You are on page 1of 7

Pagkatatag ng Roman Republic

Mga Dapat Tandaan:

Latium sa Italy- umusbong ang dakilang lungsod ng Rome


Ayon sa alamat ang Rome ay nagsimula sa pagkasilang ng kambal na si Remus at
Romulos
Republika- pamahalaang walang hari
Lucius Junius Brutus- nagtaboy ng mga Etruscan sa Italy at nagtatag ng Roman
Republic
Konsul- may kapangyarihang tulad ng hari at namumuno ng isang taon sa Roman
Republic
Diktador- nanunungkulan sa loob ng 6 na buwan at namumuno sa oras ng kagipitan
Senado- nanunungkulan habang buhay
Patrician- binubuo ng 2 konsul, diktador at mga senado. Sila ang mga mayayamang
nagmamay-ari ng mga lupain
Plebian- mga kapos sa kabuhayan, walang kapangyarihan at hindi pwedeng makapag-
asawa ng patrician

Ang Twelve Tables

Mga Dapat Tandaan:

Naghimagskik ang mga Plebian laban sa mga Patrician upang magkamit ng pantay na
karapatan. Lumikas sila tinaguriang Banal na Bundok upang doon sana sila magtayo ng
sariling lungsod.
Sinuyo ng Patrician ang mga Plebian sa takot na mawalan sila ng manggagawa
Pinatawad ng mga Patrician ang pagkakautang ng mga Plebian, pinalaya ang mga alipin at
naghalal ang mga Plebian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang
karapatan.
Kung nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang batas kailangan niyang
isigaw ang veto (tutul ako!)
12 Tables- ang kauna-unahang nasulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas
Roman. Wala itong tinatanging uri sa lipunan, batas para sa lahat, patrician man o plebian.

Punic War

Mga Dapat Tandaan:

Digmaang Punic- salitang Latin na hinango sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito


napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
Unag Digmaang Punic- Nanalo ang Rome laban sa Carthage
Ikalawang Digmaang Punic- natalo si Hannibal, ang heneral ng Carthage sa labanan sa
Zama. Sa isang kasunduang pangkapayapaan, pumyag ang Carthage na sirain ang plota
nito at isuko ang Spain, at magbayad ng buwis taon-taon sa Rome
Ikatlong Digmaang Punic- Muling natalo ang Carthage sa digmaan. Kinuha ng Rome
ang lahat ng pag-aari ng Carthage
Mare Nostrum (Aming Dagat)- tawag ng taga Rome sa Mediterranean Sea

Kabihasnang Rome

Mga Dapat Tandaan:

Sinakop ng Rome ang mga lungsod estado g Greece at libo-


libong Greek ang tumungo sa Italy
Tinangay ng mga herala ng Rome ang mga gawang sining at
aklat ng Greece.
stola at palla
Maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral at
naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome
Kinilala ang mga Roman bilang pinakadakilang mambabatas sa
sinaunang panahon.
Ang panitikan ng Rome ay salin lamang ng mga tula at dula ng
Greece.
Magaling din ang mga Romano sa inhenyeriya. Marami sa mga
daang ginawa nila ay ginagamit pa hanggang ngayon kagaya ng
Appian Way na nag uugnay sa Rome at Timog Italy. Tunic at Toga
Tunic- kasuotang pambahay ng mga kalalakihang Roma na
hanngang tuhod
Toga- isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay.
Stola- kasuotang pambahay ng mga babae
Palla- isinusuot sa ibabaw ng stola.

Banta ng Digmaang Sibil

Tiberius- nagpanukala ng batas sa pagsasaka kung saan ipapamahagi sa mga mahihirap


ang mga lupang nakamkam sa mga digmaan. Dahil dito ipinapatay siya ng mga grupo ng
mga mayayaman.
Gaius Gracchus- kapatid ni Tiberius na nagpatuloy sa sinimulan ng nakatatandang
kapatid. Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod nya at siya naman ay nagpatiwakal.
Ang kamatayan ng magkapatid ang nagpalinaw ng tunggalian ng mga patrician sa Senate
at mga plebian. Dahil ditto sumiklab ang mga serye ng mga rebelyon na nauwi sa
digmaang sibil noong 105 BCE.

Si Julius Caesar bilang Diktador

First Triumvirate- isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangangasiwa sa


pamahalaan. Ito ay binuo ni Julius Caesar, Pompey, at Marcus Licinnius Crassus
Crassus- pinakamayamang tao sa Rome nan a nagpakalma sa isang rebelyon ng mga
alipin
Pompey- kinilala bilang isang bayani dahil sa matagumpay niyang pagsakop sa Spain.
Julius Caesar- isang Romanong pinunong pang-militar at pampulitika. Bilang diktador ng
Rome, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang
bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito.
Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy.
Inayos ang pagbayad ng buwis sa mga lalawigan at pinagbuti ang pamahalaan.
March 15, 44 BCE- pinatay si Caesar sa isang pagpupulong sa Senate sa pangunguna
nina Marcus Brutus, ang matalik niyang kaibigan at si Gaius Cassius dahil sa takot ng
Senate na ideklara ni Caesar ang kaniyang sarili bilang hari at magwakas ang Republika.

