You are on page 1of 3

Reyes, Kathleen O.

11- Einstein

September 5, 2016

WIKANG PAMBANSA
Ayon sa pag-aaral mayroong mahihit isang daan at limampung diyalekto sa Pilipinas.
Bilang isang bansa natural lamang na magkaroon ang mga panig ng diskuyon para sa kalakalan,
edukasyon, pamumuno at siyempre pa para sa kaunlaran. Ngunit malabo itong mangyayari kung
ibat iba ang wika na ating ginagamit. Ang mga suliraning ito ang naghatid sa Pilipinas upang
magkaroon ng wikang pambansa na maiintindihan at magagamit ng madaming Pilipino. Kung
mayroong pagkakaunawaan makakamtan natin ang pagkakaisa para sa sama samang kaunlaran.

Ang mahal ng pangulong Manuel L. Quezon ay isa sa mga naging parte upang
maisakatuparan ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa. Sinusugan niya ang mungkahi ng
grupo ni Lope K. Santos kaya naman nabigyang daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Masasabing sapat na ang mga nagawa ni
Manuel L. Quezon upang maibigay sakanya ang parangal bilang Ama ng Wikang Pambansa.
Dahil kung hindi dahil sa suporta niya ay hindi maisasakatuparan ang wikang pambansa. Ngunit
sa aking palagay ay dapat din bigyan ng parangal ang grupo ni Lope K. Santos sa parting
kanilang ginanapan.

Upang makapamili ng tatanghaling wikang pambansa ay kailangan muna ng masidhing


pag-aaral. Dahil dito itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Ang naging pangunahing
tungkulin nila ay ang pag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan. Ginagawa nila ito para sa
pangkalahatang layuning magpaunlad at mapagtibay ang isang pambansang wikang batay sa isa
sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita
ng nakararaming Pilipino.

Ang mga miyembro ng Surian ng Wikang Pambansa ay bumuo ng kanilang magiging


batayan o pamantayan para sa mapipiling Wikang Pambansa. Ang una ay ang wika na pipiliin ay
dapat wika ng sentro ng pamahalaan, pangalawa dapat wika ng sentro ng edukasyon, pangatlo ay
dapat wika ng sentro ng kalakalan at pang-apat dapat ay wika ng pinakamarami at
pinakadakilang nasusulat na panitikan.

Base sa mga batayan ng Surian ng Wikang Pambansa ay tagalog ang pinaka-angkop dito.
Ako naman ay sumasang-ayon sa kanilang naging desisyon dahil ito nga naman ay ang
diyalektong pinakaginagamit at may pinaka malawak na impuewensya. At ang tagalog kung
papansinin ay makakikitaan ng mga kaunting pagkakapareho sa ibat ibang mga diyalekto, kaya
naman mas madali itong matututunan ng mga mamamayan.

Sa kabila ng pag-aaral ay hindi maiiwasang may tumutol parin at madami ang maaaring
maging dahilan ng kani-kanilang pagtutulol. Ang isa sa aking nakikitang dahilan ay marahil nais
nila na ang kanilang diyalekto ang piliin. Pangalawa maaari din na mababa ang tingin nila sa
tagalog at nais nalamang na ipagpatuloy ang nasimulang paggamit ng ingles o espanyol. Kung
hindi naman siguro ay ayaw na nilang mahirapan na matutunan ang salitang tagalog.

WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO


Ang wikang opisyal ay nangangahulugang ito ay ang itinadhana ng batas upang maging
wika sa mga opisyal na talastasan ng pamahalaan. Nangangahulugan na ang wikang ito ay
maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas
ng alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. Ang wika ay nagiging opisyal kapag ito ay itinakda
ng batas ng isang bansa.

Sa pagtuturo ay hindi maiiwasang gumamit ng ibat ibang wika o dalawang wika lalo na
kung ang nais sabihin ng guro ay walang katumbas sa wikang kanyang ginagamit. Sa aming
paaralan ngayon ang mga wikang ginagamit sa pagtuturo ay Filipino at Ingles.

Para sa akin ay nakatutulong ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo dahi mas
naiintindihan ko an gaming mga aralin. Ang mga bagay na hindi ko maipahayag sa ingles ay
naipapahayag ko sa Filipino at kung minsan ay baliktad kaya naman mas ginaganahan akong
makibahagi sa mga diskusyon.

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ang itinakda na Wikang Opisyal ay Filipino.


Samantalang ang Itinadhana naman na mga Wikang Panturo ay mother tongue para sa mga
kindergarten hanggang sa ikatlong baiting. Sa mga susunod na mga baiting naman Ay Filipino at
Ingles na ang mga opisyal na Wikang Panturo.

Ayon kay Armin Luistro Ang Mother Tongue Based Multi-Lingual Education o MBTMLE, ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baiting ng pag-aaral ay
makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa
kanilang kamalayang sosyo kultural.

Sa aking palagay ay tunay na makatutulong ang paggamit ng kanilang mga nakasanayang


wika sa pag-aaral dahil hindi na nila kailangan mag adjust pa sa Filipino o Ingles. Agad nilang
maiintindihan ang mga leksyon sa kanilang klase. Halimbaway chavakano ang kanilang wika sa
bahay mas maiintindihan niya ang chavakano pagka ito ang ginamit sa pakikipagtalastasan sa
kanya.
Kung ako ay magiging ina baling araw ang una kong ituturo sa aking anak ay ang wikang
umiiral sa aming lugar. Dahil nais ko na maintindihan niya ang mga tao sa kanyang paligid at
siya rin ay maintindihan ng mga tao.

You might also like