ang pagkilos ay natupad nit ang mga
misyong hindi isinagawa ng mga nakaraang administrasyon. Ngunit napakaikli ng tatlong
tan para matupad ang lahat. Kung sakali, nagsisimula pa lmang ngayon ang KWF at
kailangan pa marahil ang isang bagong set ng pamunuan na magpapatuloy sa sinimulan
ngayon upang maging kaganapan ang atas ng 1987 Konstitusyon. Gayunman, humaharap
ang KWF sa 2016, sa ika-25 anibersaryo nit, nang may matatag na paninindigan para sa
Filipino blang wika ng pinagsanib na pambansang Kaisahan, Kaunlaran, at Karunungan.
Maipagmamalaki na ngayon ng sinumang na Filipino ako, Filipino ang wika ko, Filipinas
ang bansa ko.
TALA: Ang artikulong ito ay unang iniulat sa Pambansang Kongreso ng Pagpaplanong Wika ng KWF na
ginanap sa Lingayen, Pangasinan noong 5 Agosto 2015. Nalathala din sa journal na Pandiwa: Lathalaan
para sa Wika at Kultura, tan 3, blg 1, 2016.
3
Lahat ng sangkap ng gramatika ay
maaaring magbago sa paglipas ng
panahon, subalit may mga pagbabago
na higit na mabilis at kagyat nakikta sa
ilang sangkap kaysa ib
Cecilio Lopez
Kapag ang hanay nang manga wikaq ay nagsasapol sa Tag at ang manga salitaq
sa ibang wikaq ay singkahulugan nito, ang kahulugan ay sa huling salitaq nang huling
wikaq sumusunod. Kapag walaq nakamang Tag sa hanay nang wikaq at ang mga salitay
magkakasingkahulugan, ang kahulugan ay sa salitaq nang huling wikaq sumusunod. Ang
manga kahulugan ay Tag.
nang (pinaikling na). Ang q (glottal stop) ay siy kong ipinalit sa tuldik na paiwaq
sapagkat ang glottal stop ay isang K at hindiq isang uriq nang diin. Ginamit ko ang q
sa hulihan lamang nang salitaq at hindiq sa unahan o kala:gitnaan nito ma:liban kung
kapalit nang pinagka:ugaliang gitling, halimbawaq sa pagsulat nang salitang may unlaping
nagtatapos sa g at sinusundan nang salitangqugat na sa pagsulat ay nagsasapol sa B. Sa
inuulit o magkatambal na salitaq ay hindiq ko ginamit ang q. Ngunit sa manga salitang
pinaghahambing dito, sa ponolohiya (1-15b*), ginamit ko ang q sa unahan, kala:gitnaan,
at hulihan sapagkat sa manga salitang itoy pinaghahambing ang bawat tunog sa tunog
sa ibat ibang wikaq, at ang q ay dapat isaalangalang na gaya din nang ibang K. Hindiq
ako gumamit nang tuldik (na maaaring pagmulan nang manga kama:lian sa paglilimbag).
Ginamit ko ang tutuldok (:) sa manga pantig na may likas na habaq ang bigkas gayon din sa
manga unlaping may ganito ring angking bigkas upang mailagan ang hidwang pakahulugan,
halimbawaq, nasusulat : na:susulat, bagamat itoy hindiq ko sinunod sa inuulit na pantig sa
pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon nang manga pandiwaq.
Pambungad
Walang nakatitiyak nang bilang nang manga wikaq sa Pilipinas; tinatayang may manga
pitumpuq hanggang walumpuq, humigit kumulang. Ang paghahambing na itoy kina:
bibilangan nang manga wikaq buhat sa kahilagaan sa katimugan nang bansaq.
2 Tag bahay, Seb Hil Ilk S-L Cuy balay, Pmp Sbl bale, Akl baLay, Ibg
balay, bale, Mgd walay, baay, Ivt bahay, vahay, Tao baay (bahay); Bkl
baloy (bahay), balayan (kubo, habong); Png baley (baryo); Btk baqey
(bahay), fali (busloq); Nbl baley, faley (bahay; baryo); P-Neg bali
(balangkas nang bahay); Mar walay (bahay), mbalay (gumawaq).
3 Tag bigas, Seb Hil S-L Akl Tao bugas, Ilk Bkl bagas, Png belas, Pmp
abyas, Ibg baggaq, Sbl buyah, Apa baggat, Btk fakas, Cuy begas,
Nbl bekas, P-Neg buya (bigas); Mar begas (sinaing).
4 Tag bili, Ibg balli, Tao bii (bili); Png bili, Sbl mabli, (mahal); Pmp
abli (kabayaran sa kalakal na pinamili).
5 Tag Seb Hil Bkl buhok, Ilk buqok, S-L bohok, Png bwek, Pmp
bwak, Ibg vuq, Mgd buhuk, buk, Ivt book, buk, Btk book, Apa
abok,4 Tao buhuk, Mar bok (buhok).
6 Tag Seb Hil Ilk Bkl S-L Png Pmp Ibg Sbl Ivt Nbl Apa Tao Mar mata
(mata).
7 Tag ngipin, qipin, Seb Hil Bkl S-L Akl ngipon, Ilk ngipen, Png Sbl
Mar ngipen, Pmp ipan, Ibg ngipan, Ivt ipen, Cuy ipen, Tao ipun
(ngipin).
8 Tag qagos, S-L Png Pmp Mgd Mar agos, Ilk agos, ayos, Sbl agoh, Nbl
ayus (agos); Ilt ayut (agos; sapaq); Ivt ayus (lunas nang ilog); Tao haus
(malakas na agos sa lagusang Sibutu kung humihihip ang unos na hilagang-
silangan).
9 (Matandang) Tag qalog, Pmp alog (bumatis); Ilk Png alog (libis; maliit
na kanal na may tubig); Apa manalog (lumangoy); Mgd alug (libis); Mar
alug (libis); arur (balsa).
10 Tag qatip, Seb Hil Bkl S-L Mgd Tao atup, Ibg atoq, Png Sbl Cuy
Lopez 85
Mar atep, Pmp Apa atap, Btk P-Neg atip (bubong laloq na kung pawid
o kugon); Nbl atip (sahaq); Ilt atap (bubong na pawid o kugon); atep
(anoq pa mang uriq nang bubong).
11 Tag qugat, Seb Hil Bkl S-L Tao Mar ugat, Ilk urat, Png Nbl ulat,
Pmp Sbl Ivt uyat, Ibg ugaq, Apa uhat, Mgd ugad (ugat); Ilt ulat
(ugat), olat (litid; lastiko).
12 Tag Seb Hil Bkl S-L Akl Sbl tubos, Ilk subbot, Png sebet, Pmp atbus,
Ibg tabbuq, tavvuq, Ivt tuvvutan, Bgb tubbos (tubos).
13a Ilk Apa adda, Png wala, Ibg uwad, Bkl igwa, Ivt ara, Btk wadaq,
waday, waay, Ilt wadey, Mar aden (mayroon).
13b Ilk awan, Apa awan, attan Ilt awan, wan (walaq).
13c Tag Seb Hil walaq, Bkl waraq, S-L waraq, waray, Pmp alaq, Ivt
araya, Nbl gwara, Mgd ada, Tao waay, Mar da (walaq).
