You are on page 1of 7

Julio Ramillo A.

Mercurio (11695676) PHL617P (Filipino Philosophy)


Rev. Fr. Maxell C. Aranilla, Ph.D.

PAMIMILOSOPIYANG PILIPINO UKOL SA PULITIKA AT BATAS:


ISANG PAGSIPAT
(Filipino Political and Legal Philosophy: An Analysis)

Bago natin simulan ang pagsipat sa Pamimilosopiyang Pilipino ukol sa pulitika at batas, dapat
munang maging malinaw sa atin ang kahulugan ng salitang pulitika. Ang ating pagkaunawa
dito ang siyang magiging batayan ng ating diskusyon at paglalagom mamaya.

Ang salitang pulitika ay halaw sa salitang Griyego na politika () na ang kahulugan ay


sistema ng pagdedesisyon na kung saan ang desisyon na nabanggit ay ipinatutupad sa bawat
bahagi (o miyembro) ng lipunan. Umiiral ang pulitika sa ibat-ibang tagpo: negosasyon,
paggawa ng batas, pagsasaad ng kapangyarihan (exert of authority), pakikidigma, atbp.

1. Ano at Sino ba ang Pilipino?: Isang Isyu ng Pagkakakilanlan

Kung ating papansinin, ang pagiging Pilipino, sa isang malawak na pang-unawa, ay tumutukoy
sa pagiging bahagi ng isang bansa Pilipinas! Ngunit ayon sa 1987 Constitution of the Philippines,
ang Pilipino ay:
Those who are citizens of the Philippines at the time of the adoption of this Constitution;
Those whose fathers or mothers are citizens of the Philippines;
Those born before January 17, 1973, of Filipino mothers, who elect Philippine citizenship
upon reaching the age of majority; and
Those who are naturalized in accordance with law.

Ano ang problemang maaring lumutang mula dito?

Bago dumating ang mga mananakop na Kastila, wala pa sa ulirat ng mga sinaunang lipi ang
pagiging bahagi ng isang bansa o Republika. Ni hindi pa rin umiiral noon sa kakintalan
(consciousness) ng mga Pilipino ang damdamin at pagganap sa isang Pilipinong paraan, at sa
mas malawak na kahulugan, bilang sagisag ng kasaysayan at mithiin ng nagkakaisang
mamamayan.

Sa isang komento ni Vitaliano Gorospe, sa kanyang aklat na Filipino Values Revisited,


mahirap magkaroon ng tunay o puristang national Identity, sapagkat sa simulat-simula pa
man, ang mga Pilipino ay household-oriented na may kanya-kanyang kultura, sistema ng
palakad, wika, atbp. Ito ay sa kadahilanang tayo, ayon kay Gorospe, ay isang archipelagaic
nation o bansang pinag-isa ng magkakahiwalay ng mga pulo.

Ano ang maaring pang-akademikong solusyon dito?

Ang tangi kong naiisip ay: upang tingnan ang orihinal at purong Pilipino ay isang maling
palagay dahil ang Pilipino ay ang bunga ng iba't-ibang historico-cultural mixture and
development. Kailangan nating tingnan ang ating pagka-Pilipino mula sa isang pluralistic,
ngunit welcoming na pagtingin.
2. Sitwasyong Pulitikal ng mga Pilipino
A. Bago ang Pananakop (Pre-Conquest)

1. Walang sentralisadong pangangasiwa (centralized administration) sa bansa bago ang


pananakop, sapagkat ang kapuluan ay binubuo ng mga kaharian (banwa o baranggay).

Kung kaya nga, ang sambahayan (household) ay higit na binibigyang pansin kaysa indibidwal.
Gayundin naman, ang paghihiganti (revenge) ay isang tungkulin para sa bawat miyembro ng
sambahayan (lex talionis).

2. Ang mga baranggay ay umiiral sa diwa ng bayanihan. At dahil nga maliliit ito, wala itong
makinarya gawa ng hukbo (army), pulisya (police), hudikatura (judiciary), atbp.

Dalawang gampanin ng baranggay bilang isang samahang pulitikal (political organization):


Pagpapanatili ng pag-iral ng komunidad sa pamamagitan ng paglaban sa mga
kaaway.
Pagpapanatili ng kaayusan (peace and order) sa nasasakupan nito sa
pamamagitan ng pagpapahatol sa isang tagapamagitan (mediation).

