You are on page 1of 2

Huling Paalam

Kasaysayan ng Tula

Hindi pinangalanan ni Rizal ang tula.

Bunga ito ng kaliitan ng papel na kanyang pinagsulatan na may sukat lamang na 15-1/2 sentimetro
at 9-1/2 sentimetro

ayon kay Mauro Garcia. Nawalan ng sapat na espasyo ang papel kaya't ito'y hindi na nalapatan pa
ng pamagat bukod sa kailangan talagang liitan ni Rizal ang pagsusulat niya sa tulang may 14 na
saknong na nasusulat sa wikang Kastila.

Naisalin ang tula sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapampangan ni Monico Mercado noong


Enero 1897 at ang sa Tagalog naman ay si Andres Bonifacio. Ilan naman sa mga tanyag na salin
ng tulang ito sa wikang Tagalog ay isinagawa nina Pascual H. Poblete at Julian Balmaceda. Sa
mga dayuhang wika naman, una itong nasalin sa Aleman samantalang may mahigit na 25 salin
ang tulang ito sa Ingles.

Habang nagaganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay pinag-uusapan sa Kongreso ng Amerika


kung makatwiran bang sakupin ang Pilipinas. May nagpanukalang dapat upang mabigyan ng
edukasyon ang mga "barbarong" Pilipino. May isang kinatawan ang tumutol at binasa ang Huling
Paalam ni Jose Rizal (salin sa wikang Ingles ni Charles Derbyshire na pinamagatang "My Last
Farewell") upang patunayang hindi barbaro ang mga Pilipino (dahil sa galing ng pagkakasulat ng
tula) at lalong hindi dapat sakupin ang Pilipinas.

Nakikita sa sulat niya na lagi niyang iniisip ang Pilipinas kahit mamamatay na siya, ang naiisip
niya ay sa kinabukasan ay maging maunlad ang Pilipinas.

Ito ay sinulat ni Jose Rizal sa Huling Paalam at dito talaga makikita natin kung gaano kamahal ni
Rizal ang bansa niya.

Ito ay nagpapakita na kung tayo ay maging makabayan,

Hindi tayo lamang ay gagawa ng madaming bagay dahil sa ating kagustuhan o kapakinabanngan
pero dapat umiisip rin tayo ng tamang paraan na paano pwede tayo tumulong ng bansa natin.

Dahil makikita ngayon sa mga bata na hindi lahat ay makabayan, o may respeto sa kanilang
pamilya. At dahil dito tutulong ang mga sinulat ni Jose Rizal sa mga estudyante sa mataas na
paaralan, at dahil dito hindi dapat palitan ang kurikulum.

Ang lahat na sinulat ni Jose Rizal ay mahalaga dahil sa mensahe na bumibigay nila. Ito mga
mensahe ay kayang gamitin sa buhay natin araw-araw. At dahil dito kung mapalit ang kurikulum,
ang mga mahalagang mensahe nito ay hindi makakaaral ng mga estudyante, at ito ay hindi
tutulong sa bansa natin. Kung ang kurikulum naman ay hindi baguhin, ang mga estudyante ay
pwedeng mag-aral ng mga maraming importanteng mensahe at gagamitin nila ito na tamang
paraan at ito ay tutulong sa kanila, sa kanilang pamilya, at sa Pilipinas.

Sino ang makakalimot sa kanyang Huling Paalam na isinalin sa wikang Pilipino ni Gat Andres
Bonifacio?

Muli nating sariwain ito;

Ang "Pahimakas, na salin ni Gat Andres Bonifacio mula sa Mi Ultimo Adios ni Gat Jose Rizal.
Ipinakita dito ng Supremo ng Katipunan na si Bonifacio ang matayog niyang pagpapahalaga kay
Gat Jose Rizal nang isalin niya sa wikang Pilipino ang Mi Ultimo Adios kinagabihan matapos
paslangin ito ng malupit at hindi makatarungang kolonyang Kastila. Bagamat tumututol si Rizal
sa Himagsikan ng 1896, ang inspirasyong nagawa nito sa rebolusyong Pilipino ay isang
kagitingang makabayan at huwaran sa marami nating kababayan.

Sa panahon ngayong marami sa ating matatalino at mahuhusay na kababayan na lumilisan mula


sa ating bayan at nakikipagsapalaran sa ibang bansa o Philippine diaspora, sa pagnanais na
magkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang mga kalagayan, sa naghahating-uri na patuloy na
bumubusabos at nagsasalaula sa ating pagka-Pilipino at Inang-Bayan, sa mga magnanakaw sa
kabang bayan, sa mga tampalasang pinuno ng militar laban sa makabayang mga adhikain, narito
ang ating dakilang Bayani sa ika-150 kaarawan niya at sa araw ng mga Tatay, bilang ama ng ating
bayan na may kakayahang makagawa ng makasariling pagpapayaman, katanyagan at kasiyahan
noong panahon niya, sa halip tinalikdan niya itong lahat at higit na pinili ang makapaglingkod sa
kanyang Inang-Bayan sukdulang pagbuwisan niya ito ng kanyang buhay.

Ang unang nagbigay ng pamagat nito ay si


Mariano Ponce na
MI ULTIMO PENSAMIENTO
nang iyo'y kanyang ilathala sa
Hong Kong noong 1897. Sa tulong ni Jose
Maria Basa ay ipinakalat ni Ponce ang tula at
ipinamigay sa mga kababayan at kakilala ang
mga sipi nito.

Isinalin ang orihinal na nasusulat sa wikang


Kastila sa mga
pangunahing wika ng daigdig tulad ng :
Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Nippongo, Malayo, at marami pang iba.
Ang paksang-diwa ay ang binibigyang diin ng tula, na siyang pinag-uusapan at paksang nangingibabaw
sa tula. Sa tulang ito ay ang kamatayan at kahalagahan ng buhay ang namayani.
Sa gitna ng pagdaramdam dahil sa nalalapit napagpanaw
pag-aalala sa mga mahal sa buhay na mawawala ay sumisimbolo sa damdaming pag-aalala o pagsariwa
sa mga nangyari sa nakalipas na nagdaan sa buhay.
Ang buhay ng tao ang sentro ng akda.
Ang buhay ay hindi lamang nalalarawan sa kung ano ang narating o sino ang nakasalamuha.
Sa gitna ng paghihintay ng sandali sa pagkalagot ng hininga ay nagbalik ang alaala mula sa pagkabigo at
pagkamit ng tagumpay at nakapagbigay ito ng inspirasyon sa nakararami
Mensahe
Ang taong makadiyos ay nagmamahal sa kaniyang kapwa, siya ay magiging makatao at ito ang
magtutulak sa kaniya upang mahalin niya ang kaniyang bayan.
Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, inihahalintulad ang buhay sa
paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao na siyang dahilan
upang maliliman at magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa kaniya. Ngunit sa proseso
ng buhay ang pagkawala at pagkamatay ng minamahal ay bahagi ng ating buhay.
Sa ganitong uri ng sitwasyon ay maihahalintulad natin ito sa panibagong punla na kapag nilagyan ng
pataba at diniligan unti-unting magkakaroon ng panibagong buhay at sigla ang mga taong nilisan ng
minamahal.

You might also like