14a Ilk Png Pmp Ibg Ivt Btk danum, Sbl lanum, Nbl chanum, P-Neg
lanIm, Apa danon, Ilt denom (tubig).
15b Tag Apa Mgd gabi, Seb Akl gabiqi, Hil S-L gabqi, Ilk rabii, Png
labi, Ibg gabi, gavi, Sbl yabi, Btk lafi, Cuy gabiq (gabi); Nbl kalbian,
kaabiqi (kagabi); Mar gawii (araw), magabi (hapon).
Pagsusuriq
Ang mata ay kilala sa lahat nang wikaq. (6).
Ang B ay nagkaka:ibaiba: Tag Nbl i, Seb Hil Bkl S-L Akl Mgd Tao u (o), Ibg o, Png
Sbl Cuy Mar e, Pmp Apa a, Ilt a, e (10).
Kung ang ibang wikaq ay may p, itoy nagiging q sa Ibg (10). Ang ganitong
pagpapalit nang K na walantinig sa hulihan nang salitaq ay kakanyahan nang Ibg (4, 6, 11,
12).
Ang K ay nagkaka:ibaiba sa Tag Seb Hil Ilk Bkl S-L Akl Cuy Tao Mar g, Png
l, Pmp Sbl P-Neg y, Btk Nbl k. Ang K ay g rin sa Ibg Apa ngunit dahil sa bisaq nang
dyeminesiyon, itoy isinusulat nang maka:lawa, na ang ibig ay binibigkas nang mahabaq
(3).5 Ang dyeminesiyon ay umiiral sa kahilagaan nang Luson, kabilang na ang Ilk (12, 13a)
86 Ang Paghahambing nang manga Wikaq sa Pilipinas
at sa Bgb (12).6 Kung ang ibang wikaq ay may magkasunod na bB-, samakatuwid KB-, sa
Pmp ang bB- ay nagkaka:palit at magiging Bb-; itoy kakanyahan nang Pmp (4, 12). Ang
s sa ibang wikay nagiging h sa Sbl sapagkat sa wikaing itoy (Iba) walang tunog na s: kung
bagamat may s ang ilang salitaq sa Sbl, itoy maaaring hiram, malamang sa kalapitwikaq
(12). Ang Btk ay may f (1, 3) na kung minsan ay bariyante nang b, gayon din sa Nbl (2).
Ang k sa Btk Nbl ay ang walantinig na katumbas nang g sa ibang wikaq (3).
Ang ng- sa ibang wikaq ay katumbas sa Ivt nang , isang tunog na sa wikang ito
lamang ginagamit (sa manga wikang ditoy pinaghahambing) (7). Ang manga bariyanteng
nagsasapol sa ng at q ay na:ririnig sa manga wikaing Tag (3).
(15a) ay manga repleks nang doblet sa wikang proto, na diliq ibat *beNih, na kadoblet nang
*Rabih na sa Tag ay gabi, atbp. (15a, b).
Sa mga doblet, ang isay umiiral sa isang pangkat nang manga wikang magkakanugnog
at ang iba naman ay sa ibang pangkat, gaya halimbawaq nang manga doblet sa 13a, c, 14a,
b at 15a, b. Isa pang halimbawaq nang doblet na nagpapatibay sa pagkaka:pangkatpangkat
ay ang Ilk dara, Png dala, Pmp P-Neg daya, Ibg daga, Ivt rayag, Nbl chala, PMP
*(dD)aRah (dugoq) sa dakong kala:gitnaan at kahilagaan nang kapuluan at ang Tag Seb Hil
Bkl S-L Akl Cuy dugoq, Mgd Tao duguq, Mar rogo (dugoq), PMP *duRuh (lusaw) sa
dakong katimugan naman.
Sa mga salitang repleks nang anyong proto ay ma:idaragdag ang ilang naturalisado
na buhat sa Skt na ginamit na nang ating manga ninunoq noon pa mang panahong
preistoriko, at sapagkat ang manga salitang itoy bahagi na nang tala:tinigan noon pa man
kayat binalangkas din ang anyong proto nang manga ito. Ilang halimbawaq: Tag baroq,
Ibg bagi, Skt bhagi-, Ngadyu-Dayak sa Borneo bagi, PMP *bagih (bahagi); Tag Seb
Apa basa, Sbl baha, Skt bhasa (wikaq), Mal bahasa (wikaq), PMP *bacah (basa); Hil
gadyaq, Matandang Tag gadya (elepante), Bkl gadya (aso), Skt gaja (elepante), PMP
*gazah (elepante).
alam (kahinhinan), aram (alam), Pmp alam (kagandahanloob), Akl maqalam, Cuy
maqelam (marunong), Arabe alamin (ang uniberso), Tag Seb Hil Bkl S-L Png Pmp Akl
Sbl Cuy Apa Ilt salamat (salamat), Tao salaamat (kapayapaan; kaligtasan); ginagamit
ding katagang pagbatiq. (Hindiq na ako babanggit nang manga salitang hiram sa Kastilat
Inggles na na:pakaramit karapatdapat na pagqukulan nang masusing pagsasaliksik.)
Ang tungkol naman sa Tag tanghaliq: Seb S-L Akl tungaq, Cuy tengaq
(sentro), Ibg tangnga, Mgd tungaq (tanghaliq), Mal tengah (gitnaq), PMP *teNah
(gitnaq). Sa PMP ay may dalawang anyoq, doblet, ang may kahulugang araw (24 na oras
at ang nasa kalawakang nagbibigay nang liwanag at pinaiinugan nang manga planeta),
at ang manga itoy *waRi at *ha(n)Daw. Ang unay may repleks sa Tao na ginagamit sa
magkatambal na haarii raaya (haarii 24 na oras) (piyesta; kapistahang araw), Mal hari
(24 na oras), at ang pangalawa naman ay may repleks sa Tag qaraw, Seb Hil S-L Akl
Mgd adlaw, Bkl aldaw (24 na oras at ang nasa kalawakan) Ilk aldaw (24 na oras) (ang
nasa kalawakan ay init sa Ilk). Sa Mal ang nasa kalawakan ay matahari (lit. mata nang
araw na 24 na oras), Batak mata-ni-ari, Bali mati-n-ai, Dayak mata-n-andau). Ang
pinanghiraman, samakatuwid, nang Tag tanghaliq ay ang Mal tengah hari (lit. gitnaq
nang araw), alalaong bagay tanhaliq. Ang PMP *teNah gitnaq ay walang repleks sa
makabagong Tag bagamat ginamit nina Noceda at Sanlucar (d. 340) ang tinga (medio tahel
de oro, que es el peso de cinco reales de plata), na maaaring tanggapin na repleks nang *teNah at
alinsunod sa pagbabago nang manga tunog, ang *e ay naging Tag i at ang *-h ay nakaltas.
