You are on page 1of 1

Bagwis ng PNHS Prime kumampay patungong Cluster Meet

Kung tunay ang ginto kailanmay di ito kukupas!


Pinatunayan ng nalalabing miyembro ng PNHS Prime na sina Carl Cedric
delos Reyes at Rosegielyn Castillo na sila pa rin tunay na hari at reyna ng high jump
at long jump matapos ibulsa ang kampeonato sa 2016 Intramurals para maituloy
ang kampanya patungong Cluster Meet.
KAKAIBANG ISTILO PARA SA KAMPEONATO
Talon na may 5 metro bwelo mula sa jump poles, buong pwersang lundag at
bali sa likod upang lumusot paibabaw. Ito ang kakaibang istilo sa pagtalon ni 2015
City Meet 3rd placer delos Reyes na nagpahanga sa kayang mga kamag-aaral at
katunggali sa high jump.
Nangibabaw na ang kanyang tikas sa unang attempt pa lamang kung saan
naeliminate na ang baguhang si Nolie Labay habang maluwalhating nakatawid
naman ang chief rivals na sina Carl Vincent Sotejo at Remuel Deshuael Ong.
Kinapos naman ang determinasyon ni Ong sa ikaapat na attempt nang
sumabit ang kanyang paa sa pole na naging dahilan upang maeliminate siya sa
kompetisyon.
Hinatulan ng ikalawa sa huling baitang sa jump pole ang laro nang mapanatili
ni delos Reyes ang swabe niyang talon habang si Sotejo naman ay nabigo dahil sa
nanghihina nitong tuhod.
Tinanghal na kampeon si delos Reyes sa kabila ng kanyang kaba na hindi
maitawid ang huling subok sa pagtalon.
Medyo kinabahan ako sa huling attempt dahil noong nakaraang taon, hindi
ko nagawang lampasan ang baitang na iyon, wika ni delos Reyes
CASTILLO, NANATILING REYNA SA LONG JUMP
Napanatili ng grade 10 prime jumper na si Castillo ang kanyang titulo bilang
kampeon sa long jump matapos makapagtala ng 4.7 m layo ng talon upang talunin
ang mga dati nang katunggali at makausad sa Cluster Meet.
Ito na ang pinakamalayong talon na itala ni Castillo sa kanyang karera sa
long jump habang ang kanyang matinik na katunggali na si Arianne Icalla ay
nakapagtala namang 4.5 m layo ng talon.
Samantala, kinapos naman sa layo ang 4.4 m na talon ni Angelica Hebreo
upang tanghalin siya na 3rd place sa kompetisyon.
Nais ni Castillo na ituloy ang kanyang kumpanya hindi lang sa Cluster
gayundin sa City Meet na bigo niyang naisakatuparan noong nakaraang taon.
Sa tingin ko, kailangan ko pa ng ibayong ensayo upang mapag-igi ko ang
aking pagtalon para makatuloy ako sa City Meet na matagal ko nang
pinapangarap, sambit ni Castillo.

You might also like