You are on page 1of 1

Alamat ng Pamaypay

Panitikan ng Thailand

Sa isang malayong lugar, may mag-asawa, tahimik at namumuhay. Biniyaan sila ng malulusog
na kambal at pinangalanan sila ng Pay at May. Pinaggigiliwan ng kambal. Ngunit habang sila'y
lumalaki, palagi silang nag-aaway. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng problema dahil sa kanila.

Isang araw, dumating ang isang kalamidad. Walang ulan. Ang kanilang lugar ay naging tagtuyot.
Ang mga tao ay nagdadasal upang magkaroon ng malakas na simoy ng hangin at ulan. Ang
Bathala ay nagsabi na magkaroon lamang ng malakas na hangin at ulan kung angn lahat ng tao
sa lugar nila ay magkakasundo. Ngunit ang kambal ay nag-aaway at nag-aaway parin dahil sa
inggit nila sa isa't isa, makasarili sila at ito ang isa sa mga pinaka ayaw ng Bathala.
Sabi ng Bathala sa kanilang dalawa, "Kapag hindi pa kayo nagkakabati pagkatapos ng tatlong
parusa, mamamatay agad kayo hindi dahil sa init kundi sa mga kasalanan ninyo." Pero hindi
naniwala ang mga kambal sa Bathala. Patuloy parin silang nag aaway.

Gabi na nang matapos ang kanilang pag-aaway. Natulog na silang dalawa pagkatapos ng ritwal
nila ng gabi. Kinaumagahan, dumating na ang kanilang unang parusa. Nang dumatig ang
kanilang unang parusa ay sobrang nagulat ang kambal dahil ang kanilang buhok ay nawala.
Kalbo na ang mag kambal. Dahil sa kanilang sitwasyon ngayon, muling nag-away nanaman ang
dalawang bata. Nag-aaway dahil sa suklay. Ang bunga ng kanilang pag- aaway ay ang kanilang
pangalawang parusa. Ang kanilang pangalawang parusa ay nagiging butiki ng gabi si Pay at
nagiging baboy naman si May ng umaga. Naging kalahating-tao at kalahating-hayop na silang
dalawa.

Nang nalaman ng kanilang ina ang sitwasyon ng kanyang mga anak na kambal ay umiyak siya.
Pumunta pa sila sa mga ospital, ngunit walang gamot para gumaling at mailagay sa normal na
pamumuhay ang kanyang mga anak. Nang makarating na sila sa bahay nila, nagsalita ang ina,
"Alam niyo mga anak, kung matagal na kayong nagkabati, sana hindi nangyari ito."
Pangatlong parusa. Patuloy ang pag-aaway ng kambal dahil sa hindi na talaga titigil. Kinausap
sila ng Bathala, "Gusto ko sana kayong tulungan, kaya bibigyan ko kayo ng isa pang
pagkakataon. Mag-isip isip kayo ng isang bagay na ipaglaban sa init."

Napagisip-isip ang kambal at nagtutulungan. Kumuha sila ng maraming kawayan at hinati nila
ito ng pahaba at ginawang manipis. Pagkatapos, pinagdugtong-dugtong nila ang mga ito at
tinawag na "Pamaypay" galing sa mga pangalan nila 'Pay' at 'May'. At ito na rin ang naging
paraan para magkabati ang magkambal. At mula noon, natanggal na ang kanilang sumpa na
dumating sa kanilang buhay.

You might also like