Gayon pa man, sa pakahulugan nina Noceda at Sanlucar ay mahirap tanggapin na ang tang-
nang tanghaliq sa Tag ay tinga, unay walang matibay na pagbabatayan sa pagbabago nang
Lopez 89
manga tunog, ikalaway may kalayuan ang kahulugan. Walaq ngang na:lalabing paliwanag
kundiq ang tanggapin na ang tang- ay buhat sa tengah; sa isang pansamantalang paliwanag,
ang masasabi ko lamang ay ang Mal e ay naging a sa Tag at na:pasama na ang Mal a
sa pagkakaltas nang h. (Ako ay hindiq gaanong nasisiyahan sa paliwanag na ito, ngunit
tanggapin na muna natin hanggang walang lalong matibay na saligan.)
Karaniwan nang kapag ang Mal ay may r ang Tag naman ay may l, halimbawaq, Mal
arak, Tag galak, Mal djari (daliriq), Tag daliq (sukat na sinlapad nang daliriq) atbp.,
kayaq ngat ang Mal hari ay naging haliq sa Tag. (Ang q ay gaya nang q sa dalamhatiq).
Ang *tang- at *haliq, gaya nang *dalam at *hatiq, ay hindiq ginagamit na nangagqiisa sa
Tag, at ang pariralang tengah hari sa Mal na apat na pantig ay naging tatatluhimpantig na
tanghaliq sa Tag.
Ang manga wikaq sa Pilipinas ay humiram din sa isat isa. (Tingnan ang manga
binaggit na maaaring hiram nang Sbl, 4, 12.) Itoy isang malawak na paksaq, gaya rin
nang manga hiram sa Kastilat Inggles. Kayat isa lamang gamiting halimbawaq ang aking
babanggitin, ang Tag ka:lulwang bengeq. Ang bengeq na sa magkatambal na ito lamang
ginagamit sa Tah ay hiram sa Pmp bengi (15a); ang mataas na i sa Pmp bengi ay na:babaq
sa kala:gitnaang a sa Tag, isang karaniwang pangyayari sa huling pantig nang salitaq o
kayay dahil sa asimilasiyon sa e nang unang pantig, at ang q ay idinagdag sa Tag, gaya nang
dalamhatiq at tanghaliq.
Manga Talaq
1
Gaya nang manga sumusunod: Brugmann, K. and Delbrueck, B., Grundiss
der vergleichenden Grammatik der indogermanischen Sprachen
(Balangkas nang pinaghambing na balarilaq nang manga wikang Indo-
Germaniko). Strassburg. 1886-1902. Second edition, 1897-1911; Diex,
F., Grammatik der romanischen Sprachen (Balarilaq nang manga wikang
Romanse). Bonn, 1836-44 Fifth edition, 1882; Pedersen, H., Vergleichende
Grammatik der keltischen Sprachen (Pinaghambing na balarilaq nang
manga wikang Seltiko). Goettingen, 1909-13; Brockelmann, C., Semitische
Sprachwissenschaft (Lingguwistikang Semitika). Leipzig, 1906, atbp., at si
Blake sa manga wikaq sa Pilipinas.
2
Nangunguna na rito si Dempwolff sa manga wikang Malayopolinesiyo, si
Bandstetter sa Indonesia at si Conant (1908, 1910, 1912, 1916) sa manga
wikaq sa Pilipinas.
3
Wala pang ma:ituturing na gaanong malawaklawak na pagkakahambing
sa pala:buuan nang manga wikaq sa Pilipinas, ngunit sa pala:ugnayan ay
may nagawaq na si Blake at si Constantino, itong huliy sa makabagong
pamamaraan.
90 Ang Paghahambing nang manga Wikaq sa Pilipinas
4
Sa Talaq ... ang q sa unahan nang salitaq ay sa Tag ko lamang ginamit: hindiq
ko pa tiyak ang sa ibang wikaq.
5
Ang mahabang K na bunga nang dyeminesiyon ay binibigkas nang halos
dalawang habaq nang nagqiisang K. Ang dyeminesiyon at hindiq dapat
ipagka:maliq sa isinusulat na dalawang K rin na mahabaq rin ang bigkas, na
ito ay bunga naman nang asimilasiyon. Halimbawaq, sa Ilk ang pangmarami
nang balasang dalaga ay dapat sanang balbalasang kung susundin ang
pala:buuan nang wikang ito. Ngunit dahil sa bisaq nang asimilasiyon, ang l
nang lb- ay nagiging b rin, kayat ang balbalasang ay naging babbalasang.
6
Ma:idaragdag pa sa Bgb ang gobba gibaq, tuggas tigas (Conant 1910, dd.
75, 76).
7
Tingnan din ang Mgd (2). Sa Seb. bagamat isinusulat na walaq, na may -l-, ang
karaniwang bigkas ay waaq na may mahabang aa (13c).
8
Tingnan ang Isidore Dyen, Dempolff s *R, Language 29 (1953) : 359-66.
9
Ang nakukulong nang dalawang hilis na guhit at gitlapiq at ang nang dalawang
panaklong naman ay pansamantala, alalalong bagay diq pa tiyak na balangkas.
Mga Sanggunian
Blake, Frank R. Contributions to a comparative Philippine grammar. Part I: General
features, phonology, pronouns, JAOS, tomo 27, mp. 317-396, 1906 : Part II:
Numerals, JAOS tomo 28, mp 199-253, 1907.
Brandstetter, Renward. Die Lauterscheinungen in den indonesischen Sprachen. (Ang manga
anyoq nang manga tunog sa manga wikang Indonesiyo.) Luzern, 1915.
Conant, Carlos Everett. F and V in Philippine languages. Bureau of Science Ethnology
Publications, tomo 5 blg 2, mp. 135-141, 1908.
--------------------. The RGH law in Philippine languages. JAOS, tomo 31, mp.
70-85, 1910.
--------------------. The pepet law in Philippine languages.Anthropos, tomo 7, mp.
920-947, 1912.
--------------------. The RGH law in Philippine languages. JAOS, tomo 36, mp.
181-196, 1910.
Dempwolff, Otto. Vergleichende Lautlehre des austronosischen Wortschatzer. (Ang
paghahambing nang ponolohiya nang manga salitang Austronesiyo.) 3 tomo. (Beihefte
zur Zeitschrift fuer Eingeborenen Sprachen). Hamburg, 1934, 1937, 1938.
Lopez, Cecilio. Origins of Philippine languages. Philippine Studies (Beyer Memorial
Issue on the Prehistory of the Philippines) tomo 15, mp. 130-166, 1967.
--------------------. A comparative Philippine word-list. Ms.
TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Dr. Cecilio Lopez sa Linggwistikang Pilipino, blg. 3, 1971.
Alfonso O. Santiago
ANG WIKANG PILIPINO ay may 21 ponema (may kahulugang tunog): 16 sa mga ito
ang ponemang katinig at 5 naman ang ponemang patinig. Ang mga ponemang katinig
ay ang mga sumusunod: /p, t, k, , b, d, g, m, n, s, h, l, r, w, y /. Ang mga ponemang
patinig naman ay ang mga ito: /i, u, e ,o, a /. (Tandaan: ang pinag-uusapan dito ay hindi
palabaybayan o ang mga letrang ginagmit sa pagbabaybay). Ang simbolong nsa loob ng
dalawang guhit na pahilis ay kumakatawan sa ponema. Ang sistematiko ang palabaybayan
ng wikang Pilipino kayt ang mga simbolo o letra ay nagkakaroon ng halos isa-sa-isang
pagtutumbasan. Hindi ito katulad ng napakagulong palabaybayan ng Ingles. Mapapansin
na sa mga simbolong ginagmit sa transkripsyon ay dalawa lmang sa mga ito ang naiib sa
mga letrang ginagmit sa ating palabaybayanang mga simbolong / / at / /.