3. Pagdating sa kontrata, hindi pa ganoon kalinang (developed) ang bansa bago ang
pananakop, marahil ay dahil sa kasaganaan (abundant resources) ng mapagkukunang
yaman.
Ang mga lupa ay hindi ipinagbibili, bagkus ay ipinamamana.
Sa paglago ng ekonomiya ng sinaunang panahon dahil sa pangangalakal, unti-
unting sumibol ang pangangailangan para sa kontrata, pangungutang, pamamaraan
ng pagtimbang, atbp.
Sa katunayan, ang pangungutang na may mataas na interes ay matagal
nang umiiral sa kapuluan noon pa man.

4. Pagdating naman sa mga krimen at kaparusahan dito, kinikilala ng sinaunang Pilipinas ang
kaibhan ng krimen na nakasisira ng lipunan (gaya ng pagpatay) at mga krimeng pansarili
(gaya ng pakikiapid).
a. The principal prohibitions were concerned with values of personal security and
property.
b. The laws made wide distinctions on the imposition of penalty because of the
hierarchic nature of society.
c. Sanctions were primarily in the form of monetary fine. (But if murder =
vengeance).
d. The holistic view of society did not give any distinction between church and state.
Hence, there were no clerical privileges, neither clerical class.

5. Ang sistema ng paglilitis (judicial system) ay unti-unting nabuo.

Noon, ang datu bilang puno, ang siyang nagsisilbing tagapamagitan sa mga nag-aalitan.
Kasama ng datu, ang kanyang consejo na binubuo ng mga kalalakihang kilalang tapat at
makatarungan sa lipunan (baranggay), ay namamagitan din sa mga usapin.
Kapag ang isang tagapamagitan ay nakapagpapanalo ng kaso, siya ay may
kabahagi sa kabayaran (monetary fine) na ipapataw sa nagkasala.
Kapag naging matagumpay ang isang pamamanhikan, ang tagapamagitan ay
makakatanggap ng isang punyal o lanseta.

LAGOM-PAGSUSURI
Ang kapuluan, bago ang pananakop, ay mayroong panlahatang pagtingin ng
katotohanan (holistic view of reality).
Kaalinsabay nito, may pagtatangi sila sa sambahayan, higit sa indibidwal. Ito ay higit na
mapatutunayan sa kanilang batas ukol sa pag-aari.
Ang lipunan sa kapuluan bago ang pananakop ay hierarchic.
Sa pagsibol ng kamalayan ukol sa pamamagitan (mediation), ito ay nagpapatunay
lamang na mas binibigyang pabor ang mga sinaunang Pilipino ang mediation kesa
madugong pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan.

B. Mula sa Bundok Patungong Kabayanan (Lowland Filipinos)

Ang mga sinaunang Pilipino ay namuhay ng kaulad ng mga katutubo sa kabundukan. Ngunit,
nagkaroon ng pagbabago noong panahon ng mga Kastila sapagkat mula sa pagiging food-
gatherers, ninais ng mga Kastilang prayle na tumira sila sa mga reducciones. At dahil sa
karanasan ng mga prayle sa Latin America, inengganyo nila ang maraming Pilipino na
mamuhay sa mga poblaciones, barrio at sitio. Kasama ng bagong istrukturang ito ang
pamamahalang Kastila at iba pang institusyong Kanluranin tulad ng batas, paaralan, atbp.

Sa pagdating ng mga Amerikano, pinagtibay nila ang mga sinimulan ng mga Kastila. At ang
mga ito ay nanatili magpa-hanggang ngayon. Sa paglago ng mga Pilipino mula kabundukan
patungong kabayanan, tatlong (3) tema ang namukod tangi: (a) ang batas bilang malawak at
buo (law as broad or holistic), (b) ang batas bilang pansarili (law as personal), at mga lunas
(remedies).

B.1 Ang batas bilang malawak at buo

Ayon kay Silliman (1982), ang mga Cebuano ay may natatanging pagtingin sa batas. Ito ay may
tatlong bahagdan (levels):1
balaud sa Ginoo (law of God)
balaud sa yuta (existing civil laws)
pamatasan (customary law)

Pagdating sa balaud sa Ginoo, ang mga paglabag ay sinisipat din bilang pagkakamali at
kasalanan (sala). Ngunit dapat maunawaan ang ang sala ay nauunawaan din bilang
pagkukulang o hindi sinasadyang pagkakamali.

