You are on page 1of 2

DEPINISYON

1. Pangungusap: Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang


mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma.
Depinisyon: Gayuma (salamangka) pagkanta o pagbigkas ng mga
mahiwagang salita na pinaniniwalaang magdudulot ng epekto sa
pinagtatalagahan nito
2. Pangungusap: Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si
Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan.
Depinisyon: Sagupain (martial arts) pag-atake sa kalaban;
pakikibanggaan
3. Pangungusap: Subalit ang sumagot sa kanyang hamon ay hindi si Pangaiwan.
Depinisyon: Hamon (lengguwahe) imbitasyon sa isang labanan o
paligsahan
4. Pangungusap: Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa
hangin ang humahagibis na sibat.
Depinisyon: Humahagibis (lengguwahe) paggalaw ng napakabilis
5. Pangungusap: Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan.
Depinisyon: Mayaman (agrikultura) sagana sa pinagkukunang yaman
6. Pangungusap: Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang
kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at
lumilipad na pating at mga halimaw na kumakain ng tao.
Depinisyon: Lipulin (lengguwahe) pagpuksa; pagtugis
7. Pangungusap: Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon.
Depinisyon: Kumati (lengguwahe) pagbaba ng lebel ng tubig

HUDHUD NI ALIGUYON
May hidwaan sa pagitan ni Dumulao, ang ama ni Aliguyon, at ni Panga-iwan,
ang kaaway ng kanyang ama mula sa nayon ng Daligdigan. Nagpasya si
Aliguyon na sagupain si Panga-iwan ngunit ang sumagot sa kanyang hamon
ay ang anak ni Panga-iwan na si Pumbakhayon. Nagsimula ang kanilang
tunggalian ng pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Umiwas si
Pumbakhayon, sinalo ang sibat at pinukol rin si Aliguyon gamit ito. Ganoon
din ang ginawa ni Aliguyon, at paulit-ulit itong nangyari sa loob ng 3 taon.
Matapos ng 3 taong labanan ay natuto silang igalang ang bawat isa at itinigil
na ang labanan. Nagkasundo sila dahil sa kanya-kanyang galing at
nagkampihan rin sila. Pinakasalan ni Aliguyon ang bunsong kapatid ni
Pumbakhayon na si Bugan at pinakasalan naman ni Pumbakhayon ang
kapatid ni Aliguyon na si Aginaya.
IBALON
Nakarating si Baltog sa Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking
baboy-ramo. Dahil sa mayaman ang lupain ay nagpasya siya na dito na
manirahan. Kinilala siyang hari at umunlad ang kanilang pamumuhay. May
dumating muling panibagong kalaban, isang malaki at mapaminsalang
baboy-ramo. Matanda na si Baltog upang lumaban pa kaya tinulungan siya
ng kaibigang si Handiong. Nilipol ni Handiong at ng kanyang mga kasamahan
ang ibat ibang halimaw, maliban sa engkantadang si Oriol. Tumulong si Oriol
sa paglipol ng mga masasamang hayop sa Ibalon. Naging payapa ang ibalon
at mas umunlad ang kanilang pamumuhay dahil sa ibat ibang bagay na
kanilang natutunan. Ngunit may isang halimaw na naman ang biglang
sumipot, si Rabut. Nagagawa niyang bato ang sino man na kanyang naisin.
Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog ang kanyang sarili kay Handiong.
Isang araw ay natutulog si Rabut, at pinatay siya ni Bantong. Nagalit ang
mga diyos sa ginawa niya kung kayat pinarusahan ang Ibalon sa
pamamagitan ng napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim at
kaunti lamang ang nakaligtas. Nang nawala na ang tubig ay nagpanibagong
buhay na sila sa pamumuno ni Bantong.

You might also like