Augustus: Unang Roman Emperor.

Octavian- ang apo ni Caesar sa pamangkin na ginawa niyang tagapagmana bago siya
mamatay.
Second Triumvirate- binuo ni Octavian kasama sina Mark Antony at Marcus upang ibalik
ang kaayusan sa Rome pagkatapos ng pagkamatay ni Caesar na nagdulot ng kaguluhan
ditto. Sa pagkabuo ng Second Triumvirate, natalo ang hukbo ni Brutus at Cassius.
Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi nito, samantalang
pinamunuan ni Anthony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan . si Lepidus ang namahala
sa Gaul at Spain.
Napamahal si Antony sa reyna ng Egypt na si Cleopatra. Napabalita sa Rome na binigyan
ni Antony ng lupa si Cleopatra at nais niyang salakayin ang Rome kaya bunuo ng hukbo at
plota si Octavian para labanan si Antony.
Natalo si Antony sa labanan at nagpakamatay ito sa sumunod na taon sa maling akalang
nagpakamatay si Cleopatra na kanyang minamahal. Pagkatapos nitoy nagpakamatay din
si Cleopatra.
Pinagkaitan naman ng kapangyarihan si Lepidus at nawala sa kanyang pamamahala ang
Gaul at Spain. Ipinatapon siya sa ni Octavian sa Circeii, Italy.
Bilang pinuno ng hukbo at dahil hawak niya lahat ang kapangyarihan, tinawag si Octavian
na imperator.
Augustus- ang titulong iginawad ng Senate kay Octavian bilang isang unang emperador
ng Roma. Ang Augustus ay karaniwang pumapatungkol sa isang banal na lugarbo banal na
akto. Ito ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan.
Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon ng Imperyong Roman.

Limang Siglo ng Imperyo

Pax Romana o Kapayapaang Rome- ang tawag sa panahon ng katahimikan at


kasaganaan sa unang dalawa at kalahating siglo ng imperyong Roman.
Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo
Ligtas ang mga daan at karagatan sa kamay ng mga pirata at tulisan
Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain.
Umunlad ang panitikan
Dito nabuhay ang mga makatang sina Virgil, Horace at Ovid
Virgil- sumulat sa Aenid, ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng
Troy.
Ovid- sinulat niya ang Metamorphoses tungkol sa mitong Greek at Roman
Pliny the Elder- sumulat sa Natural History, isang tangkang pag isahin ang lahat ng
nalalaman tugkol sa kalikasan.
Tacitus- Histories at Annals, tungkol sa imperyo sa sa ilalim ng pamamahala ng mga
Julian at Flavian Caesar
Sinulat ni Livy simula 27-26 B.C.E ang From the Founding of the City, ang kasaysayan ng
Rome.

Limang Emperador pagkatapos ni Augustus

Namatay si Augustus noong 14 C.E. Ang Titulong imperator o emperador ay iginawad ng


Senate kay Tiberius napinili ni Augustus na humalili sa kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius
bilang emperador hanggang sa katapusan ng imperyo noong 476 C.E., ang Rome ay
nagkaroon ng ibatibang uri ng emperador.

Mula sa Dinastiyang Julio- Nagawa


Claudian Pinuno
Tiberius (14-37 C.E.) Magaling na administrador si Tiberius bagamat isang
diktador.
Caligula (37-41 C.E.) Nilustay niya ang pera ng imperyo sa maluluhong
kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga
gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang
siya ay isang gladiator.
Claudius (41-54 C.E.) Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga
batikang administrador.
Nero( 54-68 C.E.) Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan,
kabilang ang kanyang sariling ina at asawa. Inakusahan
siya ng panununog sa Rome at natutuwa pa siya
diumano habang ginagawa ito.

Mula sa Dinastiyang Flavian Nagawa


Pinuno
Vespasian (69-79 C.E.) Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos na
patakarang pananalapi at pagtatayo ng
imprastrukturang tulad ng
pampublikong paliguan at amphitheater para sa mga
labanan ng mga gladiator.