Sa ganitong pag-iisip din naman, kung halimbawang kulang ang parusang ipinataw ng balaud
sa yuta, naandoon pa rin ang pag-asa na sila ay ipaghihiganti ng Ginoo (banal na ganti [divine
retibution]) sa pamamagitan ng gaba (negative karma).
Ganoon din naman, ang kakulangan ng hustisyang sibil ang siyang nagbubunsod para sa mga
biktima o dehado sa hingi ang tulong ng kulam (barang).

1 Ang kanyang obserbasyon ay maarin ding i-apply sa maari ring i-apply sa ibang taga-kabayanan sapagkat halos
magkasingtulad sila ng kultura at pag-uugali. Ito ang naging obserbasyon ni Kit Matchado.
Dahil ang kalikasan ng mga kaso na dinudulog sa isang mambabarang ay may kahalintulad sa
mga inihahain sa hukuman, itinutuing ng mambabarang ang kanyang sarili bilang isang supra-
legal na instrumento para makamit ang katarungan.

B.2 Ang batas bilang pansarili

Itinuturing ng mga Cebuano ang karamihan ng mga krimen bilang personal kesa pampubliko.
Ang mga katulad nito ay mga krimen laban sa dangal at reputasyon, gayundin ang pagpatay at
pakikipag-away. Dahil hierarchic ang natura ng lipunan sa Pilipinas, itinuturing ng mga
Cebuano na may double standard sa pagpapatupad ng batas may batas para sa mayaman,
at may bukod na batas para sa mga mahihirap.

At dahil hindi perpekto ang batas, hindi maiiwasan na nag mga mahihirap ay humingi ng
katarungan mula sa mga mambabarang.

B.3 Mga Lunas

Kapag nasasangkot sa isang hindi pagkakaunawaan o pagkakamabutihan, ang nais ng mga


Cebuano gayundin siguro ng halos lahat ng Pilipino ay ang muling pagbabalik sa orihinal na
estado bago pa man nagawa ang pagkakamali (Cebuano: uli). Bahagi ng paniniwalang ito ay
ang pagsipat-moral (moral tenet) na walang sinuman ang dapat mapag-iwanan (be put at a
loss) dahil sa pag-uugali o gawa ng iba. Mauunawaan natin itong higit gamit ang mga salitang
mahay (Tagalog: panghihinayang) at ulaw (Tagalog: hiya).

Narito ang isang halimbawa:

Pinag-aral ni Ginoong A ang isang ulila (B). Makatapos ang mahabang panahon, naging
matagumpay sa buhay si B, habang nagkaroon naman ng problema sa pananalapi si Ginoong
A. Kaya lang, nakalimutan na ni B si Ginoong A.

Kung kaya nga, inilahad ni Ginoong A ang kanyang mahay (panghihinayang) kay Binibining C
na matalik na kaibigan ni B, dahil para sa kanya, napakawalang utang na loob ni B.

Nilapitan naman ni Binibining C si B at sinabihan siya na suklian ang kabutihang loob ni


Ginoong A, sa pamamagitan ng pagtulong dito lalo na sa ganitong sitwasyon.

Mahay is a negative sanction. It is between ulaw (shame, hiya) and gaba (divine retribution).
Mahay occurs only with acquaintances; it does not occur with strangers. Iniiwasan ng mga tao
na maging tuon (object) ng pagmahay dahil walang tao na gustong maging unpopular,
censured, o ostracized. Gumagawa ng paraan ang mga Pilipino na ayusin ang gusot sa
isang diplomatiko at hindi tahasang (indirect) pamamaraan.

Bakit mayroong mas pagsalig sa isang mapayapang pakikipag-ayos ang mga Pilipino
higit sa madugong tunggalian?