Ang / / sa Salit
Sa ating kasalukuyang palabaybayan, ang / / ay inirerepresenta sa dalawang paraan:
Baybay Transkripsiyon
hanay /ha : nay/
anay /a : nay/
tiyo /tiyoh/
iyo /iyoh/
laway /la :way/
away /a: way/
(Pansinin na ginmit dito ang kolon o tutuldok upang magrepresenta o kumatawan sa haba.
Kung minsan ang ginagmit ng ib ay tuldok. Tungkol sa haba, naniniwala ang manunulat
na ito na sa isang salit sa Pilipino, ang pagpapalakas ng bigkas o pagtataas ng tono ay
sumusunod lmang sa pagpapahaba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.)
Ang / / sa Pangungusap
Tinatalakay sa itaas ang kalagayan ng ponemang / / sa ibt ibng posisyon sa isang salit.
Talakayin naman natin ang nagiging kalagayan nit kung itoy nsa hulihn ng isang salit
at kung ang nasabing salit ay nsa loob ng pangungusap. Halimbawa:
Sebwano
Ikaw ba ang niadT sa am? (Ikaw ba ang nagpunta sa amin?)
/ikaw ba ang niadtu sa a:mu/
Hiligaynon
Puti ang dak nga id. (Puti ang malaki kong aso.)
/puti ang daku ku nga idu/
Bikol
Ang ak nag- ul. (Ang bat ay umuwi.)
/ang a:ki naguli/
Waray
Dam an dug nga tinur. (Marami ang dugong tumulo.)
/da:mu an dugu nga tinu:ru/
Sinali yang lagari king tindahan. (Binili niya ang lagari sa tindahan.)
/si:nali yang laga:ri king tinda:han/
Paglalagom
Mahalaga para sa isang guro na mauunawaan ang kakanyahan ng ponemang / / hindi lmang
sa Pilipino kundi gayundin sa wika ng pook ng kaniyang pinagtuturuan. Makatutulong sa
kaniya ang ganitong kaalaman sa pagtuturo ng Pilipino blang pangalawang wika.
Sa hulihn ng mga salit (magiging suliranin naman ito ng mga batng Pangasinan
at Ilokano), hinihingi lmang ng pangangailangan ng mga bat na maghanda ang guro
ng mga angkop na pagsasanay na makatutulong sa madalng pagkatuto nil sa wastong
paggmit ng ponemang ito.
TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Alfonso Santiago sa Ang Supling, blg.1, 1970.
Alfonso O. Santiago
ANG ARTIKULONG ITO ay sadyang inihanda para sa mga nagtuturo ng Pilipino sa mga
di-Tagalog. Sinikap ng sumulat na maging payak na payak ang paglalahad upang madalng
maunawaan kahit ng mga gurong hindi pa nakakukuha ng kurso sa Lingguwistika. Ditoy
tinatalakay kung ano ang kahulugan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika at kung
paano makakatulong ito sa isang guro ng Pilipino upang maging mabis ang kaniyang
pagtuturo. Inilalahad dito ang payak na paraan ng paghahambing sa dalawang wika.
Ngunit masusuri ba ng isang guro ng Pilipino ang wika ng pook kahit hindi siy
marunong magsalit ng wikang ito? Maaari. At ito ang ating tatalakayin ngayon sa isang
payak na pamamaraanang pagsusuri nang pahambing sa dalawang wika: wika ng pook
at ng Pilipino.
1 1
2 2
3 3
4
5
Ngunit dapat linawin dito na ang isang guro ng Pilipino ay hindi na kailangang maging
isang paham sa wika upang makapagsagawa ng pahambing na pagsusuri upang lalong
maging mabis ang kaniyang pagtuturo ng Pilipino blang pangalawang wika.
Maaari rin namang magsagawa ng pagsusuri ang isang guro hbang siyy nagtuturo.
Kung sa kaniyang pagtuturo ay makapansin siy ng mga karaniwang mali ng mga bat, ang
una niyang dapat alamin ay kung bakit nagkakamali nang gayon ang mga bat. Alamin
niya kung ang mga pagkakamaling yaon ay dahil sa impluwensiya ng unang wika ng mga
bat. Pag-aralan niya kung bakit nagkakagayon. At pagkatapos niyang matiyak ang dahilan,
maipaplano niya ang kaniyang gagawing pagtuturo sa sumusunod na mga araw upang
bigyang-diin sa pagtuturo ang mga bahaging nagdudulot ng suliranin sa mga bat.
Upang hindi maging masalimuot ang pag-aaral, maaaring hatiin ang wikang sinusuri
sa tatlong lawak: palatunugan (ponolohiya), palabuuan (morpolohiya), at palaugnayan
(sintaksis). Maaari ring gawing hati ang mga sumusunod: palatunugan, talasalitaan,
palaugnayan. Ngunit ang dapat linawin dito ay ang katotohanang kahit magkahiwalay na
tinatalakay ang bawat lawak, sa aktuwal na pagsasalit, ang mga ito ay sma-sma at sabay-
sabay na ginagmit ng isang nagsasalit. Isa pa, may ib pang kakanyahan o katangian ang
wika na kailangang maunawaan ng guro tulad ng po, ho, opo, ay tatak ng kultura ng mga
tong nagsasalit ng Tagalog. Karamihan ng mga wika sa kapuluan ay hindi gumagmit ng
ganitong mga salit ng paggalang.
/saksak/ (stab)
Santiago 99
/suksuk/ (insert)
/siksik/ (loaded to capacity)
/saksak/ (scales)
Ang maibibigay na halimbawa rito ay ang ponemang /o / at / e / sa Filipinas na
wala sa Pangasinan. Halimbaawa:
Tagalog Pangasinan
Pilipino Ilokano
Pangkasaukuyan:
naglalaba aglablaba
naglalampaso aglamlampaso
nagluluto aglutluto
100 Ang Paghahambing sa Dalawang Wika
Pangnakaraan:
naglaba naglaba
naglampaso naglampaso
nagluto nagluto
Panghinaharap:
maglalaba aglaba
maglalampaso aglampaso
magluluto agluto
Ang isa pang maibibigay na halimbawa sa mga suliranin ng mga batng Sebwano sa
pag-aaral ng Pilipino ay ang wastong paggmit ng -um dahil marahil sa mga sumusunod:
(1) walang panlaping ganito sa kanilng wika, (2) walang malinaw na alituntunin sa Pilipino
tungkol sa wastong gmit ng panlaping ito, kay ang bat ay medyo nalilito. Kung minsan
ang mga pandiwang dapat gamtan ng -um ay ginagamtan ng mag- o ang kabaligtaran
nit. Halimbawa:
Magkain na tayo.
Si G. Santos ang tumuturo sa amin.
