You are on page 1of 3

Mataan na Paaralan ng Golden Ares

Ikalawang Mahabang Pagsusulit


I. Tama o Mali.Isulat ang TAMA kung ang isinasaad sa bawat bilang ay may katotohanan.Isulat
ang MALI kung hindi.
__________1. Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka
pinagdikit-dikit.
__________2. Isang araw may isang mapaglarong ibon ang nanunuksong umihip sa silid.
__________3. Si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase.
__________4. Si Adong at Bruno ay matalik na magkaibigan.
__________5. Makatarungang datu si Pagtuga.
__________6. Si Ulap, ang tahimik ngunit matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan.
__________7. Si Daragang Magayon ay isang babaeng walang kapares sa kagandahan at kabaitan.
__________8. Si Maria Makiling ay umibig sa isang binatang magsasaka.
__________9. Si Maria Makiling ay katulad ng pangkaraniwang tao lamang.
__________10. Si Rajah Solaiman ay nagmamahal ng iisang babae lamang.
II. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Sundang
Duwende
Dawani
Bruno
Nemo

Quiapo
Bal Lido
Mangingisda
Nanglilimos
Datu Makusog

11. Sino ang batang papel?


12. Ano ang hanapbuhay ni Adong?
13. Saan sa Maynila naghahanapbuhay si Adong?
14. Sino ang nagsisilbing amo ni Adong?
15. Sino ang ama ni Daragang Magayon?
16. Sino ang ina ni Daragang Magayon?
17. Ano ang kinatatakutan ng magkapatid, na nagbabasasag ng mga salamin, baso, plato at mga tasa?
18. Sino ang diyosa ng digmaan?
19. Ano ang ibinigay ng diyosa ng digmaan kay Rajah Solaiman?
20. Sino ang tapat na tagasunod ni Rajah Solaiman na ama ni Waling-waling?
III. Piliin ang titik ng tamang sagot.
21. Saan naganap ang kwento ng Nemo ang batang papel?
A. nayon
B. lungsod
C. kabundukan
D. liblib na pook
22. Naniniwala ang pangunahing tauhan na anumang hinihiling ay matutupad kung ito ay hihilingin sa __
A. Diyos
B. malayong bituin
C. magulang
D. diwata
23. sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng samapaguita. May
nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo habang maliksing sumasabit-sabit sa mga sasakyan. May mga kalbo,
galisin, at palaboy na yakap-yakap ang supot na plastic na kapag sinisinghot. Ang suliraning panlipunang
ipinahihiwatig ng pahayag ay __________.
A. batang-kalye
B. kahirapan C. kawalan ng edukasyon
D. pabayang magulang
24. Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batang kalye ay nagtitipontipon sa parke na may monument ng bayaning may kipkip na libro. Ang bayaning tinutukoy sa may
salungguhit ay si __________.
A. Andres Bonifacio
B. Diego Silang
C. Jose Rizal
D. Apolinario Mabini
25. Napansin ni Nemo na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa
sulok ng kanilang mata. Ang pahayag ay nagpapahiwatig ng __________.
A. kalungkutan
B. kapangitan
C. pagiging mapanuri D. kawalan ng pag-asa

26. Apat na pagkakatulad nina Nemo at ng mga batang lansangan __________.


A. mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, mabubuting kaibigan, at kumita ng malaki
B. sapat na pagkain, masayang paaralan, makapagliwaliw sa ibang lugar at magsimba tuwing Linggo
C. mapagmahal na magulang, maayos na tahanan, masayang paaralan at sapat na pagkain
D. maayos na bahay, mabubuting kaibigan, maraming pagkain, makapaglaro tuwina
27. Kung ikaw ang tatanungin, paano ka makakatulong sa mga batang lansangan?
A. Magbigay ng limos sa mga batang pulubi
B. Bumili ng mga tinitinda ng mga batang lansangan
C. Makipagtulungan sa programa ng DSWD hinggil sa mga batang lansangan
D. Kausapin ang mga magulang ng mga batang lansangan
28. Nemo at Mga Bata: Bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat kamiy gawing batang masayahin sa isang
iglap, lahat sila ay naging batang papel. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita __________.
A. pagtakas sa kalupitan ng buhay
C. pagiging makasarili
B. pagtupad sa pangarap
D. pagkakaroon ng malawak na imahinasyon
29. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mga mata na akay-akay ng matatandang puti
na parang kislap ng balisong ang kislap ng mata.
A. pagwawangis
B. pagtutulad
C. pagmamalabis
D. pagtatao
30. Ang alamat ni Daragang Magayon ay naganap noong __________.
A. isang araw
B. kamakailan lamang C. unang panahon
D. isang buwan lamang
31. Ito ay naganap sa __________.
A. lalawigan
B. Rawis
C. Katagalugan
D. kabundukan
32. Ang tema ng alamat ni Daragang Magayon ay tungkol sa __________.
A. tunay na pag-ibig
B. kababalaghan
C. labis na kasakiman D. pakikipaglabanan
33. Ang pangunahing tauhan sa alamat ay sina __________.
A. Datu Makusog at Magayon
C. Pagtuga at Ulap
B. Datu Makusog at Pagtuga
D. Magayon at Ulap
34. Isang paraan ng kalalakihan upang iparating sa ama ng napupusuan na ibig niyang pakasalan ang
anak na dalagang kasintahan
A. pamamanhikan
C. pagtusok ng sibat sa hagdan ng bahay ng kasintahan
B. paninilbihan
D. pakikipagtunggali ng lakas sa ama ng kasintahan
35. Walang nagawa si Magayon kundi ang mamula, magpigil ng tawa, at umiwas ng tingin. Ang ikinilos
ng dalaga ay nagpapahiwatig ng __________.
A. mahiyain ang dalaga
C. nagpapapansin ang dalaga
B. sumasang-ayon ang dalaga sa kagustuhan ni Ulap
D. naglalambing ang dalaga sa ama
36. Kahit na pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas at iba pang kayamanan ang ama ni
Magayon. Kaugaliang Pilipino na pinapakita sa pahayag
A. galante ang mga manliligaw
B. sinusuyo rin ng manliligaw ang magulang ng babae
C. sinisilaw ng lalaki sa yaman ang pamilya ng babae
D. kailangang dumaan sa buong pamilya ng babae ang manliligaw bago ligawan ang dalaga
37. Tawag sa mga namumuno sa isang lugar noong unang panahon
A. heneral
B. kapitan
C. Datu
D. gobernador
38. Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng mensahe kay
Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik ng digmaan sa kaniyang bayan
kung hindi siya pakakasalan. Dahil dito, napasang-ayon si Magayon na magpakasal kay Pagtuga. Ang
pagsang-ayon ni Magayon na makasal kay Pagtuga ang nagpapakita na __________.
A. matatakutin siya sa labanan
C. labis na nagmamahal sa magulang
B. walang sariling pag-iisip ang dalaga D. takot si Magayon kay Pagtuga
39. Mula sa pahayag blg. 38 masusuri na si Pagtuga ay isang taong __________.
A. mapusok
B. walang galang
C. maginoo
D. mabagsik
40. Napagtanto ni Datu Makusog na umiibig ang kaniyang nag-iisang anak. Ang salitang may salungguhit
ay nangangahulugan ng __________.
A. nabato
B. nakita
C. natanaw
D. nalaman

