You are on page 1of 2

Wikang Filipino, Tatak ng Pagka- Pilipino

ni: Farah Grace Jimena


Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang
ating tanging tanikala.
Malaya na tayong mga Pilipino sa pang- aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating
pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang
pambansang wikaang Wikang Filipino.
Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi
bat natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang
wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan
ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong
wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.
Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang malaya ay
yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng
pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani,
kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang
kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit
bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kayat kultura ang
pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao.
Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.
Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang communication gap sa pagitan ng masa
ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga
Pilipinoy lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at
pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan.
Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.

Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi bat ang pagiging
makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat? Oo ngat Ingles ang
wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at itoy hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman
masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging midyum ito sa
pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag- ugnayan at
pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi bat mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung
gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi bat mas madali nating maaabot ang mga hinanaing, mga
naisin o kayay mga pangyayari sa ating bansa?
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating bansa. Ito
ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan,
tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

PAMANTAYAN:
Tiwala sa Sarili------------------------------------------10%
Pagkasaulo-----------------------------------------------30%
Dating sa Awdyens-------------------------------------10%
Boses/ Tinig/ Bigkas------------------------------------25%
Ekspresyon ng Mukha/ Tindig/ at Kilos-------------25%
100%

You might also like