You are on page 1of 10

Banghay Aralin ng Aralin Panlipunan

St. Michael College of Caraga


Nasipit, Agusan del Norte

I. LAYUNIN

Natutukoy ang pagbabago sa kaalaman ng tao sa panahon ng


Rebulosyong Siyentipiko at Enlightenment.
Naipahahayag ang epekto ng pagbabago sa larangan ng agham,
pamahalaan, at kultura sa mga panahong ito.
Napahahalagahan ang mga dakilang ambag ng mga siyentista,
pilosopo, at mga naliwanagan na nagpabuti sa buhay ng mga tao
hanggang sa kasalukuyan.

II. NILALAMAN

A. PAKSA: Panahon ng Transportasyon.


B. KONSEPTO: Rebolusyong Siyentipiko at ang Enlightenment.
C. BANGKAS NG ARALIN
1. Rebolusyong Siyentipko
2. Ang Enlghtenment
3. Paglaganap ng kaisipang Enlightenment
D. BABASAHIN: Kasaysayan ng Daigdig (Vibal - Kto12)
P.266-277
E. KAGAMITAN: Modyul sa Panahon ng Transpormasyon
LCD Project, Laptop, Manila Papers, Pentel Pens

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAING
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala sa mga lumiban
4. Pagsasayos ng silid
B. PAGLINANG NG GAWAIN
PAGGANYAK
Laro: Scrambled Words ng REBOLUSYON, SIYENTIPIKO,
ENLIGHTENMENT.
Pagpapakita ng Larawan. (Ipakita sa klase ang larawan ni Galileo
Galilei at ang Inquistion sa pamamagitan ng Power Point)
Gawain 1: -Paghihiwalayin ang klase sa dalawa (2) pangkat.
-Pumili ng isang representante bawat pangkat ipakita sa
klase kung ano ang kanilang mga nabuong opinyon.
Pangkat 1 Galileo Galilei
Ipaglaban mob a ang iyong mga paniniwala?
Pangkat 2 Inquisition (Hukom)
Ano ang iyong magiging pasiya hinggil sa kaso?

C. TALAKAYIN:
Gamit ang Power Point, tatalakayin ng guro kung ano ang
kabuohan ng Rebolusyong Siyentipiko at ang Enlightenment
Ano ang Rebolusyong Siyentipiko?
Ano ang Enlightenment
Sino-sino ang mga taong naka-imbento ng mga
theorya
at bagay na ginamamit natin sa kasalukuyan?
Gawain 2: 1.)Pagpapangkatin ang klase sa lima(5) grupo. (Base
sa Daily
Sweepers)
2.)Bawat pangkat ay may isa(1) Manila paper. Isulat
dito ang mga
theorya, kontribusyon, at ipaliwanag ang mga
nakaayon sa bawat
pangkat.
Pangkat 1 (Monday)
Ang Teoryang Heliocentric ni Copernicus
Si Kepler at ang Paggalaw ng mga Planeta
Pangkat 2 (Tuesday)
Si Newton at ang Gravity
Ang Scientific Method
Rebolusyon sa Daigdig ng Agham
Pangkat 3 (Wednesday)
Ang Enlightenment
Enlightenment at Pamahalaan
Pangkat 4 (Thursday)
Enlightenment at Kababaihan
Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment
Pangat 5 (Friday)
Enlightenment at Sining
3.)I-ulat ang nabuong Gawain

Pagbibigay ng marka sa pangkatang gawain kay Rubric.


PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHAN PUNTOS
Presentasyon 20
Impormasyon 20
Estratihiya 10
KABUOAN 50
D. PANGWAKASAN NA GAWAIN
1. PAGPAPAHALAGA: (Gawin ito sa pamamagitan ng Reflection
Paper.)
Paano binago ng Rebolusyong Siyentipiko at
Enlightenment ang lipunang Europeo.
S: Noong Panahong ng Rebolusyong Siyentipiko at
Enlightenment, binago at iniwasto ng mga
siyentista ang mga maling kosepto tungkol sa
daigdig. Samantala, ang mga kaisipang
Enligtenment ang humamon sa sistema ng
pamahala noong panahong iyon.
2. PAGLALAHAT
Bakit narapat na bigyan ng pagkilala ang mga
taong nagsulong ng kanilang mga Ideya sa
Panahon ng Enlightment?
3. PAGLALAPAT
Anong mga katangian ang taglay mga mga taong
nagbigay ng mga bagong ideya sa panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment? (Gamit
ang Powerpoint at Video Presentation.)