Paglalagom
Ang Pilipino ay pangalawang wika ng mga di-Tagalog. Ngunit ang Pilipino blang
pangalawang wika, ay hindi kasinghirap iturong tulad ng Ingles sapagkat itoy malaki ang
pagkakahawig sa ibt ibng wika sa Kapuluansa palatunugan, talasalitaan, atbp.
TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Alfonso Santiago sa Ang Supling, blg. 1, 1970.
Fermina G. Gatal
Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa mga guro ng wika upang maunawaan
ang katangian ng Pilipino blang pangalawang wika. Makabuluhan din ito upang maging
sanggunian sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo na napapanahon at angkop
sa purok ng Lallo.
/ t / - Walang boses na dental istap. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal at midyal ng
salit. Halimbawa: / tuggi/ (tugi); /bituin/ (bituin)
/ k / - Walang boses na belar istap. Ito ay nsa posisyong inisyal, midyal at pinal ng salit.
Halimbawa: /kami/ (kami); /dakal/ (malaki); /vuki/ (bundok)
/ / - Walang boses na glottal istap. Ito ay maaaring nsa unahn, midyal, at hulihn ng
patinig. Halimbawa: /aya/ (pag-ibig); /keannungan/ (maging bagay)
/ b / - May boses na bilabyal. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal at midyal ng salit.
Halimbawa: /bituin/ (bituin); /be. bay/ (dagat)
/ d / -May boses na dental istap. Ito ay maaaring nsa posisiyong inisyal ng salit. Halimbawa:
/dagun/ (tan)
/ g / - May boses na belar istap. Ito ay maaaring nsa posisiyong inisyal at midyal ng salit.
Halimbawa: /gafu/ (simula); /la.gum/ (loob)
Gatal 105
/ h / - Walang boses na glotal na prikatiba. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal at midyal.
Halimbawa: (Mga salitng hiram sa Castilla) /him.no/ (himno); /ahe.nte/ (ahente)
/ z / - May boses na abloyar na prikatiba. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal lmang.
Halimbawa: /zitta/ (dirt)
/ l / - May boses na abyolar na lateral. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal, at
pinal ng salit. Halimbawa: /lwa/ (luha); /ali/ (lipat); /dappal/ (tapal)
/ m / - May boses na bilabyal na nasal. Ito ay maaaring nsa posisiyong inisyal, midyal, at
pinal na salit. Halimbawa: /meddu/ (mahal); /nga.min/ (lahat); /ngem/ (ngunit)
/ n / - May boses na albyolar na nasal. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal, at
pinal ng salit. Halimbawa: /nira/ (kanila); /ya.na/ (ina) /davvun/ (lupa)
/ r / - May boses na albyolar tril. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal, at pinal ng
salit. Halimbawa: /rigacha/ (tawad); /ira/ (sila); /lugar/ (lugar)
/ w / - May boses na malapantig na bilabyal. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal,
at pinal ng salit. Halimbawa: /mawa.wan/ (mawala); /aggaw/ (araw)
/ / - May boses na belar nasal. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal, at pinal ng
salit. Halimbawa: /yem/ (ngunit); /ina.ngol/ (hininga); /annun/ (tungkulin)
Mga Heminato sa Ibanag
Heminato ang tawag sa mga kambal-katinig na binibigkas nang waring isang ponema. Ang
ganitong tunog ay maituturing na prominente sa Ibanag, tunog na matatagpuan lmang sa
posisyong midyal ng salit. Pansinin ang sumusunod na mga pares minimal:
106 Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental ng Pilipino at Ibanag
/ i / - May boses, mataas, harap, at di-bilog. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal,
at pinal. Kapag ito ay nsa posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog na glotal istap.
Halimbawa: /ina.ngo/ (hininga); /kazzing/ (kambing); /wagi/ (kapatid)
/o / - May boses, gitna, harap, at di-bilog. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal,
at pinal ng salit. Kapag ito ay nsa posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog ng
glottal istap. Halimbawa: /egga/ (mayroon); /ngem/ (ngunit); /kulle / (sigaw)
/a / - May boses, mabab, buks na sentral at di-bilog. Ito ay maaaring nsa posisyong
inisyal, midyal, at pinal ng salit. Kapg ito ay nsa posisyong inisyal, pinangungunahan ito
ng tunog na glottal istap. Halimbawa: /ata.wa/ (asawa); /lagum/ (loob); /ira/ (sila);
/ e / - May boses, gitna, harap, at di-bilog. Ito ay nsa posisyong inisyal, midyal, at pinal
ng salit. Kapag ito ay nsa posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog glottal istap.
Halimbawa: /olu/ (una); /uvovuk/ (salit); /uto/ (utak);
/u/ - May boses, mataas, likod, at bilog. Ito ay maaaring nsa posisyong inisyal, midyal, at
pinal ng salit. Kapag ito ay nsa posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog na glotal
istap. Halimbawa: /uru/ (gamot); /tulu/ (sulo); /arayyu/ (malayo).
Mga pantig
1. Ang mga pantig sa Ibanag ay binubuo ng mga sumusunod:
/trak/ (trak)
/fri.tu/ (prito)
/gru.po/ (grupo)
/bra.so/ (braso)
/plu.ma/ (pluma)
/pre.no/ (preno)
/kle.riko/ (kleriko)
/blusa/ (blusa)
/gloryo.so/ (gloryoso)
Pagkakatulad at pagkakaib
Pilipino Ibanag
Kongklusyon
Ngayon, higit kailanman, natatadhana ang maselan at napakahalagang bahagi o punto ng
kasaysayang pang-edukasyon sa ating bayan sa paggmit ng Pilipino blang wikang panturo.
Nagbabadya ito ng isang bagong pananaw, isang matibay na paninindigan at marubdob na
paghahangad sa makabagong pagtuturo ng wika.
TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Fermina G Gatal sa Ang Supling, blg. 1, 1970.
Vito C. Santos
Ang gitlaping -al- ay naging paksa na rin sa isang pag-aaral ng nasirang Julian C.
Balmaseda, isang dalubwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa, ngunit
dahil sa pagkakahawig-hawig ng itinalng mga kahulugan, yaoy lalong naging malabo at
masalimuot, sa halip na maunawaan. Gayunman, ang pag-aaral na iyon ay naging kapaki-
pakinabang, hindi lmang dahil sa nagbuks ng landas sa pagtuklas ng ib pang mga
panlaping patay sa tagalog, kundi lubos pa ring nagpasinungaling sa naging paniwala ni
Louis B. Wolfenson, na sa Tagalog ay may mga gitlaping la, li at lo, nang talakayin
niya ito sa isang pag-aaral na nalathala sa Journal of American Oriental Society noong 1906,
sa ilalim ng pamagat na The Infixes LA, LI, LO in Tagalog.
Gawin natin ang pagsusuri. Batay sa mga halimbawang salitng nsa itaas nit,
at sa pagpapalagay, sa simula, na gitlapi nga ang a, ang lumilitaw na mga salitng-ugat,
ayon sa pagkakasunud-sunod, ay lublob, liglig, tigtig, sibsib, subsob, at sugsog, mga salitng
pawang kilal at ginagmit sa buong kalalawiganang Tagalog. Samakatwid, kung galing sa
lublob ang LUBALOB, sa liglig ang LIGALIG, sa subsob ang SUBASOB, at sa sugsog
ang SUGASOG, ang panimulang pagsusuri ay maaari nating gawin sa pamamagitan ng
paghahanay sa mga halimbawa, na gaya ng makikta sa sumusunod:
LIGLIG (gling sa liglig, ang pag-alog sa sisidlan upang masiksik na mabuti ang laman;
pagkaalog ng laman o lulan ng sasakyan): Gulo, kaguluhan o pagkakagulo; anumang
nagdudulot ng bagabag, o ang bagabag na nga.
