You are on page 1of 4

Banghay Aralin

FIL1

Baitang: 1
Asignatura: Filipino
Yunit: 1
Wika: Kasarian ng Pangngalan

Kampus: SEIS-Main
Inihanda ni: Bb. Jeconiah Buzon
Petsa ng Pagpapasa: Setyembre
5, 2016
Petsa ng pagpapatupad:
Setyembre 6, 2016

Layunin:
Sa pagtapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ng mag-aaral ang kasarian ng pangngalan
B. Malalaman ang kaibahan ng pangngalan ng kasarian
C. Magagamit ang angkop na kasarian sa pagtukoy ng pangngalan.
Mahalagang Katanungan at Puntos
-Ano ang kaibahan ng panlalaki, pambabae, di-tiyak, walang kasarian?

Materyales:
Tsart at kahon

Pagtuklas sa Aralin:
-Magbasa ng kwento tungkol sa mag-aaral
-Tumawag ng mga mag-aaral.
-Tanungin kung sino ang mga karakter sa kwento.

Pagpapakilala sa Bagong Materyal:


- Talakayin kung ano ang ibat-ibang kasarian ng pangngalan.
-Kasarian ng Pangngalan
-Mga Pangngalang ng may Kasarian:
1. Panlalaki- tumutukoy sa ngalan ng lalaki.
Halimbawa:
Tindero

Ginoo

tatay

lolo

pari

tiyo

2. Pambabae tumutukoy sa ngalan ng babae.


Tindera

ginang

nanay

lola

madre

tiya

3.Di-Tiyak maaaring tumutukoy sa ngalan ng babae o lalaki.


Pinsan

kapatid

kaibigan

guro

anak

pinsan

Mga halimbawa ng pangngalang may di-tiyak na kasarian:


Dentista lalaking dentista babaing dendista
Pulis lalaking pulis babaing pulis
Manlalaro lalaking manlalaro babaing manlalaro
Nars lalaking nars babaing nars

4. Walang kasarian - itoy bumabanggit sa mga pangngalan na walang buhay


Bola

luha

salamin

Lamesa

libro

lapis

-Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng mga halimbawa ng pangngalan ng


kasarian.

Gabay na Pagsasanay:
-Magkakaroon nang laro tungkol sa kasarian ng pangngalan.
-Idikit ang tsart sa bawat grupo
-Punuin ang tsart ng bawat tamang mga pangngalan o katawagan ayon sa bawat
kasarian.
-Tatawag ng isang mag-aaral na kukuha ng isang pangngalan na maaaring nakasulat
sa papel o kung ano man ang mahawakan mula sa kahon at idikit sa tamang hanay.
Pambabae

Panlalaki

Di-Tiyak

Walang Kasarian

Malayang Pagsasanay:
-Sagutan ang pagsasanay sa pisara
-Magtawag ng iilang mag-aaral.
-Isulat sa patlang, PB kUNG PAMABABAE, PL kung PANLALAKI, DT kung DI-TIYAK,
AT W kung WALANG-KASARIAN
1. nanay______

6. bola _____

2. tiyuhin _____

7. pastor_____

3. laruan _____

8. silya ______

4. doctor______

9. ate______

5. ginang ______

10. pulis ______

Pagtatasa at Pagtataya:
-Bigyan ng isang indibidwal na pagsasanay ang mag-aaral.
- Aktibidad: Tagubilin: Isulat ang pangngalan sa loob ng kahon na may tamang kasarian
nito. Pangngalang Panlalaki Pangngalang Pambabae Pangngalang di-tiyak ang
kasarian Pangngalang walang kasarian:
ninong

regalo

kalabaw

nanay

libro

reyna

baboy

pari

aparador

bayani

kutsara

tiyo

artista

yaya

prinsipe

ninang

ibon

prinsipe

ospital

tatay

Pambabae

Panlalaki

Di-Tiyak

Walang Kasarian

Paglalapat:
Bawat kailangang igalang ang kasarian ng bawat isa?
Sanggunian:
http://www.slideshare.net/iK3USheena0320/multigrade-lesson-plan-in-filipino-uri-ng-pangngalan-by-sheenabernal
http://docslide.net/documents/banghay-aralin-sa-filipino-.html
https://www.scribd.com/doc/91313331/Lesson-Plan
http://www.slideshare.net/stephanielagarto_07/kasarian-ng-pangngalan
https://samutsamot.files.wordpress.com/2013/07/kasarian-ng-pangngalan_6.pdf

You might also like