Nicolaus Copernicus isang astronomer na mula sa Poland na


nakilala sa kanyang heliocentric view sa kalawakan. Ayon sa kanya,
hindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig
ay umiikot sa paligid nito

Galileo Galilei, nakaimbento ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-


aaral ng kalawakan.

Galileo Galilei nakaimbento ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-


aaral ng kalawakan

Tycho Brahe isang Danish na siyentesta, pinatunayan niyang ang


kometa ay ay hindi lamang penomenong atmosperiko, bagkus, ang
kometa ay representasyon ay ng pagbabago sa kalawakan

Johannes Kepler isang German na naglathala ng akda ni Brahe,


natuklasan niyang ang paggalaw isang planeta sa orbit ay bumibilis
habang lumalapit ito sa araw

Isaac Newton isang English Mathematician, natuklasan niya ang law


of gravity bilang paliwanag sa paggalaw ng planeta

Rene Descartes isang pilosopo at mathematician na French.


Ipinaliwanag niya ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang
pamamaraang matematikal. Tanyag sa kanyang linyang, Cogito, ergo
sum (I think, therefore I am.). Naniniwala siya na ang katuwiran ang
susi sa pagkakamit ng kaalaman.

o ang panahon kung saan ginamit ang katuwiran at siyentipikong


pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay.
o tinawag din itong Age of Reason dahil sa paniniwalang sa
paggamit ng pangangatuwiran matutugunan ang mga suliranin
sa lipunan at bubuti ang pamumuhay ng tao.

Sa Panahon ng Enlightenment, nagtangka ang mga philosophe na


maipaliwanag nag kalikasan nito. Mula rito, hangad nilang makabuo
ng mga ideyal na pamamaraan sa pamumuno, edukasyon,
demokrasya, at iba pang suliraning panlipunan.

Thomas Hobbes sinabi niyang ang tao ay likas na makasarili kung


kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao.

Jean Jacques Rosseau at John Locke kapwa naniniwala na ang


pamahalaan ay naitatag mula sa pahintulot ng mga mamamayan.

Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment

Malaki ang papel ng kababaihan sa Panahon ng Enlightenment.

Salon ay tagpuan ng mga manunulat, pilosopo, at mga alagad ng


sining upang magsagawa ng mga talakayang intelektuwal o
magpamalas ng galing sa sining

Mary Wollstonecraft ang tumalakay sa karapatan ng kababaihan


sa kanyang A Vindication of the Rights of Women (1792). Sa akdang
ito, sinabi niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang
bumoto at magkaroon ng posisyon sa pamahalaan.

Makikita ang pamana ng Enlightenment sa sining, sa katauhan


halimbawa ng mga kompositor ng Panahong Klasikal tulad nina
Beethoven, Mozart, at Haydn.

Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay


makikita sa pagpapalagay ng tao ng kanyang kapalaran sa kanyang
mga kamay sa pamamagitan ng paggamit ng katuwiran.

IV. PAGTATAYA

I. Ipaliwanag sa iyong sariling salita ang mga sumusunod.

Isulat sa isang pirasong papel ang iyong mga sagot.

1. REBULOSYONG SIYENTIPIKO (5PTS)

2. ENLIGHTENMENT (5PTS)

3. SALON (5PTS)

II. 1. Ano ang pagkakaiba sa paniniwala nina Hobbes, Locke,


Voltaire at Montesquieu ukol sa Konsepto ng Pamahalaan?
(10PTS)
2. Ano ang naitulong nina Descartes at Bacon sa Rebulosyong
Siyentipiko? (5PTS)

V. TAKDANG ARALIN

1. Ano ang American Revolution?

2. Ano ang French Revolution?

3. Paano ito nag-ugat sa mga kaispang Enlightenment?

Inihanda ni:

RAY MANUEL R. VILLAMOR

CTE - UNIT EARNER

SECTION 1
Banghay Aralin ng Aralin Panlipunan
St. Michael College of Caraga
Nasipit, Agusan del Norte

