You are on page 1of 1

Wikang Filipino Bigyan Nating Pansin

ni Johairah Joy Cabunoc


Mag-aaral ng PHINMA-COC
I.

II.

III.

IV.

V.

Sa paglipas ng maraming panahon


Sa pagkakaisa ang ating solusyon
Tungo sa masaganang pagbangon
Sa ating bayan na ating isusulong
Upang makamit inaasam pag-usbong.
Ngunit tila ito'y ay nawala
Dulot sa iba't-ibang nating wika
Na minsan nahihigitan pa nga
Ng mga salitang banyaga
Wikang ginagamit ay ibang bansa.
Wala naman talagang masama
Sa pag tangkilik natin sa ibang salita
Ngunit paano nga ba ito makakatulong
Upang makamit ang ating pag-ahon.
Kahirapan na siyang dahilan
Upang magdulot sa iba na mangibang bansa
Na dapat sa isang bansa tayo'y nagkakaisa
Nagtutulongan at nagkakaunawaan
Upang manalo sa hamon ng kahirapan.
Ngunit kailan ba natin to makakamit
Bansa na syang iisa ang nais at iisa ang wika

VI.

VII.

VIII.

IX.

Sa puso man o sa salita


Kahit kilos man at diwa
Para sa iisang bansa.
Sa bawat araw na tayo'y nakikisalamuha
Tayo'y malayang nakakapagsalita
Banyaga man o salitang wika
Ginagamit natin sa kumonikasyon
Upang maihatid sa isa't-isa nating opinyon.
Sa bawat mahalaga na ating bigyan pansin
Wikang Filipino ang siyang gamitin
Sapagkat ito'y nagsisilbing liwanag
Upang tayo'y magkaisa't maging matatag
Para sa ating wikang sagisag.
Mamamayang Pilipino halina't gumising
Sa mahimbing na pagkakatulog
Wikang Filipino ating gamitin
Huwang natin itong limutin
At itanim sa puso't damdamin.
Kaya tayo na't ipaglaban sariling atin
Upang makamit ang pag-unlad natin
Panangga natin sa hindi pagkakaunawaan
At sandata natin sa anumang laban
Wikang Filipino, Wikang nating lahat.

You might also like