You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III,Sangay ng Pampanga


Dibisyon ng Pampanga
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO GRADE 9
Pangkalahatang Panuto:Basahin ang mga akda/aytem at sagutin ang mga
tanong.Itiman ang bilog ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1.Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr.
Jose Rizal mula sa angkan ng mga Tsino na ang apelyidong pinagmulan ay ___
a.Alonso
b.Lamco
c.Realonda
d.Tan
2.Pinalitan ng Mercadoang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni
Gobernador Narciso Claveria na nag-aatas na gamitin ng lahat ang mga
apelyidong Espanyol noong 1849.Ang Mercado ay nangangahulugang____
a.palengke
b.pera
c.talino
d.yaman
3. Samantalang ang apelyidong Rizal ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang
pamilya sa bisa rin ng kautusan ni Gobernador Claveria noong 1849 na
nangangahulugan namang____
a.
b.
c.
d.

katalinuan
luntiang bukid
pagsasaka
palengke

4. Isang obra maestrani Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang
Latin na nangangahulugang___
a.Huwag Mo Akong Apihin
b.Huwag Mo Akong Galitin
c.Huwag Mo Akong Linlangin
d. Huwag MoAkong Salingin
5.Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog?
a. Alejandro G.Abadilla
b.Lope K.Santos
c.Pascual Poblete
d.Virgilio Almario
6.Ang Noli Me Tangere ay isang halimbawa ng nobelang___
a.pampamilya
b.pampolitika
c.panlipunan
d. panrelihiyon
7.Iniaalay ito ni Rizal sa
a.GOMBURZA
b. Inang Bayan
c. kasintahan Inang Bayan
d.pamilya
8.Naging instrumento ang aklat na ito upang makabuo ang mga Pilipino ng___
a.samahan ng maghihimagsik
b.pagkakaisa ng mga Pilipino
c.pagkakapatiran
d.pambansang pagkakakilanlan

9.Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me


Tangere?

a.Doctor Zhivago
b.Les Misarables
c.The Pathfinder
d.Uncle Toms Cabin
10.Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging dahilan upang maipalimbag
ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin noong Marso 1887?
a.pagbibigay ni Maximo Viola ng pera
b.pagpapadala ng pera ng ama
c.pagpapautang ng tagapaglimbag
d.pagtulong ni Retana
11.Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng isang nobela?
a.kawili-wili at maaksyon
b.mahabang tuluyang salaysay na hinati sa bawat kabanata
c.may mga tauhan at tagpuan
d.may simula at katapusan
12.Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa
kanyang buhay.Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa kanyang kapatid na si
Paciano na madalas niyang hingan ng payo?
a.Don Rafael Ibarra
b.Kapitan Tiyago
c.Pilosopo Tasyo
d.Tinyente Guevarra
13.Tagapaghatid po ako ng mithiin ng mga sawimpalad. Sino sa mga
tauhan sa Noli Me Tangere ang nagwika nito?
a.Basilio
b.Elias
c.Pilosopo Tasyo
d.Tinyente Guevarra
Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing na hulog ng
langit.Siya ay pandakkayumangging kaligatan at may katabaan.Siya ay
tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang.Maitim ang buhok.kung hindi
lang nananabako at ngumanganga,maituturing na siya ay isang
magandang lalaki.
Sadyang tanyag at itinuturing napinakamayaman sa bayan ng
Binundok si Kapitan Tiyago.Isa rin siyang kilalang asendero sa mga lugar
sa Pampanga,Laguna at lalo na sa San Diego. Malaki rin ang kinikita niya
sa paglalagom ng apyan na kung saan kasosyo niya ang mga Tsino.Hindi
kataka-taka na para siyang lobong hinihipan sa pagpintog ng kanyang
yaman.
14.Ang binasa sa itaas ay isang halimbawa ng tekstong___
a.naglalahad
b.naglalarawan
c.nagsasalaysay
d.nangangatwiran
15.Alin sa mga sumusunod ang pinaangkop na kahulugan ng pariralang hulog ng
langitna ginamit sa teksto?
a.kapalarang hindi inaasahan
b.kapuri-puring pag-uugali
c.kayamanang bigay ng Diyos
d.mga likas na katangian
16.Siya ay pandak,kayumangging kaligatan at may katabaan.Sa paglalarawang ito
kay Kapitan Tiyago. Alin sa mga epektibong paraan ng paglalarawan ang
ginamit?
a.paggamit ng mga idyoma
b.paggamit ng mga pandamdam
c.paggamit ng mga tayutay
d.paggamit ng tiyak na pangngalan at pandiwa