I. LAYUNIN

Matalakay ang rebolusyong pangkaisipan at panlipunan sa Europa at


Amerika.
Maipaghambing and dahilan at epektong naidulot sa pulitika at lipunan
ng Rebolusyon sa Amerika at Pransiya.
Makilala ang mga naging pangunahing tagapagtaguyod ng
pagbabagong pampulitika at panlipunan sa Amerika at Pransiya.
Maiugnay ang mga pagpapahalagang itinuro ng Rebolusyong
pangkaisipan sa pagpapatalsik sa lumang rehimen sa Amerika at
Pransya.
Masuri ang naging epekto ng Rebolusyon sa Amerika at Pransiya sa
pagtataguyod ng liberalism at nasyonalismo ng mga nasyon-estado sa
mundo.
II. NILALAMAN
A. PAKSA: Panahon ng Transportasyon.
B. KONSEPTO: Rebulosyong Pampulitiko at Panlipunan.
C. BANGKAS NG ARALIN
1. American Revolution
2. French Revolution

3. Paano ito nag-ugat sa mga kaispang Enlightenment?

F. BABASAHIN: Kasaysayan ng Daigdig (Vibal - Kto12)


P.283-293
G. KAGAMITAN: Modyul sa Panahon ng Transpormasyon, LCD Project\
Pisara at yeso
Kards na naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa
paksa
Kagamitang biswal
Mga larawan may relasyon sa paksa
Mapa ng Buong mundo
Dahilan ng pag-gamit nito ay: Upang maunawaan ng
lubusan ang mga paksa at mga aralin na tatalakayin at
upang mas maunawaan ng husto ang bawat pangyayari.
H. PAGHAHANDA:
Paghahandang Mag-aaral
Ang mga mag-aaral ay magdadala mapa ng daigdig upang maipakita
ang lawak ng nasakop ng mga bansang Amerika at Pransya.
Marapat lamang na magkaroon ng maagang pag-alam ang mga mag-
aaral sa paksa upang magkaroon sila ng ibat ibang ideya na
mailalahad sa klase.
Paghahandang ng Guro
Masidhing pag-aaral ng paksang ilalahad sa pagtuturo
Pagsasanay sa paglalahad ng tamang istorya at pangyayari sa klase
Paggawa ng mga malikhaing kagamitang biswal upang makuha ang
interes ng mga mag-aaral.

III. PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAING
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala sa mga lumiban
4. Pagsasayos ng silid
Gawaing Mag-aaral
Sa bawat aralin, may mga pares ng mag-aaral ang bibigyan ng kard.
Ang mga kard na ito ay naglalaman ng mga teksto patungkol sa
paksa. Ilan sa mga kard na ito ay naglalaman ng tamang
impormasyon at mayroon din namang mali.
Ang bawat pares ay bibigyan ng pagkakataon upang magtulungan at
makapag-isip kung ang mga teksto sa kard ay tama o mali (sa
pamamagitan ng mga indibidwal na maaaring tutulong o manggugulo
lamang sa kanilang isipan). Marapat lamang na pag-isipan nila ang
kanilang mga kasagutan upang hindi sila maparusahan.
Sa bawat kasagutan, maaari nilang ilahad ang kanilang dahilan kung
bakit tama, o bakit mali ang isinagot nila.
Kung nakakuha sila ng tamang sagot magkakaroon sila premyo. Kung
mali naman kanilang naibigay na kasagutan ay bubunot sila sa isang
lalagyan ng nauukol na parusa na kanilang isasagawa.
Gawaing Guro
Paglalahad ng maiksing introdaksyon patungkol sa tatalakaying paksa,
upang mabigyan ng ideya ang bawat mag-aaral na maari nilang
magamit para sa kanilang gagawing aktibidad.
Pagpapasagawa ng aktibidad. Pagbunot ng mga representante at
pagpapares-pares ng mga ito.
Pagbibigay ng direksyon sa mga mag-aaral patungko sa kung anu-ano
ba ang dapat nilang gawin sa naturang aktibidad.
Paggabay sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
impormasyong makatulong sa kanilang pagdedesisyon kung ang
tekstong nilalaman ng kanilang kard ay tama o mali.
Pagsagot sa mga katanungan nga mga estudyante upang lubos nilang
maintindihan ang paksa
Pagtatanong patungkol sa paksa o aralin upan malaman kung
naintindihaan ba tlaga ng mga mag-aaral ang paksang itinuro, tulad ng
mga sumusunod:
o Sa iyong palagay ano ang direktong naging epekto ng digmaan
para sa kalayaan ng Amerika sa mga nasyong naghahangad ng
paglaya sa kanilang mga mananakop ng panahong iyon?
o Sa iyong palagay mabisang paraan ba ng pagtatamo ng
kalayaan ang paggamit ng dahas at pakikipaglaban? Bakit?
o Paanong naging inspirasyon ng Rebolusyong 1896 na
pinangunahan ng Katipunan sa Pilipinas ang Rebolusyong
Pranses?
o Kung ikaw ay isang Pranses sa panahon ng Rebolusyon sa
Pransiya, ano ang posible mong gawin:
Sumapi sa hukbong magtatanggol sa bagong tatag na republika
Maging tagapagtanngol ng mga maharlika at nasa Simbahan
Magtago sa mga liblib na pook at huwag makialam sa mga nangyayari
sa kapaligiran

