You are on page 1of 6

Wikang Filipino: Wikang panlahat, ilaw at

lakas, sa tuwid na landas


Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng
wika bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon
nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na
magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura.
Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito
maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin
ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago?
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ang tanyag na katagang
nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan
sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral
tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na
sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang
Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.
Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga
mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi
pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at
magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay
kung ibat-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon,
pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe
upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit
ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal
nating Ama ng wikang Pambansa si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa
wikat panitikan.
Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang
ating wika. Kagaya sa website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang
wikang Filipino bilang medium o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na
maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano paganahin ito. Hindi rin
papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino. Kamakailan lamang
ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok ang

isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay si David DiMuzio na lumabas


na sa ibat-ibang programa dito sa ating bansa.
Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa Estados Unidos ang
nagsasalita sa wikang Filipino at ito ang pang-apat na lengwahe na parating ginagamit
ng mga tao roon. Hindi rin mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan
natututunan ng mga banyaga kung paano magsalita sa Filipino.
Ngayong pumapasok na ang ibat-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan
nating pahalagahan at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Ating ipaalam sa
kanila na kung nandito ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino
upang lubos na makilala ang kultura at panitikan ng ating lipunan.
Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung
hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi
uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago.
Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin
at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na
landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang
Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Naway ating
gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong magsalita sa
ating sariling wika!

Ang Pilipinas sa ilalim ng Martial Law

Marami pa ring kababalaghan at katanungan ang bumabalot sa pagdedeklara ng Martial


Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Halinat siyasatin natin kung ano ba ang
nangyari sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar.
Ika-21 ng Setyembre 1972 idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang
Batas Militar (Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang
pagdedeklara dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang
proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga
demonstrador. Ipinasara ang mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga
dyaryo. Hinigpit ang seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.

Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense
Secretary/Minister at ngayoy Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa
ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon
laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law
na iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento at bumuo ng Bagong
Lipunan.
Iligtas ang Republika
Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga
komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at
mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro,
nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno
at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang
mga mamamahayag ay napagbintangan na silay kasapi ng mga grupongCommunist
Party of the Philippines at New Peoples Army kaya marami ang kaso ng extrajudicial
killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay
pinagbintangan kaya ang iba sa kanilay sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga
mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
Bagong Lipunan
Hangad ni Marcos na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago
nga niya ang lipunan dahil takot na ang mga Pilipino sa kanya. Malaki ang ipinagbago
ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan nawala ang mga basura sa daan at
ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na
rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod
ng Maynila. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na datiratiy may ligalig at karahasan.
Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang PLEDGES na
ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform
(Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development
of moral valuesGovernment Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational
Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong
Panlipunan).
Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay
hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa
mga unang taon ng Bagong Lipunan.

Ang kanyang Bagong Lipunan ay nabalot ng mga pangamba at takot dahil sa isang
utos niya lang, dapat sumunod at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang
bagong Pilipinas na puno ng kaharasan at patayan.

Marami ngang nagawa, mas marami pa ang ninakaw sa kaban ng bayan


Oot marami nga siyang nagawa sa kanyang 21 taon na panunungkulan. Nandyan ang
San Juanico Bridge, Cultural Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, ang
mga programang Green Revolution, reporma sa Lupa, North Luzon at South Luzon
Expressway at iba pa. Sabi ng ilan, mas mura ang mga bilihin noon kesa bago pa at
pagkatapos ni Marcos ngunit hindi nila alam na binabantaan ng pamahalaan ang mga
nagtitinda na panatilihin sa mababang presyo ang mga bilihin upang mas maging
epektibo ang Bagong Lipunan. Ngunit sa mga iba niyang proyekto ay sukdulan ang
paglabas ng pera mula sa kaban ng bayan upang ibigay sa kanyang mga kaibigan at
kamag-anak. Naging kontrolado ng kanyang pamilya ang ekonomiya kaya noong
pinatalsik siya, pinabagsak nila ng husto ang ekonomiya ng bansa.

Pagbabago sa Pamahalaan at Saligang Batas


Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula nang ipahayag ang Martial
Law. Ang Kongresyo na siyang gumagawa at bumabalangkas ng mga batas ay
binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas
Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga
Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General
Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa
sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang
Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating
Kongreso.
Agad na ipinabuwag ang Saligang Batas ng 1935 at dagliang gumawa ng Kumbensyong
Konstitusyonal na siyang gagawa ng bagong saligang batas. Ilan sa mga delegado sa
kumbensyon ay sina dating Pangulong Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal, ang
ilang mga kasapi ay mula sa pampublikong sektor at simbahang Katolika. Kaya nang
naiharap at naipasa kay Marcos ang saligang batas, naging magulo ang pamahalaan.
Matapos maipasailalim sa bagong konstitusyon ang bansa, naging dalawa ang tungkulin
ni Marcos, ang maging Pangulo at Punong Ministro, ang Kongresoy napalitan ng
Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng Batas Militar, ang Pilipinas ay para bang nakasakay sa isang roller coaster,
dahil sa magulong sistema ng pamahalaan at lipunan. Maraming inosente ang namatay
dahil sa mga maling bintang at ang ating ipinagmamalaking sandatahan ay naging
death machine ni Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga sinabi sa
kanyang inagurasyon noong 1965, mga proyekto niyang nakatulong sa nakararami ay
nabahiran na ng dungis dahil sa kanyang pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081.
Inihatid niya ang Pilipinas sa daang bagsak ang ekonomiya, hati ang pananaw ng buong
populasyon at mga giyera dahil sa ibat-ibang paniniwala. Nawalan ng pag-asa ang mga
Pilipinong biktima ng Martial Law upang makabangon.
Ngunit sa matuwid na daan, ang bawat isa ay dapat maniwalang may pag-asa pa, dahil
tayo rin ang uukit ng maganda at bagong bukas. Tayo rin ang maghahatid sa ating mga
sarili sa matiwasay na bansa, tungo sa kaunlaran. Huwag na natin sayangin ang
panahon at ituwid natin ang kamalian, baguhin ang sistema at pag-isahin ang hangarin
nating bagong Pilipinas.

"Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ang kailangan!"


Itong linya na to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng Martial Law. Linya na mula sa diktador
na abusado at mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay makahulugan sa lahat at para ito sa
mga kababayan nating hindi disiplinado.

Hindi uunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at
respeto sa isat-isa, hindi malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang
kanilang inspirasyon. Ngunit kung parati tayong hindi maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng
batas o panuto, hindi tayo magtatagumpay.

Pinatunayan ng mga Hapon noong niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong Marso na kahit
nilumpo na sila ng kalamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal pa rin nila. Hindi sila nagnakaw o
nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila sa utos ng kanilang pamahalaan na lumikas na at
higit sa lahat, nagrerespeto sila sa isat-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at
gawing inspirasyon ng mga Pilipino.

Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng panuto o batas. Kung susunod ang
lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng pagkakataon, pairalin ang pagiging alerto o
mahinahon, halimbawa kung may kalamidad na tumama, huwag mag-panic dahil ang mahalaga ay

nailigtas ka, ang mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan bastat magsumikap ka. Pangatlo,
respetuhin ang isat-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong ipinakita mo ay
magbibigay ng gantimpala sayo. Pang-apat, huwag mag-isip ng negatibo, isipin mo ang positibong
kalalabasan ng mga gawain mo upang maging matagumpay ka sa hinaharap.

Kilala ang mga Pilipino bilang hindi disiplinado, ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna
natin ang pagiging disiplinado bago maging progresibo.

You might also like