You are on page 1of 2

Balitaan sa A.

P
Gab Sarmiento: DUTERTE CONFIRMS MARCOS BURIAL AT THE LIBINGAN NG
MGA BAYANI Panahon pa lamang ng pangangampanya ni G. Duterte ay isa na sa
plataporma niya ang paglibing ni dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sa isang panayam sa Ilocos Norte noong Pebrero, sinabi niya na may magandang
idealismo ang yumaong pangulo para sa bansa, subalit isa rin siyang tao na
nagkakamali. Nitong ika-pito ng Agosto lamang, ikinumpirma na ni pangulong Duterte
ang paglibing ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga
Bayani. Sinabi ng pangulong Duterte na dahil isang dating pangulo at dating sundalo si
Marcos, pwede doon ilibing ang kanyang bangkay, na sa kasalukuyan ay
pinapangalagaan sa Ilocos Norte. Bukod dito, sinabi rin niya na kung may tumututol
man sa kanyang panukala, sila'y magprotesta sa mga kalye't lansangan.

Gabriel San Jose: MARTIAL LAW VICTIMS FILE THIRD PETITION VS MARCOS
BURIAL Sa pag protesta, ang Coalition Against Marcos Burial o C.A.M.B. ay inihain na
ang kanilang ikatlong petisyon noong ika-19 ng Agosto. Hiningi nila ang isang
temporary restraining order laban sa paglibing ng dating pangulo. Sa kanilang ikatlong
petisyon, sinabi nila na maaaring ang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani
ay sumalungat sa Saligang Batas ng 1987, na ginawa matapos ang pamumuno ng
dating pangulo. Samantala, tutol din sina ikalawang pangulong Leni Robredo at senador
Leila de Lima sa panukala ng pangulo. Sinabi ni Robredo na hindi dapat ilibing ang
isang tao na nagkasala sa kanyang kapwa Pilipino sa Libingan ng mga Bayani. Sinabi
naman ni de Lima na salungat sa pinaka diwa ng batas para sa mga biktima ng Martial
Law ang nasabing paglibing.

Raphael Singson: Ang Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP,


na tutol din sa paglibing, ay iginiit na dapat sundin na lamang ang nais ng yumaong
pangulo, na mailibing kasama ang kanyang ina sa Ilocos. Sinabi nila na ito ang
magbibigay ng hustisya at pagwawakas para sa lahat. Sa dami ng tumututol sa
paglibing ng dating pangulo, maitatanong natin: legal nga ba ito? Sa madaling salita:
oo. Sinasabi ng Armed Forces Regulation 161-375 na ang mga yumaong pangulo ng
Pilipinas ay maaaring ilibing dito. Subalit kinontra naman ito ni dating pangulong

Corazon Aquino gamit ang kanyang kakayahan bilang pangulo. Ngayon naman,
ginagamit ni pangulong Duterte ang kanyang kapangyarihan upang matuloy ang
paglibing. Muli, ang Libingan ng mga Bayani ay naitatag noong 1947 upang magbigay
parangal sa mga bantog na Pilipino tulad ng mga sundalo, pangulo at siyentipiko.

You might also like