You are on page 1of 3

Ma.

Carmella Mariz Visca Grade 12 (Pagsulat sa Piling Larangan Akademik


Assignment: Hunyo 7, 2017

Kahulugan:
Buod o ubod (sustansiya, substance sa Ingles) ay ang kalooban ng isang bagay na
nagbibigay-katiyakan dito. Hindi maaaring umiral ang isang bagay kung wala nito. Mula
sa salitang-ugat na "sub" (under; ilalim) at "stare" (to stand; tumayo/tumindig) sa wikang
Latin ang salitang "substance" sa Ingles. Kapag nahukay na natin ang paimbabaw na
pagkakabalot ng isang bagay, doon pa lamang natin makikita ang pang-ilalim na
sandigan ng isang bagay. Masasabi din natin na "pinakapuso" ng isang bagay ang
kanyang "buod"/"pinakabuod".
Bionote - maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na
madalas inilalakip sa kanilang mga sulat.
Talumpati - Isang uri ng pagpapahayag sa harap ng mga taong nais making. Mabisa
at kalugud lugod na paraan ng pagbigkas. Ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o
opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
Abstrak - Ito ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos
nang pag-aaral. It ay kabuuang nilalaman ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan
ng bawat kabanata sa pananaliksik.
Katitikan ng Pulong - Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong.
Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din
kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula at nag wakas ang pagpupulong
gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nag sisilbing tala ng isang malaking
organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.
Posisyong Papel - ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang
paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang
partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa
batas at iba pang dominyo. Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa
pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng
isang akademikong posisyong papel. Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang
mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng
kanilang mga mungkahi.
Replektibong Sanaysay - ay hindi lamang matalakay ang natutuhan, bagkus ay
iparating ang pangsariling karanasan at natuklasang resulta sa espisipikong paksa.
Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na impormasyon at mailahad ang
mga pilosopiya at karanasan.
Agenda - Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sa pagpupulong na
magaganap para sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong.
Pictorial Essay - Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.
Lakbay Sanaysay - Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa
paglalakbay na ginawa ng manunulat.
Irish Kryscynth Fallena Grade 12 (Pagsulat sa Piling Larangan Akademik
Assignment: Hunyo 7, 2017

Kahulugan:
Buod - Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod,
tulad ng maiklling kwento.
Halimbawa:
Buod ng Kuwento ni Mabuti ni Genoveva D. Edrosa
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang estudyante at isang guro na may mabigat na
problema sa pamilya ngunit may magandang pananaw sa buhay. Ang kwento ay
nagsimula sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Sa isang sulok nito ay naroon ang
isang estudyanteng umiiyak dahil sa isang hindi kalalimang bagay di gaya ng sa
kanyang guro. Nang makita ng guro ang estudyanteng nasabi, sinabi rin nitong siya ay
iiyak dahil sa isang mabigat na suliranin sa kanyang buhay. Sila ay naging malapit. Ang
suliranin palang ito ay tungkol sa kanyang pamilya: ang kanyang anak at asawa.
Ngunit, sa kabila ng suliraning ito, siya ay nanatiling positibo. Sa kanyang pagiging
guro, madalas niyang sabihin ang salitang mabuti sa bawat kataga kaya ang kwentong
itoy naging kwento ni Mabuti.
Bionote - Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
Panukalang Proyekto - Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga prolema at suliranin.
Talumpati - Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong
manghikayat, tumugod, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman.
Abstrak - Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa
tesis,papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan
ng buod ang mga akademikong papel.
Katitikan ng Pulong - Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Posisyong Papel- Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito
ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
Replektibong Sanaysay - Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang
manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng manunulat.
Agenda - Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sa pagpupulong na
magaganap para sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong.
Pictorial Essay - Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.
Lakbay Sanaysay - Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik tanaw sa
paglalakbay na ginawa ng manunulat.
Halimbawa ng Katitikan ng Pulong : Halimbawa ng Posisyong Papel :

You might also like