You are on page 1of 17

TALABABA NG FLORANTE AT LAURA

Anak ng Araw- Aurora kung siyay tagurian.

Diana- diyosang anak ni Jupiter at ni Latena; huwaran ng kagandahan at pinopoon ng mga nimfa;
maibigin sa pangangaso.

Houris- sakdal na mga dalagang nananahan sa Paraisong katha ni Mahomang propeta ng mga Moro. Ang
Paraisong ito ang siyang patutunguhan umano ng mga taimtim na tagasunod ng sektang pinamumunuan
ni Mahoma.
Fama (Pama)- isa itong diyosang nag-aangkin ng isang mataginting na tinig na kung magbalitay agad
umaabot sa maraming panig; ito ang naglalathala ng baling gawin ng tao at pinakasasamba ng mga
Hentil.

Nayades- mga nimfa sa mga batis at ilog; sinasamba ng mga Hentil na kabilang sa liping pagano.

Venus- diyosa ng pag-ibig at anak nina Venus at Marte


Cupido- diyos ng pag-ibig at anak nina Venus at Marte

Febo- Bathala ng araw.

ReynaYocasta- ina at asawa ng Haring Edipo ng Tebas; mga magulang ng magkapatid na Eteocles at
Polinice.

Adrasto- hari sa siyudad ng Argos na isa sa malaking sakop ng imperyong Gresya; siya ang tumulong kay
Polinice sa pakikidigma laban kay Eteocles sa pag-aagawan ng magkakapatid sa korona ng ama nilang si
Edipo.
Edipo -Anak na tunay ni Haring Layo ng Tebas at Reyna Yocasta. Sapagkat ayon sa orakulo ni Apolo ay ang
sanggol na si Edipo sa paglaki ay ang siyang papatay sa sariling ama, paglabas nito ay ibinibigay ito ng
Haring Layo sa isang pastol upang patayin. Nagdalang-awa ang pastol at isinabit na lamang ito nang
patiwarik sa isang punongkahot sa bundok. Sa daraan naman noon ni Forbante na pastol ng Haring
Polivio ng Corinto, kinuha ang umiiyak na sanggol na ipinagkaloob sa Reyna Merope na asawa ng
kanyang panginoong hari. Sapagkat wala rin lamang supling ang mag-asawa, si Edipoy inari nilang anak
at inandukhang mabuti. Nang lumaki na si Edipo ay napasa-Tebas ito isang araw. Doon din nito
natagpuan at nakaaway hanggang sa mapatay ang Haring Layo na hindi niya nakilalang tunay niyang ama
na pagkuwan pay niligawan naman niya at napangasawa ang Reyna Yocasta na siyang tunay naman
niyang ina. Ang nagging mga anak nila ay ang magkapatid na Eteocles at Polinice na nangamatay naman
sa pagbabaka dahil sa pag-aagawan sa korona.

Laura- kasintahan ni Florante


Pitaco- isa ito sa pitong pantas ng Gresya.

Emir- ito ang gobernador o birey ng Moro.

Ninfas (nimfas)- mga nimfa sa mitolohiyang Griyego at Romano; tumutukoy sa isang pulutong ng mga
bathaluman ng kalikasan na kinakatawan ng magagandang diwatang nananahan sa mga ilog, mga batis,
mga bundok, mga punongkahoy at iba pa, mga diyosa sa tubig, may magagandang tinig gayundin ang
taginting ng kanilang mga lira.

Sirenas- mga ninfang dagat na ayon sa mitolohiyang Griyego at Romano ay pinagkakamatayan ng mga
marino o mandaragat sa mga batuhang baybayin pagkatapos tuksuhin ng kanilang nakararahuyong pag-
aawit.
Musa- alinman sa siyam na bathaluman o diyosa ng palaalamatang Griyego na namamahala sa panitikan
at mga agham ang espiritu o diwang pumupukaw sa sagimsim o inspirasyon ng isang makata o alagad ng
isang sining.

Segismundo-isang makatang dahil sa kaselanan sa pagsulat ng tula ay bago nang bagong berso.
Oreadas Ninfas- mga diyosa o bathaluman sa kagubatan na sinasamba ng mga Hentil noong unang
panahon. Silay magaganda at malalamig ang mga tinig na angkin.

Harpias- ang mga ito ay mababangis na diyosa ng Hentil., nagsisitahan sa mga pulong kung tawagiy
Estrofadas at sa mga gubat sa tabi ng ilog Cocito; ang mga katawan nila ay kahawig ng mga ibon;
mukhang mga dalaga, baluktot ang mga kamay, matutulis ang mga kuko, may pakpak paniki at
nakamamatay ang baho ng hininga.

Linceo- hari ng Albania noong panahon ni Florante.

Narciso- isang binatang sakdal ganda at kisig, anak ni Cefisino at ni Lirope; siniphayo niyang lahat ang
mga nimfang sa kanyay suminta; ayon pa rin sa mitolohiyang Griyego, nang minsang mamalas niya ang
kanyang larawan sa tubig ng isang bukal ay napaibig nang labis sa kanyang sarilit siyay nagging isang
bulaklak.

Adonis- isang binatang sakdal din ang ganda; anak sa ligaw ni Haring Cinirro ng Chipre sa anak din nitong
si Mirraha; sinintang labis ni Venus ay nasagupa nito ang isang barako at siya ay sinila.
Pluto- Isa sa mga diyos ng mga Hentil; ayon sa mga makata ng uanng panahon ay kinilalang hari ng reyno
o kaharian ng impyerno.

