You are on page 1of 14

Wikang Filipino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin.
Para sa pamilya ng wika kung saan nabibilang ang wikang Filipino, tingnan ang Mga
wikang Pilipino.
Wikang Filipino
Sinasalitan Mga bansang may mahigit sa 1
g katutubo milyong
sa
manananalita: Pilipinasat Estados
Unidos Mga bansang may mahigit
sa 100 libong mananalita:
Saudi
Arabia, Australya,Hapon, Italya, C
anada,Malaysia, United Arab
Emirates, Singapore, atTsina (lalo
na ang Hong Kong)
Mga
katutubon
g
tagapagsal
ita

Unang wika: Tingnan angTagalog


Ikalawang wika: Mahigit sa 60
milyon
Kalahatan: 90
milyon[1] (nawawalang petsa)

Pamilyang Austronesyo
wika
Malayo-Polinesyo
Gitnang Pilipinas
Tagalog
Wikang Filipino
Sistema ng Latin (kahalawang Filipino)
pagsulat
Opisyal na katayuan
Opisyal na Pilipinas
wika sa
Pinangang Komisyon sa Wikang Filipino
asiwaan
(regulado)

ng
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1

fp

ISO 639-2

fil

ISO 639-3

fil

Ang wikang Filipino[2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na


wika ng Pilipinasang Ingles ang isa paayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa
itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang
bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong
2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao[3], o mahigit
kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing
ikalawang wika nila ang wikang Filipino[4]. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185
na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue[5]. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino,
ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang
Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa
arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo."[6] Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric
language, o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan
ito'y ginagamit.[7] May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod
sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao[8] atCebu[9], na bumubuo sa tatlong
pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.
Mga nilalaman
[itago]
1Pagsilang at layunin
2Kasaysayan
2.1Mga naiibang pananaw at panukala
3Tingnan din
4Mga sanggunian
5Mga kawing panlabas
Pagsilang at layunin[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap
ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pampolitika na
pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang
wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang
pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezonnoong 1925 ang isang
damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito

magawa ng hulng makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa


isang barko patungong Europa.[2]
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 13 Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng
Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalogbilang batayan ng isang bagong
pambansang wika. Naimpluwensiyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:
[10]
Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan
sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang
komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at
malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming
aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang
Awstronesyo.
Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng
Pilipinas.
Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunandalawang mahahalagang pangyayari
sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang
kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng
panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag
nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksiyon 3(2),
na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang
Asamblea na mag-take steps towards the development and formal adoption of a
common national language to be known as Filipino. Gayundin, nilaktawan ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng
pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang ano mang pagbabanggit ng Tagalog bilang
batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na as [Filipino] evolves, it shall be
further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other
languages (pagbibigay-diin idinagdag). Tiniyak pa ng isang resolusyon[11] ng 13
Mayo 1992, na ang Filipino ang katutubong wika, pasalita at pasulat, saMetro
Manila, ang Pambansang Pnong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa
arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo (pagbibigay diin idinagdag). Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng
1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil
doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang
Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang
Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang
Pambansa
Mga naiibang pananaw at panukala[baguhin | baguhin ang batayan]

Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling


katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung
ano dapat ang maaging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat
itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de
facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa
katotohanan ang paggamit ng Tagalog. Ngunit may pinagkaiba pa din ang Filipino sa
Tagalog. Filipino ang kabuuang tawag sa wika ng Pilipinas.
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Palabaybayan ng Filipino
Alpabetong Filipino
Mga wika ng Pilipinas
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
Jump up Resulta mula sa 2000 Census of Population and Housing: Educational
Characteristics of the Filipinos, National Statistics Office, 18 Marso 2005, hinango
noong 2008-01-21
Jump up to:2.0 2.1 "Filipino language," Simborio, Sharen. History of the Filipino
language, Gabby's Dictionary, Gabby Dictionary.com, nakuha noong 27 Setyembre
2008
Jump up "Vrldens 100 strsta sprk 2007" [The World's 100 Largest Languages in
2007],Nationalencyklopedin (Nationalencyklopedin), 2007
Jump up Filipino at Ethnologue (18th ed., 2015)
Jump up "Philippines". Ethnologue.
Jump up Pineda, Ponciano B.P.; Cubar, Ernesto H.; Buenaobra, Nita P.; Gonzalez,
Andrew B.; Hornedo, Florentino H.; Sarile, Angela P.; Sibayan, Bonifacio P. (13 May
1992). "Resolusyon Blg 92-1" [Resolution No. 92-1]. Commission on the Filipino
Language (in Tagalog). Retrieved 05 April 2015.
Jump up Commission on the Filipino Language Act 1991, Section 2
Jump up Rubrico, Jessie Grace U. (2012), Indigenization of Filipino: The Case of the
Davao City Variety, Kuala Lumpur, Malaysia: University of Malaya
Jump up Constantino, Pamela C. (22 August 2000). "Tagalog / Pilipino / Filipino: Do
they differ?". Translated by Antonio Senga. Darwin, Northern Territory,
Australia: Northern Territory University. Retrieved 07 April 2015.
Jump up Tagalog 101: Pilipino: The National Language, A Historical Sketch, ni Anak
ni Filemon, 02 Marso 1998
Jump up "Resolusyon Blg. 921," Naglalahad ng Batayang Deskripsiyon ng Filipino,
mga nakalagda: Ponciano B. Pineda tagapangulong komisyonerzalez (komisyoner),