17.Alin sa mga sumusunod na pang-uri sa unang talata sa itaas ang ginamitan ng


tiyak at kongkretong detalye ?
a.35 taong gulang
b.maitim
c.kayumangging kaligatan
d.pandak
18.Sa pangungusap na Sadyang tanyag at kinikilalang pinakamayaman sa
Binundok si KapitanTiyago.Ang pang-uringtanyag ay nasa kayariang___
a.Inuulit
b.Maylapi
c.Payak
d.Tambalan
19.Samantalang ang pang-uringpinakamayaman ay nasa kaantasang___
a.Lantay
b.Katamtaman
c.Tambalan
d.Pinakamasidhi
20.Suriin ang nakasalungguhit na pangungusap sa huling talata ng teksto.Alin sa
mga tayutay ang
makikita rito?
a.pagmamalabis (hayperboli)
b.pagtutulad (simili)
c.pagwawangis (metaphor)
d.personipikasyon
Pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, darating ang
panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping
buntunghiningay magsisiklab.Ang bayan ay maniningil ng pautang at sa
gayoy isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayanPilosopo Tasyo
21.Layunin nang nagsasalita sa teksto ang magpahayag ng kanyang___
a.damdamin
b.opinyon
c.pangaral
d.payo
22.Alin sa mga sumusunod na salita sa teksto ang ginagamit sa pagpapatibay ng
opinyon ?
a.ang mga
b.darating
c.katunayan
d.kaya
23. Mamamatay akong hindi ko makikita ang ningning ng bukangliwayway,ani Elias.Ang
nakasalungguhit ay halimbawa ng mga salitang masining o matalinhaga na nasa
antas___
a.balbal
b.kolokyal
c.pambansa
d.pampanitikan
24.Paano ka na kung wala na ang ermat mo ? Ang ermat ay halimbawa ng salitang
___
a.balbal
b.kolokyal
c.lalawiganin
d.pampanitikan
25.Meron ka bang dalang yosi para sa mga dabarkads na naghihintay sa haybol
natin? Alin sa mga
salitang ginamit sa pangungusap ang nasa antas kolokyal?
a.dabarkads
b.haybol
c.meron
d.yosi
26. Ikinagagalak kong makita muli ang dating kura paroko ng bayan ng
San Diego at kaibigang
matalik ng aking ama. Anong damdamin ang ipinahahayag ng pangungusap na
ito?
a.kalungkutan
b.kasiyahan

c.pag-ayaw
d.pagkainis

27.Suriin ang mga sumusunod na pahayag.Tukuyin alin ang nagpapahayag ng


damdamin.
a.Ang kurang nagparatang ay inilipat lamang sa ibang lugar.
b.Inilahad ni Elias ang mga kahilingan ng mga sawimpalad kay Ibarra.
c.Karumal-dumal ang sinapit ng aking mga anak!
d.Nagkasakit si Ma.Clara sa nangyaring sigalot nina Ibarra at Padre Damaso.
28. Mabuti..huwag mong kalimutang ipagbukod mo ako ng piso. Naluha na
lamang si Sisa.Nang maalala ang mga anak agad siyang nagsaing muli at inihaw
ang tatlo pang tuyong tawilis na nalabi.
Ano ang katangian ng tauhan ang ipinahihiwatig sa pahayag?
a.mahirap
b.mapagmahal
c.masipag
d.matiisin
Naghandog ng isang salu-salo si Kapitan Tiyago sa pagdating ni
Crisostomo Ibarra na nag-aral ng pitong taon sa Europa.Nang ipakilala ng
kapitan ang binata sa panauhin,nagalak ang lahat maliban kay Padre
Damaso na hindi nakaimik at namutla pagkakita sa binata.Tumangging
makipagkamay ang kura at ikinaila nito na kaibigan niya ang yumaong
amang si Don Rafael Ibarra.
29.Ano ang paksa ng tekstong binasa?
a.pag-aaral ni Ibarra sa Europa
b.pagdating ni Crisostomo Ibarra
c.pagtatagpo ni Ibarra at Padre Damaso
d.Si Kapitan Tiyago
30.Bakit si Kapitan Tiyago ang naghandog ng salu-salo para sa pagdating ni Ibarra?
a.dahil kaibigan niya ang ama ni Ibarra
b.dahil kaibigan niya si Ibarra
c.dahil kamag-aral niya si Ibarra sa Europa
d.dahil may gusto siyang hingin kay Ibarra
31.Ano ang ipinahihiwatig ng reaksyon ni Padre Damaso kay Ibarra?
a.hindi kilala ni Padre Damaso si Ibarra
b.hindi gusto ni Padre Damaso si Ibarra
c.natutuwa si Padre Damaso kay Ibarra
d.takot si Padre Damaso kay Ibarra
32.Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at
pilibustero,ang kwento ni Tinyente Guevarra kay Crisostomo.Alin ang
kahulugan ng salitang erehe?
a.isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan
b.isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
c.isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
d.isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias. Sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya
ang sugo ng mga sawimpalad.Inilahad niya nang walang pag-aalinlangan ang
mga kahilingan ng mga sawimpalad sa binata.
33.Sino sa mga sumusunod ang kinakatawan ng tauhang si Elias sa Noli Me
Tangere?
a.mga edukadong taong Pilipinong nagnanais na matamo ang mga
pagbabago sa kolonya
b.mga katutubong naninilbihan sa mga Espanyol upang mabuhay nang
matiwasay
c.mga may-ari ng malalaking lupaing nakinabang sa pamahalaan
d.mga pangkaraniwang taong nakaranas ng mga pang-aabuso sa kamay ng
mga Espanyol
34.Ang mga sumusunod ay mga kahilingan ng mga sawimpalad na inilahad ni Elias
maliban sa:
a.humihingi sila ng makaamang pagtangkilik ng gobyerno gaya ng ganap na
pagbabago sa mga
prayle at kawal sandatahan sa paglalapat ng katarungan at saibang pangangasiwa
ng

