You are on page 1of 2

Republic of the Philippines )

Province of Cagayan )
City of Tuguegarao )S.S.
x--------------------------x

AFFIDAVIT

Ako si, KIEL IAN G. PINGAD, 12 taong gulang, Pilipino at residente ng Atulu,
Iguig, Cagayan, matapos mapanumpa ng naayon sa batas, ay nagsasaad ng mga
sumusunod:

1. Ako ay Grade 6 pupil ng Malabbac Elementary School na matatagpuan sa


Malabbac Iguig Cagayan;

2. Noong umaga ng June 13, 2017 ng mga bandang alas sais ng umaga, paalis na
kami ng bahay para pumasok na po ako sa aming eskwelahan kasama ang
aking tatay na si Miguel Pingad, Jr, ang aking babaeng kapatid na walong taong
gulang. Ngunit sa jeep ako sumakay samantalang sa motor naman sumakay ang
aking tatay angkas ang aking nakababatang kapatid;

3. Nauna akong dumating sa paaralan kaya dumiretso ako sa aming cleaning area.
Sumunod naman sila Daddy kaya hinatid niya aking kapatid sa tapat ng kanilang
room;

4. Nang maibaba niya ang aking kapatid, pumunta na siya sa Highway. Nang
bubuhatin na niya sana ang barikada, biglang may tumabi sa motor ng aking
tatay na kulay na gray na sasakyan. Bumama ang mga tatlong lalaki na may
dalang baril mula sa gray na sasakyan at pinayuko siya sabay sakal ng isa sa
mga lalaki;

5. Pinosasan din siya ng isa sa mga armadong lalaki. Dun na ako lumapit sa mga
armadong lalaki at sinabing Sir, kunin niyo lang siya basta wag niyo lang
sasaktan at sumagot ang isa sa kanila ng oo. Habang pinoposasan ang aking
tatay, sumigaw siya ng Papa, ginafut da yakan;

6. Biglang dumating si lolo, _____________, at kinapkapan nila ang aking tatay.


Pero pinipigilan ng mga armadong lalaki si lolo na lumapit sa aking tatay sa
pamamagitang ng pagharang. Dumating din ang aking tita na si Jessica at
kinapkapan niya ulit ang aking tatay;

7. Tinanggal nila ang pagkakaposas ng aking tatay at dun na siya sinakay sa gray
na sasakyan at umalis na sila.

8. Isinasaad ko ang mga pangyayaring iyan upang patotohanan ang lahat nito at
pipirmahan ko ito ng walang pag-aalinlangan.

Nilagdaan ko ang salaysay na ito nitong ___________________ sa


________________________.

KIEL IAN G. PINGAD


Affiant
SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____________ in Tuguegarao
City by the affiant, who signed in my presence the foregoing affidavit and acknowledged
that he voluntarily executed the same.

__________________________
Administering Officer

You might also like