You are on page 1of 2

ANAK NG PASIG

Ako'y umusbong sa tabi ng


Pasig
Nagisnan ang ilog na itim ang
tubig
Lumaking paligid ng bundok
na umuusok
Langhap na langhap ang
amoy ng basurang bulok

(Anong nangyari? Anong


nangyari?)

Ito ang buhay ng anak ng


Pasig
Pa-swimming swimming sa
itim na tubig
Playground lang ang bundok
ng basura mo
Musika'y ugong ng kotse at
bangka n'yo

Anak ng Pasig naman kayo


Tapon doon, tapon dito
Di n'yo alam ang tinatapon
n'yo
Ay bukas ko at ng buong
mundo

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong
ito
Nilason din ang Ilog ko
Akala ko'y ganoon talaga ang
mundo
Hanggang nakakita ako ng
lumang litrato
Di maniwalang Pasig din ang
tinitignan ko
Kaibigan ano ang nangyari
dito

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong
ito
Nilason din ang Ilog ko

Huli na ba ang lahat


Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag Pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran
Anak ng Pasig naman kayo
Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong
ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di n'yo alam ang tinatapon
n'yo
Ay bukas ko at ng buong

mundo
Anak ng Pasig naman kayo

May bukas pa ang ating


mundo.

You might also like