Florentino H. Hornedo (komisyoner), Angela P. Sarile (komisyoner), Bonifacio P.


Sibayan (komisyoner), 13 Mayo 1992

Wika
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Mga estudyanteng nakikipagtalasan sa pamamagitan ng paghaharap at


paguusapan.

Isang lalaki at babaeng nakikipagugnayan sa pamamagitan ng mga senyas ng


kamay.

Ang cuneiform ang isa sa mga nalalamang sinaunang anyo ng nakasulat ng wika.
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,
depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinagiiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay
tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.
Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag
sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa
salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila
sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa
malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
Mga nilalaman
[itago]
1Mga anyo ng wika
2Mga antas
3Mga Kagamitan
3.1Kategorya ng paggamit ng wika
3.1.1Pormal

3.1.2Impormal o di-pormal
3.2Tingnan din
3.3Mga sanggunian
Mga anyo ng wika[baguhin | baguhin ang batayan]
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita.
(Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat,
mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at
maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang
malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag
ding dila (piguratibo), salita,diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo,
[bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[1]
Mga antas[baguhin | baguhin ang batayan]
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang
pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang
mga wikang Ingles at Filipino
Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao,
na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga
salitang Kolokyal/pambansa.
Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.
Mga Kagamitan[baguhin | baguhin ang batayan]
Ito ang pitong kagamitan ng wika:
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon.
Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinagaaralan ang pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang
pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya
madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang
matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat
o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos
ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang

pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga


tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa
pinagmumulang wika.
Kategorya ng paggamit ng wika[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.
Pormal[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapagaral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika
o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan,
karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
Impormal o di-pormal[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin
sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na
usapan. Narito ang mga uri nito:
Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook
o lalawigan lamang.
Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga
salitang nabuklat sa lansangan.
Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli
ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa:
mayroon=meron
ayaw ko= ayoko
nasaan=nasa'n
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Komunikasyong pasalita
Lingguwistika
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
Jump up "Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]". English, Leo James. TagalogEnglish Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
Kategorya:

Wika
Menu ng paglilibot
Hindi nakalagda
Usapan
Mga inambag
Lumikha ng account
Mag-login
Artikulo
Usapan

WIKA- Kahulugan at Pinagmulan


Wika

Katuturan
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleasonna ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog
ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama

upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.


Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel
na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos
na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:


1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-samay sa makabuluhang
sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga
salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may
istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng
wika.
1. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa
makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].
2. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa
pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang
tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga

pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at


posible naman ang kabaligtaran nito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang
paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.)
d. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;
ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa
pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto
ito sa panghalip ng aktot na datiy [niya] ngayoy [siya] sa. Imbis na pantukoy na
[ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
dalawang pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng
mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit
nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa
Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa
Tausug samantalang [house] sa Ingles.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan,
leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa
ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Halimbawa
Wikang Swahili atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino Opo, po
Wikang Subanon gmangga (mangga)
Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga batang babae)

Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)


Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon
naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol
na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika.
Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng
makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay
nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman,
mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika.
Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon
ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula
sa ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na
ang ka na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang Filipino ay madalas
manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa
Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaion].
7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
8. Ang wika ay bahagi ng komunikasyon.
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto.
Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay sumasagisag
sa tunog na em.

10. May level o antas ang wika.


Antas ng wika

1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad


samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o
nakatatanda
2. lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang
Filipino ang lingua franca ng mga tao
3. kolokyal o lalawiganin wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng
Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa
4. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may
kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang
mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo.
5. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at
pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang okasyong profesyunal
Teorya ng pinagmulan ng wika
x. Teorya sa Tore ng Babel Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na
Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisay iisa ang wika ng tao na biyaya
ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang
tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang
nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na
ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang
binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
x. Teoryang Bow-wow Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil
noong umpisay ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng
aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.
x. Teoryang Ding-dong Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao
ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at
langitngit ng kawayan.
x. Teoryang Pooh-pooh Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng
damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng
takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.
x. Teoryang Yo-he-ho Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himigawitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.
x. Teoryang Yum-yum Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa
pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang
lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.
POSTED BY KADIPAN

You might also like