Furias- ayon sa makatang Romanong si Vergil, ang mga Furias ay mga diyosa sa impyerno at binubuo ng
tatlong babae; sina Magaera, Tisiphone at Alecto; ang buhok ng mga ito ay parang serpiyente; kung may
ibig silang galiting sinuman, bubunot sila ng isang buhok ng sinuman at ipapasok iyon sa loob ng dibdib
ng taong pinagagalit nang hindi namamalayan; ang tao namang iyon ay pagdidiliman agad ng paningin sa
matinding galit at sasagasa na sa panganib. Ayon naman sa pilosopong Griyegong si Heraclitus, ang mga
Furias ay mga diyosa ng katarungan na kaya itinalaga sa impyerno ay upang sila ang magparusa sa mga
makasalanan sa lupa.

Marte- siya ang diyos ng pagbabaka ng mga Romano na pinangalanan namang Ares ng mga Griyego.
Noong unay siya ang kinikilalang diyos ng pagsasaka na sinasamba kung tagsibol at inaalayan ng mga
unang bunga ng mga punongkahoy. Nang siyay kilalanin ng diyos ng digmaan ay nalimutan na ang
kanyang pagiging diyos ng pagsasaka.

Parcas- ito naman ang mga diyosa ng kapalaran at silay tatlo rin: si Clotho, ang humahabi ng sinulid ng
buhay, si Lachesis, ang nagtatalaga sa tao ng magiging palad nito at si Atropos, ang pumapatid sa sinulid
ng buhay.

Apolo- anak nina Jupiter at Latena at kapatid na panganay ni Diana; isinilang sa pulo ng Delos; buong
tapang at liksing pumatay sa Serpiyente Piton na nagbibigay sakit sa kanyang ina. Ayon sa mga makata, si
Apolo ang prinsipe ng mga Musa ng mga Pastol at siyang unang namanukala at nagturo ng musika, tula
at panghuhula.
Aurora- anak ng Araw at ng Buwan. Ayon sa mga makata, itong si Aurora na nagbubukas ng pinto ng
langit pagkaumaga at kung maikabit na ang mga kabayo sa Karwahe ng Araw ay ito rin ang nangunguna
sa paglabas.

Buwitre- isang lubhang malaking ibon na ang kinakain ay pawing bangkay ng hayop; ang pang-amoy ay
masidhi at umaabot hanggang sa layong tatlong legwas.

Arcon- isa ring malaking ibon matakaw at dumaragit ng mga buto ng tupa, aso at iba pang hayop sa
bundok.

Sierpe- ahas o serpyente.


Basilisco- isang halimaw na ayon sa alamat ay may mukhang kahawig ng sa butiki; umano, ang hininga at
ang kilap ng mata nito ay nakakamatay.

Hiena- isang uri ng hayop sa Africa at Asia; ang mukha nito ay kahawig ng sa lobo, kumakain umano ito
ng laman ng tao.
Tigre- isang mabangis na hayop na ang mukhay kahawig ng isang pusa; kumakain umano ito ng laman
ng tao.

Panggabing Ibon- mga ibong malalabo ang mata kung araw, kagaya ng tiktik, kuwago, bahaw, paniki.

Medialuna- ito ang bandila o estandarte ng mga Moro; na may larawan isang kabiyak ng buwan.
Lira- maaaring ito at kudyapi, alpa o bigwela; ipinansasawaliw ng mga ninfa at mga musa sa kanilang pag-
aawit.
Alpa- instrumentong pangmusika na may balangkas, ayos trayanggulo, may mga musa sa kanilang pag-
awit.

Berso- tula o kathang may tugma at sukat, isang taludtod ng tula.

Cupido Diyamante- hiyas na karaniwang inilalagay sa noon g mga senora.

Higuera (Higera) itoy isa ring, mayabong na punongkahoy na malalapad ang mga dahon. Sapagkat
katulad ng ditoy binabanggit ni Balagtas, nangangahulugang ang mga puno na tinutukoy ay parang baog
o hindi namumunga.

Pica (Pika)- sibat


Adarga- kalasag o pananggang habilog ang balat

Secta (Sekta)- ang sinasampalatayan ng isat isa o ang sinusunod na utos ng kani-kaniyang diyos sa
karaniwang wikang Kastilang culto o religion.

Lei (Ley)- salitang Kastilang ang kahulugay utos o batas.

Cipres- isang uri ng punongkahoy sa bundok ; tuwid, malaki at malilim ang tubo; ang mga sangay paitaas
na lahat ang ayos, kayat hugis puso ang buong anyo. Noong unang panahoy karaniwan nang ang mga
taos nagtitirik ng mayayabong na mga sanga nito sa libingan ng kanilang yumaong mga mahal sa buhay,
kayat tinagurian tuloy itong punongkahoy ng mga patay.
Atenas- balitang siyudad sa Gresya na batis o bukal ng karunungan at katapangan, itinindig ito ng haring
Cecrops ng Attica.

Mahal na Batis- dito nananahan ang mga Nayades; itinuturing na sagrado o banal at iginagalang ng mga
mapaniwalang mga Hentil.

Beata- isang ilog sa Pandacan noon, ngunit ngayon ay isang maliit na kanal

Hilom- isang batis

Reynong Albania- isa ito sa malalaking siyudad sa impyerno ng Gresya

Crotona-isang siyudad sa Gresya Mayor sa may dakong Italya; malapit sa dagat ng Tarante, bayan ng ina
ni Florante; ang luwang ng muralya ay dalawang libong hakbang.
Averno- sa mitolohiyang Romano ay ito ang tinatawag na Hades o impyerno

Cocito- isang ilog sa Epiro, purok ng Albania; ayon sa mga makata ay isa sa mga apat na ilog sa impyerno,
kaya may kamandag ang tubig.

You might also like