You are on page 1of 4

BISPERAS NG PASKO

Mga Tauhan:
Unang bahay:
Ikalawang bahay:

Magkakabarkada - Shaira, Ed, Kath at Mariel


Tiya-tiyahan ng barkada - Carla
Ina - Rachelle
Anak - Megan
Mga Anak Mika at Tara
Ina - Monica
Ama - Frank

-------------Tilon------------Tuwing Pasko, kaming magkakabarkada ay gumagawa ng mga parol at paputok.


Binenbenta namin ito upang mayroon kaming pangkain sa araw-araw.
(Pumasok si Aling Carla sa entablado)
Carla: Mga bata, tapos na ba kayo diyan? Gabi na ah. Hindi na ba kayo mamamasko?
Shaira: Sandali nalang po tiya. Marami pa po kasing bumibili eh.
Kath: Tama ka diyan ate.
Carla: O sige, sige, ako na ang bahala diyan at magsi-alisan na kayo.
Ed: (Magdadrama) Tiya, pinapa-alis ninyo na ba kami? Ayaw na po ba ninyo sa amin?
Carla: Hindi naman, mamamasko pa kayo diba?
Ed: Ay, oo nga! Nakalimutan ko... sorry po.
Carla: Hay naku! Ikaw talaga Ed. Ang tunay na diwa ng pasko ay nasa pagmamahalan at
pagbibigayan!
Mariel: Salamat po tiya. Tatandaan po namin iyan.
(Umalis sa entablado ang magkakabarkada)
Carla: O sige, umalis na kayo at puputok na ang shop.
Monica: Ang sungit naman! Wala pa nga akong nabili. Paano na to?
(Pinulot ni Carla ang kanyang mga gamit at umalis sa entablado. Si Monica aymalungkot na
umalis sa Entablado)
--------------------------------(Pumasok si Megan at Rachelle sumunod ang magbabarkada)
Ed: Paano na to? Konte lang ang ating naipon?
Mariel: Okay lang yan.
Kath: Ayun ate O, may bahay!
Shaira: Dali! 1.....2..........3............Go!
(Kumanta ang magkakabarkada pasko4x pasko nanaman muli....)

Megan: (Pataray) Stooooop! Tigil! Anu ba? Ang pangit naman ng mga boses ninyo!
Ed: Ako? (Ituturo ang sarili)
Megan: Oo, ikaw. Sino pa ba?
Ed: Eh bastos ka pala eh!
(Aakmang susuntukin si Megan)
Kath: Huwag na po kuya! Tama na po. Tandaan mo ang tinuro sayo ni tiya.
(Mapapatingin muli kay Megan at hihinahon si Ed)
Ed: Sorry bata!
Megan: Bading ka ba? Magsuntukan na tayo!
(Lalabas si Rachelle, ang ina ni Megan)
Rachelle: Anak! Anung ginagawa mo?
Megan: Ma, pupulbusin po nila ako!
Rachelle: Anak, nakita ko ang iyong ginawa. Huwag na huwag kang magsisinungaling!
Megan: (Mapapatungo at malulungkot) Opo.
Rachelle: Pasyensya na ha, mga bata. Ganyan lang talaga ang anak ko, palabiro.
Ed: (Mapapahikbi at mapapatalikod) Ang ganda naman pala ng biro niya!
(Si Megan ay pupunta sa likuran ni Ed upang kunin ang paputok)
Mariel: (pabulong) Kuya!
Shaira: Ang ibig po niyang sabihin ay, naiintindihan niya po ang anak mo.
Rachelle: O, ito, para sa inyo. Maligayang Pasko!
Megan: Ako po? Unfair! (Magtatampo at magdadabog)
Magbabarkada: Maligayang pasko rin po. Salamat po!
Rachelle: Anak halika na.
(Papasok sa entablado ang magkapatid na sina Mika at Tara na nag-aaway. Tatabi sa entablado
sina Megan habang nagdadabog si Rachelle. Pupunta ang barkada kina Mika at Tara ang
pangalawang bahay)
Magkakabarkada: Mamamasko po!
Mikha: Get out! Wala kayong lugar dito.
Tara: Namamasko sila. Hindi sila makikitulog.
Mikha: Alam ko! Hwag mo nga ako pangunahan.
Tara: Alam kong hindi mo alam. 70 ka kasi sa card.
Mikha: Ah talaga lang ha? At least may abilidad!
Tara: Tinatawag mo ba akong tanga?
Mikha: Hindi. Tinatawag mo ba akong bobo?
Shaira: Pasensya na kung naistorbo namin kayo. Aalis na po kami.
Mikha: Dapat lang.
Tara: Huwag. Mikha!

Mariel: Ang pasko ay araw ng pagmamahalan at pagbibigayan. Hindi dapat kayo ganyan sa
isat-isa.
Mikha: Hmmph! (Magtataray)
Mariel: At hindi lamang sa pasko, sa araw-araw rin.
Tara: Tama ka nga. (Haharap kay Mikha) Sorry Mikha sa nagawa ko sa iyo.
Mikha: (Haharap kay Tara) Hmm! Sige na nga. Sorry na rin.
(Nagyakapan ang magkapatid. Pumasok ang mag-asawa)
Monica: Anong kaguluhan ito?
Frank: (Makikita ang mga anak) Hindi ito kaguluhan! Isa itong milagro!
(Napatulala ang mag-asawa)
Monica: Mikha, Tara, kayo ba talaga yan?
Tara and Mikha: Opo mama.
Monica: Totoo nga dad, sila nga!
Monica and Frank: HIMALA!!!!
Kath: Pwede na po ba kaming mamasko?
Frank: Oo, pwedeng, pwede na!
Monica: Joy to the world please.
(Kumakanta sila ng joy to the world, Masaya lahat)
Frank: Salamat ha. Ito oh. (Iaabot ang pamasko)
Tara: Pa pwede dito nalang po sila kumain?
Mikha: Pleeeaaasssseee?
Monica: Sige na hon.
Frank: (Mag-iisip) Sige na nga.
Mikha, at Tara: YEHEEEY!!!
Frank: Halika na kayo mga bata.
Shaira: Pwede po bang isama namin si tiya?
Monica: Oo naman, pero nasaan siya?
Kath: Itetext niya po!
(Tinetext ni Shaira ang kanilang tiyahin. Pumunta sa entablado si Carla)
Carla: (Sisigaw) Party party!
Magbabarkada: Tiya!
Monica & Carla: (Magugulat) Ikaw?
Monica: Pwede pa bang bumili ng paputok?
Carla: Wala akong dala eh. Pasyensya na.
Ed: Meron po akong dala. Baka po kasi may bibili pa eh..... (Dudukot sa bulsa) Ha? Nasaan na
iyon? Aha!
(Makikita niya si Megan na akmang sisindihan ang paputok. Pupuntahan niya ito at saka
kukunin ang paputok)

Ed: Ikaw ha, akin to! (Magugulat si Megan sa nangyari)


(Tumakbo si Rachelle sa stage)
Rachelle: Anak! Naku! Salamat ha? Kung hindi dahil sayo, wala nang pasko para sa amin.
Ed: Walang anuman po. Ingatan nyo po ang anak niyo.
Mikha: Desperas na ng Pasko!
Lahat: 3.....2......1.......Maligayang Pasko!!! Lets party party!
(Masaya ang lahat at kumain ng masagana)
------------------------------------tilon----------------------------------------

You might also like