You are on page 1of 28

Ang Alamat ng mga Unang Alitaptap

Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito
ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung
bakit gumagamit ng apoy ang mga alitaptap?
Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga
kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang
tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na
kikisap-kisap?
Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi
lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay
mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga
damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?
Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon.
Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong
bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa mga talulot.
"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo
takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"
"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.
"At saan?" ang tanong ng sampaguita.
"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.
"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b
akayo ng mga kabag-kabag?"
"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay
hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."
"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng
sampaguita.
"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami
ay pakaunti nang pakaunti."
"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman
kayo."
"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.
"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang
tanong ng sampaguita.
"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang
sagot ng isang kulisap.
"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang
kulisap.
"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.

"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan
ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin."
"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay
magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."
"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.
"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.
Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa
kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para
silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.
Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.
"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."
Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila
ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."

Ang Alamat Ng Pinagmulan Ng Lahi

Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala


ng marami ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi malaunan at siya
ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong
pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon
ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang
ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang buksan ay
maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita. Hindi
nasiyahan si Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na
anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng una, hinango agad
sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at
iniluto sa hurno. Palibhasa'y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang
pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang
kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan natin.

ANG ALAMAT NG UNANG SAGING

May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang


Maganda. Ang kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming
magaganda't mababangong halamang namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang
prinsesa sa gubat na ito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos.
Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang prinsipe.
Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang Maganda ay nakaramdam
siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad
silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob.
Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang
prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito
nagpaumat-umat at tinanggap ang iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.
Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng
mabangong halamanan ng prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon
sa aming kaharian ay higit na magaganda at mababango; walang makakatulad dito sa
inyo."
"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya
napilitang magtanong si Mariang Maganda. "Mangyari'y" at hindi na nakuhang
magpaliwanag ang prinsipe.
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng
agam-agam.
"Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko
sanang isama kita, nguni't hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya
paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"
"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe.
Nang malapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ng
prinsesang naghihintay sa loob ng hardin. Nag-usap na naman sila ng nag-usap. Kung
saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap. Hawak-hawak ng prinsesa ang mga kamay ng
prinsipe.
Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na ako,
Mariang Maganda. Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisan ay hindi na ako

makababalik sa amin. Diyan ka na subali't tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at
ginawaran ng halik ang mga talulot na labi ni Mariang Maganda.
Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya
ng kanyang minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan
sa mga palad ng dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong
nagtungo sa isang dako ng kanyang halamanan at ibinaon ang mga kamay.
Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sa pinagbaunan niya.
Malalapad ang mga dahon at walang sanga. Ilan pang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Arawaraw, ay dinadalaw ng prinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mga
bulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang mga daliring nagkakaagapay. Iyon ang mga
unang saging sa daigdig.

Alamat ng Macopa

Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing


tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling
naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan
at mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin.
Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong
kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng
kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan,
naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong
pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana.
Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay
ang kampana. Isang gabing madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang
pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana.
Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong
panloloob sa simbahan. Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat
nila iton ibinaba at lihim na ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin!
Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto.
Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan
sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng kampana.
Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan ang mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam
kung saan ito naroroon.
Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon
nang buong dangal.
Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan.
Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at
natuyo ang kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang
hayop.
Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao.
Nangamatay na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang
mga kabataan nama'y wala nang nalalaman tungkol doon.
Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng
mga tao. Ito'y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing
parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa
gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.
"Parang kopa!" ang sabi ng ilan.
"Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami.

Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa
maraming kopa, doon sa makopa."
Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.

Alamat ng Lansones

Tumunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan ng Paete,


lalawigan ng Laguna. Napabalikwas si Manuel at masuyong ginising ang nahihimbing na
kabiyak. "Gising na Edna, at tayo'y mahuhuli sa misa." Marahang nagmulat ng mga mata
ang babae, kumurap-kurap at nang mabalingan ng tingin ang asawa ay napangiti.
Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan sa isang
buwan idinaraos sa kanilang nayon ng kura paroko ng bayan. Hindi nagtagal at ang magasawa ay kasama na sa pulutong ng mga taga-nayong patungo sa Kapilya. Magkatabing
lumuhod sa isang sulok ang magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and
marahang panalangin ni Edna, "Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa's
huwag magbago ang pagmamahal sa akin ni Manuel." Si Manuel naman ay taimtim ding
dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam niyang nagtataglay sa sinapupunan ng
unang binhi ng kanilang pag-iibigan.
Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y
lumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay biglang
napahinto si Edna.
"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa puno ng
lansones na hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani Ednang halos
matulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si Manuel. Hindi niya malaman ang
gagawin. Alam niyang ang lansones ay lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman
niyang nagdadalang-tao ang asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa
pagkakatigagal ng lalaki ay marahan siyang kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha
siya ng mga bunga ng lansones.
"Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ng
asawa ay pumatak ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa kanyang mga labi.
Parang ginugutay ang dibdib ni Manuel sa malaking habag sa asawa ngunit tinigasan niya
ang kanyang loob.
Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag na iyan
ang hilingin mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo at pagdating natin sa bahay ay
pipitas ako sa duluhan ng mga manggang manibalang."
Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang
maaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Ni hindi
sinulyapan ni Edna ang mga manggang manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang
duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at
ayaw tapunan ng tingin ang pinagtatampuhang asawa.

Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malaman ni


Manuel ang gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng asawa."Edna, ano ba ang
dinaramdam mo?" lipos na pag-aalalang wika ni Manuel habang buong pagsuyong
hinahaplos ang noo ng maysakit.
Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha ang naguunahang gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuel sa tabi ng maysakit.
Hindi niya matagalang tignan ang payat na kaanyuan ngayon na kaibang-kakaiba sa dating
Ednang sinuyo niya't minahal. Wala na ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating
mapupungay na mga mata'y malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla
ang dati'y mapupulang mga labi at mistulang larawan ng kamatayan.
Nang hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay
mabilis na nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng lansones. Ang bunga ng
kamatayang pinakamimithi ng kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niya ang katigasan
ng kanyang loob, dahil sa matinding abag sa kabiyak.
Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na pinitas
ang isang kumpol ng bunga ng kamatayan.
"Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala nang
halaga sa akin ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling," nangangatagal ang
mga labing marahan niyang naiusal kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata.
Sunodsunod na patak ng luha ang nalaglag sa pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa
lahat ng kanilang kaligayahan.
Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May nabuong
liwanag sa kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyang panggigilalas noong iyon ay
maging isang napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak ang bangong
sa tanang buhay niya ay noon lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay
marahang nangungusap ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."
Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay lason.
Sa nakitang pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap ang babaeng nakaputi. "Huwag
kang matakot, kainin mo ang bungang iyong hawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang
bunga sa hawak na kumpol ni Manuel at ito'y marahang pinisil.
Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng lansones.
Anong sarap at anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sa babaeng nakaputi ay

nawala na ito. Biglang naglaho at saan man niya igala ang kanyang mata ay hindi makita.
"Salamat po, Diyos ko!" ang nabikas ni Manuel. Biglang sumigla ang katawanni Manuel at
hindi magkandatutong pinitas ang lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at
nagdudumaling umuwi.

Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan,


pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa
pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad
na nang hindi tanghaliin.
Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may
tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni
Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.
Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan
din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa
ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang
naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang
pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga
muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at
pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa
gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang
magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno.
Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang
magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang
kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.
Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa
may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak
pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan
ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina
sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag
umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na."
"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga
iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka
siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na
pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na
may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang
pagpapauwi sa mga alimango.

Kung Bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina
Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang
pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman
ang kanilang natutuhan.
Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas,
ay kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga
sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa
lawin.
Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila
ang lawin na mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola
Anding at Lolo Andres sa sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng
bahay at inalam kung ano ang nangyayari.
Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing
manok kaya sumigaw po kami, paliwanang ni Roy.
Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok?
tanong ni Lorna.
May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong
tanong na iyon, sagot ni Lolo Andres.
Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola
Anding. Makinig kayong mabuti. Ganito ang kuwento.
Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan,
nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa
pista sa kabilang nayon. Naroroon si Tandang at ibig niyang maging
maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at
ibinigay niya ito kay Inahing Manok.
Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga
niyan sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking ina.

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot


pa rin niya ito.
Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang
iyong singsing.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot
niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming
bisita si Tandang at nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing
Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang
sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni
Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.
Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang
nawawala ang hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing
Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap
dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok.
Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at
sinabi na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at
kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.
Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing.
Maging ang iba pang inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang
singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi
nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing
Manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit
magkagalit pa rin ang humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula na
noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing
kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.

Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang


Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansinpansin din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na
magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.
Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa
pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawiliwiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang
Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging
magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga
nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng
masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na magama.
Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si
Pedrito. Siya ay tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang
atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin at
nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na
siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya
pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan
at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.
Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa
sinasakang bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na
wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit
walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap
ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng
buhok.
Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako,
anak, wika ni Iskong Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.


Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa
nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.
Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si
Pedrito at kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at
malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong
tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang
suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni
Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.
Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero,
biglang naging tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa
ulo ni Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa
natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May


katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa
kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa
o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at
ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.
Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang
tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng
anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging
pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang
pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang
bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang
iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay
mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang
higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata
at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang
asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang
bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu,
binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling
nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si
Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita
ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang
magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu,
palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa
buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung
bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang
pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang
sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang santol, mayabong ang mangga, mabulaklak ang
kabalyero, tuwid at mabunga ang niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay
naroroon ang payat na kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga
bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa
bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulangpula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na
at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo.
Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong
Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas
niya nang pinalakas ang kanyang paghilip. At isang oras niyang pagkagalit
ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang
puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si
Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo
at di nasalanta.

Ang Pabula ng Daga at ng Leon


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na

leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay


nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Aral:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.
Ang Lobo at ang Ubas

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita


siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman.
Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at
muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.

Aral:
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim
na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.
Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay
maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.

Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal


Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.
Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang
nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa
Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa
palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:
"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.
Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal
sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.
"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay

magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit
laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.
Aral:
Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang
balakin ay may katapat na kaparusahan.

Si Pagong at Si Matsing (Isang Pabula)


Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin
si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan
ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. Halika Matsing, kainin natin
ang pansit nag-aayang sabi ni Pagong
Naku baka panis na yansabi ni Matsing
Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain nyan para masiguro natin
na walang lason ang pagkain dagdag pa nito.
Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng
panis na pagkain si Aling Muning sabi ni Pagong
Kahit na, ako muna ang kakain pagmamatigas ni Matsing
Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na
kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.
Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng
natira. Sa susunod ka na lang kumain paliwanag ng tusong matsing.
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo
sa kaibigan.
Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng
saging.
Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang
pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga
ay makakain natin ito masayang sabi ni Pagong

Gusto ko rin ng saging na yan Pagong, ibigay mo na lang sa akinsabi ni


Matsing
Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.
Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga
dahon ha? nakangising sabi ni Matsing
Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong
Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa
akin na lang ang itaas na partesabi ni Matsing
Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na
may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon
na bahagi ng puno.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito
at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing.
Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni
Matsing.
Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa
puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga
ito nang hitik na hitik.
Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni
Pagong.
Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay
nalanta at natuyosabi ni Matsing

Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang
pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat
paliwanag ni Pagong
hmp kaya pala nalanta ang aking tanimnanggigil na sambit ni Matsing
Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin anyaya nito
Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko
kayang akyatin.sabi ni Pagong
Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng
mga bunga. Bastat bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda
sabi ni Matsing
Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si
Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong
itinira para kay Pagong.
Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa
akin. Hahaha! tuwang-tuwang sabi ni Matsing
Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.
Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito,
naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay
nakita niya ang mga tinik kayat humingi ito ng tulong kay Pagong.
Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng
dumilim at mukhang uulan ng malakaspagmamakaawa ni Matsing

Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna


ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako
habang umuulan. sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling
Muning
Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan.
Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.
Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!
daing ng tusong matsing
Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akinbulong nito
sa sarili
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap
niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan.
Hoy Pagong humanda ka ngayon! galit na sabi ni Matsing sabay huli sa
pagong.
Anong gagawin mo sa akin? takot na tanong ni Pagong
Tatadtarin kita ng pinong pinosabi ni Matsing
Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.
Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa
gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong
pinutol mo hahahasabi ni Pagong
Nag-isip ng malalin si Matsing

Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka sabi ni Matsing


Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita
mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding
apoy ay walang panama dito pagyayabang ni Pagong
Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang
pumunta sa dalampasigan.
Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan
hanggang sa malunod ka! Hahaha! sabi ni Matsing
Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.
Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at
hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na pagmamakaawa ni
Pagong
Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong.
Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang
marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa
tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa
tubig.
Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto
ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat
kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong
Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na
maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan
kapag naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araway
inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagangkabayo
at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabangpaglalakbay.Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng
matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang
pasang gamit.
" Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa
sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.
" Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisanmo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."
Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala
ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog
kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan
ko
," pakiusap pa rin ng kalabaw.
" Bahala ka sa buhay mo
," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi
ang init ng araw. Hindinagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng
kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang makita ng magsasaka ang nagyari
ay kinuha niya ang lahat nggamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo
na bahagya namangmakalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang
mga dalahin.
" Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging
ganitokabigat ang pasan ko ngayon
," may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.
Aral:
Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung
hindimo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat
nakaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan

You might also like