TIGTIG (gling sa tigtig, ang pagkasiksik ng laman dahil sa pagkaalog ng sisidlan upang
masiksik ang laman): Hindi pagkapatahimik; ligalig na kalagayan ng loob o damdamin.
Batay sa mga kahulugang nakta na natin sa mga halimbawang nsa itaas nit,
maaaring hatiin sa dalawang uri ng kahulugan ang ibinibigay ng a sa pagkapagitlapi sa
mga salitng-ugat. Una: sa lubalob, sibasib, subasob, at sugasog, ay madalng makiktang
ang a ay nagbibigay ng pasidhi o palawak na kahulugan ng salitng-ugat. Ikalawa: sa
ligalig at sa tigatig, ang ibinibigay namang kahulugan ay resulta o bunga o ang nangyayari
matapos maganap ang ipinahihiwatig na kahulugan ng salitng-ugat.
Kung hindi nga nga ang gitlapi sa mga salitng nabanggit, ang bagay na ito ay
dapat maging maliwanag sa pamamagitan ng mga patunay, na mangyaring hindi dapat din
namang ipakilla nang maliwanag kung bakit hindi, at kung ano naman ang ipinalalagay na
siyng tumpak na panlapi. At ganito nga ang aming gagawin ngayon dito.
Ngunit bago kami magpatuloy, sapagkat gitlapi ang aming susuriin, ibig muna
naming sariwain sa inyong pang-unawa, na ang panlahat na tuntunin sa paggigitlapi,
bagaman mayroon ding tumataliwas, ay dapat mapasingit ang gitlapi sa pagitan ng una
at ikalawang titik ng salitng nilalapian, maging itoy ugat o maylapi nang salit. Batay sa
ganitong tuntunin, ang nga, upang itoy maging gitlapi, ay dapat mapasingit sa pagitan ng
una at ikalawang titik, subalit hindi nga ganito ang nagyayari, sapagkat sa mga halimbawang
salit, sa banghay sa ma, itoy sa pagitan ng unlapi at ng salitng batayan napapasingit, at
sa banghay sa mag, sa pagitan ng ikalawa at ikatlong titik ng unlapi, alalaong bagay sa
pagitan ng ma at ng g. Sa biglang malas, sa una ay maaaring ipalagay na tumpak, ngunit
dito sa hul, kailanman ay hindi maaaring mangyari, sapagkat kung ito ang masusunod, ang
MAGSALIT ay magiging magNGAsalit at hindi MANGAGSALIT.
Sa bis ng ganitong paliwanag, hindi maaaring maging gitlapi ang nga, sapagkat
itoy tuwirang lumalabag sa pangkalahatang tuntunin sa paggigitlapi. Ngunit kung hindi
nga nga, ay ano ang gitlapi sa mga nabanggit na salit? Ito ang katanungang dapat sagutin.
Santos 115
Ang ag ay hindi naiib sa mga gitlaping um at in, kung ang pag-uusapay ang
kinasisingitan nit sa salitng-ugat; anupat ang ag ay sa pagitan din ng una at ikalawang
titik ng kinalalapiang salit napapasingit, katulad sa mga salitng kagaskas, dagundong,
hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok, lagublob, laganap, lagaylay, tagunton,
wagayway, saginsin, hagunhon, at ib pa.
dundong, hulhol, laslas, pakpak, sitsit, lutok, lublob, lanap, laylay, tunton, wayway, sinsin,
at hunhon. Mapapansin, na, ang mga salitng-ugat na ito ay pawang mga pangngalan, na
gaya rin ng mga salitng kinagigitlapian ng ag. Dahil dito, ang ag, samakatwid, ay isang
gitlaping makangalan.
Kung susuriin, madalng makikilla, na, ang unang walong halimbawang salitng
nsa itaas nit (kagaskas, dagundong, hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok at
lagublob), ay mga pangngalan ng ibt ibng uri ng tunog o ingay, na humigit-kumulang ay
bunga o likha ng ipinahihiwatig na kahulugan ng mga salitng-ugat; samantala, ang hulng
anim na salit naman (laganap, lagaylay, tagunton, wagayway, saginsin at hagunhon), ay mga
salitng kababakasan ng pagpapalawak o pagbibigay-tindi ng kahulugang ipinahihiwatig ng
salitng-ugat. Batay dito, ang ag, sa pagkagitlapi, ay may dalawang kahulugang ibinibigay
sa pagkapalapi sa salitng-ugat. Una, ang salitng-ugat ay nagiging pangalan ng tunog o
ingay; at ikalawa, ang kahulugan ng salitng-ugat ay nagkakaroon ng higit na lawak o tindi.
Maaaring may ib pang mga kahulugang ibinibigay ang gitlaping agsa kinalalapiang
salit, ngunit sa isang pag-aaral na panimula lmang na katulad nit, may palagay kaming
ang dalawang nabanggit na mga kahulugan, ay maaari nang makatulong sa sinumang ibig
gumawa ng sarilit lalong malawak na pananaliksik at pagsusuri. Mahalagang malaman, na
ang gitlaping ito ay laging nsa pagitan ng dalawang unang titik sa unang pantig ng salitng
dadalawahing pantig, maging kabilaan man o buks.
Maaaring itong ay, blang gitlapi, ay may ib pang mga kahulugan kung susuriing
mabuti ang mga salitng kinapapalooban nit, subalit para sa pagpapakilla lmang na
katulad ng layon ng pag-aaral na ito, ang pangkalahatang diwang ipinakikilla ng tipik
na ito, sa palagay namin, ay maaari na ring makatulong sa lalong masinsinat malawak na
pagsusuri.
Pangwakas na Kuro-kuro
Sa buong pag-aaral na ito, pinagsikapan naming maipakilla na sa Tagalog ay mayroon
tyong mga patay at buhy na gitlaping hindi pa nangakilla, na kung muling bubuhayin
at gagamtin, ay malaki ang maitutulong sa pagpapayaman ng ating wika. Lima sa mga ito,
ang aming pinagsikapang suriin at ipakilla sa pag-aaral na ito.
TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Vito C. Santos sa Linggwistikang Pilipino, blg. 3, 1971.
Purificacion G. Delima
Nakapailalim ang wika sa mithiin ng pagbuo ng isang bansa. Tinuturing ang wika blang
simbolo ng pagkakakilanlan. Wika rin ang mabisng salik ng pagbubuklod, lalo ng mga
bansang dumaan sa mga puwersang kolonyal at ng mga lipunang multilingguwal, katulad
sa karanasan ng mga bansa sa Silangang Africa, Timog at Timog-silangang Asia, kablang
na ang Filipinas (Millar, 2005). Sa parehong nabanggit na sitwasyon, mayroong agarang
pangangailangan na makatong interbensiyon sa pagpaplanong wika (PW). Tunguhin
ng PW ang isang sadya at sistematikong pagtukoy sa patakaran sa wika at sa planong
implementasyon nit na may pagtanaw panghinaharap (Rubin at Jernudd, 1971 sa Baldauf
sa Hinkel, 2005).
