You are on page 1of 7

WESTERN COLLEGES INC.

BRGY. LATORIA, NAIC, CAVITE

AKADEMIKONG
SULATIN
ANNE JHERALDINE BARRERA GNG. HEIDI PRESCO
Ang binasa kong istorya ay pinamagatang "Ang
kuba ng Notre Dame". Ito ay tungkol sa isang kuba na tampulan
ng tukso na umibig sa isang magandang mananayaw na si La
Esmeralda ngunit sa kasamaang palad ay hindi man lamang
siya nabigyan ng pagkakataon na masuklian ang pagmamahal
nito sa kadahilanan ng maagang pagkamatay nito.
Nakakalungkot para sa akin ang naging takbo ng istorya dahil
hindii nga napagbjgyan ng tadhana ang maaaring maging
pagiibigan nila. Pakiramdam ko ay hindi naging makatarungan
ang mundo sapagkat hindi siya tinuring na maayos at makatao
nang dahil lamang saitsura niya. Bumilib naman ako para kay
La Esmeralda dahil mas pinili niyang harapin ang kamatayan
niya kaysa mamuhay ng may dungis sa piling ni Frollo. Sa
kabuuan ay nagustuhan ko ang istorya kahit na masakit ang
naging wakas nito at sa tingiin ko ay sa langit na lamang nila
ipagpapatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan dito sa lupa.
Isa sa mabuting aral na natutunan ko ay ang wag mong
kutyatin o maliitin ang isang taong may mmali sa pisikal na
kaanyunan at sa halip ay kilalanin mp ang kabutihan ng loob
niya.

EPIDEMYA
ni ANNE JHERALDINE BARRERA

Patuloy ang paglaganap ng mga epidemya sa


Pilipinas. Halos lahat ay nalulunasan ngunit may mga mangilan-
ngilan na hindi pa rin alam kung paano masosolusyunan. Sa
ngayon ay isang pinakamalalang epidemya ang sumakop sa
Pilipinas, hindi ito ordinaryo at tila pati ang gobyerno natin ay
nahihirapang gumawa ng hakbang para puksain ito. Karamihan
sa mga biktima ng epidemyang ito ay mga kabataan at mga
high school student na siyang nagiging dahilan paghinto sa
pagaaral at pagharap agad sa maagang responsibilidad. Ang
epidemyang ito ay ang tinatawag nilang kapusukan.
Rapbeh, hokage, scandal ni dora, Abbie
Tolentino at Sen. De Lima, ano pa nga ba ang hindi alam ng
mga kabataan? Halos ata lahat na ay alam nila, Isang henyo
nga kumbaga. Sa pahayag ni Dr. Jose Rizal ay inilalarawan ang
kabataan bilang pagasa ng bayan. Mga kabataan na siyang
magsisilbing tulay sa pagunlad, magwawakas sa kahirapan,
magaahon sa pantatapak ng mga dayuhan at kabataan na
siyang magpapaunlad ng inang sinilangan. Ang salitang dating
pinanghawakan ay tila ngayon ay isang ilusyon na lamang.
Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang mga kabataan sa
panahon ngayon ay ang siyang sakit sa ulo ng ating inang
bayan. Marami na ang naligaw ng landas, nalulong sa
masamang bisyo, kumakapit sa patalim, nagiging kriminal at
nagiging maagang magulang. Sa pagkapariwa ng mga
kabataang ito, laging magulang ang nasisisi. Silang mga
magulang na wala na lang ibang ginawa kung hindi kumayod at
halos magpakamatay na sa pagtratrabaho maibigay lamang
ang pangangailangan at luho ng kanilang mga anak. Inaasahan
nilang diploma ang iaabot sa kanila ng kanilang mga anak at
hindi bagong apo. Siguro nga ay nagkulang sila paghihigpit
ngunit hindi ba dapat sa atin magsimula ang disiplina? Hindi ba
dapat alam natin ang mga maaaring resulta sa pagsubok natin
sa gawaing pang mag asawa lang? Hindi ba`t bilang isang
kabataang magaaral pa lamang ay dapat matutunan nating
labanan ang kapusukan? Hindi ba sapat ang mga tinuro ng
paralan sa maaaring epekto ng premarital sex? Siguro nga ay
hindi, dahil karamihan pa rin sa mga maagang nagiging
magulang ay mga estudyante pa lamang. Kaya`t bilang
solusyon daw sa problemang ito ay naglahad ang Dept. of
Health katulong ng Dept. of Education ng isang panukala.
Kamakailan lamang ay umugong ang mga usap usapan tungkol
sa pamimigay ng Department Of Health ng libreng condom
para sa mga Senior High School Student. Paano mo
masasangayunan ang isang adhikain na baka siya pang
manghikayat sa mga kabataan para magpatalo sa kapusukan.
Para saan pa nga ba ang condom? Hindi ba`t ito ang ginagamit
na proteksyon para sa `safe sex`. Kung naglalayon ang
panukalang ito na maiwasan ang maagang pagbubuntis hindi
ba ito nagtutulak sa mga kabataan na tangkilikin ang safe sex?
Buksan natin ang ating mga isipan. Bakit hindi
na lang natin bigyang pansin ang edukasyon na maglalayong
magbigay ng kaalaman at aral para sa mga ganitong bagay.
Bilang isang magulang, At bilang nakakataas ng opisyal, bakit
di na lang natin paigtingin ang kampnya upang malutasan ang
problemang ito nang hindi nagbibigay ng mga bagay na
maaaring pang makaakit sa mga kabataan upang gawin ito.
Hindi tayo mananalo sa epidemyang kapusukan kung ang mga
mismong kabataan na siyang lalaban ay bibigyan niyo ng tukso
at kahinaan.
PANUKAL
ANG
PROYEKT
O

SINTESIS
O
BUOD

You might also like