You are on page 1of 6

Alamat Ng Buto Ng Kasoy

Sa isang gubat ay may kasayahan. Lahat ng uri ng hayop ay naroroon. Silang


lahat ay masasaya, nagkakantahan at nagsasayawan. Hindi kalayuan sa
kasayahan ay may isang bagay ang nakikinig at naiinggit sa kapistahang
nagaganap. Ito ay walang iba kungdi ang buto ng kasoy.

"Sanay makalaya ako dito sa aking madilim na kinalalagyan!" Dasal ng buto ng


kasoy.

Nagpatuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang dasal ng buto ng kasoy.
Sa mga oras na iyon ay may isang engkantada na naakit sa ingay ng kasayahan.
Naganyak siyang makisaya sa mga hayop. Sa gitna ng pagdiriwang ay may
naulinigan ang engkantadata, isang tinig ng naghihirap at humihingi ng tulong.

Nagsalita ang engkantada. "Sino kaya iyon, kawawa naman siya."

Naririnig siya ng buto ng kasoy. "Oh, makapangyarihang engkantada! Para mo


nang habag, ilabas mo ako dito!" Sagot ng buto.

Naawa ang engkantada. Sa isang kumas niya ay biglang lumabas ang buto ng
kasoy. Tuwang-tuwa ang buto sa kagandahan ng paligid. "Butihing diwata, nais
ko sanang manatili dito sa labas. Ayoko nang bumalik sa madlim na
pinanggalingan ko," pakiusap ng buto ng kasoy sa engkantada.

Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng buto. Wala namang pagsidlang sa


tuwa ang buto ng kasoy. Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na ang pagdiriwang.
Nagsiuwian na ang lahat at buong paligid ay nalukuban ng katahimikan. Hindi
nagtagal, ang langit ay nagdilim. Lumakas ang ihip ng hangin at bumagsak ang
isang malakas na ulan. Malakas ang kulog at matalim ang kidlat.

Sa pagsungit na ito ng panahon ay natakot ang buto ng kasoy. Muli siyang


tumawag sa engkantada. Oh, maawaing diwata. Pakinggan mo ako. Ibalik po
ninyo ako sa aking silid. Basang-basa na ako at giniginaw na. Nakakatakot pala
dito sa labas! Pagmamakaawa ng buto ng kasoy.

Subalit anumang dasal ang gawin niya ay walang kasagutang nangyari dahil sa
wala sa kapaligiran ang engkantada. Nang tumigil na ang unos ay muling
nagpakita ang engkantada. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos hindi
na magawang magsalita.

Nagsalita ang engkantada. "Ito'y isang aral sa iyo. Ang lahat ng bagay ay may
dapat na kalalagyan. Ito ay kailangan mong tanggapin dahil sa ito ang
ipinagkaloob sa iyo ng Diyos! Pagkasabi nito ay naglaho na ang engkantada.
Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.

Alamat Ng Aso
Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit
pang mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa't isa.
Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-natilyo na sila.


Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid
hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong.


Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya
matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod
nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at
nakikinig sa kanya.

Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na


siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang
ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina


Lito. Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng
binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito.
Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon
sa tapat ng puntod at kawag nang kawag ang buntot.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa


paanan niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at
kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng
pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang
tawag dito.

Alamat Ng Mga Daliri


Noong unang panahon ay magkakasama ang limang daliri ng tao. Kahit saan
magpunta ay wala silang hiwalayan. Katunayan ay maraming naiinggit sa lima
dahil sa mabuti nilang samahan. Lagi kasi silang masaya at nagkakasundo.

Kung paano nagkahiwa-hiwalay ang mag kakaibigan ay dahil narin sa isang


malaking pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Nagkaroon ng malawak na taggutom sa nilang lugar. Naging napakahirap ng


pagkain dahil kakaunti ang nabuhay na pananim kumpara sa maraming mga
taong kakain. Ang mga hayop haman ay unti-unti naring nangaubos.

Lahat ng uri ng trabaho ay pinasukan ng lima. Nagtrabaho sila araw at gabi pero
totoong mahirap ang buhay kaya madalas silang sumasala sa oras. Wala silang
nagawa liban sa magtiis.

Isang araw ay nakita ng apat na daliri si Hinlalaki. Sarap na sarap ito sa pagkain
ng karne kung kaya hindi na halos sila napansin.

Nang makita ni Hinlalaki ang apat na kaibigan ay bigla naman itong namutla.

"Saan mo kinuha ang karneng iya?" tanong ng apat kay Hinlalaki.

Bago pa makasagot si Hinlalaki ay isang galit na babae ang lumapit sa kanila.


Pagkakita nito kay Hinlalaki ay agad sinampal. Gulat na gulat ang apat.

"Ipakukulong kita!" banta ng babae na namumula sa galit.

"Teka, huminahon kayo!" wika ni Hintuturo. "Pag-usapan natin ito."


"Opo nga nama," sabad ni Hinlalato. "Ano po ba ang problema?"

"Magnanakaw ang kaibigan ninyo! Ninakaw niya ang aming pag-kain!" ang
sumbong ng babae.

Sabay na napatingin sa isa't isa sina Palasingsingan at Kalingkingan. Tulad nina


Hintuturo at Hinlalato ay nagulat sila sa narinig. Alam nilang matakaw si Hinlalaki
pero hindi nila inakalang magnanakaw ito para mairaos ang katakawan.

