You are on page 1of 2

Istorya ng Pinto

ni: J
Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng
kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at
mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng
Valentines Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit
kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng
nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay
nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang
mahalagay tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.
Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay.
Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at
siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.
Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko
hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging
maingay. Laging magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.
Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar
na iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga
ang ingay at gulo ngunit naroon din ang sayat ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging
masigla ang buhay. Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang
sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa mga aberya.
Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa
paligid ang katahimikan at sa umagay gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng
hangin. Okay na rin kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng
ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao.
Wala sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.
Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil
sa wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis
mamuhay sa isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na
punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap
at liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay
parang bonus na lamang sa buong magdamag.
Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming
pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit
paano. Masasanay din akoNasasanay na rin ako
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat

ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking


pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina,
nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking katangahan!
Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina.

You might also like