Kaugnay ng ideya ng mahay, maraming Pilipino ang higit na nagnanais na ayusin ang
anumang gusot sa isang mapayapang paraan. At ito ay pangitang-pangita sa pagdulog sa
isang tagapamagitan (mediator). Ito ay dahil sa ating pagkakaroon ng pagpapahalagang
personalistik (personalistic values). Bukod pa dito, (1) mas nakakatipid ito ng pera at oras,
at (2) nagbubukas ito ng tulay para magkaayos.
Ang husay ay isang salitang Bisaya na may kahulugang pamamagitan (mediation). Ang
paggamit ng husay ay nangangahulugang pagpapanatili ng kaayusan (preservation of
harmony). Ang puno at ugat ng pamamagitan ay mabuting ugnayan (mutual
understanding). At dahil nga double standard ang justice system sa ating bansa, ang
pamamagitan ay isang pamamaraan upang maibsan ang damdaming diskriminatori ng
mga mahihirap.

3. Pamahalaan o Pamathalaan: Ang Relasyon at Tunggalian ng Simbahan at Estado

Sa maraming pagkakataon, ang mga opisyal ng Pamahalaan at Simbahan ay nagkakaroon ng


hindi pagkakaintindihan.Kahit pa sinasabi na public service is public trust, ninanais ng
maraming opisyal (at kawani) ng pamahalaan na maging panginoon sa kanilang nasasakupan o
pinaglilingkuran. Gayundin naman, palaging panawagan ng Estado na ang Simbahan ay hindi
dapat makibahagi sa usaping pulitikal.

Kung kaya ang tanong natin sa kabanatang ito ay: Dapat bang maging tahasan at lampas
(completely) na malaya (independent) ang Estado sa Simbahan? Dapat bang ang usaping
panrelihiyon (o pananampalataya) ay labas sa usaping pulitika (political agenda)? Ano dapat
ang relasyong umiiral sa gitna ng Simbahan at Estado? Adversarial? Inter-dependence? O
Cooperation?

Maari nating masagot ang mga tanong na ito kung titingnan natin ang ibat-ibang modelo ng
relasyong Simbahan-Estado.

A. Sacred Theonomy

Ang isang mabuting halimbawa nito ay theocracy, na kung saan ang Papa (o kahit sinong lider
panrelihiyon) ay namumuno higit sa isang emperador (o kahit sinong lider panlipunan). Ang
modelong ito ay umuugat sa pilosopiya ni Platon na kung saan ang diwa o kaluluwa ay higit na
mas matimbang (far superior) sa katawan (na siya namang kulungan nito). Ang ilan sa mga
pilosopong pagkatapos ni Platon ay mag nagbigay pahalaga sa pagkapangunahin (primacy) ng
banal sa pusong.

B. Profane Autonomy

Mayroong dalwang (2) baryasyon ang modelong ito: Ang unang baryasyon ay kung saan ang
pusong ang syang may pagkapangunahin sa banal ang pusong ang siyang nagko-kontrol sa
banal. Ang halimbawa nito an gang Komunistang Russia noon, na kung saan pinawalang bisa
ng pamahalaan ang kasal-simbahan, at pinagtibay ang kasal-huwes at pinagmukha itong kasal-
simbahan.

Ang ikalawang baryasyon naman nito ay kung saan ang banal at ang pusong ay magkasandig.
Ang halimbawa nito ay ang Amerika. Ang mga Founding Fathers ay kilalang may malalim na
pagtatangi sa pananampalataya, ngunit hindi sila nagbigay ng pagtatangi sa kahit ano mang
relihiyon noong binabalangkas nila ang American Constitution.

Ang bunga ng modelong ito ay ang pagbibigay ng malinaw na distansya sa gitna ng Estado at
ng Simbahan. Ayon nga sa isang banyagang kasabihan: good fences make good neighbors.

C. Theandric Ontonomy

Sa modelong ito, bagamat may malinaw na distansya sa gitna ng Estado at Simbahan,


mayroon pa rin silang point of contact. Para sa modelong ito, ang pusong at ang banal ay
nagsasalimbayan (interwoven).

Maging ang mga Katipunero ay ganito ang mentalidad: walang paghihiwalay ng Estado at
Simbahan. Ang isyu ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado ang pinaka-kontrobersyal na isyu
noong binabalangkas ang Malolos Constitution. Sinipat nila ang isyu sa konteksto ng uri ng
Kristiyanismo na pinaiiral ng mapang-aliping Kastila at sangka-praylehan. Matapos ang
mahabnag diskusyon, nanalo ang separation of Church and State ng isang punto.