Napatungo naman si Hinlalaki bilang pag-amin sa kasalanan.

Mabuti at napakiusapan ng apat ang babae na huwag ipakulong si Hinlalaki


subalit mula noon ay naiba na ang pagtingin ng apat sa kanya.

Iniwasan ng apat na magkaka-ibigan si Hinlalaki. Ibig nila itong bigyan ng aral


dahil sa masamang ginawa. Sa sobrang hiya naman ay nakahiyaan na rin ni
Hinlalaki ang lumapit sa apat kaya hindi na sila muling nagkasama-sama.

Alamat Ng Litson
Noong araw ay napakasisipag ng mga tao. Masisipag sila sa pagtatanim ng mga
halaman. Masisipag rin sila sa pag-aalaga ng iba't ibang mga hayop.

Bagamat karamihan ay may mga alagang hayop, ang inaalagaan nila ay itong
siguradong makatutulong sa kanilang pagtatanim at pagsasaka.

Sa lugar na iyon ay may isang pamilya na bagong lipat. Sa halip mag-alaga ng


mga hayop na maka-tutulong sa pagsasaka ay nag-alaga sila ng mga baboy.

Mabilis dumami ang kanilang mga alaga kaya naman naging katuwaan ng mga
bata na panoorin ang mga ito lalo na sa oras ng paliligo.

Dahil maraming alaga, karaniwan na ring nagkakatay ng baboy ang pamilya para
ipamigay ang karne sa mga kapitbahay.
Mabilis dumami ang mga baboy kaya nagpasya ang pamilya na magpagawa ng
malaking kulungan.

Minsan ay nayaya ang pamilya sa isang pagtitipon. Hindi agad sila nakauwi kaya
nagwala ang mga baboy dahil sa gutom. Nagawa nilang sirain ang kulungan
kaya nakatakas ang iba.

Humingi ng tulong ang pamilya sa mga kapitbahay. Nagkagulo ang lahat sa


paghuli sa mga nakawalang baboy. Sa pataniman kasi ng mga halaman
nagtakbuhan ang mga ito at tiyak nilang pag hindi agad nahuli ay maraming
tanim ang mapipinsala. Dahil sa pagkakagulo ay naiwan ng isang babae ang
niluluto. Naging dahilan iyon ng pagkasunog ng bahay nito at ng buong lugar.

Nang bumalik ang mga tao dala ang nahuli nilang mga baboy ay sunog na ang
kanilang mga bahay.

Nanggipuspos sila dahil sa nangyari. Pero sabay-sabay silang natigilan nang


mapansin ang isang kakaiba at masarap na amoy.

Sinundan nila ang pinanggagalingan ng masarap na amoy. Nanggagaling iyon


sa nasunog na kulungan ng mga baboy.

Nilapitan nila ang mga nasunog na baboy. Isang babae ang natuk-song kumurot
ng piraso noon saka tinikman.

"Masarap," sabi ng babae.

Gumaya ang iba. Tinikman nila ang mga baboy na naihaw dahil sa sunog. Tulad
ng babae ay nasarapan sila sa karne nito.

Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaideya ang mga tao. Nag-alaga narin sila ng
mga baboy at iniihaw ang mga ito para muli nilang matikman ang masarap na
luto sa karne. May iba namang nakaisip na gawing hanapbuhay iyon para
ipagbili sa kalapit na mga bayan.

Lumaon ay naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang lutuing iyon na


tinawag na litson.
Alamat Ng Papaya
Si Payang ay anak ng isang mayamang mag-asawa mula sa Laguna.
Ipinagkasundo siya ng ama't ina sa anak na binata ng pinakamayamang angkan
sa kanilang lalawigan.

Lingid sa mga magulang ay may nobyo na ang dalaga. Ito si Pepe, isang
magsasaka.

Nagpasyang magtanan sina Pepe at Payang upang hindi mag-kahiwalay. Ngunit


natuklasan iyon ng ama ni Payang at ipinahabol sa mga tauhan ang dalawa.

Nang abutan sila ay ipinabugbog ng ama ni Payang si Pepe sa dalawang tauhan


nito at iniwang duguan. Si Payang naman ay sapilitang iniuwi sa kanilang bahay
at ikinulong sa sariling silid.

Isang matanda ang nakatagpo kay Pepe. Sa pag-aaruga nito ay unti-unting


bumalik ang lakas ng binata.

Ngunit huli na. Nalaman ni Pepe na namantay si Payang sa lungkot at sama ng


loob.

Nagluksa ang binata at halos araw gabing umiyak. Nang tuluyang gumaling si
Pepe ay agad tinungo ang libingan ni Payang.

Sa libingan ni Payang ay may nakita si Pepe na halamang tumubo malapit sa


puntod. Tila nababantay ang halaman sa ulilang puntod ng dalaga.

Inalagaan ni Pepe ang halaman hanggang mamulaklak at mamunga. Nang


mahinog ang prutas nito ay kanyang tinikman. Nasarapan siya sa lasa nito.
Naalala ni Pepe ang nobyang si Payang dahil sa punong iyon.

Ang bunga ng puno ay tinawag niyang Payang. Nang lumaon ay naging papaya
ang tawag dito ng mga tao.

You might also like