gobyerno
b.pagbabawas sa lakas at kapangyarihan taglay ng mga sibil
c.pagkakaloob ng kaunting dignidad sa pagkatao ng mga tao
d.pagkakaroon ng representasyon ng mga sawimpalad sa pamahalaang
kastila
35.Matuto kang yumuko sa mga maykapangyarihan.Ngunit hindi lahat ng
sasabihin nila ay iyong susundin.Sino ang mga makapangyarihansa
bayan ang tinutukoy ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra?
a.alkalde
b.alperes at kura
c.Don Rafael Ibarra
d.Kapitan Tiyago

36. Sino ang pinakamataas na pinuno ng kolonya batay sa nobelang Noli Me


Tangere?
a.Alperes
b.Cabeza de barangay
c.Kapitan Heneral
d.Prayle
Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa
aking bayan!Kayong makakakita,salubungin ninyo ito,at huwag kalimutan
ang mga nangabulid sa dilim ng gabi.
37.Sa siniping pahayag na ito,ano ang tinutukoy na bukang-liwayway?
a.kalayaan
b.pagbabago
c.paglago
d.umaga
38. Ang mga nangabulid sa gabi ng dilim ay tumutukoy sa mga___
a.bayani
b.kabataan
c.ninuno
d.pinuno
Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukhat
may pakitang giliw,lalong pag-ingatat kaaway na lihim---Pilosopo Tasyo.
39. Ang masayang mukha ay sumisimbolo sa___
a.naghahambog
b.nagpapahanga
c.nagpapanggap
d.nagpapasaya
40.Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa?
a.pagkakakulong ng dalawang anak
b.pagkamatay ni Crispin
c.pagkawala ng dalawang anak
d.pagpaparusa kay Basilio
41.Wala sa sariling napatindig ang binata nang marinig ang salitang ama
at kulungan. Nilapitan nito ang kura, sinuntok at idinikit sa leegang
nadampot na kutsilyo.Akmang sasaksakin ang kura kung hindi
langpumagitna at nakiusap si Ma.Clara.Aling bahagi ng banghay ng nobela
ang tagpong ito?(kabanata 34-Ang Pananghalian )
a.panimula
b.tumitinding galaw
c.kasukdulan
d.wakas
42.Ang uri ng tunggalian ginamit sa sa bahaging ito ng nobela ay___
a.tao vs. kalikasan
b.tao vs. lipunan
c.tao vs.sarili
d.tao vs.tao
43.Alin sa mga kabanata ang maituturing na panimulang pangyayari ng banghay ng
nobelang Noli Me Tangere?

a.Paghahadog ng Salu-salo ni Kapitan Tiyago


b.Pagdating ni Crisostomo Ibarra
c.Pag-uulayaw sa Asotea ng magkasintahan
d.Pag-uwi ni Ibarra sa San Diego upang dalawin ang puntod ng ama
44.Si Donya Agustin Medel de Coca-isang mayamang nagmamay-ari ng Teatro
Zorilla at mga lupain,ayaw niyang tanggapin ang kanyang pagka-Pilipina.Tukuyin
kung sino sa mga tauhan sa Noli Me Tangere ang kumakatawan dito.
a.Donya Consolacion
b.Donya Pia Alba
c.Donya Victorina
d.Tiya Isabel

45.Sino naman sa mga tauhan ng nobela ang kumakatawan kay Kapitan Hilario
Sunico-isang Pilipino na nagpasakop sa mga Espanyol , sunud-sunuran at walang
sariling desisyon?
a.Alperes
b.Kapitan Heneral
c.Kapitan Tiyago
d.Tinyente Guevarra
46. Ialok mo ngayon sa kanya ang ibang katipan!Akala mo bay
nagpapalit ang iyong anak ng mga katipan na gaya lamang ng
pagpapalit ng damit. Mula sa binasang pahayag, tukuyinkung sino ang
nagsabi nito at kanino ito sinabi.
a.Crisostomo Ibarra kay Kapitan Tiyago
b.Padre Damaso kay Kapitan Tiyago
c.Padre Salvi kay Padre Damaso
d.Tiya Isabel kay Kapitan Tiyago
(47-50) Tukuyin kung sinong tauhan ang nagwika ng sumusunod na pahayag:
a.Basilio
b.Elias
c.Pilosopo Tasyo
d.Tinyente Guevarra
47. Tagapaghatid po ako ng mithiin ng mga sawimpalad.
48. Makikiusap po ako kay Don Crisostomo Ibarra na gawin akong
tagapastol ng kanyang mga hayop
at hihingi po ako ng kapirasong lupa upang sakahin.
49. Para sa akin ang pagpipyesta ay walang kawawaang paglustay ng
salapi.
50. Ikinagagalak kong makilala ang anak ng itinuturing kong
pinkamarangal na tao sa bayan ng San
Diego.
`

You might also like