You are on page 1of 2

Wika ( Talumpati)

Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata,makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.
Malaya na tayong mga Pilipino sa pang- aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang
Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wikaang Wikang
Filipino.
Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi bat
natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa
kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa
ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa
mga wikang banyaga.
Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang malaya ay yaong mga
gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang,
matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa
mga pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo
sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kayat kultura ang pinanggagalingan ng
wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong
o mapaunlad ang kultura.
Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang communication gap sa pagitan ng masa ng mga
nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipinoy lagi nang kikilos at
gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika,
nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating
bansa.
Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi bat ang pagiging makabuluhan ng
isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat? Oo ngat Ingles ang wikang ginagamit sa
pandaigdigang kalakaran at itoy hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil
nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo
sa kapwa Pilipino? Hindi bat mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga
inilalathala sa pahayagan, hindi bat mas madali nating maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kayay mga pangyayari sa
ating bansa?
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating bansa. Ito ang
bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan, tungo sa
kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

Talumpati ukol sa Kabataan

"Kabataan ang pag-asa ng bayan" isa ito sa mga nabanggit ni Gat. Jose Rizal
tungkol sa kabataan.
Ngunit sa henerasyon natin ngayon, masasabi mo pa bang tayong mga kabataan
ang siyang pag-asa ng ating bayan ? Kung sa kahit saang anggulo natin tignan,
parang naiimpluwensyahan na tayo ng mga makamundong kagamitan.Marami nang
kabataan ngayon na imbes na gamitin sa pag-aaral ang pera, mas binibigyan pa
nila ng importansya ang mga bawal na droga, Kaysa igugol ang oras sa pagskwela
mas iginugogol pa natin ito sa pamamasyal kasama ang mga barkada.Marami
naring mga kabataan ngayon na sa murang edad palang nagkaroon na ng sariling
pamilya.Kung ito ang ating pagbabasehan, masasabi mo pa bang "kabataan ang
pag-asa ng bayan" ?
Magiging pag-asa lamang tayo kun magpupursige tayo sa ating pag-aaral.Ngunit
kahit mga mag-aaral ngayon ay hindi na marunong magbigay ng importansya sa
mga aral na natututunan nila sa kani-kanilang mga guro.
May kasabihan nga tayo na "Ang kabataan ay hindi lang maging pag-asa ng bayan
kundi dapat maaasahan din ng bayan."Maaasahan nga ba tayo ?Sa panahon
ngayon, mahirap nang sagutin ang tanong na yan.Magpakatotoo lang po tayo, hindi
ko ibig sirain o maliitin ang imahe nating mga kabataan sa kasalukuyan.Sa
katunayan, ibig ko lamang na magising tayong lahat sa katotohanang nangyayari sa
ating kapaligiran.Alam kung sumasang-ayon kayong lahat sa kasabihang "Ang
tunay na studyante konting ulan lang, suspension of classes na agad ang nasa isip."
Kung ganito tayo lahat mag-isip, para narin nating sinabi na hindi mahalaga sa atin
ang bawat sentimong pinaghirapan ng ating mga magulang para lang tayo ay
makapagtapos ng pag-aaral.Naisip ba natin na sa bawat sentimong yun, dugo at
pawis ang naging puhunan nila ?Masuwerte pa nga tayo , dahil mayroon tayong
mga magulang na handang magsikap upang tayo ay mabigyan ng kinabukasan.
Karamihan pa atin ngayon ay tamad nang pumasok sa paaralan, tapos may
kasabihan pa tayong nalalaman na"Hindi ka naman tamad tulad ng iniisip nila,
masipag kalang talagang magpahinga." Paano natin magagampanan ang papel
nating mga kabataan sa bayan, kung puro tayo kalokohan,Paano natin
mapapaunlad ang ating kinabukasanKung ang ipinapairal natin sa kasalukuyan ay
katamaran.Isa lang naman po ang ibig kung ipahiwatig sa gabing ito, yun ay
"Magkaisa tayo sa paglaganap ng kasipagan tungo sa mga susunod nating
kabataan."
Yun lamang po at maraming salamat.

You might also like