You are on page 1of 3

WIKANG FILIPINO: LENGGWAHE NG PAG-UNLAD AT

PAGBABAGO
Ni Pat V. Villafuerte
Ang bayan koy Pilipinas.
Sibilisado ang bayan ko. Ang bayan koy sibilisado.
Kayay mga mamamayay nasa lipunang maka-Diyos, Makatao.
May batas na sinusunod.
May buhay na pinangangalagaan.
May kapayapaang hinahangad.
May kataungang ipinaglalaban.
May kapantayang inaasamDukha man o mayaman
Matalino man o mangmang
Anuman ang pinagmulan,
Gulang at kasarian.
Kaya, sa bayan ko, ang ipinatutupad:
Pamahalaan ng mga batas at hindi ng tao
Sapagkat sa ilalim ng batas ay naroon ang tao.
Kayraming batas na umukit sa ating kasaysayan.
May nagpagimbal sa kasaysayan.
May nagpabago sa kasaysayan.
May nagpahirap sa kasaysayan.
Sa kasaysayan ng lahing Pilipino.
Sa kasaysayan ng wikang Filipino.
Kinano ang sistema ng edukasyon.
Diwang kanluran. Ideolohiyang hiram.
Di lang wika ang nagbago
Pati utak at puso, sinangkutsang todo-todo.
Pati sistemang legal ay hinango sa Amerikat Europeo.
Kodigo sibil. Kodigo penal. At kung anu-ano pang kodigo.
Tatak ay dayuhan. Himig ay banyaga. Wikay di Filipino.
A, paano ka na Juan?
Ang batas na para sa iyo
Ang batas na para sa kagalingan mo
Ang batas na makapagliligtas sa iyo.
Di matanggap ng utak mo.
Di makuha ng puso mo.
Di maangkin ng kaluluwa mo.
Ay, salamat sa Konstitusyon ng 1935:
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
At pagpapalaganap ng isang panlahat na pambansang wika
Na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Dahil dito,
Binuwag ang bakas ng kolonyalismo maliban sa wikang Ingles.
Tagalog ang nagging batayan ng wikang pambansa.
Pilipino ang itinawag sa pambansang wika.
Dahil dito,

Lumaganap ang dayalekto.


Tinanggihan ang puristang maka-Pilipino.
Itinayo ang ibat ibang sentro
Naragdagan ang maraming termino.
Ay, salamat sa Konstitusyon ng 1987:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, itoy dapat payabungin at pagyamanin pa
Salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Dahil dito,
Wikang opisyal sa kumunikasyong ang Filipino,
Wikang panturo sa edukasyon ang Filipino.
Ipinatupad ang patakarang edukasyong bilinggwal.
Ginamit ang Filipino sa mga opisyal na korespondensyat transaksiyon.
Binago ang abakada.
Ipinairal ang alfabeto.
Tinanggap ang repormang ortografiko.
Pinayaman ang establisadong bokabularyo.
Naging lingua franca ang Filipino
Ng mga Pilipinong ibig mag-Filipino.
Naging bukambibig ang mga sari-saring termino:
Retorika. Panghihiram at pagsasalin.
Terminong syentipikot katawagang teknikal.
Expansyon at eleborasyon.
Istandardisasyon, modernisasyon at intelektuwalisasyon.
Filipino, ay Filipino . . .
Saan? Saan ka patutungo?
Maunlad na raw at patuloy na umuunlad pa
Ang wikang Filipino.
Maunlad? Kailan?
Patuloy na umuunlad pa? Paano?
Filipinoy dapat istandardisado.
Simulan sa aklat-gramatikat diksyunaryo.
Filipinoy dapat modernisado.
Simulan sa paglikha at pagsasalin ng mga termino.
Filipinoy dapat intelektwalisado.
Simulang ipagamit sa lahat
Ng larangan ng pagkatuto.
Sa syensyat teknolohiya at sa mga kauri nito.
Dahil sa Filipino,
Pinasisigla ang malikhaing pagsulat.
Ipinagpapatuloy ang pagsasalin ng mga akda at termino.
Hinahasa ang kasanayan sa wika
Para sa edukasyong pansyensya.
Nakapagsasalin sa Filipino ng mga katawagang
Syentifikot di-syentifiko.
Kaya nga.
Kung ang pagkakakilanlan sa wika
Ay buhay, daynamiko at patuloy sa pag-unlad;
Kung ang kaganapan sa wika
Ay hindi pamumulitika kundi pagsasakatuparan;

Kung ang pagsasakatuparan sa wika y isang kadakilaan.


Sanay maipagpatuloyNa maging wika ng komunikasyon ang Fiipino.
Sanay maipagpatuloyNa maging wika ng komersyo, Industriya, edukasyon, kultura, at
politika
Ang Filipino.
Sanay maipagpatuloyNa maging opisyal na wika sa tatlong sangay ng pamahalaan
Ang Filipino.
Sanay maipagpatuloyNa maging intelekwalisado
Ang Filipino sa ibat ibang larangan.
At kapag itoy naganap na,
Sanay
Magsisilbing lenggwahe ng pag-unlad at pagbabago
Ng maraming pagbabago
At walang katapusang pag-unlad at pagbabago.

You might also like