Ang Limang Mahuhusay na Nagawa


Emperador Pinuno
Nerva (96-98 C.E.) Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva at ang kinitang
interes ay inilaan niya para tustusan ang mga ulila.
Trajan (98-117 C.E.) Sa panahon ng pamumuno ni Trajan, narating ng imperyo
ang pinakamalawak nitong hangganan.
Hadrian( 117-138 C.E.) Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga hangganan
at lalawigan ng imperyo.
Antoninus Pius (138-161 C.E.) Ipinagbawal ni Antoninus Pius ang pagpapahirap sa mga
Kristiyano.
Marcus Aurelius (161-180 Siya ay isang iskolar at manunulat. Itinaguyod niya ang
C.E.) pilosopiyang stoic. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito
ang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng
pamumuhay ayon sa banal na kalooban (divine will).

PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN SA AMERICA, AFRICA, AT


MGA PULO SA PACIFIC

Mga Kabihasnan sa MesoAmerica

A. Kabihasnang Maya

namayani sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.


katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala
halach uinic o tunay na lalaki- pinalawig nila ang mga pamayanang urban na sentro rin
ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.
banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan.
hiwalay an gang mahihirap at nakaririwasa
pyramid- sentro ng bawat lungsod na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga
diyos. May mga templo at palsyo sa tabi ng pyramid.
mga produkto: mais, asin, tapa, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya at cacao
sinasamba nila ang diyos na may kaugnayan sa pagtatanim
sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak.
ang pagbagsak ng Kabihasnang Mayan ay maaaring dulot ng ang pagkasira ng kalikasan,
paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang
pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na
nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi
gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.

B. Imperyong Aztec

isa sa mga unang imperyo ng Mesoamerica at naging makapangarihan sa gitnang bahagi


nito
mga nomadikong tribo na hindi matukoy ang orihinal na pinagmulan
ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay naimpluwensiyahan ng sinaunang
kabihasnan ng Olmec.
ang salitang Aztec ay nangangahulugan isang nagmula sa Aztlan, isang mitikong lugar
sa Mexico.
Tenochtitlan- isang maliit a isla sa gitna ng lawa ng Texcoco na itinatag ng mga Aztec.
Ito ay naging sentro ng kalakalan.
chinampas- mga artipisyal na pulo sa mga sapa na kung tawagin ay floating garden. Ito
ay taniman ng mga Aztec.
nagtatanim lamang sila sa lupa gamit ang matulis na kahoy.
mais ang kanilang pangunahing tanim at ang iba ay patani, kalabasa, abokado, sili at
kamatis. Nag-aalaga rin sila ng mga pabo, aso, pato at gansa.
Huitzilopochtli-diyos ng araw at ang pinakamahalagang diyos sa Aztec
Tlaloc-diyos ng ulan
Tlacaelel- isang tagapayo at heneral na isa sa mga nagbigay daan sa pagbabago ng
Aztec at nagtaguyod ng pagsamba kay Huitzilopochtli
Tenochtitlan-sentrong pangkabuhayan at politikal sa sa Mesoamerica
Mahuhusay din na inhinyero at tagapagtayo ng istruktura tulad ng mga kanal o aqueduct,
mga dam, irigasyon, liwasan at pamilihan ang mga Aztec.
Biglang bumaba ang populasyon nito dulot ng epidemya ng bulutong, pang-aalipin,
digmaan, labis na paggawa, at pagsasamantala.
Hernando Cortes- namuno sa ekspedisyong Espamyol na nanakop sa Mexico.
1521-tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan

HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA

magkakaiba ang klima at heograpiya


nasa Hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan
mga prairie at steppe ang matatagpuan sa Andes Mountains sa Timog
Tuyot ang mga disyerto sa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean
Nabuo ang mga unang pamayanan sa Andes dahil kaaya-aya ang topograpiya nito
Ang mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador

Kabihasnang Inca

Inca- nangangahulugang imperyo na hango sa pangalan ng mga pamilyang namuno sa


isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes.
isang pangkat ng mga taong nanirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa
matabang lupain ng Lambak ng Cuzco.
Manco Capac-pinamunuan ang pagbuo ng maliit na lungsod-estado
Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.
Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti-pinatatag niya ang Inca sa pagkakaroon ng isang
sentralisadong estado
Topa Yupanqui-pinalawig niya ang imperyo hanggang Hilagang Argentina, bahagi ng
Bolivia, at Chile pati na rin ang Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng Inca
Huayna Capac-nasakop ang imperyo ang Ecuador
Ang mga tunggalian sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na teritoryo
ang ang unti-unting nagpahina sa imperyo.
Ang pagkakasakop ng mga conquistador sa Inca ang nagpabagsak ditto
Tupac Amaro-huling pinuno ng Inca na pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tulyang
nagwakas ang pinakadakilang imperyo ng Andes.