41. Kung ikaw si Pagtuga na di inibig ni Magayon, ano ang iyong gagawin sakaling mabigo ka rin sa pagibig?
A. tutularan si Pagtuga at gagawa ng paraan upang maangkin ang minamahal
B. igagalang ang desisyon ng babaeng minamahal subalit di na muli siyang papansinin
C. iiyak at magmumukmok at sasaktan ang sarili para kaawaan ng babaeng minamahal
D. tatanggapin ang naging desisyon ng babae at haharapin ang bukas nang may ganap na tiwala sa sarili
42. Ang Duwende ay isang kwentong-bayan na naganap sa __________.
A. Legaspi
B. baryo
C. syudad
D.lalawigan
43. Kalimitang kasuotan sa misa ng mga kababaihan noon
A. kamisa at saya
B. pantalon at t-shirt C. palda at blusa
D. barot saya
44. Ang paksa blg 42 ay __________.
A. sunog
B. duwende
C. kababalaghan
D. magkapatid
45. Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Ang tayutay na ginamit sa pangungusap ay
A. metapora
B. simili
C. hayperbole
D. onomotopea
46. Tuso man silang mga nilalang, ngunit matulungin din. Ang sila na tinutukoy sa pahayag ay ang mga
A. anak
B. kababayan C. duwende
D. kaaway
47. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol
sila mula sa mga masasamang nilalang. Ang dalawang salitang naglalarawan sa pangungusap ay ang
A. sinasabi at ipinagtatanggol
C. kaibigan at nilalang
B. masasarap at masasama
D. nila at sila
48. Tuwing kalian bumibisita ang mga duwende?
A. araw-araw
B. minsan isang linggo
C. tuwing hatinggabi
D. kapag naibigan lang
49. Ang anak na nakasipa ng gasera ay ang __________.
A. bunso
B. pangalawa
C. pangatlo
D. panganay
50. Mula noon naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa duwende. Isinasara
na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi. Ang aral na natutuhan ng
magkapatid sa kanilang karanasan ay __________.
A. maging maingat
C. Isara ang pinto at bintana bago matulog sa gabi
B. igalang ang mga duwende
D. huwag maglaro ng apoy
51. Unang dahilan ng pagkatakot sa mga duwende __________.
A. mga salbahe ang mga duwende
C. nananakot ang mga duwende
B. kakaiba ang itsura ng mga duwende
D. maninira ng kasangkapan ang mga duwende
IV. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa sumusunod na kwentong-bayan. Lagyan ng A-D.
52 Inutusan ni Solaiman ang mangingisda na pababain ang anak niyang si Waling-Waling. Ganon ang
ginawa nito ngunit bago pa man makababa ang dalaga, isang liwanag ang bumalot sa buong gubat at
ang katawan nito ay tila sumabit sa mga sanga at nang mawala ang liwanag itoy naging isang bulaklak
na may lilat pulang batik sa kanyang mga talulot.
53. Noong unang panahon, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman.
Pinaniniwalaang nasa kanyang pag-aari ang isang magiwagang sundang na ibinigay ni Bal-Lido, ang Diyos
ng digmaan.
54. Isang tapat na tagapaglingkod ni Rajah ang mangingisdang naninirahan sa dulo ng kanyang kaharian
na itinago ang kanyang anak na si Waling-Waling sa gitna ng gubat sa takot nag awing isa sa asawa ng
Rajah ang kanyang anak kapag ito ay kanyang nasilayan.
55. Isang araw habang nangangaso si Solaiman sa gubat, nasulyapan nito ang bahay ni Waling-Waling sa
itaas ng puno at ang kakaibang kagandahan nito. Nagalit siya dahil alam niyang itinago ito sa kanya ng
ama ng dalaga..
V. Pagtambalin ang mga sumusunod.
56. Mabangis na Lungsod
57. Kay Mariang Makiling
58. Nemo, Ang Batang Papel
59. Impeng Negro
60. El Filibusterismo

A. Edgar Calabia Samar


B. lRogelio R. Sikat
C. Efren Abueg
D. Jose Rizal
E. Rene O. Villanueva

You might also like