You are on page 1of 2

Mga proyekto ni Manuel Roxas

Si Roxas kasama ni Sergio Osmea ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong


OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa
sarili ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng
HareHawesCutting Act. Noong Disyembre 1932, nakatagpo ang mga dating Pangulo ng
Pilipinas na sina Osmea at Roxas ng mga kakampi sa katauhan ni Harry Hawes, Bronson
Cutting, at Butler Hare ng Kongreso ng Estados Unidos na nagpanukala ng Batas Hare-HawesCutting. Dumaan sa matinding pagsusuri ng Kongreso ang nasabing panukalang batas. Makaraan
ang halos walong buwan, naipasa rin ito. Itinatadhana ng batas ang pagkakaloob ng kasarinlan sa
Pilipinas pagkaraan ng sampung taon, ang pagtanggap sa Estados Unidos ng 50 Pilipinong
migrante taun-taon, at unti-unting pagpapataas ng taripa sa mga produkto ng Pilipinas. Ngunit ito
ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay
nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados
Unidos ng Batas TydingsMcDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas

Ilang buwan matapos ang pag-umpisa ng kanyang termino, naiproklama ang Kasarinlan ng
Pilipinas mula sa Estados Unidos. Ito ang dahilan kung bakit si Roxas ay tinaguriang huling
pangulo ng Commonwealth at unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Lugmok sa
problema ang bansa sa pag-uumpisa ng kanyang panunungkulan. Matindi ang tinamong pinsala
ng bansa sa giyera. Sa pamamagitan ng ayuda mula sa United Nations at pag-utang sa Estados
Unidos, nasimulan agad ang mga proyekto para sa muling pagsasaayos ng mga nasirang
istraktura tulad ng mga kalsada at paaralan. Sa admnistrasyon din ni Roxas nagbuo ang konsepto
ng pagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ryan, tinutukan din ni Roxas ang Sektor ng Agrikultura. Ipinroklama niyang gawing
epektibo sa buong bansa ang Rice Share Tenancy Act of 1933, na sinusugan ng Republic Act
1946 o ang Tenant Act. Ipinagkaloob din ni Roxas ang amnestiya sa lahat ng mga kinasuhan at
sinasabing nakipagsabwatan sa mga Hapon, kabilang na si dating Pangulong Jose P. Laurel.

Ang parity clause ay nangangailangan ng amiyenda sa ika-13 artikulo ng Saligang Batas ng


Pilipinas ng 1935 na nagrereserba lamang para sa mga Pilipino sa paggamit ng mga natural na
mapagkukunan ng Pilipinas. Ang amiyenda ay matatamo lamang sa pagpapatibay ng 3/4 ng mga
kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado at isang plebisito. Ang pagtanggi sa
pagbibigay ng mga upuan sa anim na kasapi ng maka-kaliwang Democratic Alliance at tatlong
kasapi ng partido Nacionalista dahil sa pandaraya at marahas na pangangampanya ay pumayag
kay Manuel Roxas na makuha ang pagpapatibay ng parity clause ng lehislatura.[2] Ang parity
clause ay kinondena ng mga makabayang Pilipino. Ang Bell Trade Act ay nagtapos noong 1954
at pinalitan ng binagong kasunduang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas o ang
Kasunduang Laurel-Langley noong 1955.

Ang desisyong ito ni Pangulong Roxas ay nagbunga ng muling pagkakaisa ng mga Pilipino.
Bagamat pagbangon ang naging tema ng bawat pagkilos ng Administrasyong Roxas, binalot
naman ito ng mga kontrobersiya. Kabilang dito ang kurapsyon sa kanyang pamahalaan at ang

pang-aabuso ng militar sa kanayunan na nagpaigting muli sa kilusang makakaliwa ang Hukbo


ng Bayan Laban sa Hapon o HUKBALAHAP, na pinamumunuan ng kanilang supremong si Luis
Taruc. Sa kasaysayan, ang dalawang problemang ito ang naging mantsa sa magandang
pamamalakad sa kanyang gobyerno. Hindi natapos ni Pangulong Roxas ang kanyang termino.
Noong ika-15 ng Abril 1948, matapos ang kaniyang talumpati sa Clark Field, Pampanga, inatake
sa puso si Roxas at namatay sa araw ding iyon.

You might also like