Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pispis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyoy mahahabag na sa kanya ang tumingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siyay taga-ibang pook. Unti-unti kong pinagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siyay isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaay naamin ko sa sarili ang lahat ng iyoy aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngaun kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit nya sa kanyang upuan. Nkalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan sa kanyang siyay mahalaga at minamahal. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang pusoy kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayoy paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At itoy sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili. Bigang-bigla, ang maitim at mapispis na mukha ng batay nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa akiy may naguguluminahanang tingin. Goodbye, Teacher, ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunitay ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na karikitan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.