You are on page 1of 3

Tatag ng wikang filipino lakas ng pagka pilipino

TALUMPATI PIECE # 01
Ako ay Pilipino. Nabubuhay sa lupang tinaguriang Perlas ng Silangan at nakikipagugnayan
sa mundo sa pamamagitan ng wika. Sa mga hurado at as mga naririto ngayon, ngalan
koy___________ At hiling koy makinig kayo sa mga sasabihin ko.Sa pag unlad ng mundo,
marapat lamang na pahalagahan ang mga humubog sa mga bagay bagay sa paligid. Sa
ating uri mga tao mahalaga ang paghubog ng wika sa kasalukuyan at sa
nakaraang tinatawag na kasaysayan.Filipino. Ang wikang dumann at humulma sa sa
napakahabang panahon ang pagkakakilanlan nating mga Pinoy. Ang wikang nagsimula
lang sa alpabeto nating mga ninunona tinatawag na Alibata. Konting simbolo, isa nang salita
upang ipangalan sa isang di kilalang bagay. Nadagdagan ang karunungan nang dumating
ang mga Intsik, Arabo, Malayo at Indones para makipagkalakalan. Sa sistemang ito,
nabuo ang mga unang batas-pantao, nabuo ang mga unang piyesa sa mga orasyon at dasal,
nabuo angtinatawag na sanduguan, at nabuo ang mga unang pamayanan tanda
ng sinaunang pagkakaisa at lakas ng ating pagkapilipino. Dahil sa pagkakintindihan bunga
ng isangwika, nabuo ang lakas na lumalabas sa panahon ng pangangayaw upang ipaglaban
ang banwang pinakamamahal.Filipino! Ang wikang dumaan sa matinding pagbabago. Sa
pagsakop ng mga Kastila,natabunan ang ating wikang pambansa. Ngunit dumating sa punto
na nasakal ng husto ang ating mga ninuno sa pamahalaang kastila. Sa pamamgitan ng mga
nobela, pahayagan, at mga tula sila unang naghimagsik. At ang wikang gamit? Filipino lang
naman na nooy nasa tagalong ang tawag! At uulitin ko dahil sa pagkakaintindihan bunga
ng iisang wika, lumabas ang isa pang lakas nating mga pinoy.. lakas na ipagtanggol ang
inang bayan laban sa mga nangangahas na umangkin dito at upang makamitang tinatawag
na KALAYAAN!Filipino! Ang wikang hinirang na pambansang wika ng Pilipinas. Noong
panahon ng
Commonwealth, sa kapangyarihan ni Pangulong Manuel Quezon noong 1937 at sa Kautusan
g Tagapagpaganap Blg. 134 itinatag ang Tagalog bilang wikang pambansa ng Pilipinas at
noong 1959 nagpalabas si Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Simula noon ay
hindi nalang puro Viva! Yahoo! at Hooray! Kundi MABUHAY!Filipno! Ang wikang saksi sa
matinding pagbabago sa lipunan. Tunay nga na ang ating wikang pambansa ang
makapagpapatatag ng pamahalan at pagkakaisa ng bansa isang patunay ang mga
naganap sa panahon ni Panguong Ferdinand Marcos na nagdeklarang martial law. Muli ko
pong uulitin. Dahil sa pagkakaintindihan, lumabas ang isa pang lakas nating mga Pilipino
lakas na magsama sama upang pabagsakin ang isangmapaniil na pinuno upang makamit
ang tinatawag ngayong Demokrasya sa mapayapangparaan. At ang sanhi? Ang panawagan
ng mga tao sa radyo, telebisyon at pahayagan na ang wikang gamit? Wikang Filipino!Filipno!
Ang wikang nagbigay daan upang magtulungan tayong mga Pinoy anuman angdanasin.
Mula sa galit ng bulkang Pinatubo hanggang sa pagtama nina Ondoy at Sendong sa ating
bansa,nananatilig nakatindig tayong mga Pilipino. Masyado man akong makulit ngunit uulitin
ko pa rin. Nang dahil sa pagkakaintindihan bunga ng ating wika ay lumitaw ang isa pa nating
lakas bilang mga pinoy.. lakas na magtulungan upang maka ahon sa anumang kalamidad sa
pamamagitan ng tinatawag na BAYANIHAN!Mahalaga ang wika sa mundo. Ito ang batayang
sangkap sa pagkakaunawaan na siyangbubuo sa pagkakaisa tungo sa pambansang
kaunlaran. Ang wikang Filipino? Ang wikang identidad nating mga Pilipino
sa mundo. Gaya nga ng sinabi ng Gat. Jose Rizal, ang wika ay siyang pag iisip ng bayan

kung ang bayan ay walang sariling wika, maituturing itong bayang walang lakas at pag iisip.
Ay naway ating isaisip na ang tatag ng wikang Filipino, ay laks ng ating pagka Pilipino!Ako
ay Pilipino. Nabubuhay sa lupang tinaguriang Perlas ng Silangan at nakikipagugnayan sa
mundo sa pamamagitan ng wika. At ang wikang gamit ko ay ang wikang Filipino! Sa mga
hurado at sa mga naririto ngayon, isang mapagpalang araw sa inyong lahat!

You might also like