You are on page 1of 1

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay dila, kayat

ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o
paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na
maaring pagsulat o pasalita.

Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga
batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa


pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang
kaparaanang lumikha ng tunog.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay


biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at
nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa
pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa ibat ibang aspeto ng buhay.

Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at nagagawa ng tao ang mga bagay-
bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Sa lalong ikabubuti ng talastasan, mahalaga ring isaalang-
alang ang mga aspetong may tuwirang kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo-kultural, ang
kapaligiran o sitwasyon at ang kayarian ng wika, istruktura at balarila.

Gleason na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang


arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-
sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.

"Ayon naman kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na WHAT IS LANGUAGE? ang wika ang
pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao."

You might also like