You are on page 1of 3

Ano ang CLIMATE CHANGE?

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse
gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at
tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura
ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.
Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na
nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa
mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya
sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na
nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE

Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:


- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan
nito.
Ano ang climate change o pagbabago ng klima?

Ang kahulugan ng climate change o pagbabago ng klima ay ang pagbabago sa karaniwang


panahon na dapat sana ay mangyari sa isang lugar.

Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O
maaaring ito ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan
o season.
Ayon sa mga eksperto, ang klima ng mundo ay laging nagbabago. Sa kanilang pag-aaral, ang
temperature ng mundo ay tumaas ng halos 1 degree Fahrenheit sa nakalipas na 100 taon. Mukha
man itong maliit lang, pero maari itong magdulot ng malaking epekto sa pagbabago sa boung
mundo.

Ano ang sanhi at dahilan ng climate change o pagbabago ng klima?

Maraming mga bagay ang maaring maging dahilan at sanhi ng climate change.

Likas na mga sanhi Ang distansya ng araw sa Earth ay maaring maging sanhi ng climate
change, kapag ito ay malapit ay mas mainit, at pag malayo naman ay malamig. Maari ding
maging dahilan ng climate change ang pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

Kagagawan ng Tao Ang climate change ay maaari ding maging sanhi ng mga gawain ng tao,
tulad ng mga pagsusunog ng Fossil fuels at ang conversion ng lupa para sa agrikultura at
pagpapatayo ng mga gusali. Mga buga ng mga sasakyan na carbon dioxide at pagsunog ng mga
plastic ay isa rin sa rason. Simula ng tayo ay dumating sa Industrial Age, ang impluwensya ng
tao sa pagbabago ng klima ay mas lalong nadagdagan.

Ano ang epekto ng climate change o pagbabago ng klima?

Ang mga sumusunod ay ang pwedeng maging epekto ng climate change:

Patuloy na pagtaas ng temperatura Mas lalong iinit ang mundo


Paghaba ng panahon ng tag-init Hahaba ang season ng tag-init at El Nio
Pagdagsa ng maraming bagyo Dahil sa sobrang init nagbabago ang precipitation, may mga
lugar na hihina ang dagsa ng ulan at meron din lugar na dadagsain ng bagyo.
Pagtaas sa antas ng tubig dagat Ang mga nyibe at yelo sa north at south pole ay matutunaw at
magiging dahilan ng pagtaas ng tubig dagat.
Solusyon sa climate change?

Paano maiiwasan ang climate change? Ang climate change ay hindi natin mapipigilan, ngunit
mayroong mga paraan upang ang pagbabago ng klima at pagtaas ng temperatura ay
madahandahan.

Sumuporta at sumali sa mga usapin ukol sa kung ano ang climate change.
Magin resposabling mamamayan at wag magsunog ng mga plastik.
Maging matipid sa enerhiya.
Tigilan ang pag putol ng mga punong kahoy bagkos magtanim nito.
Gumamit ng Biofuels.

You might also like