Patakaran sa Wika
Sa kaso ng Filipinas, ang PW ay nag-umpisa pa sa probisyon ng 1935 Konstitusyon nang
matukoy ang pagbuo ng isang wikang pambansa batay sa isa sa umiiral na mga katutubong
wika. Bunsod nit pinirmahan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 1937 ang Atas
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagproklama ng Tagalog blang batayang wika ng wikang
pambansa. Pinangalanang Pilipino ang unang wikang pambansa noong 1959, subalit
sa 1973 Konstitusyon idineklarang Filipino ang wikang pambansa at hbang ito ay
pinayayaman at pinalalaganap, ang Pilipino ay mananatli blang wikang opisyal ng
bansa. Bunsod din ng 1973 Konstitusyon nabuo ang unang determinadong patakaran sa
wikaang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal (BEP)sa pamamagitan ng National
Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7, s. 1973, ng Department of Education
and Culture (DEC) Order No. 25, s. 1974, at ng Department of Education, Culture,
and Sports (DECS) Order No. 52, s. 1987mulang 19732008. Sa BEP, tinukoy ang
wikang kolonyal na Ingles blang wikang panturo sa mga disiplinang agham at matematika;
samantalang ang wikang pambansang Pilipino naman ang tinukoy para sa mga disiplinang
sosyohumanidades. Lingid sa lahat, ang BEP ay may mithiin na sa kalaunan ang Pilipino
ang mamamayaning wikang panturo sa lahat ng disiplina sa lahat ng antas sa sistemang
edukasyon ng Filipinasisang makabayang mithiin na nauwi lmang sa lmot dahil sa
pagpapalit ng pamunuan sa pamahalaan.
120 Ang Gramatikang Filipino
Plano ng Pagpapatupad
Tatlo ang hakbang tngo sa implementasyon ng nabuong patakaran sa wika(1) ang
planong pangkorpus; (2) ang planong wika-sa-edukasyon; at (3) ang planong kultibasyon
(Rubin at Jernudd, Ibid).
Ang mga wikang ito ay unang wika (W1) ng mga kulturang nsa rehiyon, na
gumagmit din ng Filipino blang pangalawang wika (Fil W2) at lingua franca (LF)
sa kanilng pakikipag-ugnayan sa kapuwa Filipino. Sa prosesong ito ng tagpuang wika
(language contact) napayayaman ang Filipino sa ibt ibng lugar ng kapuluan.
Ang Filipino ay nsa lahat ng lugar ng Filipinas, ayon sa survey na ginawa ng KWF
noong tang 2014, at ito ay malayang umiiral kasma ang mga wikang rehiyonal. Tingnan
ang lawak ng Filipino sa buong kapuluan sa Mapa ng Filipino (Pigura 2):
[N.B. Lumabas din ang salitng dugyot (Ilk) sa pag-aaral na Emerging Filipino
Academic Variety as Interlanguage among Native and Non-Native Speakers
(Delima, 1993); eh butbut na nga, butbut pa ang jacket. Butbut na nga, dugyot
pa. (Tag respondent)]
Iniinom ko po ang isbo ko. (Pedrito Dv. Ilk, survivor ng 16 Hulyo 1990 lindol
sa Baguio)
Makapal kasi ang ptak. (Benguet miner na dinala sa Leyte para tumulong
mag-rescue sa landslide tragedy ng Pebrero 2006)
Tagalog third most spoken in some parts of Canada after English and
French thanks to a large Filipino migrant community that includes at least
2,000 expatriates from Baguio and Benguet alone.
Decades back it was mostly English for the media establishments in Baguio.
Today, Tagalog has taken over for most TV and radio outfits.
Bago (2015): mabuhay, kuya, barong, barong tagalog, barot saya, halo-halo,
pan de sal, sinigang, baon, pulutan, bahala na, suki, and utang na loob, KKB
(kaniya-kaniyang bayad), despedidas, estafa, barkada, balikbayan, kikay, buko
Delima 125
Kung sa dting ponemang hanay ng Filipino ay lima /i, e, a, u, o/, may naidagdag
na ikaanim na ponemang ambag ng mga W1. Ang schwa, o patinig ppt (sa Javanese),
ay nailahok sa Filipino W2 sa Lungsod Baguio, halimbawa, sa salitng panagbng
(pamumukadkad ng mga bulaklak). Mababanggit na ang tunog patinig na ito ay karapat-
dapat lmang na ilahok na sa ponemang hanay ng Gramatikang Filipino dahil karamihan ng
mga wikang katutubo ng Filipinas ay mayroong patinig ppt. Sa Ortograpiyang Pambansa
126 Ang Gramatikang Filipino
(OP) ng KWF, ang tunog na ito ay kinakatawan ng tuldik patuldok sa ibabaw ng letrang e
(). Tingnan ang marami pang halimbawa sa ibng W1:
Ponema: Katinig. Ang blang ng mga isahang tunog katinig ng Filipino W2 ay 19. Tingnan
ang Pigura 9 na naghahanay ng mga katinig ayon sa kanilng lugar ng artikulasyon sa
aparatong bokal sa bunganga:
Mababanggit din na ang mga tunog /f, v, j, z/ ay wala sa dting abakadang Tagalog.
Nailahok ang mga ito sa bagong alpabetong Filipino (Tingnan ang KWF Ortograpiyang
Pambansa Pigura 10) dahil ang mga ito ay mga katutubong tunog sa mga wikang rehiyonal
na hindi nailahok sa lumang Balarila, isang malaking pagkukulang ng dting Surian ng
Wikang Pambansa.
