You are on page 1of 2

IDYOLEK- nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang

pangkat ng mga tao. Indibidwal na estilo na paggamit ng isang tao sa


kaniyang wika.
Halimbawa: Tagalog- Bakit?
Batangas- Bakit ga?
Bataan- Bakit ah?

DAYALEKTO- ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito


kaugnay ng pinanggalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita.
Halimbawa: Pakiurong nga po ang plato (Bulacan- hugasan)
Pakiurong nga po ang plato (Maynila-iusog)

SOSYOLEK- sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Ito ay grupo ng ibat-ibang uri o
klasificasyon ng mga mamamayan: wika ng mga dukha at wika ng mga
nasa mataas na antas sa lipunan.
Halimbawa: akira- sa akin, aketch-ako, itey-ito, Gay lingo

EKOLEK- kadalasang mula sa o sinasalita sa loob ng bahay.


Halimbawa: Tay kumain ka na, Inday hugasan mo ang mga pinggan

PIDGIN- wikang walang pormal na estruktura. Nagkakaroon nito kapag ang taong
tagapagsalita ng dalawang magkaiba na wika na walang komong wika ay
nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Halimbawa: Pananagalog ng mga Intsik sa Binondo (Ikaw bili tinda mura),

CREOLE- isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika.
Nagkaroon ng ganitaong varayti ng wika sapagkat may komunidad ng
tagpagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika.
Halimbawa: Chavacano (na hindi puro Kastila dahil sa impluwensya ng ating

katutubong wika), Wika ng mga taga-Mauritius (magkahalong


Pranses at kanilang wika.

REGISTER- varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng


tagapagsalita sa oras ng pagpapahayg.
Halimbawa: sayantipikong register, panrelihiyong register.

You might also like