You are on page 1of 2

Intelehente, iyan nga ang karaniwang tingin ng lipunan sa taong mahusay na

magsalita ng wikang Ingles. E paano naman ang taong matatas sa wikang Filipino?
Nakakalungkot mang isipin ngunit bihira na sa ating mga Pilipino ang tunay na
nakakaunawa ng kahalagahan ng sarili nating lengguwahe. Karamihan sa atin ay
madaling mahalina sa magara at sopistikadong pagbigkas ng salitang Ingles
hanggang sa puntong nakakalimutan na natin na may kakaibang katangian rin na
tinataglay ang ating wika. Palibahasa ang karaniwang persepsyon ng tao na ang
wikang kinagisnan ay wikang natural, kung kayat nagbubunga ito sa kaisipan na
hindi na mahalaga ang malalim pang pag-aaral dito. Kaya naman sa huli,
nagdudulot ito sa tao na tumingala sa ibang wika gaya na lamang ng pagtingala ng
lipunang Pilipino sa wikang Ingles. Ang pananaw na ito ay may malaking epekto
hindi lamang sa sambayang Pilipino kundi lalo na sa mga taong matatas sa wikang
Filipino. Paano?
Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong taon ay may tema na Filipino: Wika
ng Karunungan na siyang matagumpay na idinaos ng Manuel S. Enverga University
Foundation (MSEUF) Senior High School (SHS) noong nakalipas na Martes, ika-30 ng
Agosto, taong panuruan 2016-2017. Ang pinakang layunin ng pagdiriwang ng
wikang Filipino ngayong taong ito ay tugunan ang maling persepsyon ng lipunan
ukol sa pagiging matatas ng Pilipino sa wikang Ingles laban sa wikang Filipino. Isang
pribilehiyo para sa akin ang maging kaisa (at naging kalahok pa ng paligsahan sa
madamdaming pagbasa) ng selebrasyong ito sapagkat para sa akin ito ay hakbang
upang patatagin at linangin pa ang aking kaalaman sa ating lengguwahe at ang
aking sibikong kamalayan at damdamin. Hindi naman nagkulang ang mga
namamahala ng pagdiriwang sa pagtugon sa tunay na diwa na nais ikintal ng tema
sa ating mga isipan - kaya sa aking pag-uwi, wala man akong labit-labit na
karangalan mula sa kompetisyon na aking sinalihan, dala-dala ko naman sa aking
sarili ang mas makabuluhang bagay na hindi kailanman mapapantayan ng
anumang premyo, sertipiko o medalya; ito ay karunungan. Karunungan na
nagbibigay sa akin ng pagkakakilanlan, sa gitna man ng panahon ng globalisayon,
matingkad ang aking bandera bilang Pilipino sapagkat alam ko ang wika ko;
karunungan na mag-aambag sa pagka-intelektwalisado ng ating Wikang Pambansa;
at karunungan na magsisilbing tanglaw sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa bansa
gamit mismo ang ating wika.
Para sa lipunang may bahid ng pagtangkilik sa mga kagawiang banyaga,
tunay na mahirap pasiklabin ang makabansang damdamin. Kaya ang mga

kababayan nating matatas sa Filipino, imbis na hangaan, tularan at ipagdiwang ay


tila langaw lamang na dumaan sa tainga ng lipunang tutok ang pandinig sa
nagtitingkarang magagara at sopistikadong pananalita ng matatas sa Ingles; ang
kiliting hatid ng nagpapansin na tunog ng wikang Filipino ay siya mo namang
ibubugaw na parang wala kang narinig. Hanggang saan maaatim ng sambayang
Pilipino ang pagtalikod sa sarili nitong wika?

You might also like