PAMAHALAAN O PAMATHALAAN?

Dahil nga hindi maiisantabi ang ideya ng relihiyon sa psyche (kaisipan) ng mga Pilipino,
naghabi ng salita si Marius Diaz sa katotohanan nito ukol sa reyalidad nito sa gobyerno:
pamathalaan. Ito ay bunga ng pinagsanib na salitang pamahalaan at Bathala. Ang ibig
sabihin ng pamathalaan ay ito: ang relihiyon, na inuunawa bilang God-consciousness
(pagiging malay sa konsepto ng Diyos) ay hindi maiaalis sa konsepto ng pamumuno. Sa
medaling sabi: kasama sa pamamahala si Bathala!

Tingnan ang talahanayan upang makita ang pagkakaiba ng pamahalaan at pamathalaan sa


ibat-ibang sangay-pamamahala.

GOVERNMENT PAMATHALAAN
Rests on public administration: to Concerned with the individuals personal
address the concerns of the State and development and discipline. It is essentially
the citizenry non-governmental. Program of action is
STRUCTURE creative consolidation.
Normal program of action revolves
around proprietary subdivisions. Beneficiaries are those who have
Beneficiaries are traditional politicians. internalized the discipline of kapang-arian.
POLITICAL Political agenda is honed in the Political agenda rests on self-discipline
AGENDA consciousness of power. (sariling pamamathala). It is conscious in
the sharing of creativity in the process of co-
creation.
Aligns all its property investments
Strives towards the wholeness, unity,
toward commercial profits and monetary
solidarity, culminating in existential Bathala-
gain.
hood
Creative sharing is expressed in
constructive conservation and sustenance.
Gravitates towards domination, invasion
and suppression.
Recognizes personal esteem, respect and
love.
POWER BIAS Price manipulation of market forces.

Motive force is reason, integrity, indigeneity,


Fueled by palakasan (patronage) as
and nationalism as internalized by supreme
dispensed by political stake.
unity.

Contemplatively content with the laws of


LAW Law of Might is right.
nature
Preferred activities are science and
PREFERRED Agenda slides towards repressive research to be able to apply the laws of
ACTIVITIES militarization and industry of arms nature to the task of co-creation with
Bathala.

IV. Paglalagom

1. Ang mga batas ukol sa kaugalian (custom law) ay sinusuri ayon sa pangangailangan ng
lipunan. Ito ay dapat umaagapay sa pag-unlad ng lipunan at ng kultura nito.

2. Ninanais ng mga batas ukol sa kaugalian na mapayapang ayusin ang mga hindi
pagkakaunaawaan upang hindi na ito humantong sa isang madugong tunggalian (o
paglilitis). Sapagkat kung minsan, imbis na maayos ay lalong nagkakagulo pa.

3. Ang Pilipinas bago ang pananakop ay mayroong malawak na pagtingin sa katotohanan


(reality). Hindi ito tumitingin sa duwalismo ng banal at pusong.

Kaugnay din nito, mas binibigyang halaga (o higit na pagsandig) ang sambahayan
(household) higit sa indibidwal. Ito ay kaiba sa pilosophiyang Kanluranin.

4. Ang pagkapangunahin (primacy) ng sambahayan sa indibidwal ay nakikita sa ibat-ibang


kahihinatnang legal (legal consequences) tulad ng mga usapin sa mana at ari-arian.

Sa usapin naman kung anong modelo ng pamahalaan ang karapat-dapat umiral sa


Pilipinas, ating iminumungkahi na ito ay maging theandric. Sapagkat, kahit yaman na ang
Bansa at Estado ay magkabukod at may sadyang gampanin sa lipunan, higit na kapaki-
pakinabang at mabunga ang aktibong pakikipagtulungan o damayan ng Bansa at Estado.

Tala-Sanggunian:

Gorospe, V. (1988). Filipino Values Revisited. Manila: National Bookstore, Inc.


Mercado, L. (2006). Political and Legal Philosophies. Manila: Logos Publications, Inc.
Silliman, K. (1983). The Cebuano Filipinos Concept of Justice found in Solidarity 3.

Mga sipi sa Administrative Law ni J. Mercurio

You might also like