MGA KAHARIAN AT IMPERYO SA AFRICA

Ang Africa nag huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa

Heograpiya

Tinawag itong dark continent dahil hindi ito nagalugad agad


pinakamainit at pinakamaulang ang mga bahaging malapit sa equator
rainforest- uri ng kagubatan kung saan sagana ng ulan at ang mga puno ay malalaki,
matataas, at mayayabong.
savanna- bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno
Sahara- pinakamalawak na disyerto sa buong mundo.
oasis- lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig na bumubuhay sa mga halaman
at hayop
hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang namayani sa Africa

Kalakalang Trans-Sahara

kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan


tumagal hanggang ika-16 na siglo
tinawag na trans-sahara dahil sa pagtawid g mga nomadikong mangangalakal ang Sahara
sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang ibat ibang uri ng kalakal
caravan-pangkat ng mga taong magkakasaman naglalakbay
Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay namimili ng hayop ditto tulad g unggoy,
leon, at mg a elepanteng pinaniniwalaang ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa
Rome.

Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa

pinalaganap ito ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa


pumunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso,
espada, seda, kaldero at iba pa.

Mga Kabihasnan sa Africa

Maliban sa Egypt, ang Axum na kasalukuyang Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag


dahil sa pagiging sentro ng kalakalan nito
Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay
dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara.
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang kabihasnan. Dito umusbong
ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Imperyong Ghana

unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa


Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng mga produktong tulad ng ivory, ostrich,
feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso,
figs, dates, sandatang bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.

Ang Imperyong Mali

Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa
sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana.
Timbuktu-sento ng kalakalan
Sundiata Keita- nagpasimula ng pag-akyat sa kapangyarihan ng Mali. Noong 1240,
sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana.
Sa pamamagitan ng pananalakay, lumawak ito pakanluran patungong lambak ng
Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga
patungong Sahara Desert.
Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan
1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong
Kanlurang Sudan.
Mansa Musa- higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Naging bantog din
sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o
pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga
iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at
Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.

Ang Imperyong Songhai

Nakipagkalakalan sa mga Berber na siyang nagdala ng pananampalatayang Islam sa


lugar na ito.
Dia Kossoi- hari ng Songhai na tumanggap sa Islam.
1325-sinalakay at binihag ng Mali ang imperyong Songhai
Sunni- ang bagong dinastiya na lumitaw noong 1335 at nagpalaya sa mga Songhai sa
kamay ng Mali
1461-1492- sa ilalim ni haring Sunni Ali, naging malaking imperyo ang Songhai. Hindi
niya tinanggap ang Islam dahil naniwala siyang sapat na ang suporta na ibinibigay ng
mga mangingisda at magsasaka sa kanya ngunit iginalang nya parin ang mga ito.

MIGRASYONG AUSTRONESIAN

Austronesian-tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa


Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.
Ayon sa teorya ni Peter Bellwood, nagmula sa timog China ang mga Austronesian.
Nandayuhan sila sa mga lugar na kilala bilang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei at
Indonesia.
Tumungo din sila pakanluran hanggang makarating sa Madagascar sa Africa.
May mga tumungo din pasilangan at tinawid ang Pacific Ocean at nanahan sa mga pulo ng
Pacific
Narating din nila ang New Guinea, Australia, Tasmania,Tonga, Samoa at Marquesas,
Hawaii, at Easter Island.

ANG MGA PULO SA PACIFIC O PACIFIC ISLANDS

nahahati ito sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang
mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang Makita ang kaayusan
ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

POLYNESIA

maraming isla (poly-marami; nesia-isla)


nasa Gitna at Timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa Silangan ng Melanesia at
Micronesia.
binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau,
Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society
Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.
Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan ditto
tohua- sentro ng pamayanan na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito rin ang
tanghalan ng mga ritwal at nakapaligid dito ang tirahan ng mga pari at mga banal na
estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Ang
karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog.Sa
pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon, octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng
pating.
mana- bias o lakas, banal na kapangyarihang pinaniniwalaan nila
tapu- mga ipinagbabawal o prohisbisyon para hindi mawala ang bisa ng mana.

MICRONESIA

maliliit na mga isla; micro maliit, nesia isla


matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya.
binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon
ay Kiribati), at Nauru.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o
dagat-dagatan.
Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng
bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian.
MELANESIA

maiitim ang mga tao ditto: mela maitim, nesia isla


matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia.
Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New
Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji
Islands.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa
dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma.
Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa
maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga
mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian. Ipinababatid ng diyos ng
kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, sakuna, kamatayan,
o pag-unlad ng kabuhayan.
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din dito ng
pandan at sago palm na pinagkukunan ng sago. Pangingisda, pag-aalaga ng
baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon ang iba pang kabuhayan dito.
May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang produktong kinakalakal
ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin
ang mga gawa nilang bangka.

Inihanda ni:

Bb. Criscel Joy L. Sambrano

You might also like