Professional Documents
Culture Documents
Si Andres Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa
rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban
sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang
magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang magaral sa paaralan ni Don Guillermo Osmea sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto
sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at
sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at
pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at
bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at
nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo
na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik.
Ipinnganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa
Luzon[1] sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang ikapitong anak ng alkalde
ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring Jesuit, nagpatala siya sa
Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina.
Nagbaelik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong panguiinahan ang isang pag-aalsa na sa
kaunting panahon ay nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng
napakasunduan, ipinatapon si Aguinaldo sa Hong Kong noong 1888. Doon pinag-aralan
niya ng taktikang pangmilitar ng mga Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na
bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.
Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na
pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio, na may layuning patalsipokkin ang mga
Espanyol at palayain ang Pilipinas. Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang
digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896, at ginapanan niya ang pamumuno sa
kilusan pallgkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol sa
pamamagitan ng pwersang militajjr at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde.
Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili
ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon.
Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si
Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang
pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong
mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga
Espanyol kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si
Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay
higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na
maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol
noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong
Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapulungan ng Saling-batas ng
Pilinas bilang pangulo noong Enero 1, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng
mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang
digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899.
Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya
ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na
ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados
Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang
ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral,tulad ni Gen.Gregorio del
Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko
nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya
bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa
halalan.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang
pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang
Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na
pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng mga
Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan.