You are on page 1of 6

Basahin ang kwento.

Sagutin ang mga tanong tungkol dito para sa bilang


1-5

May isang natatanging pagdiriwang ng kapistahan sa lungsod ng Nasipit,ito


ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang
nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya kapag mayroon siyang puuntahan.

May komite na namamahala sa mga gawain at pagtatanghal. Ang chaiman ng


komite ay tinatawag na hermano at hermana mayor. Ang komite ang pumipili ng
mga dalaga at binata na gaganap sa Sunduan.Magagandang dalaga at makikisig na
binata na may kasiya-siyang ugali ang pinipili nila. Kaya isang karangalan para sa
mga dalaga at binata ang mapabilang sa Sunduan.

Sa araw ng pista, sinusundo ng mga binata ang mga dalagang kasama ang
banda ng musiko. Naglalakad sila sa pangunahing lansangan ng lungsod. Makikisig
ang mga binata sa kasuotang barong at nagagandahan naman ang mga dalaga sa
kanilang baro at saya. Makukulay ang mga payong nila. Nagtatapos ang masayang
paglalakad sa bahay nga hermano mayoy, at isang masaganang salu-salo ang
naghihintay sa kanila roon.

1.Tuwing pista sa Nasipit ang Sunduan ay kanilang binubuhay. Ang ibig sabihin ng
binubuhay ay ______.

A.ginagawa B.ginugunita C.sinasamba D.ipinaghahanda

2.Ang kasalungat ng salitang kasiya-siyang ugali ay _______________.

A.di-kapani-paniwalang ugali B.di-kanais-nais na ugali C.kapita-pitagang ugali


D.kaaya-ayang ugali

3.Bakit nanaisin ng isang dalaga at binata na makasali sa Sunduan? A.Ito ay


isang karangalan

B.May ibibigay na malaking gantimpala C.Para makilala at maging sikat

D.Ito ay may masaganang salu-salo at musiko.

4.Paano pinipili ang kasali sa Sunduan? A.Batay sa laki ng ambag sa pista


B.Batay sa kagustuhan ng

Komite C.Ayon sa ugali at kagandahan D.Ayon sa kasuotan at


kakisigan

5.Ano ang pangunahing kaisipan ng talata? A.Pagdiriwang ng Pista


B.Paggunita sa Sunduan

C.Pagpili ng kasali sa Sunduan D.Pagsasalu-salo ng dalaga at binata

Sa bilang 6-13, basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong ukol dito.
Pabiling-biling si Jimmy sa higaan. Hindi siya makatulog. Nag-aalala siya sa
mahigpit na bilin ng amakaninang umaga. Jimmy nais kong magtapos ka, maging
mahusay na abogado tulad ko, sabi ng ama na si Atty. Duran. Tanging opo lang
ang naisagot ni Jimmy sa ama. Mama, ang gusto ko po ay maging isang
Computer Programmer at hindi ang kursong pinili ni Dad. Bakit di mo sinabi kay
Dad ang gusto mo? Kilala po ninyo si Dad, kung ano ang sabihin niya siyang
masusunod. Gusto mong kausapin ko siya? Huwag napo,ako na lamang.

Maliit pa si Jimmy ay hilig na niya ang computer . Sa kanilang paaralan,


malimit siyang nagtuturo sa mga kamag-aral na di pa marunong gumamit nito.
Madalas siyang sumali sa paligsahan ukol sa programa ng computer. Talagang
marunong siya at mapalad dahil lagi siyang panalo. Ipinangako niya sa sarili na
magtatapos siya ng Computer Programming. Buo na ang loob niya na kausapin ang
ama pagdating nito.

Dad, alam ko po kung gaano ninyo ako kamahal,at ayaw ko po kayong


bigyan ng ikasasama ng loob. Talaga pong iba ang hilig ko. Nakahanda po ako sa
parusang igagawad ninyo at patawad po.

Anak, ang mga magulang ay naghahangad lamang ng mabuti para sa mga


anak. Ngunit kung hindi mo ito gusto at makasisira lamang kung ipagpilitan ko,
sundin mo kung ano ang nais mo. Pagutihin mo at hangad ko ang iyong tagumpay.

Maraming salamat Dad. Magsisikap po ako sa aking pag-aaral at magiging


isang mahusay na Computer Programer balang araw!

6.Ano ang paksang diwang nakapaloob sa kuwento? A.Ang pagpapasya ni


Atty.Duran sa anak?

B.Ang matibay na ugnayan ng buong pamilya C.Ang malayang


komunikasyon ng mag-ama

D. Ang pagtatanggol ni Jimmy sa kanyang paninindigan

7.Dahil madalas manalo si Jimmy sa paligsahan ukol sa programa ng computer,


masasbi natin na si

Jimmy ay isang batang________? A.palalabas B.palakaibigan C. Matiyaga


at malaro

D.matalino at masuwerte

8.Batay sa talatang may salungnguhit , anong katangian ng ama ang mahihinuha?


A.Matalino

B.Maawain C.Maunawain D.Mapagbigay

9.Alin ang tamang pagkasunod-sunodng mga pangyayari ayon sa kuwento?


1.Pagbabalak ni Jimmy na kausapin ang ama 2.Pag-aalok ng tulong ni
Gng.Duran.

3.Pag-aalala ni Jimmy sa bilin ng ama 4.Madamdaming pag-


uusap ng mag-ama

5.Masusing paglalahad kung bakit nanindigan si Jimmy sa kursong pinili.