Bukod sa ib pang mga katangian sa pagsulat ng Filipino sa OP, tinukoy nit ang
halaga ng pagbabalik sa mga tuldik (Tsapter 10, OP) sa pagsulat blang pagtukoy sa tamang
asento sa pagbigkas ng mga salitng may mga magkakatulad na ispeling subalit magkakaib
ng asentoisang anyo, ib-ibng bigkas, ayon sa OP. Ilang halimbawa ang nakasipi sa
ibab mula sa OP:
(4) pli - Sinaunang Tagalog para sa pagpapalitan ng katatawanan
pal - Ivatan para sa pagpulpol ng dulo
pal - Kapampangan para sa init o alab
pal - Tagalog para sa organo na tabi ng bituka, spleen sa Ingles; Ilonggo din
para sa naghilom
Ang mungkahi ng OP sa pagbabalik ng gmit ng tuldik sa pagsulat ng Filipino ay
napapanahon sa pagtukoy ng mga katangian ng gramatikang pambansa. Tunghayan ang
ilang halimbawang datos na nakta sa saliksik hinggil sa paglihis sa asentong Filipino sa
pasalitng anyo:
(OP) Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U (para matukoy ang tamang kahulugan)
pnoy Piny
mron mirn
balot balut
bon bon (Kapampangan)
ott (daga) ut-t (kirot) (Pangasinan)
estlo (Espaol) istayl (Ingles)
*istilo *estayl (siyokoy)
Pigura 12. Ponema: Disiplina sa Pagbigkas ng e/i at o/u
Morpema
Sa kontekstong bilingguwal/multilingguwal, ang antas ng salit ang pinakamabilis na
naiimpluwensiyahan sa tagpuang wika, lalo sa kaso ng panghihiram (sa kaso na banyagang
wika ang W2, hal., Filipino W1 at Ingles W2) at paglalahok (incorporation sa kaso ng
Filipino W2 ng mga rehiyonal na mga ispiker) na lumilikha ng pagbabago hindi lmang
sa tunog hanay (sound order) ng W1 (ang nanghihiram na wika) kundi pati na sa katangian
Delima 129
Bukod sa salit ng estrukturang morpema ng Filipino W2, nakta rin sa saliksik ang
paglahok ng mga panlaping rehiyonal sa pamamaraang pagpapalit (substitution), hbang
malaya ring ginagmit ang mga panlapi ng Filipino W1. Sa Pigura 13 at 14, makikta ang
malayang paglalahok ng mga unlaping gi-, ga-, gina-, at naga- na ikinakabit sa mga
salitng-ugat ng Filipino W1 at Ingles sa pasalit na Filipino W2 ng mga impormante.
Ang mga panlaping ito ay may kaparehong kahulugan sa aspekto ng pandiwa sa Filipino
W1 na mababanggit na sukatan ng hambingang estruktura sa saliksik, hal., nag-, na-,
-in-.
Binisaya sa Gen San, Davao, Butuan, Bacolod, Catbalogan: plete, gani, kay,
giyud, diri, daghan
Pang-ugnay
Pananda
Sintaksis
Lahat ng sangkap ng gramatika ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, subalit
may mga pagbabago na higit na mabilis at kagyat nakikta sa ilang sangkap kaysa sa ib
(OGrady, Ibid.). Ang pagbabago sa tunog/ponema ng wika ang pinakamadalng magbago
at makta; ang salit/morpema ang susunod; at ang sintaksis ang halos pinakamatatag sa
proseso ng pagbabago. Sa pag-aaral ng mga sintaksis unibersal ng maraming wika, may mga
kategoryang sintaktikong hindi naililipat o napapalitn, katulad ng pandiwa (V), sabjek
(S), at objek (O) na nagpapakilla ng tipolohikong klasipikasyon ng mga wika sa mundo
ayon sa salitng hanay (word order). Halimbawa, ang Ingles at French at ib pang wikang
Indo-European ay kahanay ng mga wikang may tipong SVO; ang mga wika ng Filipinas,
Welsh, Maori, at Hebrew ay tipong VSO; ang Turkish, Korean, Japanese, at mga wikang
aborihinal ng Australia ay SOV; mga wikang South America ay OVS o OSV (Hickey, 2010
at OGrady, 2001). At dahil ang mga wika ng Filipinas ay pare-parehong kablang sa iisang
tipo, hindi maaasahang mag-iib ang estruktura ng mga kategoryang V, S, at O, kahit pa
nsa karanasang tagpuang wika ang mga ito.
(5) Nakaranas kami nang ubus ang lahat ng kasangkapan kay nahihirapan kami.
(6) Madamo matingnan mo na mga palaguwaon.
(7) Hindi man siya talaga nagpatinag na ginasulsulan na mag-alis diyan.
Paghahalong-wika (Code-mixing)/
Paglilipat-wika (Code-switching)
Ang paghahalong-wika at paglilipat-wika ay mga natural na karanasan sa tagpuang wika sa
mga bansang multilingguwal katulad ng Filipinas. Sa kaso ng Filipino blang W1 o W2,
ang wikang Ingles ang inihahalong wika sa antas salit, parirala, at sugnay. Sa karanasang
ito ng Filipino makikta ang lakas ng isang banyagang wika na pumasok sa sintaksis ng
wikang pambansa. Hindi lmang opisyal na wika ang Ingles sa bansa, ito rin ay wika ng
pagtuturo/pagkatuto sa sistemang edukasyon. Tingnan ang sumusunod na halimbawa:
Lagom
Blang W2 at lingua franca, ang Filipino ngayon ay pinayayaman na ng mga rehiyonal na
wika sa konteksto ng tagpuang wika sa mga multilingguwal na komunidad ng Filipinas.
Ang Filipino W2 ay may gramatikang nagtatanghal ng mga natatanging katangian ng mga
wikang rehiyonal sa pasalitng anyo sa antas ponema, morpema, at sintaksis.
Sanggunian
Baldauf, Richard Jr. E, Language Planning and Policy Research: An Overview.
Sa Hinkel, 2005.
Bautista, Ma. Lourdes, editor, Readings in Philippine Sociolinguistics. Manila:
DLSU Press, 1996.
Enriquez, Virgilio Gaspar, Pagbubuo ng Terminolohiya sa Sikolohiyang
Pilipino. Sa Bautista, 1985.
Fought, Carmen, Ethnic Identity and Linguistic Contact. Sa Hickey, The
Handbook, 2010.
Hickey, Raymond, The Handbook of Language Contact. UK: Blackwell
Publishing Ltd, 2010.
_______________, Language Contact: Reconsideration and Assessment.
Sa Hickey, The Handbook, 2010.
Hinkel, Eli (Ed.), Handbook of Research in Second Language Teaching and
Learning. New Jersey: Lawrence Erlbaum Associates Publishers, 2005.
Komisyon sa Wikang Filipino, Brochure, 2015.
________________________, Ortograpiyang Pambansa, 2014.
Miller, Robert McColl, Language, Nation and Power: An Introduction. NY:
Palgrave McMillan, 2005.
OGrady, William; et.al, Contemporary Linguistics: An Introduction. NY:
Bedfofrd/St. Martins, 2001.
Sibayan, Bonifacio P, The Intellectualization of Filipino. Sa Bautista, 1991.
Thomason, Sarah, Contact Explanations in Linguistics. Sa Hickey, The
Handbook, 2010.
TALA: Unang iniulat ang artikulo sa Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika ng KWF na ginanap sa
Lingayen, Pangasinan noong 5 Agosto 2015. Nailathala pagkaraan sa Pandiwa: Lathalaan para sa Wika at
Kultura, tan 3, blg 1, 2016.
135
Ang Aklat ng Bayan ay bahagi ng isang pangmatagalang proyekto
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang masimulan ang
maaaring ituring na Aklatan ng Karunungan (Library of Knowledge)
na magtatampok sa kakayahan ng wikang Filipino blang wika ng
paglikha at saliksik. Sa ilalim ng proyekto, muling ililimbag ng KWF
ang mga katangi-tanging pag-aaral sa wika, panitikan, at kultura ng
Filipinas; isasalin ang mga mahusay na akda mula sa mga wikang
katutubo, panitikang-bayan man o bagong malikhaing pagsulat;
isasalin ang mga dakilang akdang banyaga; ipasusulat o tatangkilikin
ang mga bagong pag-aaral pangkultura; at ilalathala ang mga mahusay
na tesis at disertasyon hinggil sa wika at panitikan ng bansa.