You are on page 1of 4

Wika at Kultura: Likas na Pagkakaisa

ni: James Vincent T. Natera

May mahalagang tungkuling ginagampanan ang wika sa ating lipunan.


Karamihan sa araw-araw na gawain natin ay gumagamit ng wika para magiging
maginhawa at maging produktibo ang mga gawaing ito. Ngunit, sa kadalasan ng mga
pagkakataon, nakakalimutan ng mga tao kung saan nanggaling ang wika, at ang
pundasyon nito. Pero ang katotohanan ay ang wika ay konektado sa kultura, kung saan
ito nanggaling. At ang kultura na ito ay hindi maaaring magkahiwalay sa wika, dahil may
likas na kabutihan tayong makukuha mula rito.

Kultura mga karaniwang ugali at katangian na natatangi sa isang bansa o


grupo ng tao. Mayroong malawak na pagkakaiba ang mga kultura sa mundo na nabuo
mula sa laganap na mga karanasan. At alinsunod sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga
nararanasan natin bilang isang bansa tulad ng digmaan, kalamidad, at pambansang
panganib ay bahagi rin ng kultura natin. Pero mas mahalaga ang mga likas na parte ng
ating kultura na nagmula sa paghihirap ng ating mga ninuno, bago pa man naimbento
ang ibang paraan sa paglaganap ng wika, na hindi gamit ang bibig. At dito rin nagmula
ang unti-unting pagbabago ng wika, mula sa simpleng tunog patungo sa hugnayang
pangungusap at kasabihan, sa tulong ng kultura.

Wika at kultura, parehong may aktibong gampanin sa paghubog ng mga sistema


na ginagamait natin sa pakikipagkomunikasyon. Ang mga paraan kung paano tayo
nagkukumunyon ay hindi naman abstraktong nilikha, ibinatay naman ito sa isang

sistematikong kaayusan. Labis na naiimpluwensiyahan ang wika dahil sa kultura na


pinagmulan

nito.

At

totoo

rin

ito

kapag

ibinaliktad.

Ang

kultura

rin

ay

naiimpluwensiyahan sa pagbabago-bago ng wika, ayon sa konsteksto, panahon, at sa


mga tao na gumagamit nito.

Kung susuriin natin, ano talaga ang dahilan kung bakit nagkakaugnayan tayo
bilang isang bayan? Ang damdamin ng pagkakaisa sa bawat Pilipino ang basehan ng
ating nasyonalismo. Bawat tugtog ng pambansang awit, tayoy maringal na umaawit
nito. Bawat pagtaas sa ating makulay at magandang watawat, tayoy natutuwa. May
katotohanan naman kapag sinabi na ang wika ang nagsisilbing tulay na may
pagkakaunawa ang bawat mamamayan sa isang bansa. Pero mayroong hindi natin
nakikita na siyang nagsisilbing diwa ng isang bansa - ang mga komun na karanasan at
kaugalian ng bawat tao at pangkat ng tao, at ito ay bahagi ng kultura. Ang
komunikasyon gamit lamang ang mga salita at walang halong emosyon at damdamin
ay nasa ibabaw na antas lamang ng pagbubuo ng relasyon. Ang pinakamalalim at
makabuluhan na relasyon at kaugnayan ay nabubuo dahil may pagkakatulad tayong
natutuklasan at may mga karanasan na maari ring mauunawaan ng ibang tao. Ang wika
ay nagsisilbing tagapagbigkis ng isang lipunan na magagamit sa pagpapahayag ng
damdamin, kaisipan, kaugalian, at uri ng pamumuhay o kultura ng isang pangkat sa
isang lipunan. Umaasa ang dalawa sa isat isa para sa isang progresibo na palitan ng
kaalaman.

Tayo ay namumuhay sa isang mundong dimonado ng globalisasyon. Ang


binibigyan ng importansya sa lipunan ay hindi na kultura at ang mga etnikong grupo.
Ang mas may kahalagahan ay ang pera, at ang mga benepisyo na makukuha mula rito.
Mayroong mga pagkakataon na isinakripisyo na lamang ng gobyerno ang proteksyon
ng kultura para sa materyal na bagay. Dahil dito, ang paglaganap ng isang kultura ay
nagiging mas mahirap gawin. Ito ay dahil sa pagtaas ng bago at modernong pilosopya
at ideya kung saan mas umaayon at pumapayag ang bagong henersayon. Siguro sa
konteksto ng mundo ngayon, itoy masasabi nating kapaki-pakinabang. Pero sa isang
panahon na ang presyon mula sa ibang bansa na magbago ay talagang matindi, mas
kailangan ang aktibong proteksyon na pangalagaan ang kultura kung saan tayo ay
nagmula. Dahil na rin sa mga presyon na ito, mas madaling maaapektuhan ang ating
napakahina na kultura, kung ikokompara natin ito sa mas malakas na bansa. Pero dahil
sa kapangyarihan ng isang wika, at sa halimbawang ito, ang wikang Filipino, mayroon
na tayong panlaban sa mga presyon at mapanganib na impluwensiya. Ang wikang
Filipino ay natatangi. Ang kultura rin ng Pilipinas ay natatangi. Sa paggamit ng ating
wika, mapapangalagaan rin natin ang ating kultura, sa paraan ng pagpapapalganap
para mapanatiling buhay ang kultura sa lipunan.

Ang ating mundo at ang kalagayan ng mundo ay palaging nagbabago-bago. At


sa ating pagsulong sa kinabukasan, hindi natin maiiwasan ang ebolusyon ng kaayusan
ng panlipunan. Ang maari lamang nating gawin ay maghanda para sa mga pangyayari
na dadating. Kailangan nating bigyan ng halaga ang koneksyon ng wika at kultura sa
isat isa. At dahil sa mga pagbabago na dinadaranas natin, ang koneksyon na ito ay

nagiging lubhang mahalaga. May dakilang kabutihan tayong makukuha rito at dapat
talaga na hindi ito magkahiwalay. Ang unyon sa pagitan ng wika at kultura ay ang
gagamitin nating paghadlang sa tiyak na mangyayaring mga pagbabago sa mundo.

Ang kailangan nating ipagtanto ay ang wika at kultura ay hindi natin kaaway.
Kaanib natin ang mga biyayang ito, na may kapangyarihang makaunlad ng isang
lipunan. Tatandaan lang ng mga mamamayan na hindi ito maaring mangyari kapag
hindi natin bigyan ng halaga ang koneksyon at kaugnayan ng wika at kultura. Ang
posibleng mangyari sa tulong ng wika ay maari lamang mangyari kapag may kulturang
binabasehan. At ang mga posible nating matuklasan, ay matutuklasan lamang kapag
buhay ang koneksyon ng wika at kultura.

You might also like