Mga Rebolusyong Pampolitika at Panlipunan


Ang Rebolusyong Amerikano

tumutukoy sa serye ng mga pangyayari, ideya,


at pagbabago na naging resulta ng pagdeklara sa kalayaan ng 13 kolonya sa North
America mula sa Imperyong British na humantong sa pagkabuo ng United States of
America noong 1776.

Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano


o Hindi makatarungang pagpataw ng buwis
o Kawalan ng kinatawan ng Amerika sa Great Britain
o Mga Patakarang Ipinatupad sa 13 kolonya
o Sugar Act ng 1764 ipinatupad bilang buwis sa pag-angkat ng asukal,
pinalakas nito ang kapangyarihan ng mga opisyal pandagat na British sa
paghihigpit sa ilegal na pag-angkat ng asukal
o Stamp Act ng 1765 sa batas na ito, ang lahat ng opisyal na dokumento,
titulo, kasulatan, pahayagan at iba pang dokumento ay sa espesyal na
naselyuhang papel lamang maaaring isulat o ilimbag, ang buwis para sa papel
na ito ay bayad na
o Townshend Act nagpatibay sa karapatang konstitusyonal ng Parlamento ng
mga batas para sa kolonya na may layuning itaas ang regular na buwis sa
kolonya upang suportahan ang mga gobernador na kolonyal, huwes, at iba
pang opisyal na magtatanggol sa kolonya
Boston Tea Party
Isang paglalarawan ng makasaysayang Boston Tea Party noong 1773.

isang pagtitipon bilang protesta kung saan sinalakay at inakyat ng mga taga-
Boston ang dumaong na barkong British lulan ang tsaa sa 13 kolonya sa
pangunguna ni Samuel Adams, itinapon sa daungan ng Boston ang 342 kahon ng
tsaa na ikinagalit ng pamahalaan ng Great Britain, ito raw ay isang aksiyong
kriminal dahil paninira ito ng pag-aari ng mga mangangalakal na British.
Kakompetensiya ng tsaa ng British ang tsaa ng Amerika.

Intolerable Acts ng 1774 isang batas na nagsara sa daungan ng Boston hanggang


hindi binabayaran ang itinapong tsaa. Ito ay ipinasa bilang ganti at parusa ng
Parlamento ng Great Britain sa Boston, Massachusetts.

Deklarasyon ng Kalayaan

Ipinahayag noong Hulyo 4, 1776 ang Declaration of Independence sa


Continental Congress na binubuo ng mga kinatwan ng 13 kolonya. Ang deklarasyon
na ito ay resulta ng mga pangyayari na nauwi sa digmaan.

Thomas Jefferson ang pangunahing may-akda ng deklarasyon

Ang lahat ng tao ay biniyayaan ng Diyos ng mga karapatang hindi maipagkakait;


na ang lehitimasyon ng pamahalaan ay galing sa pag-sang-ayon ng mamamayan;
na ang mga mamamayan ay may karapatang patalsikin ang mga pinuno ng
pamahalaan kung kinakailangan.

George Washington ang pinakaunang Pangulo ng Estado ng Amerika

No taxation without representation ipinahayag ni Rev. Jonathan Mayhew,


tinuutkoy nito ang representasyon ng 13 kolonya sa Parlamento.

Ang Labintatlong (13) Kolonya


1. Massachusetts
2. New Hampshire
3. Rhode Island
4. Connecticut
5. New York
6. New Jersey
7. Pennsylvania
8. Delaware The First State
9. Maryland
10. Virginia
11. North Carolina
12. South Carolina
13. Georgia
o Ang Rebolusyong Amerikano ay itinuturing na isang praktikal na
aplikasyon ng mga ideya ng Enlightenment. ito nag naghudyat sa pagwawakas
ng pagkakailalim ng North America sa kapangyarihan ng hari ng Great Britain.
Nagbigay-daan din ito sa pag-usbong ng demokrasya

You might also like