You are on page 1of 2

Bawat nilikha sa mundoy minamahal ng Panginoon.

Ang bawat batay may


pangalan, may karapatan sa ating mundo. Ito ay bahagi ng awiting mula sa
Apo Hiking Society.
Karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan. Karapatang
magkaroon ng pamilya na mag-aaruga. Karapatan na maibigay ang lahat ng
kaniyang mga pangangailangan. Subalit masakit isipin na maraming
kabataan ang inaabandona o itinatapon noong silay sanggol pa lamang. At
ang iba naman ay sapilitang ipinamimigay sa sariling mga kamag-anak o di
kayay ibinibenta ng kanilang sariling magulang dahil sa kahirapan ng buhay
at resulta ng maagang pagbubuntis.
Kagalang galang na DepEd Supervisors, mga hurado, mga kinikilalang
panauhin, mga punong-guro, mga guro, kapwa ko manlalahok at sa lahat ng
mga nandidito, Magandang araw sa inyong lahat.
Ampon. Ampon. Ampon.
Ito ang salitang narinig ko ng minsay akoy naglalakad pauwi sa aming
bahay. Isang bata ang nakita kong nilalait ng kanyang mga kalaro. Umiiyak
ito at ipinagtatanggol ang kanyang sarili laban sa kanyang mga kalaro,
bulong ko sa aking sarili, Kawawa naman at salamat sa mga taong may
mabubuting loob na kumukopkop sa mga batang ulila at inabandona. Kayo
ang nagbibigay ng panibagong buhay sa kanila. Pero, mas masarap parin
ang magkaroon ng isang kompletong pamilya. May nanay, may tatay, may
mga kapatid na mag aaruga at magmamahal sayo. Kagaya na lamang sa
kwento ng buhay ni Moses. Diba, Si Moses ay isang ampon. Ayon sa Banal
na Aklat ng Exodus kabanata 2, Si Prinsesa Bethia anak ng Hari ng Ehipto
ang nakakita sa kanya na nasa loob ng isang buslo palutang lutang sa Ilog
Nile. Pinalaki siya na parang kadugo na ng pamilya ng Hari.
Ano nga ba ang salitang ampon? Ito ay isang bata na sumailalim sa
proseso ng adopsiyon o nagkaroon ng bagong pamilya o foster family. May
mga pamantayan sa usaping legal na pag-aampon. Hindi simple at madali
ang pagproseso ng isang legal na pag-aampon. Kinakailangang suriing
mabuti ang pamilya o isang indibidwal na mag-aampon. Magsisimula ito sa
paghain ng petisyon sa korte at pagkakaroon ng isang Child Study Report
ng DSWD. Papatunayan sa korte ang kakayahang pisikal, pinansyal at moral
na palakihin ng maayos ang bata.
Alinsunod ito sa Senate Bill 516 na inihain ni Sen. Edgardo Angara Jr.
Sinabi nito na may mga batas sa Pilipinas na nagtatakda ng proseso ng pag-

aampon bukod sa mga Administrative Orders na ipinalabas ng Department of


Social Welfare and Development o DSWD upang masigurado ang kapakanan
ng aampuning bata. Kabilang sa mga batas tungkol sa pag-aampon ang
Republic Act bilang 8552 o The Domestic Adoption Act of 1998, Republic
Act bilang 8043 o An act establishing the rules to govern inter-country
adoption of Filipino children and for other purposes at Republic Act bilang
9523 o An act requiring certification of DSWD to declare a child Legally for
Adoption. Ipinalabas noong Pebrero 3, 1999 ang Proklamasyon bilang 72 na
nag-aatas na mabigyang importansya ang mga ibat ibang isyu tungkol sa
pag-aampon at pangkalahatang kamalayan ng publiko.
Sa aking pagbabalik tanaw, sa usaping legal naalala ko tuloy ang
aking kababata, paslit pa lamang siya noon nang siyay iwan ng kaniyang
magulang sa bahay-ampunan. Salamat sa tulong ng mga madre, meron ding
mag-asawang walang anak na kumopkop sa kanya. Lubos na pagmamahal at
pag-aaruga ang ipinukol sa kaniya na hindi niya mararamdaman na siya ay
isang ampon. Hanggang isang araw, may isang babaeng nagpakilala at
nagsabi na siya ay ang kaniyang tunay na ina. Kayat tinanong niya ang
kaniyang mga kinikilalang magulang tungkol dito. Ipinagtapat sa kaniya ang
katotohanan. Tumulo ang luha sa puso niya, waring may mga gumuhit na
kung ano dito. At ang tanging sabi ng kaniyang mga kinikilalang magulang
ay Mahal ka namin anak at ikaw ay tunay na anak namin, wag mong isipin
na hindi ka nagmula sa amin, dahil sa pusot isip namin ikaw ang naging
instrumento upang mabuo ang pamilyang ito. Pagkatapos ng pangyayaring
iyon na ibinahagi sa akin ng aking kababata, sinabi niya sa akin na hindi niya
ikinatakot at ikinahiya na siya ay isang ampon, sapagkat nararamdaman niya
sa pusot isip na kahit siyay isang ampon, anak na totoo ang ipinadama sa
kanya ng kanyang kinikilalang magulang.
Samakatuwid, di dapat tayo humusga sa kahit na sinuman dahil ako,
ikaw, tayong lahat ay may karapatang lumigaya sa piling ng ating tunay at di
tunay na KAPAMILYA.
LEGAL NA AMPON AKO, ANAK NA TOTOO.
Maraming Salamat.

You might also like