You are on page 1of 2

Renzo Velarde

COM22
TALUMPATI NG INTERPELEYTOR

Isang magandang umaga sainyong lahat ako si Renzo Velarde ang unang interpeleytor ng panig
na sumasang-ayon sa pagsasabatas ng Juvenile Justice System sa bansang Pilipinas. Nais ko lang
bigyang linaw at tanunging ang ilang sa mga nabanggit ng unang tiga pagsalita sa panig na di
sumasang-ayon sa pagsasabatas ng Juvenile Justice System.

Iyong nabanggit ang hindi pagkakaroon ng sapat na kahandaan ng sokolohikal na pagiisip isang
bata o menor de edad para humarap sa isang paglilitis. Ang aking unang katanungan ay:
1

Dahilan ba ang hindi pagiging handa ng isang tao, bata man o matanda para hindi
humarap sa maglilitis?

Dahil saking palagay ay wala naman atang tao, bata man o matanda na nasa wastong gulang na
ang magiging handa para sa pagharap sa paglilitis. Kung kahandaan pala ang magiging basehan
para litiis ang isang tao, maging ang mga matatanda na nasa wastong gulang na ay dapat na rin
hindi litiis at ikulong kung sila ay hindi handa. Nabanggit mo rin na maaring kitilin ng isang
kabataan ang kanyang buhay dahil sya ay nililitis.
2

Sainyong palagay ano ang pagkakaiba nito kung ang bata na nililitis ay gumawa
ng krimen napag patay? Naisip ba niya ang bigat ng kanyang ginagawa?

Sinabi mo rin ang pagkakaroon ng alternatibang paraan para sa isang bata na nagkasala ito ay
ang ahensya ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) kung saan kapag
nahuli ang mga batang nakagawa ng krimen, dito sila ilalagay. Ngunit nabanggit mo rin ang
kawalan ng pondo ng gobyerno para ipatupad ang batas na Juvenile Justice System sa ating
bansa. Ngayon ang akin tanong ay:

Tingin mo ba ay may sapat din na pondo ang gobyerno na binibigay sa ahensya


ng DSWD para tustusan ang pangangailangan ng mga bata na nasakanilang
pangangalaga?

Para sa aking pangwakas ay mas magiging mabisa para sa mga kabataan na dumaan sa paglilitis
upang mas maintindihan nila ang bigat ng mga krimen na kanilang ginawa at upang matutunan
nila na may kaukulang responsibilidad ang mga aksyong kanilang ginagawa.

You might also like