A.1-4-2-3-5 B.2-3-1-4-5 C.3-2-1-4-5 D.3-2-1-5-4

10.Anong kabutihan ang idinulot ng pakikipag-usap at paghingi ng tawad ni Jimmy


sa ama?

A.Higit na naunawaan ng ama ang anak B.Naging mapagkumbaba ang


ama

C.Nakaramdam ng pagmamalaki ang anak D.Tumibay ang pagsasamahan


ng mag-ama

11.Bakit hinikayat ni Gng. Duran ang anak na kausapin ang kanyang ama?

A.Para siya ay maging masaya sa piniling kurso

B.Upang siya ay higit na maunawaan ng kanyang ama

C.Upang siya ay maging matagumpay na programer

D.Para siya ay maging isang mahusay na abogado tulad ng kanyang ama

12.Ano ang maaaring mangyari kay Jimmy pagkatapos mapagbigyan ng kanyang


kahilingan?

A.Matupad ang kanyang pangarap na maging computer expert

B.Makatulong siya sa mga magulang sa pagpapatakbo ng negosyo

C.Magkaroon siya ng computer shop D.Makapag tatrabaho siya sa ibang


bansa

13.Alin ang nagpapatunay na may paninindigan si Jimmy?

A.Humingi siya ng payo sa kanyang ina B.Alam niy na mahusay siya sa


computer

C.Buo ang loob na kinausap ang ama D.Nagmatigas siyang di kausapin


ang ama

Para sa bilang 14-20.


Maraming nakukuhang pakinabang sa mga gawaing-kamay. Karamihan sa
mga gawaing ito ay nagsisimula lamang sa isang libangan at nauuwi sa isang
hanapbuhay bagamat ginagawa lamang sa tahanan. Ang ating mga kalakal na
ginawa ng kamay ay hinahangaan din maging sa ibang bansa. Ang mga itoy
nagpapasok ng dolyar kayat nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng ating
ekonomiya.

Isang araw nagkakaroon ng pagtatanghal ng ibat ibang gawaing-kamay sa


bulwagan ng Mataas na Paaralang P.Burgos. Maraming mga nakadisplay tungkol sa
ibat ibang disenyo ng mga gawaing-kamay . Bawat isa sa kanila ay may kani-
kanyang puna at papuring maririnig.

Nagkaroon ng ganitong usapan ang ilang batang mag-aaral. Wow kay galing
naman ng taong gumawa nito. Makukulay at magaganda ang mga palamuting ito
dahil sa maayos na pagkapinta, puna ni Joel. Oo nga, ito ang ibat ibang
produkto ng kabibe: pantalya, chandelier, chimes , butones at suklay, ngunit ito ay
nabitawan niya, tuloy napingasan ito. Ganuon na lamang ang takot ni Rina.

Agad namang dinampot ni Joel at ipinaalam niya sa tagapamahala ng


bulwagan.

14.Ano ang paksang-diwang inilalahad ng talataan?

A.Ang mga gawaing-kamay ay gawa ng taong matiyaga

B.Nasa gawaing kamay ang pag-uunlad ng isang tao

C.Maraming gawaing-kamay ang nagpapayaman sa ating bansa

D.Ang gawaing-kamay ay kapakipakinabang

15.Ano ang mabuting katangian ipinakita ni Joel?

A.Mapagtanong na mag-aaral B.Mapagpahalaga sa gawa ng iba

C.Mapagmalaki sa mga kaibigan D.Mapagmahal sa kanyang kamag-anak

16.Ano ang katangiang ipinamalas ni Joel ng sabihin niyang. Kay galing naman
ng taong gumawa

nito,maganda at maayos ang pagkakapinta.


A.Matalino B.Makasining C.Makabayan D.Mapagmasid

17.Piliin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

1.Sumang-ayon si Rina sa papuri ni Joel sa mga gawaing-kamay

2.Nagpasok ng dolyar sa ating bansa ang mga gawaing-kamay

3.Ang mga gawaing ito ay nagsisimula sa isang libangan at nauwi sa isang


hanapbuhay

4.Nagkaroon ng pagtatanghal ng ibat ibang gawaing-kamay sa bulwagan ng


paaralan

5.Puring-puri ng isang mag-aaral ang mg magagandang palamuting itinanghal

A.3-5-1-2-4 B.3-4-2-1-5 C.3-2-4-5-1 D.3-1-2-5-4

18.Ano ang sanhi ng pagkatakot ni Rina habang nanood ng mga gawaing-kamay?

A.Nang hawakan niya ang isang suklay at nabitiwan.

B.Nang ipaalam sa tagapamahala ng bulwagan ang pangyayari.

C.Nang matuwa sila ni Joel sa mga gawaing-kamay at nasira ang mga ito.

D.Nang magasyal sila sa bulwagan na hindi nagpaalam sa namamahala.

19.Kung hindi ipinagbigay-alam ni Joel sa tagapamahala ang pingas sa suklay, ano


ang gagawin ni Rina?

A.Magsasawalang kibo na lamang siya. B.Ipagawa ang nabasag na


parte nito.

C.Iuuwi na lamang niya ang suklay. D.Bibili siya ng bagong suklay.

20.Ano ang maaaring maging bunga sa ating ekonomiya kung iluluwas ang mga
produkto ng gawaing

kamay sa ibang bansa?

A.Gagawing negosyo ng ibang tao sa ibang bansa. B.Hahangaan ng buong


mundo ang mga Pilipino.

C.Magpapasok ng dolyar sa ating bansa. D.Magkakaroon ng maraming


libangan ang mga tao.

You might also like